Professional Documents
Culture Documents
Iba-iba ang mga nakasulat na teksto. Iba-iba rin ang genre ng bawat nakasulat na teksto. Sa
aklat nina Austero (2008) at Bernales (2007) ang mga hulwaran ng organisasyon ng teksto ay tulad ng
mga sumusunod:
1. Pagbibigay ng Depinisyon
Ito ang pinakakaraniwang hulwaran ng tekstong ekspositori. Pagpapaliwanag ito ng mga
kahulugan ng mga salita, konsepto at mga bagay. Isinasagawa ang pagbibigay ng depinisyon upang
magbigay-linaw, mag-ebalweyt, at maging sa pagdaragdag ng mga kamulatan. Ayon kina Funk (2003),
ang epektibong depinisyon ay kinapapalooban ng mga tiyak na katangian, halimbawa, pagtatambis at
pagsalungat. Ang pagbibigay ng depinisyon ay sa paraang kung paano ito nakikita at nauunawaan. Sa
pamamagitan nito ay nasasanay tayong paganahin at palawakin ang ating imahinasyon.
Ang pagbibigay ng depinisyon ay maaaring pormal at impormal. Ang pormal na depinisyon ay
mga depinisyon na nagmula sa diksyunaryo, mga taong nagbigay ng kanilang depinisyon na ating
kinikilala at mga depinisyon na matatagpuan sa ibat ibang limbagan. Ito ay tinatawag din na
katuturang maanyo na binubuo ng tatlong (3) bahagi: ang pananalita (salitang bibigyan ng kahulugan),
kaurian (pangkat na kinabibilangan ng pananalita), at ang kaibhan (ang katangian na ikinaiba ng
pananalita sa kanyang mga kauri).
Halimbawa:
Ang manok(pananalita) ay isang ibon(kaurian) na tumitilaok(kaibhan).
Ang FEU-East Asia College (pananalita) ay isang panteknolohiyang kolehiyo (kaurian) na
matatagpuan sa Morayta, Maynila (kaibhan).
Samantala, ang impormal na depinisyon na kilala sa Ingles na essay of definition ay tinatawag
din na sanaysay na pangkatuturan. Ito ay ginagamit kung nais na bigyan ng mas malawak na
pagpapaliwanag ang isang pananalita. Nagagawa ito sa pamamagitan ng ibat ibang paraan: 1.
Paggamit ng halimbawa, 2. Pagtutulad at paghahambing, 3. Sanhi at pinagmulan, 4. Paglalarawan, 5.
Paulit-ulit ngunit bagot bagong pagpapahayag, 6. Ibinubunga at kinahihinatnan.
2. Pag-iisa-isa o enumerasyon
Ang pag-iisa-isa o enumerasyon ay ang pagbibigay o paglilista ng mga ideya o impormasyon
tungkol sa pangunahing ideya. Ang pag-iisa-isa ay maaaring komplikado at simple. Ang
komplikadong pag-iisa-isa ay ang pagbibigay isa-isa ng mga detalye na kung saan ang mga temino
ay binibigyan ng kahulugan. Samantalang ang simpleng pag-iisa-isa ay ang pagbibigay isa-isa ng
mga detalye na hindi na kailangang ibigay ang kahulugan.
Komplikadong Pag-iisa-isa
Halimbawa:
Sa pahayag ni William S. Gray, ama ng pagbasa, ang apat (4) na hakbang ng pagbasa ay ang
mga sumusunod:
1. Persepsyon o pagkilala. Nakapaloob sa hakbang na ito ang kakayahan sa pagbibigkas ng
salita bilang isang makahulugang yunit at pagkilala sa mga naklimbag o nakasulat na simbolo.
2. Komperehensyon o pag-unawa. Nangangahulugang ito ng pag-unawa sa mga kaisipang
nais ipabatid ng may-akda sa kanyang naisulat. Nagagawa ito kung nauunawaan ang mga nakapaloob
na mensahe sa mga salita sa pangungusap, mga pangungusap sa talata at mga talata sa buong akda o
artikulo. Sa bagay na ito ay lilitaw ang isang larawang diwa.
