You are on page 1of 30

Mga Katangian

ng
Mananaliksik
Masigasig – kung hindi masigasig ang isang
mananaliksik sa paghahanap ng tamang
impormasyon, maaring mahilaw ang
pagtalakay sa gagawing pananaliksik.
Masinop – Sikaping maging maayos at
organisado ang pagtatala ng mga
impormasyon.
Masistema – Mahihiwatigan sa kilos at
gawi ng manunulat kung nakaprograma
ang lahat ng gagawin niya sa pananaliksik.
Mapamaraan – Kailangang marunong
dumiskarte sasarili ang mananaliksik.
Magaling magsiyasat – Tinitimbang na
mabuti kung nararapat o di-nararapat
isama.
May pananagutan – Mahalagang isulat ang
pangalan ng mga taong ito upang hindi
naparatangan ng pangongopya lamang sa
isinulat ng ibang tao.
Mga
Responsibilidad ng
Isang Mananaliksik
Ayon kay Atienza
1. Huwag mangopya ng mga impormasyong
gagamitin sa sulating pananaliksik. Ayon kay
Atienza atbp., ang Plagiarism ay:
• Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o
salita na hindi ginagamitan ng bantas na panipi at
hindi binanggit ang pinaghanguan.
• Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at
pinalitan lamang ang pagkakapahayag ngunit
hindi kinikilala ang pinaghanguan.
• Pamumulot ng ideya mula sa iba’t ibang
mananaliksik at pinagsama-sama lamang ang mga
ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos.
• Pagsasalin ng mga termino na nasa ibng
wika na inangkin at hindi itinala na salin
ang mga ito.
• Pagnanakaw ng bahagi ng isang disensyo,
banghay, himig nang hindi kinikilala ang
pinagbabatayan ng ibang mananaliksik
subalit inangkin na siya ang naghagilap
ng mga datos na ito.
2. Humingi ng permiso o pahintulot sa
manunulat ng akdang gagamitin sa
pananaliksik.
3. Isulat ang pangalan ng manunulat at ang
taon ng pagkakalathala ng tekstong
pinaghanguan ng ideya o mga
impormasyon.
4. Gumawa ng bibliyograpiya sa mga ginamit
na sanggunian.
6. Sundin ang prosesong inaprubahan ng
tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.
Mga Tungkulin ng Mananaliksik
1. Magkaroon ng panimulang kaalaman sa
pagsasagawa ng isang pananaliksik.
2. Pumili ng napapanahong paksa.
3. Bigyang kahulugan ang suliraning
pananaliksik.
4. Pumili ng mahahalagang
datos/impormasyon.
5. Kumilala ng mga palagay o hinuhang
nagpapalinaw sa suliranin ng pananaliksik.
6. Kakayahang lumikha ng makabuluhang
kongklusyon.
7. Katumpakan sa paghusga ng mga ginamit na
pamamaraan.
Mga Bahagi ng Pananaliksik
1. Kaligiran Ng Pananaliksik
• PANIMULA
- mababasa dito ang presentasyon o paglalahad
ng suliranin. Binabanggit din sa bahaging ito ang
saklaw ng pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng
pag-aaral.
• PAGLALAHAD NG SULIRANIN
-makikita ang pangkalahatang suliranin ng
paksang pag-aaralan. Bukod dito, makikita rin ang
mga tiyak na katanungan na kailangang masagot sa
sulating pananaliksik.
• LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-
AARAL
- tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng
buong pag-aaral at kung ano ang magiging
kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at
siyensya.
• BATAYANG KONSEPTWAL/TEORETIKAL
- ipinaliwanag ni Kerlinger na ang
teoretikal/konseptwal na balangkas na kailangan
sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy sa
set ng magkakaugnay na konsepto, teorya,
kahulugan at proporsyon na nagpapakita sa
sistematikong pananaw na phenomena sa
pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon ng mga
baryabol sa paksang pag-aaralan.
• SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-
AARALAN
- inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito
kung sino ang tagatugon na gagamitin sa
isasagawang pag-aaral, saan at kailan ito
gagawin. Ipinaliwanag nina Sevilla atbp. na ang
limitasyon ng isang bahagi o aspekto ng
pagsisiyasat na makaiimpluwensya sa resulta
ng pag-aaral na maaring makasama subalit di na
ito kontrolado ng mananaliksik.
• KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN
May dalawang paraan:
 Konseptwal na Pagpapakahulugan
ayon kay Sevilla, matatagpuan sa mga
diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal
na kahulugan ng salita na mauunawaan ng
maraming tao.
 Operasyonal na Pagpapakahulugan
ayon kay Kerlinger, ekspiremental at
nasusukat.
2. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-
AARAL
Pamantayan sa paghahanap ng mga datos na
kailangan sa pananaliksik.
• Sikaping makabago at napapanahon ang mga
sangguniang gagamitin sa pananaliksik.
• Dapat may kaugnayan sa isasagawang
pananaliksik ang mga kukunin na sanggunian.
• Kailangang may sapat na bilang ng mga
sanggunian na makatugon sa paksa.
3. PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA
- ipinapaliwanag ng mananaliksik sa bahaging
ito ang disenyo o metodolohiya sa pagsasagawa
ng pananaliksik na maaring palarawan ,
historikal o kaya’y ekspiremental. Ipinapakita rin
dito ang paraan ng pagkuha ng datos gaya ng
pagbuo ng talatanungan, pagsagawa ng sarbey,
pagmamasid o case study.
4. PAGSUSURI, PAGLALAHAD O PRESENTASYON
AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
- tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng
pananaliksik.
5. PAGLALAGOM, BUOD, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON
- hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay
isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang ang
mga mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral
at inilahad ang konklusyon sa pag-aaral na
ginawa.
MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA
PANANALIKSIK
1. Pagpili ng paksa. Sinasabing ang
pinakamahirap na bahagi ng isang
pananaliksik ay ang paghahanap na paksa o
suliraning pag-aaralan.
2. Pangangalap ng datos. Ang pangangalap ng
datos ay nangangailangan ng tiyaga at oras
dahil kailangan magsagawa ng pananaliksik,
pagbasa, at pagtatanong.
3. Pagsusuri sa mga talang nakalap. Matapos
makakalap ng datos ay nangangailangan itong suriin
upang malaman ang mga impormasayon na
magkakasama o kaya’y ang mga datos na di gaanong
kailangan.
4. Paggawa ng balangkas. Nagiging sistematiko ang
isang pananaliksik kung maisasagawa muna ang
balangkas na siyang magiging gabay sa maayos na
pagkakabuo nito.
5. Pagsulat ng draft. Ang pananaliksik ay hindi
natatapos sa isang upuan lamang kaya’t
nangangailangan na igawa ng draft o burador upang
maiayos ng mabuti ang mga ideyang isinulat dito.
6. Pagtitiyak sa Dokumento at pormat na papel.
Ang bawat pananaliksik ay may tiyak na pormat
na sinusunod kaya’t nararapat lamang na
tandaan ang mga ito.
7. Pagrerebisa sa Draft. Matapos magawa at
maisulat ang burador at dokumentasyon ay
maisagawa ulit ang pagrerebisa upang maiwasto
ang ilang kamalian na na napansin sa draft,
bigyang-diin din ang mga gramatika na
ginagamit sa pagkamalian na ginamit sa pag-
aaral.
8. Pagsulat ng Pinal na Papel. Ito ang huling
hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik.
Laging tandaan ang kaayusan, kalinisan,
kawastuhan at pagiging makakatotohanan ng
isinasagawang pag-aaral.
MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PANANALIKSIK
1. PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA
Dapat isaalang-alang ng mananaliksik na makatutulong ang
paksang mapipiling pag-aaralan. Ayon kina Atienza atbp., mahalaga
na sa simula pa lamang ay limitahan na ang napiling paksa upang
hindi maging masyadong masaklaw ang pag-aaral at pagtalakay na
gagawin dito.
