You are on page 1of 8

Yunit 2.

PAGSULAT NG PANANALIKSIK

Ang Pananaliksik- ay isang pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at makapaglatag


ng katotohanan gamit ang iba’t ibang batis ng katotohanan. Isinasagawa ang pananaliksik bilang
isang lohikal at organisadong batayan ng karagdagang kaalaman tungkol sa tao, kultura at lipunan.

Nagsisimula ang pananaliksik sa pamamagitan ng mga tanong sa pananaliksik (research question).


Sinasaklaw ng mga tanong na ito ang pinakabuod o sentro ng pananaliksik. Tinutukoy nito ang uri at
layunin ng pananaliksik at nagsisilbi rin itong patnubay kung anong proseso ang angkop na gamitin.

Samantala, nag-uumpisa sa pagbuo ng tanong pananaliksik ang tutugunang suliranin ng


pananaliksik. Tumutukoy ito sa isang paksa, usapin o pangyayari na nais siyasatin at kailangang
alamin; mga kondisyong dapat baguhin; o mga hamon na dapat bigyan ng solusyon ng isang
mananaliksik. Ang pagsagot sa suliraning tutugunan ng pananaliksik ay sinusundan ng pagbuo ng
kuro-kuro (hypothesis).

Paano ba bumuo ng isang maayos na tanong pananaliksik? Ayon sa Duke Writing Studio,
kailangang gawin ang mga sumusunod:

1. Pumili ng isang paksang kinawiwilihan at magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral na


naisagawa tungkol dito. Makatutulong ito na makabuo ng mga pangunahing tanong mula sa
paksa.
2. Isinasaalang-alang ang iyong mambabasa. Para kanino ang iyong isasagawang pananaliksik?
Sino ang iyong target na mambabasa? Subukang bumuo ng tanong na sino, ano, paano, saan
at bakit, at kalian ukol sa paksang kinawiwilihan. Subukin ding bumuo ng mga posibleng sagot
sa mg tanong na ito.

Mga katangian ng magandang Tanong Pananaliksik

1. Tiyak, espisipiko, at maliwanag ang paggamit ng termino.


Halimbawa alin sa dalawang halimbawa ang magandang tanong pananaliksik?
a. Nakabubuti ba ang 4P’s ng gobyerno?
b. Paano napapabuti ng 4P’s ang kalagayang pang-ekonomiya ng mga nakatanggap nito?
Mapapansin sa tanong sa letrang A na hindi tiyak ang saklaw ng salitang
“nakabubuti.”Saanong aspeto ito nakabubuti? Nakabubuti ba ito para sa nakatatangggap ng
programa? Nakabubuti ba sa lagay ng bansa dahil nakatutulong upang mabawasan ang
paghhihikahos ng mamamayan? O nabubuti para imahe ng gobyerno?

2. Tumatalakay sa mahalaga at makabuluhang isyu. Dahil ang layunin ng pananaliksik ay


makapag-ambag ng kaalaman, solusyon at impormasyon, kailangang magsimula sa mga
tanong na may mga implikasyong kapaki-pakinabang para sa lahat. Kung kaya nang tanong
na ilalatag para saliksikin ay nagbubunsod ng mas malalim na pagsusuri tungkol sa paksang
mapili.

3. Hindi pa naisagawa ngunit posibleng maisakatuparan. May mga katanungang inilatag upang
saliksikin na hindi matasa ng anumang metodolohiya dahil abstrakto ang pagkakatanong. Ano
mang tanong sa pananaliksik na kailangang hanapan ng sagot ay kailangang nalakipan ng
angkop na metodolohiya upang masagot.

4. Natataglay ng malinaw na layunin at kahalagahan. Kailangang malinaw na naka-angkla ito sa


layunin at kahalagahan ng bubuuing pananaliksik.

