Professional Documents
Culture Documents
ng Wika
Kosepto ng Pinagmulan ng Teorya ng
Wika
Teoryang Biblikal
Rene Descartes
Plato
Teoryang Hango sa Pananampalataya
Charles Darwin
Wikang Aramean
Wikang Aramean
MGA TEORYANG HANGO SA MGA
BAGAY SA KAPALIGIRAN
TEORYANG DING-DONG
◦ ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o
kaugnay na tunog
◦ kampana- ding-dong o kalembang
TEORYANG BOW-WOW
• ginagagad ng tao ang mga tunog na likha ng
kalikasan
• Halimbawa: tunog ng hayop (tahol ng aso “bow-
wow” o “kaw-kaw”)
TEORYANG TATA
◦ Ito ay ang kumpas o galaw ng kamay ng tao
◦ Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye.
TEORYANG YUM-YUM
pagnguya ay may tunog na naririnig, ang tunog
“yum-yum” o “nam-nam.”
TEORYANG YO-HE-YO
• ang tao ay natututong magsalita bunga ng pwersang
pisikal.
TEORYANG SING-SONG
ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at
musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan
ng marami.
Hey you!
◦ tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at
pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo
bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!).
Tinatawag din itong teoryang kontak.
Coo Coo
◦ Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga
matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-
bagay sa paligid
Babble Lucky
◦ Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya
nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang
tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga
bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging
pangalan ng mga iyon
Hocus Pocus
◦ Maaaring ang pinanggalingan ng wika ay
tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating
mga ninuno.
Eureka!
◦ Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang
ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay
may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong
tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay.
La-la
◦ Mga pwersang may kinalaman sa romansa
Ta-ra-ra-boom-de-ay
◦ Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng
gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim,
pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot,
maging sa paliligo at pagluluto.
Mama
◦ Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling
pantig ng pinakamahahalagang bagay.
Pooh pooh
◦ Napabulalas sila bunga ng mga masisidhing
damdamin
PAGKATUTO SA WIKA
UNANG YUGTO: PASUMALA
(RANDOM)
◦ Ang bata ay lumilikha ng mga tunog na
kakailanganin nila sa pagsasalita sa mga
darating na araw.
◦ Katulad ng vocalizing, cooing, gurgling at
babbling.
◦ Tinatawag ng mga matanda ito bilang
ponema.
BABBLING
◦ binubuo ng magkakalapit na tunog na katinig
– patinig gaya Ma MA o Da Da Da
ECHOIC SPEECH
◦ Ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita
IKALAWANG YUGTO: UNITARY
◦ Patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit n
tunog ang mga bata na limitado sa isang
pantig.
HOLOPHRASTIC SPEECH
◦ ang paggamit ng mga bata ng isang salita
upang magpahayag ng mga ideya.
◦ Sa gulang na 12 buwan
IKATLONG YUGTO: EKSPANSYON AT
DELIMITASYON
◦ isahan o dalawang pagsasalita hanggang sa maging
katulad na ito ng pagsasalita ng matanda (18-20
buwan, dalawang salita)
PIVOT CLASS
◦ kalimita;y maikli, at ito iyong malimit nilang bigkasin
at maaaring nasa una o ikalawang posisyon.
◦ Hal. Kain Mommy, Kain Baby, Kain Ato
PIVOT WORD
◦ hal. Dede ko, Dede tata, Dede Mama, Tuya alit,
Mommy alit, Daddy alit, alit, Mommy raro.
◦ Ang bata ay palatanong ng maraming BAKIT? ANO
YAN? ANO ITO ?
IKAAPAT NA YUGTO: KAMALAYANG
ISTRUKTURAL
◦ Habang patuloy na nagiging komplikado ang
kanilang pagsasalita, magagawa nilang
magkamali dahil bumubuo sila ng sariling
paglalahat na kung minsa ay hindi pinapansin
ang eksepsyon.
