You are on page 1of 21

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

LUNGSOD NG SURIGAO

Masusing Banghay Aralin sa Baitang 10


Filipino 10 Ikalawang Markahan
Taong Panuruan 2019-2020

I. Inaasahang Bunga

Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang malinang


ang sumusunod:

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-


unawa sa mga akdang pampanitikan ng
mga bansang kanluranin.
Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng
sariling akda sa hatirang pangmadla
(social media)
Kasanayan sa Pagkatuto Tiyak na Layunin
 Pag-unawa sa Binasa 1. Nasusuri ang elemento ng tula.
(PB) (F10PB - IIc-d-72)
 Pagsusulat 2. Naisusulat ang sariling tula na may
(PU) hawig sa paksa ng tulang tinalakay.
(F10PU-IIc-d-72)
 Gramatika/Retorika 3. Nagagamit ang matatalinhagang
(WG) pananalita sa pagsulat ng tula.
(F10WG-IIc-d-65)
 Pagpapahalaga Nakalilikha ng sariling komposisyon ng
tula gamit ang mga elemento nito at
tamang paggamit ng matatalinghagang
salita.

II. Nilalaman
A. PANITIKAN: Modyul 2 Aralin 2.5 Ang Aking Pag-ibig (Tula)

B. GRAMATIKA/RETORIKA: Mabisang Paggamit ng Matatalinhagang


Pananalita
III. Kagamitang Panturo

A. SANGGUNIAN

1. Gabay ng Guro – Curriculum Guide


2. Kagamitang Pang mag-aaral – Wala
3. Teksbuk – Grade 10 Modyul, P. 187
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources –Wala

B. Iba pang kagamitang Panturo

1. Laptop, biswal, projektor, wide screen

IV. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PAGSISIMULA

Magsitayo ang lahat para sa panalangin at Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu


pangunahan mo Bb. Gordonas. Santo Amen.

Magandang Umaga sa inyong lahat! Magandang Umaga rin po Bb. Fallado.

Magsiupo ang lahat. Salamat po ma'am.

Bago tayo magsisimula sa ating talakayan


ay magtsetsek muna ako ng inyong
attendance. Sabihin lang na "narito po"
kapag ikaw ay narito.

Agapay, Jessel "narito po ma'am"


Ansale, Marifel "narito po ma'am"
Beldoro, Arniel "narito po ma'am"
Berdon, Lyka "narito po ma'am"
Bonilla, Maricar "narito po ma'am"
Boysillo, Angelou "narito po ma'am"
Gordonas, Joan........... "narito po ma'am"

Mabuti naman at perfect attendance kayo


ngayon ah. Sana ganito kayo palagi.
Bago natin simulan ang diskusyon ay maaari (nagsitayo)
bang magsitayo muna ang lahat para sa
isang Ice breaker kasi mukhang ang
tatamlay ninyo kaya't paano naman ako
magsisimula kung ganyan kayo.

Pumunta ka sa harapan Ginoong Toraja at Sumunod kayo sa akin Isa, dalawa, tatlo..
pangunahan mo.

Ayan! medyo nabuhayan na ang mga (nagtawanan)


kaluluwa ninyo.

Oh sige magsimula na tayo. Kailangang Opo ma'am


magsiupo kayo ng maayos at makinig ng
mabuti.

Tutungo na tayo sa ating paksa ngunit bago


ang lahat ay mayroon muna akong itatanong
sa inyo.

Kilala niyo naman si Dr. Jose Rizal diba? Opo ma'am

Sino siya? Siya po ay ang pambansang bayani ng


Pilipinas.

Maaari ka bang magbigay ng isang sikat na Ang nobelang Noli Me Tangere po ma’am
akda niya G. Cañal?

Ano pa Bb. Boysillo? El filibusterismo po ma'am

Tama! talagang sikat ang mga akda ni Rizal


at hanggang ngayon ay tinatangkilik parin ito
sa loob ng paaralan.

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN SA ARALIN

Nais niyo pa bang ipagpatuloy natin ang Opo ma'am gusto pa po naming malaman
kwento tungkol kay Dr. Jose Rizal? kung ano ang mga akda niya.

Sige, pero bago natin ipagpatuloy ay nais ko Opo ma'am


lang ipaalala sa inyo na pinakaayaw ko sa
lahat ay yung gumagamit kayo ng cellphone
sa loob ng klase at dapat ay huwag kayong
matutulog dahil ayoko ng may maiwan ni isa
sa inyo gusto ko lahat kayo ay
makasusunod. Maliwanag ba?
Mayroon akong isang kahon dito at mayroon
itong laman. Mamaya ay malalaman niyo rin
kung ano ang laman nito dahil meron akong
ipapagawa sa inyo, kaya dapat ihanda ang
inyong mga sarili at makinig ng mabuti.

May itatanong lang ako klas, nagmahal ka Opo ma'am ang pamilya ko po ang minahal
na ba Bb. Ansale? ko ng sobra.

Isang napakagandang halimbawa yan Bb.


Ansale talaga ngang walang makatutumbas
sa pagmamahal na ibinubuhos natin sa ating
pamilya.

