You are on page 1of 3

MAYNILA — Nagsimula ang sumisikat na konsepto ng "community pantry" sa isang karatula at simpleng

ideya: magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.

Pero sa loob lamang ng ilang araw, ang community pantry sa Maginhawa street sa Quezon City ay
lumaganap na sa iba't ibang siyudad at lalawigan.

Mula sa Caloocan, Pasig at sa Maynila, tumawid na sa ibang lalawigan mula Laguna hanggang Albay.
Umabot na rin ito sa Visayas at Mindanao.

Si Ana Patricia Non na nagsimula ng community pantry sa Maginhawa, nagulat sa lawak at bilis ng
pagkilos ng mga komunidad para tumulong.

"Masaya ako nakita ng mga tao 'yung need pero at the same time, saya at lungkot. Di sya pure positive...
Nae-expose din na kailangan 'yung food security sa ating mga Pinoy... Masaya na na-empower tayo kasi
kailangan natin magtulungan kasi tayo-tayo muna habang kulang ang nakukuha natin," sabi ni Non.

Si Pacencia Valdez na matiyagang pumila sa Maginhawa, masaya dahil maitatawid niya ang pagkain sa
isang araw dahil sa community pantry.

"Malaking tulong na ito sa amin na hikahos din."

Tuloy-tuloy naman ang dating ng mga may dalang ayuda, ang ilan ay ayaw nang magpakilala.

Suportado ng Department of Health ang community pantry, pero nagpaalala pa rin sa physical
distancing.

"Unang-una, nire-recognize natin ang effort ng ating mga kababayan na talagang tutulong sila sa ating
mga nangangailangan... Malaking tulong ito both sa physical wellness and mental wellness ng ating
kababayan," ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Nauna nang sinabi ng ilang senador na bagama't masayang makita ang bayanihan sa pamamagitan ng
community pantry, isa umano itong senyales ng kapalpakan ng pamahalaan na magbigay ng ayuda sa
pandemya.

Para kay Sen. Panfilo Lacson, "desperado" na ang taumbayan, habang "wake up call" naman ang tingin
dito ni Sen. Grace Poe.

Itinanggi naman ng pamahalaan ang paratang na ito at sinabing huwag nang magbangayan.
Ang community pantry, tinatawag ding bodegang bayan[1] ay isang lugar o pwesto sa komunidad kung
saan mayroong mga libreng pagkain o kung ano pa mang anyo ng donasyon ang nakalatag at mayroong
pahintulot ang sino mang indibidiwal na kumuha o kaya naman ay mamahagi ng karagdagang suplay sa
pantry. Una itong itinayo ni Ana Patricia Non sa sa Maginhawa St. sa UP Village, kaharap ng groseriya ng
Ministop at Romantic Baboy.[2] Ang prinsipyong "Magbigay ng ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa
pangangailangan," ay ang batayang konsepto ng pamamahagi at pangangalap ng nasabing proyekto.
Ang mga nagtayo ng kani-kanilang mga community pantry ay palaging naglalagay ng pananda sa isang
maliit na karatula kung saan nakasaad ang prinsipyo. Naglalagay rin sila ng tanda na "inspired by
Maginhawa Community Pantry[3]" bilang pagbigay pagkilala sa nagsimula at nagtaguyod nito.

Mula noong Abril 19, 2021, mayroong nasa higit 28 na mga aktibong community pantry sa buong bansa
at sinasabing tumatayang 5,000 na mga benepisyaryo na ang natulungan nito. [5] Mabilis namang
lumaganap ang community pantry sa iba't ibang dako ng Pilipinas dahil na rin sa kakulangan sa pagkain
at nutrisyon ngayong panahon ng pandemya, ayon kay Ana Patricia.

Kasaysayan ng Community Pantry


Magmula pa noong 2013, mayroon nang parehong programa nito sa Estados Unidos. Ito ay nasa mga
unibersidad kung saan nagbibigay tulong sa mga estudyanteng walang pambili ng pagkain dahil sa
kanilang mga utang sa paaralan. Mayroon ring ganitong programa na umusbong sa Thailand noong
2020, ang Too Pan Sook (pastries of sharing)[7][8]. Subalit ibang bersyon naman ang nabuo sa Pilipinas
dahil magmula sa mga may-ari ng mga malalaking kainan hanggang sa mga magsasaka sa Tarlac, ay
nagbibigay ng kani-kanilang porsyon para makatulong sa community pantry.[5]