3. Reaksyon. Sa hakbang na ito ay nagagawa ng mambabasa na humatol o magpasaya tungkol
sa kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa mga isinulat ng may-akda. Dalawang paraan ang
magagamit dito: Ang paraang intelektwal kung saan ang bumabasa ay magpapasya sa kawastuhan
at lohikal ng binabasa, ang ikalawa ay emosyunal kung saan ang bumabasa ay humahanga o hindi sa
estilo at nilalaman ng akdang nabasa.
Simpleng Pag-iisa-isa
Halimbawa:
Nalilinang sa loob ng apat na panahon o yugto sa pagbabasa ang kasanayan sa pagbasa: (1.) ang
kahandaan sa pagbasa, (2.) ang malawakang pagbasa. (3.) ang pagbasang debelopmental at (4.) ang
yugto para matutuong bumasa o yugto ng pagbasa para matuto.
3. Pagsusunod-sunod
Upang maging madali ang pag-unawa ng mambabasa sa anumang nakasulat na teksto,
mahalagang ikonsidera ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye o kayay pangyayari. Ang
pagsusunod-sunod ay tekstong ekspositori na kung saan ang manunulat ay nagnanais na mabigyan ng
impormasyon ang mga
mambabasa sa paraang nagpapakita ng mga hakbang. Mauuri ang
pagsusunod-sunod sa tatlo: kronolohikal, prosidyural, at sekwensyal.
a. Kronolohikal- pagkakasunod-sunod na kung saan makikita sa mga tekstong ang paksa ay
karaniwang tao o mga tiyak na bagay na inilalahad batay sa isang tiyak na baryabol gaya ng edad,
pinag-aralan, lokasyon, halaga, at iba pa.
b. Prosidyural- ginagamit ito kapag nagpapaliwanag o naglalarawan ng isang tiyak na proseso
upang magkaroon ng isang maayos na resulta. Angkop na halimbawa rito ang scientific methods sa
mga gawaing panlaboratoryo.
c. Sekwensyal- ginagamit ito kung naghahayag ng mga pangyayari o impormasyong may
kaugnayan sa isat isa tungo sa isang partikular na pangyayari. Dito kabilang ang balangkas ng
banghay (plot) ng isang maikling kwento: simula,tunggalian, kapanabikan, kasukdulan, kakalasan at
wakas.
4. Paghahambing at Pagkokontrast
Ang Paghahambing at Pagkokontrast ay may layuning ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng dalawa o higit pang tao, bagay, pook, pangyayari, ideya, uri ng trabaho, at iba pa. Ginagamit ang
paraang ito para magbigay-linaw, magpasya, at humikayat.
Ang Paghahambing ay tumutukoy sa pagkakatulad ng dalawang magkaibang tao, bagay pook,
pangyayari at iba pa samantalang ang Pagkokontrast ay tumutukoy sa pagkakaiba ng mga ito.
5. Problema at Solusyon
Ang problema ay tumutukoy sa mga sagabal sa buhay ng isang tao. At ang solusyon naman ay
ang mga kasagutan sa mga sagabal na ito. Ginagamit ang hulwarang ito upang maglahad ng isang
problema o suliranin at pagkatapos ay magtatala ng mga solusyon sa suliraning ito.
May mga nakasulat na teksto na sa simula pa lamang ay ipinakikilala na ang problema.
Karaniwang mababakas o makikita ito sa panimulang talata kung ang genre nito ay isang sanaysay. Sa
maiklin kwento, maaaring sa pagpapakilala pa lamang sa mga tauhan ay mababanaag na ang problema
at sa patuluyang pagtalakay sa pangyayari ay maaaring nahahawan ang sagabal. Maaaring mabigyang
solusyon ang problema sa pangwakas na talat. Maaari rin naming ang solusyon ay sa mga mambabasa
manggagaling kung hindi tiniyak ng sumulat ang wakas o iyong tinatawag na bitin ang wakas.
May mga sulating pang-akademiko rin na nagpapahayag ng problemang lulutasin tulad ng tisis,
pamanahong papel, riserts, at iba pa. na ang kinalabasan o resulta ng pag-aaral ang siyang magiging
solusyon sa problema.