◦ Hal. Nikain vs Kinain
IKALIMANG YUGTO: OTOMATIK
◦ Ang bata’y nakapagsasalita na nga may
wastong balarila kaya’y nagagwa na nilang
maihayag ang kanilang ideya at damdamin
kagaya ng mga matatandnag tagapagsalita ng
wika.
IKAANIM NA YUGTO: MALIKHAIN
◦ Nagagawa na ng bata na mag-imbento o lumikha g
sarili nilang wika bagamat ang mga pariralang gamit
ay dati nang naririnig, nagkakaroon sila ng lakas ng
loob dahil nagagawa na nilang magsalita ang gingamit
ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa paligid.
◦ Malalagpm na ang mga bata ay natututo sa wika sa
pamamagitan ng:
◦ Pag-ugnay (Pagtambal ng tunay na bagay sa tunog
ng salita)
◦ Pagpapatibay (Anumanng positibong papuri na
gaganyak sa isang bata upang ulitin ang anumang
tugon)
◦ Panggagaya(Panggagad sa anumang tunog na
naririnig sa matatanda)
◦ Elaborasyon (Pagpapalawak ng isang salita upang
makabuo ng pangungusap)
PONEMANG SEGMENTAL AT
SUPRASEGMENTAL
PONOLOHIYA
◦ pag-aaral sa makabuluhang tunog.
PONEMA
◦ pinakamaliit nay unit ng tunog.
PONEMANG SEGMENTAL
◦ ito ay ginagamit ng mga katumbas na letra upang
mabasa at mabigkas.
KATINIG
◦ ipinakikita ito batay sa paraan at punto ng
artikulasyon. (m.t.) o (w.t)
PUNTO NG ARTIKULASYON
◦ bahagi ng bibig kung saan ang pagbuo ng katinig.
PARAAN NG ARTIKULASYON
◦ paraan kung paano nalilikha ang katinig.
DIPTONGGO
◦ magkasamang patinig at malapatinig na w at y.
◦ May pitong diptonggo sa Filipino: ay, ey, oy, uy, aw,
ow, iw.
KLASTER O KAMBAL KATINIG
◦ magkasunod na katinig sa isang pantig.
PARES MINIMAL
◦ pares ng salita na magkaiba ang kahuluganngunit
magkatulad ng bigkas maliban sa isang ponema sa
parehong posisyon.
PONEMANG MALAYANG
NAGPAPALITAN
◦ Pares ng salita na katatagpuan ng magkaibang
ponema sa magkatulad na kaligiran ngunit
hindi nakaaapekto o nakapagpapabago sa
kabuuan ng salita.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
◦ Tinutumbasan naman ito ng simbolo lamang
upang matukoy ang paraan ng pagbigkas
DIIN
◦ Paglakas o paghina ng pagbigkas ng isang
salita. Malumay, ,malumi, mabilis, maragsa
TONO, INTONASYON, PUNTO
◦ tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tunig sa
pagsasalita.
HINTO, ANTALA
◦ saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang ibig na sabihin.
HABA
◦ tumutukoy sa haba o ikli ng pagbigkas ng
salita
SILABIKASYON
◦ paghahati ng mga pantig sa wikang Filipino.
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
ASIMILASYON
Pagbabagong naganap sa /n/ sa posisyong pinal dahil sa
impluwensiya ng ponemang kasunod nito.
◦ / d, l, r, s, t / - PAN
◦ b, o p- PAM
◦ k,g,h, m, n, ng,w, y- PANG
◦ Hal.
◦ Pan+ dikdik =Pandikdik
◦ pam + bayan =pambayan
◦ pang + gabi=panggabi
◦ 1. Pang + lunas - panglunas - panlunas
◦ 2. Pang + baon - pangbaon - pambaon
◦ 3. Pang + kulay – pangkulay
◦ 4. Pang + isahan - pang – isahan
METATESIS
◦ kapag ang salitang ugat ay nagsisilula sa /l/ o / y/ ay
ginitlapian ng (-in) ang /l/ o /y/.
