You are on page 1of 3

PAGBASA

ISKIMMING

 Ito ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang idea ng isang


teksto. Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng
kabuuang teksto kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso
ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat. Mas kompleks
ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang
paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa upang
maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang
tiyak na impormasyon sa loob nito.

Halimbawa:

 Pagbabasa sa una at huling talata


 Pagbabasa sa una at huling pangungusap ng talata
 Pagbasa sa talaan ng nilalaman
 Pagtingin sa heading at subheading

ISKANING

 Ito ay palakdaw na pagbasa. Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang


pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa
makita ng mambabasa ang tiyak na kailangang impormasyon. Kung ang
kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak
na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na paraan ng
pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o
pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang
katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian.

Halimbawa:

 Pagtingin sa dyaryo tungkol sa resulta ng isang board examination


 Pagtingin ng winning number sa lotto
 Paghahanap ng susi na salita
 Pagbabasa ng index card

Previewing

 Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter.


Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat.
Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa
sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga
sumusunod:
 Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang
nakasulat ng italik.
 Pagbasa ng heading na nakasulat sa ng blue print.
 Pagbasa sa una at huling talata.
 Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
 Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart,
ito ay binibigyan suri o basa.
 Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

Kaswal

 Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad


halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras.

Mapanuri

 Ito ay ang pagbabasa nang may wastong pag-intindi sa bawat salita upang
malaman ang konotasyon ng binabasa.

Informatib
 Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng
pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok
o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-
aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.

Pagtatala
 Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o
ideya bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng
marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa
binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
Komprehensibo

 Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang


binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba
pa.

Muling pagbasa

 Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng


mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling
pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng
materyal na binasa.

Reflectiv

pag-iisip o pagtitimbang ng mga binasang teksto.

You might also like