Halimbawa:
Ang Paglalahad ng mga Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglayong maisagawa ang morfolohikal na pagsusuri sa mga likhangsalita na batid at ginagamit ng mga estudyante na nasa unang antas sa kolehiyo ng De La SalleCollege of Saint Benilde, Taft Avenue, Manila.
alam koalam ko, natanggap ko ang pagpapala ng Panginoon. Sapagkat ngayon, sa katayuan
ko ngayon, madaling-araw ng Hunyo 24, kay saya kong pinamamasdan mula dito sa tahanan ng Diyos
Ama, ng walang hanggang katiwasayan at kaligayahan, na tipanan ng mga kaluluwa, nakangiti akong
nakatunghay sa pagdiriwang ng aking mga kababaryo sa aking kakambalang kambal kong pagsa-San
Juan
(mula sa Pagsasataong-putik: Isang Pagsa-San Juan)
ni Joel S. Salvador
3. Pagkilatis sa Katotohanan at Opinyon
Ang Katotohanan ay mga pahayag mula sa pananaliksik o pag-aaral o pahayag ng mga
dalubhasa o mga taong may awtoridad sa isang partikular na paksa. Ito ay mga pahayag na tanggap ng
mga nakararaming tao. Opinyon naman kung ito ay base lamang sa sariling damdamin ng isang tao at
walang suportan pananaliksik o pag-aaral at ang ibang tao ay maaaring sumang-ayon o hindi sa
kanyang pahayag.
Halimbawa:
Paano kaya ipagtatanggol ng isang abogado ang kanyang kliyente kung hindi ito mabisa sa
kanyang pagsasalita? Paano mapagagaling ng isang doktor ang kanyang pasyente kung hindi
maipaliliwanag nang maayos ang kondisyon at reseta nito sa taong may sakit? Paano maituturo ng
isang guro sa kanyang estudyante ang leksyon kung hindi ito epektibo sa kanyang pagsasalita? Paano
magagampanan ng isang enhinyero, akawntant, nars, pulitiko, tindera, estudyante at iba pa ang kanikanilang tungkulin sa lipunan kung may suliranin sa pagsasalita? Ang tagumpay ng isang tao sa
anumang larangan o propesyon ay nakasalalay sa kanyang kaalaman sa mabisang komunikasyon
lalung-lalo na ang kasanayan sa pagsasalita.
Ang pagsasalita ay isang proseso ng paghahatid ng impormasyon sa ibang tao sa paraan ng
paggamit ng mekanismong pambigkas at berbal na kasangkapan. Ito rin ay isang paraan ng pagbibigay
ng reaksyon at interpretasyon sa anumang bagay na nais ipahiwatig ng nagsasalita sa kanyang kausap.
Para kay Koch, ang tao ay natututong magsalita sa pamamagitan ng paggaya at pagpapalakas
sa mga kasanayang kanyang nagaya. Sa pahayag naman ni Cruz, ito ay karaniwang binibigyan ng
kahulugan na isang akto ng pag-uusap o palitang-kuro na hindi kukulangin sa dalawang kalahok. Isa ito
sa unang natutuhan ng tao simula nang isilang siya sa pamamagitan ng kanyang pag-uha ayon kay
Garcia.
4. Pag-alam sa Pangunahin at Suportang Detalye
Sa bawat talata ay may tinatawag na paksang pangungusap, ito ay ang pangunahing ideya na
iniikiran ng paliwanag sa isang talata. Ito rin ang pinakabuod ng isang talata. Ang suportang detalye o
suportang pangungusap naman ang siyang nagpapalawak sa paksang pangungusap. Ang paksang
pangungusap ay maaaring lantad na matatagpuan sa unahan, sa gitna, at sa hulihang bahagi ng
bawat talata. Subalit may di-lantad na paksang pangungusap, sa Ingles ito ay implied topic sentence.
Tandaan na sa bawat talata ay may isang pangungusap at ang nalalabing pangungusap ay tinatawag na
suportang detalye.
5. Pagsusuri kung Valid o Hindi ang Ideya
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay-ebalwasyon sa mga ebidensya at mga
katibayan upang mapatunayang ito ay valid o matibay. May mga tanong na dapat niyang matiyak ang
kasagutan bago niya masabing ito nga ay valid o hindi. Una, may katotohanan ba at makatwiran ang
ideyang nakalahad? Ikalawa, may kongkretong batayan ba ito at ito ba ay katanggap-tanggap? Ikatlo,
may awtoridad ba ang nagsabi ng ideya o pananaw sa binasa?