◦ Hal.
◦ -In + lipad = linipad = nilipad
◦ -in + yaya = yinaya = niyaya
◦ -in + yakag = yinakag = niyakag
◦ -In + yakap = yinakap = niyakap
PAGKAKALTAS NG PONEMA
◦ Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling
ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa
paghuhulapi nito.
◦ Takip + -an = takipan = takpan
◦ Sara + -han= sarahan = sarhan
◦ Dakip + in = dakipin = dakpin
◦ Asin + an = asinan = asnan
4. PAGLILIPAT- DIIN
◦ may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian.
◦ Hal. Basa + -hin = basahin
◦ -ka + sama+ han = kasamahan
MAY ANGKOP
◦ kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y
nababawasan ng papungo o pakutad at kung minsa
pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago
napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.
◦ Wikain mo kamo
◦ Hayaan mo hamo
◦ Winika ko ikako
◦ Bantay sa katayugan Bantayog
◦ Antabayanan antayan
PAGPAPALIT NG PONEMA
◦ kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba
bukod sa kung nagkakaltas o nagsusudlong.Ang ponemang
/d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang
napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling
ponema ng unlapi.
◦ Hal. D R
◦ Ma + dapat = madapat marapat
◦ Ma + dunong = madunong marunong
MAYSUDLONG o PAGDARAGDAG NG PONEMA
◦ kung bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay
sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/,
-/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/
◦ Hal. Basa + hin = basahin
◦ Ma + ganda = maganda
◦ Buti + hin = butihin Muntik = muntikanan, pagmuntikan,
pagmuntikanan
SINTAKSIS
◦ palabuuan o palaugnayan ng kalipunan ng mga salita na siyang tinatawag
natin na pangungusap.
PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA
SAMBITLA
◦ bulalas kung ituring.
a. PANAWAG
◦ ate! Kuya! Nanay! Tatay!
b. PAGTAWAG
◦ (pagyaya) Tara! Halika! Kain! Sama!
c. PANDAMDAMIN
◦ Aruy! Aray! Naku po! Aba!
d. MATINDING DAMDAMIN
◦ Sunog! Tulong! Saklolo!
e. PANAGOT SA TANONG
◦ opo! Oo! Hindi po!
f. PAUTOS
◦ layas! Takbo! Sulong! Alis!
PORMULASYONG PANLIPUNAN
◦ bating magalang. Magandang araw! Magandang
Umaga!
PENOMINAL
◦ tumutukoy sa pangyayari sa kalikasan. Bumabagyo!
Kumikidlat! Lumilindol!
EKSISTENSYAL
◦ pagkamayroon o wala. Wala ba tayong tubig? May
tao sa parke.
MODAL
◦ pagsasaad ng gusto o nais. Gusto ko ng damit. Nais
kong matulog.
TEMPORAL
◦ pangyayaring hindi pangmatagalan. Umiinit!
Lumalamig!
KAWASTUHANG PAMBALARILA
NANG
◦ sa gitna ng dalawang salitang-ugat, dalawang
pawatas o neutral, paraan ng kilos
NG
◦ bilang pananda ng tuwirang layon, pananda ng aktor
o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
KUNG
◦ Pangatnig na panubali at ito’y karaniwang ginagamit
sa hugnayang pangungusap.
KONG
◦ Nanggaling sa panghalip panaong ko at inaangkupan
lamang ng ng.
MAY
◦ sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri
at panghalip panao sa kaukulang paari.
MAYROON
◦ kapag may napasingit na kataga sa salitang
sinusundan nito; Panagot sa tanong at
nangangahulugang ng pagka-maykaya sa
buhay.