Madalas gamitin sa pananaliksik ang pamamaraang pabuod at pasaklaw (Babbie, 1998). Sa


pamamaraang pasaklaw, sinusuri ang mga detalye at obserbasyon upang matukoy at mapatunayan
ang pangkalahatang kaisipan at prinsipyo. Ibig sabihin, nagsisimula sa maliliit na detalye bago bumuo
ng panglahat.
Sa pamamarang pabuod naman, unang inilalahad an gang pangkalahatang kaisipan na
pinatutunayan sa pamamagitan ng mga detalye at obserbasyon. Sa prosesong ito, ang isang umiiral
na teorya o kaalaman na sususugan ng mga detalye upang mapatunayan ang katotohanan at bisa
nito.

Samakatuwid, ang pamamaraang pasaklaw ay ginagamit upang maghanap ng paliwanag, habang


ang pamamaraang pabuod ay ginagamit upang patunayan ang paliwanag.
Mga dapat isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa

1. Interes at kakayahan- dahil ang kalikasan ng pananaliksik ay ang aktuwal na pagsasagawa


nito, mahalagang gusto mo ang iyong ginagawa o may kaugnayan sa hiling mo ang paksang
nais saliksikin.
2. Pagkakaroon ng materyal na magagamit na sanggunian
3. Kabuluhan ng paksa
4. Limitasyon ng panahon
5. Kakayahang pinasiyal

Hangga’t maaari ay iwasan ang mga sumusunod:

1. Mga pinagtatalunang paksa na may kinalaman sa relihiyon at usaping moralidad na mahirap


hanapan ng ng obhetibong pananaw at nangangailangan ng maselang pagtatalakay.
2. Mga kasalukuyang kaganapan o isyu dahil maaaring wala pang gaanong materyal na
magagamit bilang saligan sa pag-aaral.
3. Mga paksang itinuturing nang “gasgas” o gamit na gamit sa pananaliksik ng mga mag-aaral.
Paano Bumuo ng Paksang Pananaliksik
Narito ang ilang gabay na tanong upang makatulong sa pagbuo ng paksa:
1. Ano-anong paksa ang maaaring pag-usapan?
2. Ano-ano ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng paksa?
3. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
4. Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa at daigdig ang ipinapakita o kaugnay
ng paksa?
5. Bakit mahalagang saliksikin at palalimin ang pagtatalakay sa mga ganitong suliranin?
6. Sino-sino ang kasangkot?
7. Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
8. Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?
9. Paano ko pag-uugnayin at pagsusunod-sunorin ang mga ideyang ito?

Paglilimita ng Paksa
Mga elementong makapaglilimita ng paksa:
1. Panahon
2. Uri o kategorya
3. Edad
4. Kasarian
5. Lugar o espasyo
6. Pangkat o sector na kinasasangkutan
7. Perspektiba o pananaw

Halimbawa ng batayang paksa na nilimitahan gamit ang iba’t ibang elemento

Paksa: Teknolohiya at Kabataan


1. Perspektiba
Nilimitahang paksa: Ang Epekto ng Teknolohiya sa Kabataan
Nilimitahang paksa: Ang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng social media bilang
bukal ng impormasyon.
2. Panahon
Nilimitahang paksa: Ang epekto ng internet at smartphone sa paggamit ng social media mula
noong 2010 hanggang sa kasalukuyan.
3. Uri
Nilimitahang paksa: Epekto ng pagsasalarawan ng lipunan at media sa kagandahan.
4. Edad
Nilimitahang paksa:Ang persepsyon ng mga kabataan mula edad 16 hanggang 18 sa
impluwensya ng facebook.
5. Kasarian
Nilimitahang paksa: Ang epekto ng paglaganap ng Teknolohiya
6. Lugar
Nilimitahang paksa: Ang epekto ng social media sa mga mag-aaral ng Far Eastern University
7. Pangkat
Nilimitahang paksa: Persepsyon ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa paglaganap
ng social media.
Maaaring gamitin sa paglilimita ng paksa ang kombinasyon ng iba’t ibang element upang higit itong
maging espisipiko. Tandaan na habang humahaba ang pamagat ay lalong nagiging espisipiko ang
iyong paksa.
Persepsyon ng mga kababaihang mag-aaral na nasa edad 16 hanggang 18 ng Institute of
Education ng Far Eastern University sa Impluwensya ng Facebook sa banidad ng mga
kabataan.

