You are on page 1of 30

Mga Sangkap

ng Maikling
Kwento
1. Tunggalian – ang suliraning
kinasasadlakan ng pangunahing tauhan.
2. Tauhan – sila ang mga taong kasangkot
sa paglutas ng problema.
3. Tagpo – lugar at panahong ang kwento
ay nagkaroon ng kaganapan sa buhay ng
mga tauhan.
4. Tema – ang kabuuang mensaheng
tinatalakay sa mga pangyayari.
5. Banghay – ang sunod-sunod na
pangyayaring bumubuo sa kwento.
6. Pananaw o Punto de Vista – ang taong
nagsasalaysay sa pangyayari para sa mga
mambabasa.
7. Katimpian/Tono – ang damdaming
namamayani sa buong kwento.
8. Pahiwatig – ang nais sabihin ng kwento
na pinabayaang hindi literal na mabanggit
ngunit nauunawaan ng mambabasa.
9. Simbolismo – ang mga
pagpapakahulugan ng mga literal ng bagay,
lugar, tao at iba pa na kailangan ang
mataas na antas ng pag-unawang
kasangkot sa pagbasa para maunawaan ito.
SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang sangay ng
panitikan na naglalahad ng mga kuro-kuro
at pansariling kaisipan ng manunulat
hinggil sa anumang paksa. Ito ang
pinakamalawak na saklaw sa mga akdang
fiksyonal.
Mga Dapat Tandaan sa Sanaysay
Tatlong Bahagi
1. Simula
2. Katawan
3. Wakas
Paraan ng Pagsisimula/Uri ng Simula
1. Anekdota
2. Maaanghang na pangungusap
3. Tanong
4. Paglalarawan
5. Analohiya
6. Pangungusap na Deduktibo
7. Paglalahat
8. Pangungusap na hango sa Panitikan
(Quatation)
9. Salaysay
10. Buod ng Kaisipan ng Akda
Uri ng Wakas
1. Tanong
2. Mga salitang tahasang hango sa Panitikan
3. Buod
4. Mungkahi ng aksyong dapat gawin
5. Mahalagang pangyayari
Mga Paraan ng Pagtalakay ng Tema/ Katawan
1. Paggamit ng ilustrasyon/mga halimbawa
2. Paghahambing
3. Paghahambing/Pagkokontrast
4. Pagsusunod-sunod ng mga kaisipan (logical
order)
5. Pagpapaliwanag ng Anekdota
6. Tanong at Sagot
Uri ng Sanaysay
1. Pormal o Maanyo
- seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang
paglalahad at lumalayo sa katauhan ng manunulat;
may malinaw itong balangkas. Ginagamitan ng
maingat na mga salita at mabisang pangungusap.
2. Impormal o Personal
- nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at
hindi seryoso ang pagkakatulad ng paksa. Parang
kaswal na nakikipag-usap lamang ang awtor sa
mambabasa. Tinatawag itong malayang sanaysay.
TALAMBUHAY
- isang kathang prosa tungkol sa
buhay ng may-akda (autobiography) o
buhay ng isang tao na isinulat ng iba
(biography).
Mga Dapat Tandaan sa Talambuhay
Uri ng Talambuhay
1. Maikli – pinipili ang bahagi ng buhay
na ilalakip; may tema bilang pokus sa
lahat ng gagamiting mga pangyayari.
2. Mahaba – lahat ng mga pangyayari sa
buhay ng tao ay isinasama. Nagsimula
sa kapanganakan, sa magulang
hanggang sa wakas.
Ang Dula
1. Ang dula, ayon sa mga griyego ay ang
paglalarawan ng isang madulang bahagi ng
buhay.
2. Ang dula ay uri ng akdang nagsimula sa tula o
sa tuluyang paglalarawan ng buhay o ugali ng
mga tao sa pamamagitan ng mga usapan o
dayalogo at sa mga ikinikilos ng mga
pangunahing tauhang gumaganap sa
tanghalan.
3. Ang dula ay maningas na paglalahad ng mga
katotohanan, propaganda o editoryal sa layunin
at anyo, naglalayong makalikha ng kababalaghan
at makabuo ng pagbabago, kaya ito’y
naglalantad ng pakikisangkot ng mga
manonood. (Phillis Reinstra, 1972).
4. Ang dula ay nagpapakita ng kasalukuyan, ng
kahapon at ng bukas ng isang bayan.
(Balmaceda)
5. Ang dula ay pinakamagandang bulaklak sa
panitikan at ang pinakmarikit na supling ng
sining sapagkat dito pumapasok ang lahat ng uri
ng tula – tula ng damdamin, tulang may
tinuturo, tulang pumupuna, tulang nanunudyo,
tulang naratibo; lahat ng ito’y nagsasama sa
pagbibigay ningning sa dula.
Mga Dapat Tandaan sa Dula
Mga Sangkap
1. Dramatikong kumbensyong dapat tanggapin at
sundin ng mga manonood.
2. Kwentong ng Dula
-dayalogo at kilos
-paggamit ng usapan at palitan ng mga tiyak na
salita
-pagtatanghal sa entemblado
- Paggamit ng direksyon kung ano ang gagawin ng
mga tauhan.
3. Tauhan
-mga kilos nila ang nagpapalutang ng
damdamin at saloobin ng awtor na nais niyang
ipalabas hinggil sa kanyang paksa.
4. Kahulugan
- ang bunga nito sa kabuuan o ang total na
impresyon nito sa mga manonood.
Iba pang Disiplina ng Sining
Ang mga iba pang disiplina ng sining, maliban
sa Panitikan ay ang pagpipinta, eskultura,
arkitektura, musika, sayaw at teatro.
AGHAM
PANLIPUNAN
Itinuturing na isang uri ng siyensiya o