BITIWAN
◦ paghawak sa tao
BITAWAN
◦ lugar o bagay
AYUSIN - bagay
AYUSAN - tao
SINA/NINA – 2 tao ang tinutukoy
NILA/SILA – 1 tao para sa kabuuan
KITA –ikaw at ako (dayalekto)
TAKA – ikaw (dayalekto)
HAGDAN – inaakyatan o binababaan
HAGDANAN – kinalalagyan ng hagdan
PINTO – kahoy na nakaharang at may seradura
PINTUAN – lagusan na pasukan at labasan;
kung saan nakalagay ang pinto
PASUKIN – akmang pagpasok; panloloob
PASUKAN –maglalagay ng gamit
BUTASIN –akmang pagbutas sa bagay
BUTASAN –tao ang gagawa
BILHIN – gamit
BILHAN –tao
WALISIN – dumi o kalat
WALISAN – lugar
SUBUKIN - Pagsusuri o pagsisiyasatupang
malaman ang ginagawa ng isang tao o mga bagay.
SUBUKAN - Pagtingin upang malaman ang
ginagawa ng isang tao o mga tao.
PAHIRIN - Kilos na nangangahulugan ng pag-
aalis o pagpawi sa isang bagay.
PAHIRAN - Paglalagay ng kaunting bagay at
karaniwan sa bahagi ng katawan.
OPERAHIN - Tiyak na bahagi na tinitistis.
OPERAHAN - Tao hindi ang bahagi ng katawan
SUMAKAY - Pandiwang palipat at nangangailangan
ng tuwirang layon
MAGSAKAY - Pandiwang katawanin at hindi
nangangailangan ng tuwirang layon.
RIN AT RAW - Nagtatapos sa patinig at sa malapatinig
na w at y
DIN AT DAW - Nagtatapos sa katinig maliban sa w at y
NAPAKASAL - Ginagawang pag-iisang dibdib ng
dalawang nilalang na nagmamahalan.
NAGPAKASAL - Taong naging punong-abala o siyang
nangasiwa upang makasal ang isang lalaki at babae.
KOMUNIKASYON – palitan ng
mensahe sa pagitan ng dalawang tao.
BERBAL
◦ kasangkapang ang boses at may kasangkot na
salita.
◦ a. INTRAPERSONAL – pagkausap sa sarili.
◦ b. INTERPERSONAL – pagkikiusap sa
kapwa at may nagaganap na palitan ng
mensahe.
◦ Personal – AKO at IKAW. Malaya at di
napapalitan ang negatibong pansariling
impormasyon at komentaryo .
◦ Impersonal – KAYO at SILA.
DI-BERBAL
◦ hindi ginagamitan ng salita.
◦ a. PROXEMICS – distansya
◦ b. OCULESICS – paningin
◦ c. PICTICS – mukha
◦ d. Chronemics –ORAS
◦ e. HAPTICS - haplos
◦ f. OLFACTORICS – pang – amoy
◦ g. COLORICS – kulay
◦ h. OBJECTICS – bagay
◦ i. VOCALICS – tono
◦ j. ICONICS - simbolo
◦ k. KINESICS – galaw ng katawan
KAKAYAHANG ISTRATEJIK
◦ Kakayahang magamit ang verbal at di-verbal
na mga hudyat upang maipabatid ng mas
malinaw ang mensahe at maiwsan o
maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o
mga puwang (gaps) sa komunikasyon.
◦ Kumpas ng kamay, tindig, ekspresyon ng
mukha atbp.
KAKAYAHANG DISKORSAL: ANG
PAGTIYAK SA KAHULUGAN NG MGA
TEKSTO O SITWASYON AYON SA
KONTEKSTO
◦ Bahagi ng komunikasyon at itinuturing na
pagpapalitan ng pagpapahayag. May dalawa itong
paraan ang pasalitang diskurso at pasulat na diskurso.
