You are on page 1of 4

LAURENCE ALEXA BARIN

11-BRAVERY (HUMSS)

TEKSTONG NARATIBO

Pamagat: Sandaang Damit

May-akda: Fanny A. Garcia

Pinagkunan: academia.edu

1. Paano sinimulan ang kwento?

1.1 Para sa aking obserbasyon, Sinimulan ang kwento sa pamamagitan ng paglalarawan


sa pangunahing tauhan ng kwento kung anong suot, itsura at estado niya sa buhay.

2. Ano ang paksa ng kwento?

2.1 Ang paksa ng kwentong ito ay tungkol sa isang batang babae na mayroong sandaang
damit na pawang nakahugit lamang sa mga papel.

3. Anong Uri ng tauhan ang bida?

3.1 Base sa aking opinion ang uri ng tauhan sa kwento ay isang tauhang bilog dahil sa
simula inilarawan ang pinaka tauhan na laging inaapi, umiiyak at nag susumbong sa ina
at sa kalagitnaan naman ng kwento naging matapang, malakas ang loob, nag karoon ng
maraming kaibigan dahil sa kasinungalingang kanyang kinukwento.

4. Sino sa mga tauhan ang dapat o hindi dapat unawain? Bakit?

4.1 Para sa akin, ang dapat unawain sa kwento ay ang pangunahing tauhan o ang batang
babae dahil sa aking palagay sa kanya umiikot ang kwento, kung bakit niya nagawang
mag sinungaling at ipaalam na mayroon siyang isandaang damit sa kaniyang mga
kaklase kahit sa totoo’y wala naman at iginuhit lamang.

5. Ano ang bisang taglay ng kwento sa mambabasa batay sa,

5.1 Kaisipan
5.1.1 Mas pinapalawak ang kaisipan ng mambabasa na ipinahahatid ng kwento
sa kung anong posibleng bunga ng pakukutya at panlalait sa isang tao.

5.2 Pandamdamin

5.2.1 Ang maikling kwentong ito ay ipinaramdam sa akin bilang mambabasa


ang awa at lungkot sa batang babae dahil sa estadong kaniyang kinalalagyan sa
buhay.

5.3 Pangkaasalan

5.3.1 Dito naman naipahiwatig sa akin kung ang tamang paraan upang kumilala
ng isang tao hindi lamang sa kaniyang pananamit at estado sa buhay.

6. Anong teorya ang ginamit sa kwento? Patunayan.

6.1 Para sa akin ang teoryang ginamit sa kwentong sandaang damit ni Fanny A. Garcia
ay ang teoryang Markismo at Feminismo dahil ang layunin ng teoryang ito ay ilantad
ang iba’t ibang paraan ng kababaihan ng pagtugon sa suliraning kanilang kinakaharap
na sa aking palagay ay ginamit ng may-akda dahil base sa kwento, nag-isip ng maaaring
paraan ang batang babae upang tumigil na ang pangungutya sa kaniya ng kaniyang mga
kaklase at ito ang paglalarawan sa kaniyang isandaang damit na pawang nakaguhit
lamang na kung ating iintindihin nag karoon ng markismo dahil ang pangunahing tauhan
ay gumawa at nag-isip ng paraan na sa tingin niya’y makakaayos ng kaniyang problema
at may dugtong na feminism sapagkat ang pangunahing tauhan ay isang batang babae.

7. Ano ang kaugnayan ng kwento sa:

7.1 Sarili

7.1.1 Bilang isang kabataan dumarating ako sa punto na ako’y minsang


nakararamdam ng kakulangan sa aking buhay. Maging ito ma’y pantustos sa
aking pag-aaral, luho sa mga gamit at maging ang karangyaan ngunit hindi
dumating sa sitwasyong nag sisinungaling na ako sa mga taong nakapaligid
sakin. Unti unti’y naiintindihan at natatanggap ko ang aking kapalaran dahil
doon mas nagiging motibasyon ko ito upang ipagpatuloy ang aking pangarap.
7.2 Pamilya

7.2.1 Base sa kwento ang kahirapan ang namumutawi sa bawat pamilya dahil
dito nagkakaroon tayo ng kakulangan sa pangangailangan sa pang araw-araw na
pamumuhay tulad na lamang sa ibang parte ng maynila na kung ating titingnan
ay labis na kahirapan ang kanilang matinding kalaban sa kanilang pamumuhay
kaya naman maging ang edukasyon ng mga anak at kinakailangan ng mga
pamilya ang kanilang kadalasang problema.

7.3 Komunidad

7.3.1 Nagkakaroon ng epekto sa komunidad ang pangungutya o maling


pagtingin sa ibang tao dahil dito maaaring magmula ang away, hindi
pagkakaintindihan at maging ang kasinungalingan.

7.4 Bansa

7.4.1 Sa kadahilanang talamak hanggang sa ngayon ang kahirapan saan mang


panig ng Pilipinas na nagkakaroon ng hindi magandang bunga at nakakapag-isip
ang mga tao ng mga maling Gawain para sa ikabubuti nila na nagkakaroon din
ng masamang epekto sa mga taong kanilang nagagawan ng masama.

7.5 Daigdig

7.5.1 Ang pangungutya at pang huhusga sa iba’t ibang lugar lalo na isang
paaralan base sa antas ng tao sa buhay ay isang uri ng racism na hindi nating
maitatanggi na kahit saang parte ng mundo ay nararanasan at nangyayari ito na
dapat ng wakasan at itigil na dahil nagkakaroon ito ng hindi magandang epekto
na maaaring makasanayan at magawa ng mga sunsunod pang henerasyon.
SANDAANG DAMIT

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang


kanyang pagiging walang imik sa klase at madalas nanakaupo lamang siya sa
isang sulok. Siya ay madalas na tinutukso ngkanyang mga kaklase sapagkat
pabalik-balik lamang ang kanyang damitat kung oras na ng kainan ay nakikita
nilang ang kanyang baon aykapiraso lamang ng tinapay na madalas pang walang
palaman.Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya
sakanyang ina ang kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina
sakanyang kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa batang babae na ibibilina
lamang siya ng bagong damit at masarap na baon kung makakakuhana ng
trabaho ang kanyang ama.Dumating ang araw na naintindihan na niya ang
kalagayan ngkanilang pamilya. Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina ang
kanyangnararanasang panunukso mula sa kanyang mga kaklase at natuto
nasiyang sarilinin ang kanyang nararamdaman.Isang araw ay hindi na nagtiis ng
bata ang panunukso ng kanyangmga kaklase at natuto na siyang lumaban. Sinabi
niya sa kanila na siyaay may sandaang damit sa kanilang bahay. Hindi naniwala
ang kanyangmga kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga
disenyo ngbawat damit niya at dahil ditto ay naniwala na sila sa kanya.Dulot
nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Nagingkaibigan na siya ng mga
ito. Naging palasalita na siya at hindi na siyamahiyain. Minsan nga ay
binabahagian pa siya ng mga ito ng kanilangmasarap na baon.Subalit, isang araw
ay hindi nagawang pumasok sa klase ngbatang babae. Nang lumipas ang isang
lingo ng kanyang pagliban aynagpasiya ang kanyang mga kaklase na dalawin
siya sa kanilang bahay.Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang paytat
na babae atnakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at salat sa
marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batangbabae na
nakahiga at may sakit pala.Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming
papel nanakapaskil sa dingding. Nakita nila ang mga larawang tulad ng
binanggitng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na ni minsan
ayhindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing lamang.

You might also like