You are on page 1of 3

Ang pagbasa ay isang proseso o paraan ng pagkuha ng ideya, informasyon o kahulugan sa mga simbulong nakalimbag.

Ito ay nakakatulong rin sa ating kaalaman upang lumawak ang ating isipan. Ang pagbasa ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbulong naklimbag sa pahina. Itoy nakakatulong sa pagtuklas ng karunungan sa ibat ibang larangan. Naghahasa ito ng kaisipan ng tao, nakapagdaragdag ng kaalaman, nagpapalawak ng pananaw, nagbibigay ng kasiyahan at nagbubukas din ito ng daan upang matuto sa ibat ibang disiplina tulad ng kasaysayan, matematika at iba pa. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas ng pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pag-tataya ng mga simbolong nakalimbag. Ang pagbasa ay humuhubog ng pag-iisip Ang pagbasa ay bahagi ng komunikasyon. Ito ay haluang pag-unawa ng mga salita at ng diwang nais ipahayag ng nagsulat. Ayon kina Curry at Palmunen nababago ang paraan ng pagbasa sa kolehiyo. Hindi lamang nakatuon sa mga detalye kundi paano nagiging makatotohanan ang isang impormasyon. Ayon kay Villamin ang pagbasa ay isang susuing nagbubukas ng pintuan tungo sa pagtatamo ng kaalaman tungkol sa iba't ibang larangan bukod sa ito'y nagbibigay din ng kasiyahan. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagdedekowd ng mga salitang binubuo ng mga salitang nakalimbag. Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng mga konseptong inihatid ng mga nakalimbag na salita. Sa madaling sabi, ang pagbasa ay hindi lamang sumasaklaw sa kakayahang kumilala sa mga titik, salita at pangungusap kundi sumasaklaw din sa pag-unawa sa mensaheng nakapaloob sa teksto sa tulong ng dating kaalaman at karanasan ng bumabasa. Ang pagbasa ay walang iba kundi ang pagunawa. Kung hindi nauwaan ang binasa ay walang naganap na pagbasa.

IBAT IBANG PATERN O URI NG PAGBASA 1. ISKANING Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto. Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap. 2. ISKIMING Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kayay pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa. Ang skimming ay pinararang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon 3. PREVIEWING Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa.

APAT NA KAHULUGANG NAKAPALOOB SA TEXTO 1. Kahulugang Konseptwal ito ang pansariling kahulugan ng isang salita. Bawat salitang ginagamit sa texto ay may ibig sabihin. Maaaring maging payak o komplikado ang kahulugan ng salita. Ang konseptwal na kahulugan ng mga salita sa texto ang isang batayan ng iba pang mga kahulugan. 2. Kahulugang Proposisyunal ito ay ang pansariling kahulugan ng isang pangungusap. Ang mga pangungusap ay may kahulugang taglay kahit na hindi ginagamit sa isang kontexto. Nakatayo ito sa kanyang sarili. 3. Kahulugang Kontekstwal ito ay ang kahulugang taglay ng pangungusap kung nasa isang kalagayan o konteksto. Makukuha ang kahulugang kontextual batay sa ugnayan ng mga pangungusap sa texto. Makukuha rin ang kahulugan nito ayon sa paraan ng pagkakagamit ng awtor sa mga pangungusap. 4. Kahulugang Pragmatiko ito ang kahulugan ng pangungusap batay sa interaksyon ng awtor at ng mga mambabasa. Ang kahulugang ito ay naglalaman ng damdamin, saloobin, pananaw ng awtor na ipinararating sa mga mambabasa.

You might also like