You are on page 1of 41

PAKSANG

PAMPANANALIKSIK
Socio Cultural Committee
Ang Paksang Pampananaliksik
■ Sa akademya , ang pananaliksik ay isang
mahalagang gawain na hindi maiwasan
ng mga mag-aaral. Karaniwan na ang
pagpagawa ng mga pamanahong papel
sa iba’t ibang subject bilang isa sa
pangangailangang akademik.

■ Halimbawa: Tisis paper (para sa kumuha


ng masteral) ; Disertasyon (para sa
kumuha ng doctoral)
Mga Hanguan Ng Paksa
■Sarili – maaring humango ng
paksa sa mga sariling
karanasan,mga nabasa
napakinggan napag aralan at
natutunan.
■ Dyaryo at magazine – maaaring panghanguan
ng paksa ang mga napanahong isyu sa mga
pamukang pahina ng mga dyaryo at magazine
o sa mga kolum,liham sa editor at ibang
seksyon ng mga dyaryo at magazine tulad ng
local na balita,bisnes,entertainment at isports.
■ Radyo, tv at cable tv- maraming uri ng
programa sa radio at tv ang mapagkukunan ng
paksa mas maraming programa sa cable dahil
sa 24 na oras na balita, isports at mga
programang edukasyonal.
■Mga awtoridad kaibigan at guro - sa
pamamagitan pagtatanong-tanong sa
ibang tao,maaaring makalikha nga
mga ideya upang mapaghanguan ng
paksang pampananaliksik.
Makatulong ito upang makakuha ng
paksang hindi lamang napapanahon
kundi kawiwilhan din ng ibang tao.
■ Internet – ito ang pinakamadali ng hanguan ng
paksa , malawak at sopistikadong paraan ng
paghahanap ng paksa. Maraming websites sa
internet na tumutugon sa iba’t ibang interes at
pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao.
■ Aklatan - Bagama’t traditional ng pagkukuha
ng hanguan o paksa. Sa aklatan , maaring
magtagpuan ng iba’t ibang paksang nauugnay
sa ano mag larangang pang-akademya.
Mga Konsiderasyon Sa Pagpili ng
Paksa
■ Kasapatan ng Datos – kailangan may sapat
nang literature hinggil sa paksang pipiliin.
■ Limitasyon ng Panahon – Tandaan ang
kursong ito ay para sa isa o dalwang
markahan lamang. May mga paksa na
mangangailangan ng mahabang panahon ,
higit pa sa dalawang markahan , upang
maisakatuparan.
■ Kakayahang Pinansyal – May mga paksang
mangangailangan ng maraming gastusin.
Kailangang pumili ng paksang maaayon sa
kakayahang pinansyal ng mananaliksik.
■ Kabuluhan ng Paksa – Ang isang
pananaliksik na nauukol sa isang paksang
walang kabuluhan. Kailangan pumili ng
paksang hindi lamang napapanahon , kundi
maari ring pakinabangan ng mananaliksik at
ng iba pang tao.
■Interes ng Mananaliksik – Magiging
madali ito para sa isang mananaliksik
sa pagkukuha ng datos kung ang paksa
niya ay naayon sa kanyang kawilihan.
Paglimita Sa Paksa
■ Matapos makamili ng paksa , kailangan iyong
ilimita upang maiwasan ang masaklaw na
pag-aaral.
■ Sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa ,
mabibigyan ng direksyon at pokus ang
pananaliksik at maiiwasan ang padampot-
dampot o sabog na pagtalakay sa paksa.
Maaaring gamiting batayan sa paglilimita ng
paksa ang mga sumusunod.
■ Panahon
■ Edad
■ Kasarian
■ Perspektibo
■ Lugar
■ Propesyon o Grupong Kiabibilangan
■ Anyo o uri
■ Partikular na Halimbawa o Kaso
■ Kumbinasyon ng dalawa o higit pang
batayan
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa
Panahon Kasuotan ng mga Kasuotan ng mga Kababaihang
Kababaihang Pilipino Pilipino sa Panahon ng Komonwelt
Edad Mga Mang-await na Pilipino at Mga Batang Mang-await na
ang Hinaharap ng Musikang Pilipino (Edad 13-17) at ang
Popular sa Pilipinas Hinaharap ng Musikang Popular sa
Pilipinas
Kasarian Mga Suliranin ng mga Mga Suliranin ng mga Kababaihan
Katutubong Minorya ng mga Katutubong Minorya
Perspektibo Epekto ng Globalisasyon sa Epekto ng Globalisasyon sa
Lipunang Pilipino Espirituwal na Pamumuhay ng
mga Pilipino
Lugar Mga Naiibang Tradisyong Mga Naiibang Tradisyong
Pangkapistahan sa Pangkapistahan sa Malolos ,
Katagalugan Bulacan
Propesyon o Grupong Pag-aaral ng Wika ng mga Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang
Kinabibilangan Bakla Parlorista
Anyo o Uri Persepsyon sa Kababaihan sa Persepsyon sa Kababaihan sa
Larangan ng Panitikang Larangan ng Pnulaang Ilokano
Ilokano
Partikular na Halimbawa o Epektong Kultural ng Turismo Epektong Kultural ng Turismo sa
Kaso sa Pilipinas Pilipinas: Kaso ng mga Ifugao sa
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa
Kumbinasyon Atityud ng mga Estudyante sa a. Preperensya ng mga
a. Perspekitibo mga Programang Kultura Estudyante
b. Uri b. Preperensya ng mga
c. Lugar Estudyanteng nasa Unang
d. Anyo Taon
c. Preperensya ng mga
Estudyanteng nasa Unang
Taon sa The Nationa
Teacher’s College
d. Preperensya ng mga
Estudyanteng nasa Unang
Taon sa The Nationa
Teacher’s College sa mga
Dulang Panteatro sa
Kampus
Pamagat-Pampananaliksik

