You are on page 1of 3

Mapanuring Pagbasa

- Ang mapanuring pagbasa ay ang pagsisiyasat ng isang tekstong babasahin. Mahala ang
bagay na itoang tamang uri ng tekstong babasahin.Kailangan rin ito ngayon dahil may
mga bagay na kumakalat na sa ating panahon katulad na lamangpaano mo
mapapatunayan na tama ang mga sagot na nakuha mo sa internet. Sa ganitong
paraankinakailangan ang mapanuring pagbasa upang mapadali na nating madefine kung
ito ba ay maykatotohanan ba o wala.Mapanuring pagbasa ay isang pagbabasa na sinusuri
ang mga lingwistikang ginagamit ng makata sasariling akda. Mapanuring pagiisip ay ang
pagsusuri ng panitikan kung ano ang mga nilalaman ngpanitikan: banghay, elemento at
mga katangian pa ng mga tauhan. Mapanuring mambabasa aypagsusuri sa panitikang
nabasa kung ano ang mga teoryang pampanitikan ang napapaloob dito. Kungnaaapektuhan
ba ang damdamin ng mambabasa at ang natutunan sa binasa.
Intensibong Pagbasa

- Kinapapalooban ng malalimangpagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay,estruktura, at uri ng


diskurso sa loob ngteksto, pagtukoy sa mahahalagangbokabularyong ginamit ng
manunulat,at paulit-ulit at maingat na paghahanapng kahulugan. Sa ganitong uri ng
pagbasa,nakatutulong ang pagbabalangkas opaggawa ng larawang konseptuwalupang lubos
na maunawaan ng mag-aaral ang isang teksto.
Ekstensibong Pagbasa
- Ayon kina Long at Richards (1987),nagaganap ang ekstensibong pagbabasakapag ang
isang mambabasa ay nagbabasang maramihang babasahin na ayon sakaniyang interes,
mga babasahingkadalasang hindi kahingian sa loob ng klaseo itinatakda sa anomang
asignatura.•Kadalasan, ang layunin ng mambabasa saganitong uri ng pagbasa ay upang
makuhalamang ang “gist” o pinaka-esensya atkahulugan ng binasa na hindi
pinagtutuunanng pansin ang mga salitang malabo o hindialam ang kahulugan.
Scanning
- Mabilisang pagbasa ng isang teksto na angpokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyonna itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban itong bilis at talas ng mata sa
paghahanaphanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak nakinakailangang
impormasyon.•Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan,petsa, simbolo, larawan,
o tiyak na sipi namakatutulong sa iyo, scanning ang angkop naparaan ng pagbasa na
dapat gamitin.

Skimming
- Mas kompleks ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang
paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang
kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa
loob nito.
Paraphrase
- Ang paraphrase ay batay sa malayang pagsalin ng isang teksto na hindi umaangkop sa
orihinal na eksaktong upang mapadali ang isang mas mahusay na pag-unawa. Ang
pangunahing katangian ng paraphrase ay ang paggamit ng sariling wika ng indibidwal,
batay ito sa paggamit ng mga simpleng salita, upang makamit ang isang mas mahusay na
pag-unawa sa orihinal na teksto, din, ang sariling opinyon o komento ng mambabasa ay
idinagdag na nagpapalawak ng teksto orihinal.
Abstrak
- Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang introduksiyon.
Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel. Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na
karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng
pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.
Rebyu
- Ang rebyu ay isang paraan ng pagpapahalaga,pagtitimbang, at pagpapasiya sa isang akda
olikhang sining.Isang halimbawa ng mgaakdang ginagawan ng rebyu ay
pelikula,lawarang panitikan, at mga pangyayaringpampolitikal.

Ano ang metakognitiv na pagbasa?

- Ang metakognitibo o metacognitive, ay galingsa salitang ugat na ‘cognition’. Ang ibig


sabihinng cognition ay, ang kakayahan ng ating utak okaisipan na kumuha ng kaalaman at
maunawaanang impormasyon sa pamamagitan ng masusingpag-iisip, pagsisiyasat sa
pamamagitan ng mgatanong, paglalagay ng sarili sa binabasa,paguugnay ng mga
karanasan, at iba pa.

Ano ang estratehiya sa metakognitiv na pagbasa? Ipaliwanag.

- Alam ng mambabasa ang kaniyang mga gawain bago bumasa, habang bumabasa at
pagkatapos bumasa. Iestablis ang layunin sa pagbasa Imodifay ang pagbasa dahil sa
varyasyon ng layunin Tukuyin ang mahalagang ideya Paganahin ang dating kaalaman
Ievalweytin ang teksto para sa kalinawan, kasapatan at konsistensi Ikompenseyt ang
kahinaan sa pag unawa ng teksto Iases ang lebel ng komprehensyon.

Ano-ano ang koneksyong pagbasa at pagsulat?


- Ang pagbasa at pagsulat ay magkaugnay. Ang pagbigkas ay ang una natututuhan ng
isang bata. Mula sa pagkatutomng bumasa ay isinusunod ang pagsulat. Napakahalaga na
matutuhan ang pagbasa at pagsulat dahil ito ay magkaugnay. Kailangan mo ito sa sa
iyong pang araw-araw na pamumuhay at nakakapagligtas pa nga ito ng buhay mo at ng
iba.

Paano ang pagkatuto mula sa pagbasa?

- Ang papel ng pagbasa sa pagkatuto ay ang kakayahan sa paggamitng wika o pagkilala sa


mga simbolo o letra na ginagamit sa isang salita. Ang 14pagkatuto na bumasa ay ang
kasangkapan ng tao sa buhay, samakatuwid,tanda ito ng pag-unlad ng isang tao.
Masasabing ang pagkatuto na bumasaay isang mahalagang biyaya na ipinagkaloob ng
Diyos sa bawat nilalang samundo (Marquez at Garcia, 2011). Kung kaya, apakahalaga
para sa mgamag-aaral sa lahat ng antas mula elementarya hanggang kolehiyo
namaunawaan ang pagbasa sa ilang layunin.

Ano-ano ang mga faktor na nakakaapekto sa pagbasa?


- Kalagayan ng Pag-iisip Ang mababang kaisipan ay sagabal sa mabisang pagbasa.
Maaring pagmulan ito ng kabiguang mag-ugnay ng mga sagisag sa mga salitang
ginagamit ng may-akda at ng kawalan ng kakayahang tumugon sa mga bagay na bagasa
at mahinag pagsasaulo ng mga bagay na nakita. 2. Pagbasa nang walang direksyon
Kailangang maunawaan ng isang tao kung bakit siya bumabasa. Ano ang layunin niya sa
pagbasa? Bumabasa ba siya ng pahayagan upang malaman lamang ang mga balita sa
kasalukuyan? Bumabasa ba siya ngmga aklat sapagkat kinakailangan sa kanyang
pagpasok sa paalaran? 11. 3. Pagbasa ng mga babasahin at mga aklat na para bang
magkatulad ang kanilang pagkakasulat Mahalagang unawain ang nilalaman, ang bawat
pangngalan, pang-uri, pandiwa, at pang-abay. Mahalagangmahalaga sa isang bumabasa
ang lubos na kaalaman sa iba’t ibang bahagi ng pananalita. Huwag basahin nang
minsanan lamang, manapa’y ulit-ulitin. 4. Kawalan ng wastong pamama raan sa pagbasa
batay sa layunin Unahin muna ang madadali bago tunguhin ang mahihirap . Katulad
halimbawa ng mga aklat. Sagutin muna ang mga katanungang madadali.

You might also like