You are on page 1of 1

Epiko ni Ibalon

Ibinuod ni Katherine H. Pagkaliwangan

Si Baltog ang kinilalang hari ng lupain ng Ibalon. Maunlad ang pamumuhay ng mga tao sa kanyang
pamumuno subalit muling dumating ang mga mapaminsalang hayop gaya ng dambuhalang buwaya,
mababangis na tamaraw, lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Matanda na si
Baltog upang makipaglaban kaya naman tinulungan siya ng kanyang kaibigan na si Handiong. Nalipol ni
Handiong ang lahat ng kalaban liban sa engkantada na si Oriol, na siyang tumulong upang sugpuin ang mga
hayop. Naging payapa ang Ibalon at umunlad. Natuto ang mga tao na magsaka. Subalit, may isang halimaw
na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop, siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga
tao o hayop. Nabalitaan ito ni Bantong at hiniling kay Handiong na siyang papatay sa halimaw. Nalaman ni
Bantong na sa araw ay tulog si Rabut kaya kanya itong pinatay. Nagalit ang Diyos sa ginawa ni Rabut.
Pinarusahan niya ito sa pamamagitan ng isang napakalaking baha kung saan nalunod ang mga tao at nasira
ang mga bahay pati pananim. Nang kumati na ang tubig, nag – iba na ang Ibalon. Nagpanibagong buhay ang
mga tao sa pamumuno ni Bantong.

Mga gabay na tanong sa “Epiko ni Ibalon”.

1. Saan nangyari ang epiko?


a. Laguna c. Ibalon
b. Cavite d. Bailen
2. Sino ang pangunahing tauhan sa epiko?
a. Handiong c. Oriol
b. Baltog d. Rabut
3. Ano ang naging problema sa epiko?
a. baha c. sakit
b. lindol d. mapaminsalang hayop
4. Sinu – sino ang mga naging pinuno sa epiko?
a. Handiong c. Baltog
b. Baltog d. Lahat ng nabanggit
5. Ano ang pangalan ng engkantada na binanggit sa epiko?
a. Handiong c. Oriol
b. Baltog d. Rabut
6. Sino ang ang halimaw na tinutukoy sa epiko?
a. Handiong c. Oriol
b. Baltog d. Rabut
7. Alin ang hindi nabanggit na mapaminsalang hayop sa Ibalon?
a. buwaya c. tamaraw
b. ahas d. pating
8. Ano ang parusa na iginawad ng Diyos sa Ibalon?
a. baha c. sakit
b. lindol d. mapaminsalang hayop
9 – 10. Kung ikaw si Bantong, papatayin mo din ba ang iyong kalaban habang natutulog?
a. Hindi, dahil dapat gising ito.
b. Hindi, dahil dapat mayroon siyang pagkakataon na ipaglaban ang sarili niya.
c. Oo, para panalo na agada ko.
d. Oo, para hindi na sya makalaban.

You might also like