■Ang pamagat-pampananaliksik ay
kaiba sa pamagat ng mga akda na
pampanitikan. Kaiba ito ng mga
kuwento , nobela , sanaysay at dula.
Sa pananaliksik , ang pamagat ay
kailangang maging malinaw , tuwiran
at tiyak.
Halimbawa Ng Mga Pamagat Na Hindi
Maaring Gamitin Sa Pananaliksik
■ Sa Kabataang Filipino (Tula)
■ Sa Kadwadan ng Pilik-mata (Kuwento)
■ Sino Si Bill Gates (Sanaysay)
■ Si Malakas At Si Maganda (Dula)
Halimbawa Ng Pamagat
Pampananaliksik
■ Isang Pagsusuri ng mga Pamamaraang
Ginamit sa Pagsasaiin sa Filipino ng mga
Katwagang Legal sa Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas.
■ Korelasyon ng mga Piling Baryabol sa Attityud
sa Pangekonomikong Pamumuhay ng mga
Magulang na iskwater sa Bliss Guadalupe.
Hanguan Ng Impormasyon O
Datos
May dalawang uri ng hanguan: primarya at sekondarya
Ayon kina Mosura , et al , (1999) ang mga hanguan primarya
ay:
■ Indibidwal o awtoridad
■ Grupo o orginasyon (pamilya , assosasyon , union ,
fraternity , katutubo o mga minorya , bisnes , samahan ,
simbahan o gobyerno)
■ Pambublikong dokumento o kasulatan (konstitusyon ,
kontrata , orihinal na tala , katikkan sa korte , journal o
dayari)
Ang hanguan sekondarya ay
■ Mga aklat tulad ng diksyonaryo , ensayklopedia ,
almanac , atlas o year book
■ Mga nalathalang artikulo sa journal , magasin ,
pahayagan at news letter.
■ Mga tisis at disertasyon
■ Monograp , manwal polyeto , manuskrito at iba pa.

Maliban sa hanguang primarya at sekondarya , may


isa pang hamapagkukuhanan ng mga impormasyon
o datos: hanguang elektroniko o mas kilalang sa
tawag na internet
Pagkuha Ng Impormasyon Sa
Internet
■ Ang internet ay ang pinakamalawak at
pinakamabilis ng hanguan ng
impormasyon. Kung ang internet ay
maaaring pagkunan ng impormasyon sa
pananaliksik dapat tandaan ang mga
katanungang ito upang makakuha ka ng
tiyak na impormasyon sa internet
1.) Anong uri ng website ang iyong
tinitingnan?
■ a.) ang webpage Uniform Resource Locator (URL) na nagtatapos sa .edu
ay nagmula sa isang unibersidad , institusyon ng edukasyon o akademya.
Hal. www.spud.edu.com.ph
www.su.edu.ph
b.) ang mga webpage na nagtapos sa .org ay mula sa mga organisasyon.
Hal. www.wikipedia.org
www.wordpress.org
c.) ang mga webpage na may .com ay para sa mga commercial websites.
Hal. www.facebook.com
www.lazada.com.ph
2.) Sino ang may-akda?
■ Mahalagang malaman kung sino ang
may akda ng isang impormasyon sa
internet nang sa gayo’y masuri kung ang
impormasyon ay wasto at kumpleto.
Maaring i-verify ang mga impormasyon
sa hinggil sa kanilang pagkatao. Kung
wala ito , mahirap paniwalaan ang
kanilang akda.
3.) Ano ang layunin?
■ Alamin ang layunin ng may-akda kung
bakit naglunsad o naglabas ng website.
Nais bang magbahagi ng impormasyon o
magbenta lamang ng produkto?
Alalahaning napakaluwag ng pagpasok
ng impormasyon sa internet. Maaari
itong magamit sa pagpakalat ng maling
propaganda at mga pansariling interes.
4.) Paano inilahad ang
impormasyon?

