sensitibidad ng mga Pilipino ay dahil sa kawalan ng kultura sa pagbabasa sa bansa.” - F. Sionil Jose, “Why we are shallow?” (Philippine Star, September 21, 2011) BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA
“ Huwag kang magbasa, gaya ng mga
bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.”
- Gustave Flaubert, 1857
• Mahalaga ang proseso ng asimilasyon sa anomang binabasa sa buhay ng isang tao. • Binibigyan tayo ng pagbasa ng iba’t ibang paraan kung paano uunawain at susuriin ang mundo. • Tinatangka nating baguhin ang realidad batay sa kung ano ang ideyal. Kahulugan ng Pagbasa @Anderson et al. (1985) Kaalamang Pag-aaral ng #BecomingANationOfReaders Ponetiko Ponolohiya
“ang pagbasa ay isang
proseso ng pagbuo ng Bokabularyo Katatasan kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto.” Komprehensyon Kahulugan ng Pagbasa Mahalaga ang imbak ng kaalaman (stock knowlegde). @Wixson et al. (1987) #NewDirectionsInStatewideReadingAssessment
Proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
interaksiyon ng: 1. Imbak o umiiral nang kaalaman mambabasa 2. Impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa 3. Konsteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa. Kahulugan ng Pagbasa Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at makabuo ng kahulugan.
1. Bottom-Up Process 2. Top-Down Process 3. Interactive Process 4. Schema
• Hindi sapat ang pagpapakahulugan sa pagbasa bilang simplistikong
pagsasalin ng nakalathalang simbolo sa pasalitang anyo. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Dalawang pangkalahatang kategorya ang panunuring pagbasa: INTENSIBO EKSTENSIBONG
INTENSIBO PAGBASA ay may kinalaman sa masinsin at malalim na pagbasa ng
isang tiyak na teksto
EKSTENSIBO PAGBASA ay may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maraming
materyales Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Ipinaliwanag ni Douglas Brown (1994) sa kaniyang aklat na Teaching by Principles: An Interactive Approach to Language Pedagogy na ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandiskurso at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda. Inilarawan niya ang intensibong pagbasa bilang isang gawaing gumagamit ng estratehiyang zoom lens o ng malapitan at malalimang pagbasa sa isang akda. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Ayon naman kina Long at Richards (1987) sa kanilang aklat na Methodology in TESOL: A Book of Readings: Detalyadong pagsusuri ng isang teksto “narrow reading” Piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa o kaya ay iba’t iba ngunit magkakaugnay na paksa ng iisang manunulat. Intensibo at Ekstensibong Pagbasa Ayon pa rin kay Brown (1994), ang ekstensibong pagbasa ay isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto. Dagdag pa nina Long at Richards (1987), nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes. Scanning at Skimming na Pagbasa Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon. Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin, ibig sabihin, may paunang pag- alam o pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian. Scanning at Skimming na Pagbasa Ang skimming naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Mas kompleks ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito. ∙ Bakit kailangan ng ∙ Anong mga ∙ Masasabi mo bang kasanayan sa dahilan kung bakit malaki ang tulong pagbasa? kailangan nating ng pagbasa sa sumuri ng mga ating teksto? debelopmental na pag-iisip? Ipaliwanag. Sa modernong panahon, samu’t saring balita ang naglabasan sa internet. Bilang isang netizen, ano ang hakbang na gagawin mo upang masuri ang mga ganitong klaseng balita?