6. Paghihinuha
Ito ang ginagawa ng mambabasa pagkatapos na mabasa ang isang akda. May nabuo bang pagaakala o palagay ang isang bumabasa pagkatapos na mabasa niya ang akda? Kung nagkakaroon na
siya ng sariling palagay batay sa kanyang nabasa, siguradong nauunawaan niya ang kanyang binasa.
Halimbawa, maaaring maghinuha ang isang bumabasa hinggil sa kanyang palagay kung bakit
hindi sang-ayon ang manunulat hinggil sa isang isyung kanyang tinatalakay. Maaari ring magbigay siya
ng kanyang hinuha kung bakit hindi angkop ang pamagat sa kabuuan ng kwento o bakit ang mga
tauhan ay kumikilos nang ganoon na lamang sa kwento.
Makatutulong sa pagbuo ng hinuha ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan, kakayahang
magpakahulugan sa mga patalinghagang pahayag at katalasan ng isip sa mga pahiwatig ng may-akda.
Mass Comm.
History
Religion
Arts
Biographies at Autobiographies
Education
Philosophy
2. Reserved Seksyon
Kinabibilangan ng mga librong hindi ipinalalabas ng laybrari.
3. Reference Seksyon
Kinabibilangan ng mga sanggunian para sa ispesipiko at klasipikadong impormasyon sa ilang limitadong
paksa tulad ng mga sumusunod:
a. Dictionary
b. Encyclopedia
c. Almanacs
e. Yearbooks
d. Atlases
f.
Gazetteers
g.
4. Periodical Seksyon
a. Kinabibilangan ng mga artikulong kinuha sa mga magasin at pangunahing babasahin na
lumalabas sa bansa tulad ng dyornal sa takdang panahon o peryodik at ng mga
sumusunod:
b. Newspapers
e. Indices
c. Magazines
f.
Bibliographies
d. Journals
5. Filipiniana Seksyon
6. Kinabibilangan ng mga librong isinulat ng mga manunulat na Filipino.
7.
8.
9.
10.
11.MGA BAGAY NA MAARING SANGGUNIIN SA AKLATAN
12.Ang Kard Katalog
13.Ang paggamit ng Kard Katalog ay isang paraan upang maging madali ang pagtukoy ng
mapaghahanguang sanggunian o aklat ng aralin o ng isang paksang sinasaliksik.Nakatala sa
kard na ito ang mga libro o resorses na matatagpuan sa silid - aklatan. Ang isang
komprehensibong kard katalog ay naglalaman ng mga sumusunod:
1. pangalan ng awtor
2. pamagat ng libro
3. pamagat ng artikulo
4. bilang ng pahina ng libro
5. kapal at laki ng libro
14.
15. 2. KARD ng PAKSA
16. Ang kard na dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang
kanyang paksang tatalakayin.
17.
18.
19. 3. KARD ng TITULO o PAMAGAT
20. Ito ang unang hinahanap kung hindi pa gaanong tukoy ang paksa o awtor na nais
saliksikin.
21.
22.
23. Ang Online Public Access Catalog (OPAC)
24.
Dahil sa mabilis na pagbabago sa teknolohhiya, ang ibang silid aklatan ay gumagamit
na rin ng mga computers para sa mabilis na paghahanap ng mga sanggunian. Ang OPAC o Online Public
Access Catalog ay ginagamit na rin bilang kapalit ng Card Catalog Cabinet. Tulad ng naunang catalog,
ang OPAC ay naglalaman din ng mga sanggunian at iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa
sangguniang gagamitin sa pananaliksik.
25.Halimbawa ng menu sa OPAC:
26.
27.
28.*Ang mga halimbawa sa itaas ay hango sa OPAC ng FEU-East Asia College
29.
30.
Bukod dito, ang isang komprehensibong kard katalog ay maaaring makitaan o
naglalaman ng: pangalan ng sumulat o sagisag sa panulat, kapanganakan ng sumulat, bilang ng aklat,
petsa ng pagkakalagay ng bilang, paksang panimula, tala ng mga ilustrasyon at mapa, sukat ng aklat,
publikasyon, numero batay sa Library of Congress, ayos alinsunod sa Dewey Decimal System, mga
pahina ng andeks, mga pahina ng panimula at mga pahina ng talaan ng nilalaman.
