You are on page 1of 25

Kahulugan At

Kahalagahan Ng
Pagbasa
Inihanda ni:
ERIC E. DAGUIL
Guro
Pagnilayan Natin

“Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang


libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang
mabuhay.”(Gustave Flaubert)
Ano ang pagbasa?

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng


kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay
isang kompleks na kasanayan na nangangailangan
ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na
pinagmumulan ng impormasyon.
Pag-aralan natin!

Kaalamang Pag-aaral ng
Katatasan
Ponemiko Ponolohiya

Bokabularyo Komprehensyon
Ayon kina Wixson et al. (1987), tinukoy nila ang ang
pagbasa bilang isang proseso ng pagbuo ng
kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon ng: 1)
imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa; 2)
impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at 3)
konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong
proseso ng pagtuklas sa kahulugan. Ang proseso ng
pagbasa ay nangangailangan ng patuloy na
pagsasanay, pagpapaunlad, at pagpipino ng
kasanayan.
 Ayon kay William Gray (sa Bernales, et al.,2001),
may APAT NA HAKBANG SA PAGBASA:
A. Persepsyon.
- ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag
na simbolo at maging sa pagbigkas nang wasto sa
mga simbulong nababasa.
B. Komprehensyon.
- pagpoproseso ito ng mga impormasyon o
kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag
na binasa. Ang pagpoprosesong ito ay nagaganap sa
isipan. Ang pag-unawa sa tekstong binabasa ay
nagaganap sa hakbang na ito.
C. Reaksyon.
- sa hakbang na ito , hinahatulan o
pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
D. Asimilasyon.
- sa hakbang na ito, isinasama at iniuugnay ang
kaalamang nabasa sa mga dating nang kaalaman
at/ o karanasan.

➢ Upang mailawan pa nang higit ang prosesong ito,


pansinin natin ang ilan sa mga paglalarawan sa
pagbasa na inilahad ni Badayos (2000):
a. Ang pagbasa ay walang kahingiang imposible
para hindi ito maisagawa ng isang mambabasa.
b. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip. Utak ang
ginagamit sa pagbasa at hindi ang mga mata na
tagahatid lamang ng mga imahen o mensahe sa utak.
Sa mga bulag, pandama ang pumapalit sa mata nang
ang mga imaheng mula sa braille na kanilang
binabasa ay makarating sa utak upang maiproseso.
c. Ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na
mambabasa. Sa pagbabasa, ang isang mambabasa ay
nakagagawa ng interaksyon sa awtor, sa teksto at sa
kanyang sarili mismo.
D. Maraming iba’t ibang hadlang sa pag-unawa, bukod
pa sa mga hadlang sa pagbasa.
a) Teoryang Bottom-Up
- ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa. Bunga ito
ng impluwensya ng teoryang behaviorist na higit na
nagbibigay-pokus sa kapaligiran sa paglinang ng
komprehensyon sa pagbasa.
- ang proseso ng pag-unawa, ayon sa prosesong ito, ay
nagsisimula sa teksto(bottom) patungo sa mambabasa(up).
b) Teoryang Top-Down
- napatunayan ng maraming dalubhasa na
ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa
teksto kundi sa mkambabasa(up) tungo sa
teksto(down).

- tinatawag din itong teoryang inside-out o


conceptually-driven dahil ang kahulugan o
impormasyon ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa teksto.
c) Teoryang Interaktib
- ayon sa teoryang ito, ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor
at sa pag-unawa nito, ang isang m ambabasa
ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika
at mga sariling konsepto o kaisipan.Dito
nagaganap ang interaksyong awtor-
mambabasa at mambabasap-awtor. Ang
interaksyon, kung gayon, ay may dalawang
direksyon o bi-directional.
d) Teoryang Iskima
- bawat bagong impormnasyong nakukuha sa
pagbasa ay naidaragdag sa dati nang iskima,
ayon sa teoryang ito.
Intensibo at Ekstensibong
Pagbasa
Ano ang Intensibong Pagbasa?
Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994) na ang
intensibong pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang
gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa
estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan,
implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda.
Ayon naman kina Long at Richards (1987) ang
intensibong pagbasa ay detalyadong pagsusuri ng
isang teksto na tinatawag ding “narrow reading” ang
intensibong pagbasa sapagkat piling babasahin lamang
hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng
mambabasa o kaya ay iba’t iba ngunit magkakaugnay
na paksa ng iisang manunulat.
Ano ang Extensibong Pagbasa?
Ayon pa rin kay Brown (1994), ang ekstensibong
pagbasa ay isinasagawa upang makakuha ng
pangkalahatang pag-unawa sa maramihang
bilang ng teksto.
Dagdag pa nina Long at Richards (1987),
nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag
ang isang mambabasa ay nagbabasa ng
maramihang babasahin na ayon sa kaniyang
interes, mga babasahing kadalasang hindi
kahingian sa loob ng klase.
Layunin ng ekstensibong pagbasa na maunawaan
ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang
mga ispesipikong detalye na nakapaloob dito.
Kung sa simula ay layunin ng mambabasa sa
ganitong uri ng teksto ang malibang, maaaring
palalimin nito ang hilig at interes niya sa pagbasa.
Scanning at Skimming
na Pagbasa
Ano ang scanning na pagbasa?
Ang scanning ay mabilisang
pagbasa ng isang teksto na ang
pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinatakda bago
bumasa.
Ano ang skimming na pagbasa?
Ang skimming naman ay mabilisang
pagbasa na ang layunin ay alamin ang
kahulugan ng kabuuang teksto, kung
paano inorganisa ang mga ideya o
kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
ang pananaw at layunin ng manunulat.
Mas kompleks ang skimming kaysa
scanning dahil nangangailangan ito ng
mabilisang paraan ng organisasyon at
pag-alala sa panig ng mambabasa upang
maunawaan ang kabuuang teksto at hindi
lamang upang matagpuan ang isang tiyak
na impormasyon sa loob nito.
Dito nagtatapos ang ating
aralin. Maraming Salamat!
SANGGUNIAN:
De Laza at Batnag (2016) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Rex Book Store.

https://www.slideshare.net/RochelleNato/antas-ng-pagbasa

https://www.academia.edu/29282165/Kahulugan_At_Kahalagahan_Ng
_Pagbasa_Autosaved_

You might also like