You are on page 1of 3

1.

ISKANING

Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa


materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-
titles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang
ganitong pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan,
halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board
Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang
partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang
bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol
ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na
impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong
pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at
sa paghahanap ng numero ng isang taong nais makausap.

2. ISKIMING

Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o


impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap
sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng
term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa ng
isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga
pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya
nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa
kanya sa sandaling iyon.

MGA URI NG PAGBASA:

Ang pagbasa ay maaaring mauri batay sa layunin. ito ay maaaring


skimming o scanning.

1. ISKIMING
Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng
teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.

Mas kompleks ang ISKIMING kaysa iskanning dahil nangangailangan ito


ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa
upang maunawaan ang kabuuang tekso at hindi lamang upang matagpuan ang
isang tiyak na impormasyon sa loob nito.
Nangangailangan ng oras ang Iskiming dahil kailangan mong malaman
ang pangkalahatang kaisipan sa tekstong binabasa. Ginagamit ang iskiming
kapag may pangakalahatang tanong tungkol sa isang akda.

2. ISKANING
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang
ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa.

Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa


makita ng mambabasa ang tiyak na kailangang impormasyon.

Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo o tiyak na


sipi na makakatulong sa iyo, iskaning ang angkop na paraan ng pagbasa na
dapat gamitin.

Halimbawa: Paghahanap ng pangalan at numero sa phone directory, pangalan


ng pumasa sa board exam, pagbabasa ng pahayagan na tanging ang ulo ng
balita lamang ang tinitignan atpb.

Batay sa paraan, ang pagbasa ay maaring tahimik o pasalita.

 Tahimik: mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa.


 Pasalita: ginagamitan ng bibig, bukod sa mga mata kaya nagkakaroon ng tunog
ang pagbasa.

Mauuri rin ang pagbasa batay sa bilis o tulin.

 Study speed o bilis habang nag-aaral bumasa:


Ito ang pinakamabagal na pagbasa at ginagamit ito sa mahihirap na
seleksyon.

Halimbawa: Pag-unawa sa Panuto/ dokumento

 Matulin na pagbabasa:
Mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa batay sa
layunin ng bumabasa. Ito ang pinakamahalagang kasanayan ng isang ganap na
mambabasa.

3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri
muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong
paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa. May
iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay
binibigyan suri o ]basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad
halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras.

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON .
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng
pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may
pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang
takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang
kaalaman.

6. MATIIM NA PAGBASA.
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang
ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report,
riserts, at iba pa.

7. RE-READING O MULING PAGBASA.


Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng
mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling
pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng
materyal na binasa.

8. PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o
ideya bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng
marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa
binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

You might also like