KONTEKSTO
◦ INTERPERSONAL
◦ PANG-GRUPO
◦ PANG-ORGANISASYON
◦ PANG-MASANG TALUMPATI
◦ INTERKULTURAL
◦ PANG-KASARIAN
KAKAYAHANG
SOSYOLINGGWISTIKO
◦ Ang ugnayan ng wika at lipunan particular ang kaangkupan
ng gamit ng isang wika batay sa iba’t – ibang konteksto.
◦ Hal. Mag – iiba ang takbo ng usapan sa loob ng isang
pormal na komunikatibong sitwasyon gaya ng talakayan sa
klase, asembleya o pagpupulong kumpara sa isang
impormal na sitwasyon gaya ng kwentuhan ng
magkakamag-aral sa labas ng silia-aralan.
URI NG BARAYTI
◦ a. SOSYOLEK
◦ b. IDYOLEK
◦ c. ETNOLEK
◦ d. PIDGIN
◦ e. CREOLE
ETNOHRAPIYA NG KOMUNIKASYON (DELL
HYMES)
S – SETTING AT SCENE
◦ (lugar at oras ng usapan)
P – PARTICIPANTS
◦ (mga taong sangkot sa usapan)
E –ENDS
◦ (layunin at mithiin ng, usapan/patutunguhan)
A – ACT SEQUENCE
◦ (pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari)
K – KEYS
◦ (pangkalahatang tono o paraan ng pagsasalita)
I – INSTRUMENTALITIES
◦ (midyum ng usapan)
N – NORMS
◦ Dito inaalam kung tugma o alam ng
tagapagsalita ang mga paksang kanyang
ginagamit at kung ito’y ibinabatay sa sosyal
na panuntunan at pamamahala ng mga
aksyon at reaksyon.
G – GENRE
◦ Isinasaalang-alang ang uri ng pagsasalita
gawa o kaganapan para sa mga halimbawa at
ang uri ng kwento na ginamit.
MGA SAGISAG-PANULAT NG MGA
PILIPINONG MANUNULAT
Emilio Aguinaldo – Rosalia Magdalo,
Magdalo
Virgilio Almario – Rio Alma
Cecilio Apostol – Catulo, Calipso and
Calypso
Francisco Baltazar – Balagtas
Andres Bonifacio – Agapito Bagumbayan,
Maypagasa, Magdiwang, Salin ng Mi
Ultimo Adios sa Filipino
Felipe Calderon – Simoun, Elias
Florentino Collantes – Kuntil-butil
Jose Corazon de Jesus – Huseng Batute, Pusong
Hapis, Luksang Paruparo, Hari ng Balagtasan
Jose dela Cruz – Huseng Sisiw
Epifanio delos Santos – G. Solon
Nestor Vicente Madali Gonzalez – N.V.M.
Gonzalez
Marcelo H. del Pilar – Plaridel, Dolores
Manapat, Piping Dilat, Siling Labuyo
Severino Reyes – Lola Basyang, Ama ng
Sarswelang/Dulang Tagalog
Fernando Ma. Guerrero – Fluvio Gil, Florisel
Amado Hernandez – Amante Ernani,
Herninia de la Riva, Julio Abril
Emilio Jacinto – Dimas-ilaw, Pingkian
Nick Joaquin – Quijano de Manila
Graciano Lopez Jaena – Bolivar, Diego Laura
Antonio Luna – Taga-ilog
Juan Luna – J.B., Buan
Apolinario Mabini – Bini, Paralitiko, Katabay
Jose Palma – Anahaw, Esteban Estebanes,
Gan Hantik
Jose Maria Panganiban – Jomapa, J.M.P.
