You are on page 1of 2

“WALANG MAIIWAN”

Dokumentaryo ni Kara David

Sabi nga nila ang pag-aaral ay ang susi para sa magandang kinabukasan kung
kaya nama’y napakaraming kabataan ang nais makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit,
hindi lahat ng kabataan ay may pare-parehong pribilehiyo na makatapos at makaranas
ng madali at payapang pag-aaral. Ang bansang Pilipinas ay maituturing na isa sa mga
bansa sa asya na nahuhuli pagdating sa edukasyon, kung kaya nama’y mahirap ang
naging sistema nito lalo na sa mga mag-aaral ng mga rural na lugar dito sa Pilipinas.
Lingid sa kaalaman natin ang problema at araw-araw na situwasyon na kinakaharap ng
mga guro, magulang, lalo na ng mga mag-aaral sa mga liblib at mahihirap na lugar sa
bansa. Halina’t tunghayin ang isa sa mga dokumentaryo ni Kara David na
pinamagatang “WALANG MAIIWAN” na talaga namang magpapaantig sa puso ng
bawat isa, isang dokumentaryo na makakatulong sa pagbukas sa ating mga mata’t
isipan patungkol sa sistema ng buhay at edukasyon sa Pilipina, isang dokumentaryo na
magiging inspirasyon sa bawat isa.

Ang kahirapan ay isa sa pinaka-ugat ng bawat problemang kinakaharap ng


sambayanang Pilipino lalo na ng mga mahihirap na pamilya at mga pamilyang nakatira
sa mga rural na lugar sa bansa. Kaakibat ng kahirapan ay ang mahirap na pagtahak sa
mundo ng edukasyon gaya ng situwasyon ng kinakaharap ng mga mag-aaral sa Sitio
ng San Guilliermo. Sa unang bahagi pa lamang ng dokumentaryo, ipinakita ang mga
mag-aaral na ibinibingwuit ang kanilang mga sariling buhay sa pagtawid sa ilog
makapasok lamang sa eskuwelahan. Ngunit hindi lamang yan ang kalbaryong
kinakaharap ng mga estudyante, kilo-kilometrong daan at ilang oras na lakarin pa ang
igugugol ng mga mag-aaral makapasok lang sa eskuwelehan. Mapabagyo man o tirik
na tirik ang araw, ang mga kabataan sa Sitio ng San Guilliermo ay walang tigil na
susulungin ang bawat kalbaryong ito makapasok lamang sa eskuwelahan. Sa hirap din
ng kanilang buhay, pati ang gamit nila pamasok sa eskuwelahan ay pinaghahatian pa
nila gaya ng tsinelas. Mula sa daang tinatahak ng mga estudiyante, madalas
nakakakuha ng mga sugat ang mga mag-aaral na siya namang ginagamot ng kanilang
mga butihing guro habang nag mga mag-aaral ay nagbabasa at nagsusulat.

Ngunit, sa kabila ng mga sakripisyo at kalbaryong kinakaharap ng mga


estudiyante sa araw-araw nilang pagpasok sa eskuwelahan, hindi parin naiiwasan ang
pagtigil ng mga estudiyante sa pag-aaral. Patuloy na tumataas ang drop-rate ng mga
eskuwelahan sa mga rural na lugar gawa nga ng mahirap na situwasyon na
kinalalagyan nila sa araw-araw. Ayon sa Multidimensional Poverty Index ng Philippine
Statistics Authority, 5 sa 10 pamilya ang may kakulangan sa akses sa pag-aaral o
edukasyon. Isa sa dahilan sa kakulangan sa akses sa edukasyon ng isang pamilya ay
ang pagtira sa mahihirap na lugar at pagtira sa lugar kung saan malayo sa
eskuwelahan na siyang nagbubunga sa mataas na drop-out rate ng bansa. Yan ang isa
sa pinakaproblemang kinakaharap ng mga guro at estudiyante sa Sitio ng San
Guilliermo. Napakaraming magagaling, matatalino, at may potensiyal na estudiyante
ang tumitigil sa kanilang pag-aaral gawa ng hirap sa buhay pati na rin ang pag-iisip at
paniniwala ng kanilang mga magulang. Para sa mga magulang ng mga estudyante,
matuto lamang makabasa at makasulat ang kanilang mga anak ay sapat na at puwede
na itong huminto sa pag-aaral. Kung ang anak ang tatanungin, gusto nilang ipagpatuloy
ang kanilang pag-aaral dahil mayroon silang mga pangarap ngunit mas pinili nalang
nilang unahin ang kapakanan ng pamilya kumopara sa sariling pangarap. Kaya naman
ang kanilang mga guro ay gumawa ng paraan para iligtas ang kanilang mga
estudiyante sa nahaharap na kalupitan ng buhay. Sila’y nagsusumikap na isa-isahin
ang mga tahanan ng bawat estudiyanteng hindi na pumapasok upang alamin ang
kanilang kalagayan. Handa rin silang suportahan ang bata dahil sa tinuturing na nila
itong sariling mga anak at ayaw nila itong mapagiwanan ng panahon at kaalaman, dahil
ang mga guro ay mayroon ring pangarap para sa kinabukasan ng mga kabataan. Gaya
ng ginawa ng gurong si Jun Marques na guro ng estudyanteng biktima ng kahirapan.
Siya ay nagpursigi na bahay-bahayin ang mga batang hindi na pumapasok sa kanyang
kalse upang alamin ang kalagayan nito at kumbinsihin ang estudiyante at ang
magulang na hayaang pag-aralin at patapusin ang kanilang mga anak.

Talaga namang wala dapat maiiwan na bata pagdating sa karunungan, Karapatan


ng bawat isa lalo na ng mga kabataan makapag-aral. Gaano man kahirap ang buhay,
huwag na huwag natin ipagkait ang karunungan at kaalaman sa mga batang unti-unting
bumubuo ng pangarap dahil pagdating ng araw ang karunungang ito ang magsasalba
at ang magiging kaagapay nila sa isang magandang bukas. Huwag nating iharap ang
musmos na isipan ng isang bata sa madilim na mundo ng pagtatrabaho at paghihirap,
hayaan at tulungan natin silang makamit ang kanilang mga pangarap kasabay ng ilang
bata at kanilang mga kaibigang patuloy na nagsusumikap. Gaya nga ng sinabi ni Kara
David sa dokumentaryo niyang ito, “Madaling Mawalan ng pag asa sa mahaba at
maputik na daan. Pero hanggat may batang handing tawirin ang agos at unos, hanggat
may gurong handang magsakripisyo sa ngalang ng serbisyo, may pag asa sa gitna ng
kawalan at buhay ang pangakong walang batang maiiwan.”

You might also like