31.
47.
48.
49.
50.
51.
52.
76.
77. *Ang halimbawa sa itaas ay ang halimbawa ng spine ng isang aklat kung saan
makikita ang call number ng sanggunian na ginagamit sa pagka-klasipika ng mga
sanggunian sa aklatan.
78. Ensayklopidya. Aklat ng karunungan na binubuo ng 24 na bolyum at bunga ng
mahabang saliksik. Bawat aklat ay inayos nang paalpabeto.
79. Tesis at Disertasyon. Mga saliksik sa akademiya sa ibat ibang larangan na
ginagamitan ng pamaraang siyentipiko.
80. Peryodikal indeks. Ang mga artikulong kinuha sa mga magazine at pangunahing
babasahin na lumabas sa bansa tulad ng dyornal na lumalabas sa takdang panahon o
periodic.
81. Pahayagan at Pamplet Indeks. Mga impormasyong kinuha sa pahayagan na
lumalabas araw-araw.
82.Mga Ispesyalisadong Indeks:
a
Art Indeks
Indeks Medikal
Kemikal Abstrak
Bayograpi
ng
Humanidades
Indeks Pang-edukasyon
Sikolohiyang Abstrak
Pang-inhinyerang Indeks
Pampublikong Impormasyon
mga
riserts
sa
B. Pagtatala ng Impormasyon
n
Ito ay ang pangangalap ng mga impormasyon o paglilista ng mahahalagang datos mula
sa nabasa, narinig, o namasid. Ang mga impormasyong ito ay mga tala o datos na nakuha ng isang tao
dahil sa kanyang:
a. Pagbabasa
b. Pagsasaliksik
c. Pag-oobserba
d. Pag-iinterbyu
e. Pagtatanong
f.
o
Ang mga impormasyong ito ay nagiging bagong kaalaman, kabatiran at bagong
karunungan para sa tao. Ginagamit ng tao ang mga impormasyong ito sa kanyang pag-aaral,
pagririserts at pagdukal ng mga karunungan. Ang pangangalap tala ay isa sa mga mahahalagang
hakbangin sa pananaliksik. Ito ay kinakailangang paghandaan at isagawa ng sistematiko. Hindi ito
basta lamang pagkopya ng mga impormasyon sa mga sanggunian o babasahing napili para sa
pananaliksik. Kinasasangkutan ito ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat katulad ng inilalarawan sa
ilustrasyon sa ibaba.
p
SISTEMATIKON
G PAGKUHA NG
TALA
PAGBASA
PAGPILI NG
MAHAHALAGA
NG KAISIPAN
PAGSULAT
PAGUNAWA
SA
BINASA
PAGBUO
NG
LAGOM
PAGSIPI NG
MAKABULUHANG
KAISIPAN
q
Ang sistematikong pangangalap ng tala ay mahalagang katangiang dapat taglaying ng
isang mananaliksik. Kinakailangan nito ng mga kasanayan sa pagbasa at pagsulat. Sa pagbasa, ang
isang nangangalap ng tala ay dapat na may kasanayan sa pagpili lamang ng mahahalagang kaisipan
mula sa binasa nang sa gayon ay maiwasan ang pagkopya ng buong tala mula sa pananaliksik. Upang
maisagawa ito kailangan din ang kahusayan ng mananaliksik sa pag-unawa sa binasa. Sa pagsulat, ang
isang nangangalap ng tala ay dapat na may sapat na kasanayan sa paglalalagom upang matiyak na
makabuluhang kaisipan lamang ang maisasama sa pagbuo ng sulatin. Tunay nga na ang mga
kasanayan sa pagbasa at pagsulat ay palaging magkatuwang upang makabuo ng bagong kaalaman.
r
Tuwirang Sipi dito ay dapat ipaloob sa mga panipi ang mga salitang binanggit ng may-akda.
s
Halimbawa:
t
u
Teo S. Baylen
Sa Parnasong Tagalog
2.Pagbubuod at Paglalagom
Taglay ng buod ang pangunahing kaisipan, ideyang sentral na siyang mensahe ng awtor.