Batayan sa Paglilimita ng Paksa
• Panahon
• Edad
• Kasarian
• Pangkat na Kinabibilangan
• Anyo/Uri
• Perspektibo
• Lugar
2. PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG
DOKUMENTASYON
Gamit ng Dokumentasyon
• Pagkilala sa pinagkunan ng datos o
impormasyon
• Paglalatag ng katotohanan ng ebidensya
• Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel
• Pagpapalawig ng ideya
 Content Notes – talang pangnilalaman
 Informational Notes – talang impormasyonal
Mga Sistema ng Dokumentasyon
Footnote-Bibliography (Sistemang talababa-
bibiliograpiya)
- karaniwang ginagamit sa larangan ng
humanidades at agham panlipunan.
Paglalagay ng superscript
- ang superscript ay isang nakaangat na
numerong arabiko. Inilalagay ito pagkatapos ng
salita, grupo ng salita, pangungusap o talatang
naglalaman ng hinalaw na ideya o nais bigyang
diin.
Pagnunumero ng Tala
Pagbabantas
Indensyon
- limang espasyo sa kaliwa, sunod ang
superscriptm sunod ang isang espasyo at
kasunod ang impormasyong bibliograpikal.
Unang Pagbanggit sa mga Sanggunian
- ibinibigay dito ang kumpletong
impormasyong bibliograpikal.
• Kumpletong pangalan ng awtor
• Pamagat ng aklat
• Editor/Tagasalin
• Edisyon
• Bilang ng tomo
• Lingsod o bansa ng publikasyon
• Tagapaglimbag
• Petsa ng Publikasyon
• Bilang ng tiyak na tomo na ginamit
• Pahina
Muling Pagbanggit sa Sanggunian
• Gumamit ng mas maikling pormat: huling
pangalan ng Awtor at pahina
• Kung may dalawa o higit pang sangguian: huling
pangalan ng awtor, pinaikling pamagat at pahina
• Kung walang nakalagay na awtor: banggitin na
lamang ang pamagat ng aklat/artikulo at pahina.
• Kung mahigit sa isang awtor: banggitin ang
hanggang 3 pangalan ng awtor. Kung may higit
sa tatlong awtor; banggitin ang unang pangalan
at isunod ang et.al.
• Kung may mga awtor na magkatulad ang huling
pangalan: banggitin ang unang pangalan o inisyal
• Kung babanggitin ay bahagi ng akdang may maraming
tomo: isama ang bilang tomo na pinagkunanan ng
impormasyon.
Pagdadaglat na Latin
• Ibid – ginagamit sa magkasunod na banggitng iisang
sanggunian
• Op. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang
sanggunian ngunit hindi magkasunod.
• Loc. cit. – ginagamit kung babanggitin muli ang isang
sanggunian at pahina ngunit may pumapagitnang ibang
sanggunian.
Tala (End Notes)
- pinagsama-sama sa katapusan ng papel
Parenthetical-reference list (Sistemang
parentetikal-sanggunian)
- paglalagay ng mga impormasyong
bibliogarpikal sa loob ng parenthesis na nasa
teksto mismo. Karaniwang ginagamit sa larangan
ng agham.
Pormat ng Talang Parentetikal
• Apleyido o pinaikling pamagat
• Pahina
Iba pag Alituntunin
• Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor
sa mismong teksto.
• Kung higit sa isa ang awtor: banggitin ang lahat ng
pangalan ng awtor.
• Kung may apat o higit pang awtor: banggitin lamang ang
apelyido ng una at sundan ng et.al.
• Kung mapagat lamang ang naibigay: banggitin ang
pinaikling bersyon at pahina.
• Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa
isang tomao: banggitin ang tomo (tutuldok ang
maghihiwalay sa tomo at pahina)
• Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang
awtor: banggitin na lamang ang akda.
3. PAGSUSULAT NG BURADOR (Draft-
Writing)
4. PAGSULAT NG PINAL NA PANANALIKSIK

You might also like