Pascual H. Poblete – Anak-bayan
Mariano Ponce – Nanding, Tikbalang,
Kalipulako
Jose Rizal – Dimas-alang, Laong-laan, Agno
Lope K. Santos – Anak-bayan, Doktor
Lukas, Lakandalita
Pio Valenzuela – Madlang-awa
Jose Garcia Villa – Doveglion
Juan Crisostomo Sotto – Binibining
Patuphats, Ama ng Panitikang Kapampangan
Fr. Modesto de Castro – Urbana at Feliza,
Ama ng Klasikong Tuluyan
Mariano Ponce – Tikabalang,
Kalipulako, Naning, Sobre
Filipinas
Pedro Paterno – Ninay
Francisco Balagtas – Baltazar,
Prinsipe ng Balagtasan, Florante
at Laura
PANITIKAN NG REHIYON ALAMAT
PANULAANG PILIPINO
◦ Jose Corazon de Jesus
◦ Lope K. Santos
◦ Ildefonso Santiago
◦ Florentino Collantes
◦ Inigo Ed Regalado
◦ Teodoro Gener
MAIKLING KWENTO AT NOBELA
Macario Pneda
Jose Esperanza
Faustina Galauran
REALISMO
◦ ipakita ang karanasan at nasaksihan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Hango sa tunay na
buhay ngunit hindi tuwiranng totoo sapagkat
isinaalang – alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang
isinulat. (Rebolusyong Industriya: Ika-19 na
siglo)
◦ Mahalaga ang katotohanan kaysa
kagandahan.
◦ paksain ay tungkol sa kahirapan,
kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo,
katiwalian, kawalan ng katarungan,
Hal.
◦ Noli Me Tanger at El Filibusterismo
ni Dr. Jose P. Rizal
◦ Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
◦ Satanas sa Lupa ni Celso Carunungan
◦ Laro sa Baga ni Edgardo Reyes
◦ Ito Pala Ang Inyo ni Federico
Sebastian (dula)
◦ May Isang Sundalo at Nana ni Rene
Villanueva (dula)
PORMALISTIKO
iparating sa mambabasa ang nais niyang
ipaabot gamit ang kanyang tuwirang
panitikan.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng
gigit na malalimang pagsusuri’t pang –
unawa.
Tanging pisikal na katangian ng akda ang
pinakabuod ng pagdulog na ito.
Matukoy ang nilalaman, kaanyuan o
kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.
Masuri sa akda ang tema o paksa ng
akda, ang sesibilidad at pag-uugnayin
ng mga salita, istruktura ng wika,
metapora, imahen at iba pang element
ng akda.
Hal.
Paaralan ni Axel Pinpin
PIGISLAM: Pagbibinyag ng mga
Muslim Salin mula sa Ingles ni Elvira
B. Estravo
SIKO – ANALITIKO
tanging ekonomiya lamang ang motibo ng
lipunan. (Bago ipanganak si Kristo)
Nasa paghahanapbuhay ang tugon upang
lasapin ang sarap ng buhay.
Nagkaroon lamang ng maturidad ang isang
tao ng kanyang kamalayan sa kahirapan.
Paggawa ng isang Tao sa isang bagay kahit na
labag sa kanyang kalooban dahil kailangan.
Hal.
Lalaki sa Dilim ni Benjamin Pascual
ISTRUKTURALISMO
◦ wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito ang
kamalayang panlipunan – ipinalalagay ng maraming
teorista na napakahalaga ng diskurso sa paghubog ng
kamalayang panlipunan – di-makatao. (Unang dekada
ng 20 dantaon)
DEKONSTRUKSYON
◦ ipakita ang iba’t – ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo.
◦ Paglalantad ng magkasalungat na kahulugan o
implikasyon ng teksto at ng mga salita at pangungusap.
◦ Hal.
◦ Tata Selo ni Rogelio Sikat
◦ Kay Estella Zeehandelaar slin ni Ruth Elynia S>
Mabanglo
FEMINISMO
◦ magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
◦ Marupok, mahina, tanga, sunud – sunuran,
maramdamin, emosyonal, pantahanan at
masama.