■Ang teksto ba ay pang-


advertising o opinion
lamang? Alamin kung ito
kung may prejudice at bias
ang isang teksto.
5.) Makatotohanan ba ang teksto?
■Alamin kung opisyal o dokumentado
ang teksto.
■Subukan kung ang website ay
maaaring ihalintulad o iugnay sa
ibang web site na sa gayo’y
makompara ito sa iba ng matimbang
kung ang teksto ay wasto o hindi.
6.) Ang impormasyon ba ay
napapanahon?
■Mainam kung ang impormasyon ay
napapanahon. Marapat na nakalagay
ang petsa ng pinakahuling rebisyon
ng akda sa gayong ay malaman kung
ang akda ay bago o hindi.
Panganglap Ng Mga Impormasyon
O Datos
■ Matapos matukoy ang iba’t ibang pagkukunan o
paghahanguan ng impormasyon o datos, sa
pagkakataong ito, atin naming pansinin ang
pangangalap ng impormasyong datos.
 Tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ng
kailangan gayundin ang klasipikasyon kung saan
maaring matagpuan ito sa silid-aklatan.
 Ang lahat ng posibleng sanggunian ay kailangan
itala upang mapadali ang paghahanap nito.
Tatlong Yugto Ng Pananaliksik Sa
Silid Aklatan
■ Yugto 1 – Pamimulang paghahanap ng kard katalog,
sangguniang aklat, bibliograpi, indeksto at hanguang
elektroniko o internet.
■ Yugto 2 – Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing,
skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng
pagpili ng citations mula sa mga babasahin.
■ Yugto 3 – Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat,
sanaysay, artikulo, computer, print outs, abstract at iba
pang sanggunian.
 Dapat sundin ang mga yugtong ito kung gusto ng
mananaliksik na maging sistematiko ang kanyang
pananaliksik.
■ Tatalakayin natin ang unang yugto. Ang
paghahanap ng kard katalog. Kaugnay sa
paghahanap ng kard katalog, kailangang
batid ng isang mananaliksik kung anong uri
ng kard katalog ang hahanapin.
■ Tinutukoy ni Bernales , et al , (2001) ang mga
sumusunod na uri at gamit ng kard katalog
sa aklat niyang Pagbasa at Pagsulat Sa
Iba’t Ibang Disiplina.
■ Kard Na Paksa (Subject Card) – dapat
hanapin kung malinaw lamang sa
mananaliksik ang kanyang paksang
tatalakayin. Nangunguna rito ang
mismong paksa bago pa ang ibang
impormasyon tulad ng awtor at ang
pamagat ng libro.
Kard Ng Awtor (Author’s Card) –
tinitingnan ito kung ang
mananaliksik ay may naisip na agad
ng awtor na awtoridad sa kanyang
paksa.
Kard Ng Pamagat – ang pinakamalapitin
ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy
sa ang paksa o awtor na gustong
saliksikin , maaari ring magdala ang
mananaliksik ng lista ng sanggunian
mula sa biograpi ng mga aklat kaugnay
sa kanyang paksa.
■Sa bahaging ito , ang napiling
impormasyon o datos ay
kailangang salain upang
malamang kung may gamit ba ito.
Gayon din ang dapat gawin sa
mga sangguniang hindi
makakatulong sa pananaliksik.
Mga Gabayang Katanungan Sa
Pagsusuri Ng Mga Nakalap Na
Sanggunian
■ Ano ang kaugnayan ito sa paksa?
ginanagawa nito ng mananaliksik
upang tugunan ang isang paghahanap o
pangangailangan. Tiyakin ang
impormasyon sa sanggunian ay
tumataklay sa paksa ng pananaliksik.
■ Mapakatiwalaan ba ang may akda at
tagapaglathala?
tingnan kung may sapat bang
kaalaman o karanasan ang may akda
sa kanyang paksang sinusulat.
 Makakatotohanan ba ito?

■ Ang pagiging makatotohanan ay hindi


lamang nasusukat sa may-akda. Ang
totoo noon ay maaaring
kasinungalingang na ngayon.
Tuwirang Sipi

■Ito ay eksakto o kumpletong


pagsipi ng bahagi ng orihinal na
tekso. Maaaring ito ay isa o higit
pa sa isang salita, parirala,
pangungusap o talata.
Pabuod

■Ang orihinal na teksto ay kailangang


ibuod sapagkat may mag tekstong
mahahaba. Sa pagbubuod,
kailangang maisagawa ito sa
pamamagitan ng pagamit ng sariling
salita.
Playgarismo
■ Pangongopya ng mga datos , ideya , pangungusap , buo at
balangkas ng isang akda , programa , himig atbp. Na hindi
kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng
pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inangkin mo ang
hindi iyo.
■ Dahil sa paglabag ng Intellectual Property Rights Law ,
maaaring ihabla ang tao sa korte , matanggal sa tungkulin ,
pagtanggal ng digri kahit natapos na , mawalan ng
kredibilidad , magbayad ng karampatang halaga.
■ Kung estudyante ang nahulian ng playgarismo , maaaring
bumagsak sa kurso , mapatalsik sa kanyang unibersidad ,
sentensyahan ng multa o posibleng mabilanggo.

You might also like