Suliranin ng proyekto
Makalipas na ito ay maging usap-usapan sa iba-ibang porma ng media, agad naman itong ginaya sa
dumadami pang komunidad. Subalit, mayroong isang beses na nahinto ang pamamahagi ng Maginhawa
Community Pantry sanhi ng pag-aalala nin Ana Patricia Non sa kanyang seguridad. Ilang kasapi ng
pulisya, partikular ng Quezon City Police District ang nagtungo sa nasabing lugar upang kumuha ng mga
litrato at hingin ang ilang impormasyon kay Non patungkol sa kanya at sa kanyang proyekto.[9][10]
Noong parehong araw ay nagpalabas naman Facebook page ng ational Task Force Ending Local
Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng isang paalala sa publiko kung saan ikonokonekta nito ang
proyekto sa ilang propaganda ng mga komunistang grupo..[11]Nagbigay na ng paumanhin ang NTF-
ELCAC. Subalit, sa nakaraang panayam kay Lieutenant General Antonio Parlade, ang namumuno sa
National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi nito na si Non, ang
nagtayo ng Maginhawa community pantry, ay nililinlang ang mga tao katulad ng ginawa ni Satanas.[12]
Sa paglilinaw, ang tinutukoy niya lamang raw ay ang mga posibleng mas malalaking organisasyon sa
likod nito, at hindi naman partikular na si Ana Patricia Non.[13] Samantalang iniutos naman ng Pulis
Heneral na si Debold Sinas sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ilang pang-rehiyonal
na opisina ng mga kapulisan na itigil ang pag-red tag o ang gawain ng pagkokonekta ng mga ganitong
proyekto sa mga subersibong grupo.[14]
USO ngayon ang salitang pantry dahil sa nagsulputang community pantries sa iba’t ibang bahagi ng
bansa na nag-aalok ng libreng pagkain sa nangangailangan lalo na ngayong may pandemya na libong tao
ang nawalan ng trabaho.

Tila biglang nalinya na rin ang pantry sa mga salitang nauso, naging palasak at naging araw-araw na
bahagi ng buhay natin mula nang kumalat ang COVID-19. Kasama na ang pantry sa hanay ng social
distancing, face mask, face shield, alcohol, pandemya, lockdown, health protocol, quarantine, curfew,
contact tracing, online class, work from home, ppe (personal protective equipment) vaccine, virus,
ayuda, positive o negative (sa COVID), swab test, at ibang mga terminong natutunan at natanim sa isip
ng mga tao kaugnay ng pandemya.

Walang direktang salin sa Tagalog ang pantry pero, kung susundan sa salin sa Ingles, isa iyong cabinet o
closet o anumang lagayan ng mga pagkain sa kusina o paminggalan. Sa kaso ng community pantry,
karaniwang isa itong maliit o mataas o mababa o mahabang mga mesa o kariton na naglalaman ng mga
gulay, bigas, itlog, de lata, noodles, prutas, tinapay, at ibang pagkain na ipinamimigay sa sino man at
karaniwang makikita sa labas ng bahay ng nag-organisa nito o maaaring sa bangketa o lugar sa labas na
madaling makita.

May mga nagdodonasyon para mapunan ang mga pantry na ito. Puwede marahil tawagin sa Tagalog na
paminggalang bayan o kusinang bayan pero, dahil sanay ang marami sa atin sa Taglish, tila tinanggap na
lang ang wikang Ingles na community pantry.

Hindi na naman bago ang konsepto ng ganitong community pantry dahil meron na ring mga gumagawa
nito sa ibang bansa (tulad halimbawa sa Qatar at Bahrain) kahit noong wala pang pandemya bagaman
sa halip na mga lamesa ay refrigerator ang inilalabas ng nagkakawanggawa na nais mamigay ng libreng
pagkain sa mga nangangailangan, mahihirap o nagugutom o walang makain.

Pero nakakahanga naman talaga ang idea ng community pantry na sinimulan ng isang babaing
negosyante sa Quezon City dahil tinutugon nito ang kakapusang nararanasan ng maraming mamamayan
dulot ng pandemya. Nagmukha siyang bago na tila nagbigay ng isang solusyon sa mga kagipitang
nararanasan sa kasalukuyan ng marami nating kababayan.

Ideya na tinularan sa iba’t ibang bahagi ng bansa na umaabot na sa mahigit 300 ang bilang.
Nakalulungkot at nakakadismaya lang na merong nagbigay ng malisya o intriga sa konsepto ng
community pantry na lumilihis sa tunay na magandang hangarin nito.

Pero hindi naman natigatig ang mga nag-oorganisa ng mga community pantry at tuloy pa rin ang
kanilang aktibidad sa pagtulong nila sa mga nangangailangan. Sa katunayan, pinupuri at ipinagtanggol
ito nang maraming opisyal ng gobyerno, lokal na lider, mga mambabatas at iba pang mga kilalang
personalidad dahil sa maganda nitong layunin.

You might also like