DAKILANG FEMINISTA:
◦ Genoveva Edroza Matute
◦ Lualhati Bautista
◦ Elena Patron
◦ Liwayway Arceo
◦ Sa Ngalan ng Ina, ng Anak ng
Diwata’t Paraluman ni Lilia
Quindoza Santiago
◦ Sandaang Damit ni Fanny Garcia
(Maikling Kwento)
◦ Sumpa ni Rowena Festin (tula)
◦ Paano Tumutula ang Isang Ina ni
Ligaya G. Tiamson – Rubin
(Tula)
MORALISTIKO
◦ sumusukat sa pamantayang pang – moralidad
ng isang tao – ang pamantayang mali at tama.
Hal.
◦ Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza
Matute
◦ Ibig kong Makita ni Benigno Ramos
ARKITAYPAL
◦ natutungkol sa mga sagisag na ang
kahulugan ay itnakda ng mga sinaunang
akda – alamat, mitolohiya, bibliya at
ginagamit ito sa pagbibigay ng
interpretasyon.
Hal.
◦ Ang Aking Krimas Tri
1. KULTURANG POPULAR –
Kultura ng gitnang uri kaakibat ng dilemma ng nasabing uri
2. SALAWIKAIN/KASABIHAN –
maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan
3. EPIKO –
Kwento ng kabayanihan; punong-puno ng kagila-gilalas na
pangyayari
4. AWITING BAYAN –
Katutubong awitin
5. DULA –
Isinulat hindi lamang para basahin kundi upang mapanood
sa tanghalan
6. SANAYSAY –
pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng manunulat
10. ASONNANSYA
◦ paulit – ulit na tunog ng isang patinig sa tula
11. AWIT
◦ tulang may labindalawang pantig
12. BANGHAY
◦ kawil ng mga pangyayari
13. DEUS EX-MACHINA
◦ di kapani-paniwalang paglutas ng suliranin
14. EKSAHERASYON
◦ pagmamalabis
15. ELEHIYA
◦ tula ng panimdim
16. EPIGRAPH
◦ kawikaan o pagsipi na matatagpuan sa simula ng tula, dula,
kwento, kabanata o sanaysay
EPILOQUE
maikling paglalahat sa hulihan ng akdang pampanitikan
18. EPISTOLARYONG PAMPANITIKAN
akdang pampanitikan sa paraang sulatan
19. GENRE
uri ng akdang pampanitikan
20. IRONIYA
paglalahad ng kabaligtaran ang mga kahulugan
21. KAKALASAN
kalutasan ng pangyuayari
22. KAPANIWALAAN(VERSIMILITUDE)
pagiging kapani-paniwala ng mga pangyayari
23. KASUKDULAN
pinakamagiting na pangyayari
24. KATHAMBUHAY
likhang kuwento
25. KLASIKO
tradisyong pampanitikan
26. KONOTASYON
ipinahihiwatig na kahulugan
27. LARAWANG DIWA
imahen
28. LIRIKO
tulang damdamin
29. MAKA-DIYOS NA PANANAW
ang nagsasalaysay ay nakapaglalabas-masok sa
isipan at damdamin ng mga tauhan
30. MALAYANG TALUDTURAN
makabagong tula
31. BALIK-TANAW
flashback
32. PERSONIPIKASYON
pagbibigay katauhan sa walang buhay.
33. PAGPAPAHIWATIG
pagpaparamdam, pagbibigay babala,
paghahanda sa mambabasa
34. PAKSANG-DIWA
tema
35. PANANAW
paningin
36. PARODYA
panggagad sa isang may-akda sa paraang patuya
37. PASAWIKAING PAGPAPAHAYAG
bukambibig ng balana
38. METAPORA
tiyakan ang paghahambing.
