You are on page 1of 5

1/14/23, 12:07 PM 222 - Filipino 2: 01A Lesson Proper for Week 1

Ano ba ng Pagbasa?
         Ang pagbasa ay nagtataglay ng maraming kahulugan, depende sa sitwasyon. Iba-iba ang pagpapakahulugan
nito batay sa mga manunulat at dalubhasa bagamat iisa ang kaisipang nakapaloob dito. Narito ang ilan:

         Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na
simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng
pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa
isang indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa kanyang
kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.

         Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at
malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa iba pang makrong
kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang
makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng
disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita
at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.

         Batay sa maraming pananaliksik, ang pagbasa ay isang kompleks na gawaing pangwika at pangkaisipan na
kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto. Ipinaliwanag ni Johnston (1990) na ito’y
isang kompleks o masalimuot na gawaing nangangailangan ng konsyus at di-konsyus na paggamit ng mga
estratehiya o kasanayan gaya ng paglutas ng suliranin upang makabuo ng kahulugang ninanais ipahatid ng awtor.
Bilang isang kompleks na prosesong pangkaisipan, ang mambabasa ay aktibong nagpaplano, nagdedesisyon at
nag-uugnay ng mga kasanayan at estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.

         Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng anumang
wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anumang binabasa natin ay maaaring isulat at ang
anumang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto
sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.

         Ayon naman kay Baltazar (1977), ang pagbasa ay kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t
ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa
pagbasa.

         Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may malaking posibilidad na maipasa niya ang mga pagsusulit na
ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa sapagkat sa kanyang pagbabasa mas nadaragdagan ang
kanyang kaalaman, lumalawak ang talasalitaan at mga karanasan. Mas nahahasa ang kaisipan ng estudyanteng
palabasa na umunawa nang mas malalalim na ideya, mga argumentong pangangatwiran at nababatid ang
implikasyon ng kanyang binabasa. Sa ganitong paraan, masasabing ang pagbasa ay isang masalimuot na proseso
sapagkat nasasangkot dito ang maraming kasanayan.

         Sa pamamagitan ng pagbabasa, nakatutuklas ng maraming kaalaman at karunungan tutugon sa kanyang


pangangailangang pangkabatiran sa iba’t ibang disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya, at iba pa. Higit sa
lahat, mahalaga ang pagbasa sa isang tao para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon gawa ng mga
makabagong teknolohiyang nagsusulputan ngayon.

Mga Teorya sa Pagbasa


Ano ang teorya sa pagbasa?
         Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at
salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa
mga ito (Singer at Ruddell, 1985).

         Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-unawa sa
proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa konsepto ng
pagbasa.

         Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan ang
mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A) teoryang itaas-pababa (top-
down), (B) teoryang ibaba-pataas (bottom-up), (C) teoryang interaktibo, at (D) teoryang iskema.
https://electroncollege.elearningcommons.com/mod/page/view.php?id=107251&forceview=1 1/5
1/14/23, 12:07 PM 222 - Filipino 2: 01A Lesson Proper for Week 1

Uri ng Pagbasa ayon sa Pamamaraan


1.  ISKANING
         Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad
ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan
pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan,
halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng
winning number ng lotto.

         Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa
aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na
pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa
partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa
pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang taong
nais makausap.

2.  ISKIMING
         Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y
pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring
makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.

         Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagawa ng isang tao. Ang
gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at
paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi
kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.

3.  PREVIEWING
         Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad magbabasa sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at
ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-
unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:
a.  Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.
b.  Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c.  Pagbasa sa una at huling talata.
d.  Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e.  Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
f.  Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

4.  KASWAL
          Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o
pampalipas ng oras.

5.  PAGBASANG PANG-IMPORMASYON


          Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung
may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot
ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.

6.  MATIIM NA PAGBASA


          Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa para
matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.

7.  RE-READING O MULING PAGBASA


          Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o pagkakabuo
ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng
materyal na binasa.

8.  PAGTATALA
          Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng
impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa
https://electroncollege.elearningcommons.com/mod/page/view.php?id=107251&forceview=1 2/5
binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
1/14/23, 12:07 PM 222 - Filipino 2: 01A Lesson Proper for Week 1

Mga Uri ng Teksto:


Tekstong impormatibo/ekspositori
          Ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano, kailan, saan, sino at paano.
Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay
na daigdig. Naglalahad ito ng mga kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay
sa mga tunay na pangyayari, Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat
napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga
mahahalagang detalye at pagpapakahulugan ng impormasyon.

May iba't ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito:
1. Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng mga pangyayari at
kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa uring ito, ipinaliliwanag ng
manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nangyari ang
mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga)

2. Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba
at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay, konsepto o pangyayari.

3. Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino at konsepto.
Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng hayop, puno o kaya naman ay
mas abstraktong mga bagay gaya ng katarugan o pag-ibig.

4. Paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking paksa o
ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng pagtalakay. Nagsisimula ang
manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa
ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.

Tekstong Deskriptibo: Makulay na paglalarawan


          Layunin: Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon at iba pa.
          Deskripsiyon: Ang tekstong Deskriptibo ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng
mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at
maglarawan ng isang partikular na karanasan. Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng
mga mag-aaral ang masining na pagpapahayag.

Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo:


1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa.
2. Ito ay maaaring maging obhetibo o subhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na
gumamit ng iba't ibang tono at paraan sa paglalarawan.
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Ang
pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na
inilalarawan.

Tekstong Persuweysib: Paano kita mahihikayat


          Deskripsiyon: Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang 
mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat
magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. Sa halip ay gumagamit ang
manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri.

Ang isang tekstong persuweysib ay naglalaman ng:


1. Malalim na pananaliksik - kailangang alam ng isang manunulat
ang pasikot-sikot ng isyung tatalakayin 3/5
https://electroncollege.elearningcommons.com/mod/page/view.php?id=107251&forceview=1 sa
pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Ang paggamit ng mabibigat na ebidensiya at husay ng paglalahad
1/14/23, 12:07 PM 222 - Filipino 2: 01A Lesson Proper for Week 1

nito ang pinak-esensiya ng isang tekstong persuweysib.

2. Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa - kailangang mulat at maalam ang manunulat
ng tekstong persuweysib sa iba't ibang laganap na pesepsiyon at paniniwala tungkolsa isang isyu.

3. Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu - ito ay upang epektibong masagot ang laganap na
paniniwala ng mga mambabasa.

Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento


          Layunin: Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na 
pangyayari, totoo man o hindi. Layunin din nitong manlibang o magbigay-aliw sa mga mambabasa.
          Deskripsiyon: Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon 
(hal.: nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (hal.: biyograpiya, balita, maikling sanaysay). Maaaring ang
salaysay ay personal na karanasan ng nagkukuwento. Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay
na daigdig o pantasya lamang.

Mas malalim na halaga ng tekstong Naratibo:


          Ayon kay Patricia Melendre-Cruz (1994), kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang
siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat ang mahusay na panitikan para sa kaniya ay
kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at nagbibigay ng matalas na pagsusuri dito.

Iba't ibang elemento ng Naratibong teksto:


1. Paksa - kailangang mahalaga at nmakabuluhan.
2. Estruktura - Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento.
3. Oryentasyon - nakapaloob dito ang kaligiran ng tauhan, lunan at oras o panahon kung kailan nangyari ang
kuwento.
4. Pamamaraan ng Narasyon - kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo sa
unang bahagi upang maipakita ang setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng
pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy.

Mga iba't ibang paraan ng narasyon:


a.  diyalogo
b.  plot twist
c.  comic book death
d.  in media res
e.  foreshadowing
f.   ellipsis
g.  reverse chronology
h.  deux ex machina (God from the machine)

5. Komplikasyon o Tunggalian - ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o
pagbabago sa posisyon at disposisyong tauhan.
6. Resolusyon - ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaaring ito ay masaya o hindi batay sa
magiging kapalaran ng pangunahing tauhan.

Tekstong Argumentatibo: Ipaglaban ang Katuwiran


          Deskripsiyon: Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na
karanasan, kaugnay na maga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na
pananaliksik.

          Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong argumentatibo


https://electroncollege.elearningcommons.com/mod/page/view.php?id=107251&forceview=1 ng masusing imbestigasyon kabilang na ang
4/5
pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya.
1/14/23, 12:07 PM 222 - Filipino 2: 01A Lesson Proper for Week 1

Mga elemento ng Pangangatuwiran


1. Proposisyon- ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.
2. Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig.

Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng


mahusay na argumento.
Katangian at nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo:
1. Mahalaga at napapanahong paksa
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto.
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
5. May matibay na ebidensiya para sa argumento.

Tekstong Prosidyural: Alamin ang mga Hakbang


          Deskripsiyon: Ito ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon
kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
          Layunin: Layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa   mga
tao upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente at angkop na paraa.

Nilalaman: Ang tekstong Prosidyural ay may apat na nilalaman:


1. Layunin o target na awtput - nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahihinatnan ng proyekto
ng prosidyur. Maaaring ilarawan ang tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng isang uri ng
trabaho o ugaling inaaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay.
2. Kagamitan - Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin upang makompleto ang
isasagawang proyekto.
3. Metodo- serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon- naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na
isinagawa.

Katangian ng wikang madalas gamitin sa mga tekstong prosidyural:


1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa hindi sa iisang tao lamang
3. Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga
panghalip
4. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
5. Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay upang ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng teksto
6. Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon.

https://electroncollege.elearningcommons.com/mod/page/view.php?id=107251&forceview=1 5/5

You might also like