You are on page 1of 5

Osmeña Colleges

City of Masbate, 5400, Philippines


Tel./Fax. (056) 333-2778
S.Y: 2019-2020

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VIII


Panitikan, Retorika at Gramatika
(Hulyo 16-18, 2019)
I. MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng tula at mga kasingkahulugan ng mga salita.
2. Nasusuri ang ponemang suprasegmental (tono) sa bawat saknong ng babasahing
tula.
3. Napapahalagahan ang isang tula sa pamamagitan ng pagbasa nito ng may
damdamin gamit ang mga bantas at pananda

II. PAKSANG ARALIN: Aralin 3: Ang Manggagawa


 Panitikan;
 Gramatika at;
 Retorika

Kagamitan: Powerpoint Presentation at Batayang aklat


Sanggunian: Hiyas ng Lahi 8 pp. 32-45

III. PAMAMARAAN:
Panimulang Gawain: Pagdarasal at Pagtsek ng atendans.

Panimula/Pagganyak:

Panitikan- “Pagpapahalaga sa mga manggagawa” Babasahin ng mga mag-aaral ang tulang “Ang
Manggagawa” ni Jose Corazon De Jesus. Matapos na maunawaan at maisapuso ang nilalaman ng
tula. Gagawa sila ng isang maikling sulat sa kanilang kwaderno tungkol sa kanilang mga
magulang bilang isang manggagawa. Ipipresenta ito sa harap ng klase pagkatapos.

Gramatika- Babasahin muli ang tula na isinulat ni Jose Corazon de Jesus at tutukuyin ng mga
mag-aaral ang mga salitang maaaring mabigyan ng kasingkahulugan. Ililista nila ito sa kanilang
kwaderno at ipipresenta sa klase.

Retorika- Ipapabigkas ng guro ang isang saknong ng tula sa mga mag-aaral. Susubukan nilang
bigkasin ng ayon sa tamang tono at damdamin ang bawat linya. Bibigyan ng dagdag na puntos
ang mag-aaral na mkakabigkas ng wasto.
2 3 1
“Lumuha ka habang sila ay palalong nagdiriwang/
2 3 1
Sa libingan ng maliit/
3 2 1
Ang malaki’y/ may libingan//
1 3 2
Katulad mo ay si Huli na aliping bayad utang
2 3 1
Katulad mo ay si Sisa binaliw ng kahirapan
Walang lakas na magtanggol/ walang tapang na umalaban//

Tumataghoy kung paslangin/ tumatangis

Kung nakawan//

Paglalahad/Pagtatalakay: Interaktibong Pagtatalakay sa mga sumusunod:

 Panitikan- Basahin ang tulang “Ang Manggagawa” ni Jose Corazon de Jesus. Magbibigay ng aral
na nakuha sa tula pagkatapos itong mabasa.
Gabay na mga tanong:
1. Kung ikaw ang manggagawang tinutukoy sa tula, ano ang iyong mararamdaman na
winawalang halaga ang iyong paghihirap? Paano mo ito tatanggapin?

2. Sa kasalukuyang panahon, paano pinahahalagahan ang mga manggagawa sa ating


lipunan?

 Gramatika- Ponemang Suprasegmental (Tono)


 Retorika- Pagtatalakay sa iba’t-ibang halimbawa ng tulang pandamdamin.

Paglalapat:
Panitikan-
Panuto:
A. Bigyang interpretasyon ang magagawa ng manggagawa sa kabihasnan. Isulat sa tsart ang
sagot.

Halimbawa: mananahi Damit na isang pangunahing


pangangailangan na siya ang gumagawa.
1.
2.
3.
4.
5.

Gramatika- Lagyan ng wastong eskala ang bawat pahayag upang malaman kung ano ang tono
nito. Bigkasin ayon sa pagkakalagay ng eskala.

1. Huwag = ____________________________________________
2. Ayoko = ____________________________________________
3. Totoo = ____________________________________________
4. Talaga = ____________________________________________
5. Bakit = ____________________________________________
6. Maganda = ______________________________________
7. Pambihira = ______________________________________
8. Alis = ____________________________________________
9. Takbo = ____________________________________________
10. Kumusta = ______________________________________
Retorika: Balikan ang tulang “Ang Manggagawa” ni Jose Corazon de Jesus. Pumili ng dalawang
saknong at isapopular gamit ang wika ng kabataan sa kasalukuyan. Bigkasin o i-rap ito. Isulat
ang dalawang saknong na napili.

?
Paglalahat:
Gabay na mga tanong:
1. Bakit mahalaga ang damdamin sa isang tula?
2. Paano malalaman na ang uri ng tula ay pandamdamin o liriko?
3. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga ponemang suprasegmental tulad ng tono lalo na sa
pagbigkas ng mga tula?
4. Paano nalalaman na ang ponemang suprasegmental ay nagpapakita ng tono?

PANITIKAN
Natutuhan ko na _________________________________________________________________-
_____________________________________________________________________________
GRAMATIKA
Nalaman ko na
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
RETORIKA
Naging malinaw sakin na
________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pagtataya:

PANITIKAN- Isulat ang tsek (/) kung magkasingkahulugan ang pares ng salita, ekis (X) naman kung hindi.

1. Pinapanday-pinapalo
2. Nagtilamsik-nagtilapon
3. Kumikinang-kumikislap
4. Batingaw- kampana
5. Nagyayabang-nagmamalaki
6. Maangat-matayo
7. Dakilain-pahalagahan
8. Kabihasnan-kultura
9. Itanghal-kilalanin
10. Tagumpay-kapalaran

GRAMATIKA- Lagyan ng eskala ang bawat pahayag na may dalawang kahulugan. Isulat sa katabi ang
kahulugan nito.

1. Tama ka.

2. Bumili.

3. Kumuha ka.

4. Tuloy.

5. Magandang araw.

6. Kasama.

7. Lumayo ka.

8. Gagawin.

9. Mainit

10. Gabi na.

RETORIKA- Basahin ang sumusunod na saknong ng ilan tula. Suriin kung anong uri ito ng tulang
pandamdamin.
1. Kaya nga’t aming pusong dilidili
Nakintal ang isang ginintuang sabi-
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.
-“Ang Magsasaka” ni Julian Cruz Balmaceda

URI NG TULANG PANDAMDAMIN ______________________

2. O Mariang sakdal dilag


Dalagang lubhang mapalad
Tanging pinili sa lahat
Ng Diyos Haring Mataas.
Itong bulaklak na alay.
Ng aming pagsintang tunay
Palitan mo, Birheng Mahal
Ng tuwa sa kalangitan.
-“Flores de Maria” ni Pari Mariano Sevilla

URI NG TULANG PANDAMDAMIN _________________________


3. Sinalok sa palad ng ubaning buhay,
Ang santimbang dusa’t bigong kapalaran
Sa paghihikahos ng gabi at araw
Ang nagpapasasa ay malansang asal.
-“Ngayon” ni C. M. Vega

URI NG TULANG PANDAMDAMIN _________________________

Inihanda ni: Inaprubahan ni:


Bb. LEIZL M. TOLENTINO G. JERIC E. CABUG
Guro sa Filipino Punong-guro

You might also like