39. PERSONA
nagsasalita sa tula
40. PROTAGONISTA
pangunahing tauhan
41. SATIRA
lipos ng katatawanang panunuya
42. SIMBOLO
sagisag
43. TUNGGALIAN
paghahamok ng lakas
44. SIMILE
◦ paghahambing
45. METONIMIYA
◦ pagpapalit-tawa
46. EKSKLAMASYON
◦ pagpapahayag ng masidhing damdamin o emosyon
47. PAGTAWAG
◦ kinakausap ang walang buhay ng parang sa tao
48. PAG – UYAM
◦ pananalitang nangungutya
49. PAGTANGGI
◦ hindi pagsang-ayon
50. PAGPAPALIT-SAKLAW
◦ gumagamit ng parte ng katawan para sa kabuuan
51. PAGMAMALABIS
◦ pinakukulang o pinalalabis ang kalagayan ng tao, bagay, pangyayari
atbp.
52. PAGPAPASIDHI
◦ patas o kasidhian ng damdaming inihahayag
53. ANTI-CLIMAX
◦ paghahanay ng mga pahayag ng damdamin o
kaisipan sa pababang paraan.
54. PAGTATAMBIS(ANTITHESIS)
◦ pagtatambis ng magkasalungat na pahayag
55. PAGSALUNGAT
◦ pagsasama ng dalawang salitang magkasalungat
56. PAGHIHIMIG
◦ tunog na nalilikha.
57. PAGLULUMAY(EUPEMISMO)
◦ mabuting pananalita ng tao, bagay o pangayayari
na sa karaniwa’y di tinutukoy ang pagayon.
58.
PAGLILIPAT-
WIKA(TRANSFERRED EPITHETS)
◦ Inililipat sa bahagi sa bagay na namumukod-
tanging pang-uri na gamit lamang sa tao
59.
PAGTATANONG (RHETORICAL
QUESTION)
◦ pagpapahayag na nagtatanong upang tanggapin o
di tanggapin ang isang bagay.
PANLAHAT NA MGA PAMARAAN,
ESTRATEHIYA AT TEKNIK SA
PAGTUTURO NG FILIPINO
TEORYA
◦ ng pilosopiyang nagtatangkang bigyang kasagutan ang
mga pangyayari.
DULOG (APPROACH)
◦ set ng asampsyon o mga pagpapalagay hinggil sa
kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo;
pangkalahatang pilosopiya na ginagamit sa pagtuturo.
PAMARAAN (METHOD)
◦ isang panlahat na pagpapaplanopara sa isang
sistematikong paglalahad ng wika at batay sa napiling
pagdulog; paraan ng organisasyon ng interaksyong
pangklase.
ESTRATEHIYA (PROCEDURE)
◦ tiyak na pamamaraan na ginagamit sa bawat
hakbang ng pagtuturo.
TEKNIK (STYLE)
◦ tiyak na mga gawaing nakikita sa klasrum at
knosistent sa isang pamaraan at nauugnay rin
sa isang pagdulog.
TEKNIK NA MAAARING MALINANG NG
GURO SA MGA MAG-AARAL SA
PAGTUTURO NG PAGBASA
UGNAYANG TANONG-SAGOT
◦ Nabuo ito upang mapataas ang antas ng
kakayahan ng mga mag-aaral ang antas
ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa
sa pamamagitan ng isang sistematikong
pagsusuri sa mga tanong.
NASA TEKSTO MISMO
◦ ang sagot ay nasa “teksto” mismo
ISIPIN AT HANAPIN
◦ nasa teksto rin ngunit kailangang “pag-
ugnayin” (Interpretatib na lebel)
IKAW AT ANG AWTOR
◦ dating kaalaman at sariling kaisipan
SA AKING SARILI
◦ wala sa teksto at kailangang mabuo sa sariling
isipan
DR-TA (DIRECTED READING –
THINKING ACTIVITY) O
PINATNUBAYANG PAGBASA-PAG-
IISIP
- Aktibong nakikilahok ang mag-aaral
sa talakayan sa tulong ng mga tanong na
nasa mataas na lebel nap ag-iisip.