Halinbawa:
1. Paksa: Ang Teknolohiya sa pagpapalaki ng magulang sa kanilang mga anak.
Nilimitahang paksa gamit ang perspektiba at uri
Epekto ng media sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang anak.
Nilimitahang paksa gamit ang perspektiba, uri, at lugar.
Epekto ng telebisyon sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang anak sa Baranggay
Tuazon.
2. Paksa: Ang proseso ng paggagamot sa loob ng sampung taon
Nilimitahang gamit ang uri
Ang proseso ng panggagamot ng sakit na kanser sa loob ng sampung taon.
Nilmitahang paksa gamit ang perspektiba, propesyon at uri
Ang persepsyon ng oncologist sa panggagamot ng kanser sa loob ng sampung taon
Nilimitahang paksa gamit ang perspektiba, propesyon, uri at panahon
Ang persepsyon ng mga oncologist sa panggagamot ng kanser mula 2005 hanggang
2008.

Pagbuo ng Konseptong Papel


Ang konsepto ay isang plano na nagpapakita ng kung ano at saang direksyon patungo ang paksang
gustong patunguhan. Ang Konseptong Papel na tinatawag ding-pang-unang mungkahing papel, na
panimulang mahalagang hakbang bago magpatuloy sa pagsusulat. Nagsisilbi itong gabay upang
maipakita ang potensyal ng gagawing pag-aaral.

Narito ang mga pangunahing bahagi ng Konseptong Papel


1. Pahinang nagpapakita ng Paksa
Narito ang tentatibong pamagat ng pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa
magiging pamagat ng saliksik. Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na
naglalarawan ng pinakabuod ng manuskripto.

Epekto ng Global Warming: Isang Malaking Banta sa Seguridad

Isinumite sa Departamento ng Environmental Sciences

Bilang bahaging pangangailangan sa asignaturang

Biotechnology

Isinumite ni

Maria Regina B.Anastacio

Grade 12-Oxygen

Isinumite kay

Prop. Rosemarie Tiongson

2017

2. Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale)


Tinatalakay sa bahaging ito ng konseptong papel ang saligan o batayan dahilan sa
pagsasagawa ng pananaliksik upang maipahiwatig na rin ang kahalagahan ng gagawing
pananaliksik. Makikita dito ang paglalahad ng suliranin bilang pagpapakilala sa proyektong
nais simulant. Nakatala rito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa at at
pinagmulang ideya. Ang mga suportang dokumentasyon katulad ng mga datos at estatistika
ay maaaring banggitin upang mabigyang-diin ang pangangailangang maisakatuparan ng
pananaliksik. Ilahad ang kung bakit mahalaga ang gagawing pananaliksik. Iugnay ito sa mga
nauna nang pag-aaral pati na ang mga teoretikal at praktikal na implikasyon ng proyekto.
Bahagi rin ng rationale ang mgakaugnay na literatura na siyang nagpapatatag sa pananaliksik.
3. Layunin
Sa bahaging ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Ito ang
tinutukoy na adhikaing nais patunayan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik.
Isinusulat ito bilang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang
mga tanong sa pananaliksik.
Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at
siguraduhing natupad o nagawa ang mga ito. Kunghindi nasgot sa konklusyon ang mga
layunin , maaaring hindi masunod ang wastong proseso, lumihis sa pokus ng pananaliksik, o
naiba ang tunguhin nito.
Paano ba bumuo ng layunin?

Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga
tanong pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa
pagbuo ng tanong pananaliksik, mahalagang maisaalang-alang ang sumusunod:
a. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin
at paano ito gagawin.
b. Makatotohanan o maisasagawa.
c. Gumagamit ng mga tiyak na na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring
masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong pananaliksik
Matukoy Maiulat/Makapag-ulat Makagawa/
Mailarawan Makapaghulo makapagsagawa
Maihanay Maibuod Masukat
Makilala Magamit/makagamit Makapagpahayag
Mailahad Mapili Makapag-organisa
Maisa-isa Masaliksik Makabuo ng konsepto
Maihambing Masuri/Makasuri Makapili
Maipaliwanag Makabuo Makatalakay

4. Metodolohiya
Tinutukoy rito kung paano maisasakatuparan ang proyekto. Ibigay ang pangkalahatang ideya
ng metodolohiyang maaaring gamitin. Kabilang dito ang lahat ng mga makabagong dulog,
teknik o mga proseso. Anong paraan ng pangangalap ng datos ang balak gamitin para sa
pananaliksik? Siguraduhing magkaugnay ang mga layunin at metodo. Ilakipdin ang iskedyul
ng pananaliksik, kung kalian ito sisimulan, at kung kalian ito inaasahang matatapos.

5. Inaasahang Bunga
Nakalahad dito kung sino ang makikinabang sa proyekto. Nakalahad din kung ano ang
inaasahan sa proyekto at paano ito mapakikinabangan.

6. Sanggunian
Ilista ang mga sangguniang ginagamit sa pagkuha ng paunang mga impormasyon, ang mga
sangguniang maaaring magamit, at mabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.
Halimbawa ng Konseptong Papel:
Ang Tesis na Pahayag
Ang nagbubuod sa kabuuang nilalaman ng isang sulatin at nagbibigay ng ideya sa mambabasa
tungkol sa lawak ng pagtalakay sa paksa. Para sa pananaliksik, inilalahad ng tesis na pahayag ang
posisyon ng mananaliksik tungkol sa isang paksa at direksyong patutunguhan ng kaniyang pagsulat.

Paano binubuo ang Tesis na Pahayag?


 Tukuyin ang paksa
 Mula sa paksa ay bumuo ng ng pangunahing argumento na binubuo ng pananaw at
sinusuportahan ng mga patunay. Siguraduhing ito ay tiyak, malinaw at nagpapahiwatig ng
“bakit” at “paano” tungkol sa paksa.
 Bumuo ng pansamantalang tesis na pahayag
 Maaaring rebisahin ang pansamantalang tesis na pahayag sa proseso ng pangangalap ng
datos hanggang ganap nang makuha ang pinakapunto ng argumento.

Pangangalap ng Datos
Ay kadalasang isinasagawa matapos mabuo ang konseptong papel, sumasailalim sa depensa, at
rebisyon ayon sa kinalalabasan ng depensa. Binibigyang diin ang kahalagahan ng malinaw na
paglalatag ng tunguhin ng pananaliksik ng binuong konseptong papel at tesis na pahayag dahil ito
ang gagabay sa mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon.

A. Silid-aklatan
Ang unang dapat puntahan upang mangalap ng impormasyon. Makikita ang sari-saring
sanggunian sa iba’t ibang dibisyon ng silid-aklatan. Maaaring gamitin ang card catalog o ang
OPAC upang matukoy kung anong aklat o materyal ang kakailanganin sa pananaliksik.

1. Ano ang Card Catalog?


Ang card catalog ay talaan ng lahat ng sangguniang matatagpuan sa isang silid-aklatan.
May tatlong pangunahing uri ang kard katalog:

a. Ang katalogo ng mga Awtor(Author Catalog) nakalista nang paalpabeto ang


pangalan ng lahat ng may-akda ng iba’t ibang sanggunian. Ito ang dapat gamitin sa
paghahanap ng mga sanggunian kung ang gagamitin sa paghahanap ay ang pangalan
ng may-akda. Kard ng Awtor (Author Card) naman ang tawag sa kard na naglalaman
ng impormasyon tungkol sa may-akda.

b. Sa katalogo ng Pamagat (Title Catalog) nakalista nang paalpabeto ang pamagat ng


lahat ng sanggunian. Ito ang dapat gamitin sa paghahanap ng sanggunian kung ang
gagamitin sa pagahahanap ay ang pamagat ng sanggunian. Kard ng Pamagat (Title
Card) naman ang tawag sa mga kard na naglalaman ng impormasyon tungkol sa aklat
o sanggunian na may gayong pamagat.

You might also like