MALINAW
NAKATATAYO SA SARILI
aa
Basahin ang buong seleksyon at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan
o paksang diwa.
ab
ad
1. PRESI - Ito ay ang maayos at nauunawaang pahayag ng isang orihinal na
teksto.Nagpapanatili sa pangunahing kaisipan, kayarian o pagbalangkas, pananaw ng awtor. Nasusulat
ayon sa himig ng orihinal.Ito ay kailangang maging maikli ngunit wasto at malinaw.Malaman na
ipinaliliwanag sa pamamagitan nang maayos at buong mga pangungusap. Hindi kasangkot ang opinyon
o kuro-kuro ng naglalagom.Sa pangkalahatang tuntunin: ang presis ay 1/3 lamang ng orihinal. Lalong
mabuti kung higit pang maikli kaysa rito ngunit di dapat na mawala ang mahalagang kaisipan.
ae
2.HAWIG -Itinuturing ito ng ilang mga eksperto sa pagsulat, na isang lehitimong uri ng
paglalagom.Layunin nito na mapalinaw ang malabong katha.Kinakailangan ang pagiging payak at
makabago sa uring ito.Makatutulong sa isang gumagawa ng hawig na basahin niya nang makailang ulit
ang katha upang makuha ang pinakadiwa nito at maging pamilyar sa kayarian at layunin
nito.Gumagamit ng sariling pananalita na mas simple at nauunawaan.Iba ang presis sa hawig: kung ang
PRESIS ay paglalahad ng kahulugan ng orihinal sa higit na maikli at higit pa at sa malinaw na paraan.
Ang HAWIG naman ay isang pagpapakahulugan o interpretasyon ng isang sumusuri sa kahulugan ng
orihinal. Higit itong subhektibo kaysa presis. Hindi kailangang maging higit na maikli kaysa sa orihinal.
Kung minsan nga, mas mahaba pa ang hawig kaysa sa orihinal.
af
3.HALAW - Ito ay MAIKLING LAGOM ng isang pormal na paglalahad gaya ng ABSTRAK ng
isang sulating pananaliksik o ng siyentipikong pag-aaral o anumang sulating pang-akademiko at
legal.Dapat sikaping mapanatili ang TATAK, KAYARIAN, PANANAW AT LAYUNIN NG ORIHINAL. Iwasang
maglagay ng sariling kuro-kuro at palagay.Ang haba ng halaw ay ayon sa haba ng orihinal.
ag
ah
Halimbawa:
Sa kabanatang ito na hinango ni Ruzal ang mga tauhang pinaganap niya ng mahalagang
papel sa El Filibusterismo: ang matanda ay si Tandang Selo na pipi; ang dalawang batang
sina Huli na naging kasintahan ni Basilio at Tano na naging guardiya sibil; at ang ama ng
magkapatid na di nabanggit sa kabanatang ito ang naging tulisang si Matanglawin, si
Kabesang Tales.
ai
Tomas C. Ongjoco
aj
ak
al
Bukod pa rito, nadaragdagan pa ang pagtatala sapagkat kailangang ipaliwanag ng mabuti
ang bahagi na may kahirapan, ngunit ang nilalaman ng orihinal ay hindi dapat baguhin. Kailangang
gumamit ng magagaang mga salita upang medaling maunawaan. Ang paglalagom o pagbubuod ay isa
lamang pagsulat sa akda sa panibagong paraan. Sa paggawa nito, ang orihinal ay pinaikli. Ang layunin
ng lagom o buod ay matulungan ang mambabasa sa pag-unawa sa diwa ng isang akda, kayat ang mga
pananalitang gagamitin ay dapat magaan kaysa sa orihinal. Bukod diyan dapat ring palitawin ang
diwang tinataglay.
am
Tuntunin sa Pagtatala
Itala sa kard ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa sanggunian, isulat ito sa itaas na
bahagi ng unang pahina.
Gumawa ng buod.
an
Ang sukat nito ay 5x 8 na dapat ay pare-pareho upang maging magaan ang pagaayos at paghawak nito.
May-akda
ao
ap
Note-taking techniques:
paksang