agham. Lapit siyantipiko ang gamit bagmat
iba-iba ito depende sa disiplina. Ang
agham panlipunan ay gumagamit ng
sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa
larangan, at mga datos na sekondarya. Ang
pagsusuri o metodolohiya dito ay
Dayakroniko (historikal) at Sinkroniko
(deskriptibo). Malaki ang naging
impluwensysa ng pagkabuo ng larangan sa
Agham Panlipunan.
Kilala sa larangan ng Agham Panlipunan
sina Diderot Rosseau, Francis Bacon, Rene
Descartes, John Locke, David Hume, Isaac
Newton, Benjamin Franklin, Thomas
Jefferson, gayundin sina Karl Marx, Max
Weber, Emillie Durkheim, at marami pang
iba.
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham
Panlipunan
• Sosyolohiya
- pag-aaral sa kilos at gawi ng tao sa lipunan,
ang mga pinagmulan, pag-unald, at pagkabuo ng
samahan, at institusyong panlipunan upang
makabuo ng mga kaalaman tungkol sa kaayusan
at pagbabago sa lipunan. Gumagamit ito ng mga
imperikal na obserbasyon, kwalitatibo,
kwantitatibong metodo.
• Sikolohiya
-pag-aaral ng kilos at gawi ng tao. Gumagamit
din ng empirikal na obserbasyon.
• Lingguwistika
- pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng
kalikasan. Bahagi ng pag-aaral ng ponetika,
ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at gramatika.
Deskriptibo o pagpapaliwanag sa katangian ng
wika ang ginagamit nalapit sa pag-aaral niyo,
gayundin ang historikal na lapit o pinagdaanang
pagbabago ng wika.
• Antropolohiya
- pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahong
pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng
mga kultura. Ginagamit dito ang participant-
obeservation o ekspiryensyal na imersyon sa
pananaliksik.
• Kasaysayan
- pag-aaral ng nakaraan o pinadaanang pag-iral ng
mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga
pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan.
Ganagamit ang lapit-naratibo upang mailahad ang
mga pangyayaring ito.
• Heograpiya
- pag-aaral sa mga lipunan sakop ng mundo
upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay
kaugnay ng katangian, kalikasan, at pagbabago rito
kasama na ang epekto nito sa tao. Mga metodong
kwantitatibo at kwalitatibo ang ginagamit sa
pananaliksik na dito.
• Agham Pampolitika
- pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga
patakaran, proseso at sistema ng gobyerno
gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon.
Gumagamit ng analisis at empirikal na pag-aaral.
• Ekonomiks
- pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga
proseso ng produksyon, distribusyon at
paggamit ng mga serbisyo at produkto sa
ekonomiya ng isang bansa. Pinaniniwalaan ang
mga kalagayang pangekonomiya ng isang bansa
ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya,
batas, relihiyon, kaguluhan, at mga institusyong
panlipunan. Empirikal na imbestigasyon ang lapit
sa pag-aaral na ito.
• Area Studies
- interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay
ng isng bansa, relihiyon at heograpikong
lugar. Ilan sa mga halimbawa nito ang
Japanese Studies, Korean Studies,
Philippine Studies, American Studies,
Russian Studies at iba pa. Kwalitatibo,
kwantitatibo at empirikal na obserbasyon
at imbestgasyon ang lapit sa pananaliksik
na ito.
• Arkeolohiya
- pag-aaral sa mga relikya, labi, artifact at
monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay
at gawain ng tao.
• Relihiyon
- pag-aaral ng organisadong koleksyon ng mga
paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw
sa mundo kaugnay ng sangkatauhan bilang
nilikha ng isang superior at superhuman na
kaayusan.
Pagsulat sa Agham Panlipunan
Kaiba sa Humanidades, ang mga sulatin sa
Agham Panlipunan ay simple, impersonal,
direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo,
nagnghihikayat, at naglalahad. Di-piksyon ang
anyo ng mga sulatin dito. Madalas ay mahaba ito
dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit
sapat upang mapangatwiranan ang katwiran o
tesis.
Mga Anyo ng Sulatin
Karaniwang mga anyo ng sulatin sa Agham
Panlipunan ang report, sanaysay, papel ng
pananaliksik, abstakt, artikulo, rebyu ng libro o
artikulo, balita, edtoryal sa telebisyon,
testimonial at iba pa. Mahalagang maunawaan
muna ang iba’t ibang katangian ng bawat anyo,
pormat, layunin, wika, nilalaman at inaasahang
mambabasa. Kung gayon, mahalaga ang
pananaliksik sa bawat anyo anumang paraan ito.

You might also like