Ganyan rin si Dr. Jose Rizal, sinakripisyo


niya pati ang kanyang sarili para sa
pagmamahal sa bayan.

Sa anong paraan kaya niya ipinakita ang Sa pamamagitan po ng pagsusulat ng mga


pagmamahal sa ating bayan? May ideya ka akdang nagpapakita nang pagtutol niya sa
ba G. Edon? pamamalakad ng mga manankop noon.

Marahil ganyan nga, hayaan niyo't


ipagpapatuloy ko ang kwento.

C. PAG-UGNAY NG HALIMBAWA SA
BAGONG ARALIN

Alam niyo ba klas na maraming sinulat si Dr.


Jose P. Rizal? Hindi lang siya nakapokus sa
mga nobela subalit sumulat rin siya ng mga
tula.

Mayroon akong halimbawang ibibigay sa


inyo at kailangan niyong ipaliwanag sa akin
kung ano ang nilalaman ng tula.

Pipili ako ng isa sa inyo upang basahin ito at Handa na po ma'am.


pipili ulit ako ng isa upang magbahagi ng
kanyang saloobin hinggil sa binasang tula.
Handa na ba kayo?
Basahin mo ito Bb. Boysillo.

Ngayon naman ay nais kong hingin ang Para po sa akin, ang tula ay
opinyon mo Bb. Bonilla. Ano naman kaya nagpapahiwatig ng pagmamahal ng isang
ang mensaheng nakapaloob sa tula? tao sa kanyang sariling katutubong wika.
Sa ikatlong linya ay mababasa natin ang
kanyang sikat na kasabihan na "Ang hindi
magmahal sa kanyang salita, Mahigit sa
hayop at malansang isda." Kaya para sa
akin tungkol po ito sa pagmamahal sa ating
sariling wika.

Tunay ngang napakahusay ninyo! Talagang (Isa, dalawa, tatlo, apat, lima)
napakatalas ng inyong pag-unawa kaya mas
mapapadali itong pagtuturo ko sa inyo.
Bigyan naman natin ng limang bagsak si Bb.
Bonilla.

Kaya ngayon ay dumako na tayo sa ating Ma'am mukhang tungkol po ata sa isang
aralin. May ideya na ba kayo kung ano ito? tula.

Aalamin natin yan.

D. PAGTATALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG
BAGONG KASANAYAN

Kaya buksan ninyo ang inyong aklat sa


pahina 187.
Ano ang nakikita ninyo? Isa pong tulang pinamagatang "Ang Aking
Pag-ibig"

Maaari mo bang ibigay sa akin ang Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may
kahulugan ng tula Bb. Venaro. matalinghagang pagpapahayag ng isipan
at damdamin. Mababasa sa mga tula ang
mga kaisipang naglalarawan ng
kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
Maraming salamat Bb.

Alam niyo ba kung saan nanggaling ang Ma'am ako po


tula?

Sige tumayo ka G. Escuadro Sa Inglatera po ma'am.

Tama! Isa nga itong tula na nanggagaling sa


Inglatera na isinulat ni Elizabeth Barret
Browning.

May ideya rin ba kayo kung anong klase ng Isang tula pong may kinalaman sa pag-
tula ito? Hmmm maari ka bang tumayo Bb. ibig.
Bonilla?

Tama yun nga! Pero ang tulang iyan ay


isang tulang pandamdamin. Ito rin ay
sumisimbolo sa tunay at wagas na pag-ibig
ng isang nagmamahal sa kanyang
minamahal.

Mayroon akong ipapakita sa inyo sa (sabay-sabay na nagbabasa)


pamamagitan ng LCD projector at gusto
kong basahin ninyo ito ng sabay-sabay.
Mga Katanungan

1. Ano sa palagay mo ang tema o paksa ng tula?


2. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita upang maihatid
ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe?
3. Sa iyong palagay, aling bahagi ng tula ang nagpapalutang sa ganda at kariktan
nito?
4. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng karanasan sa paglikha ng tula ng makata?
Ipaliwanag ang sagot.
5. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag sa akda. "Ang pag-ibig ay buhay, ang
buhay ay pag-ibig. Nabubuhay ang tao upang umibig at magmahal sapagkat sapol
pa sa pagkasilang, kakambal na ng tao ang tunay na kahulugan ng pag-ibig".

Maliwanag na ba sa inyo ang mga Opo ma’am


katanungan?

Kung gayon ay magsimula na kayong


magbasa ng tahimik at unawain ng mabuti
ang tula at ilagay ang mga sagot sa isang
buong papel.
Ang Aking Pag-ibig

(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning


Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

Malibing ma’y lalong iibigin kita.


Tapos na ba kayong sumagot? Teka lang po ma'am konti na lang po
talaga.

Sige, meron na lamang kayong natitirang


dalawang minuto.

Time's up! Ipasa na sa harapan ang mga


papel.

L#1
Nauunawaan niyo na ba ang kahulugan Opo ma'am
ng tula?

Kung naintindihan niyo na, gusto ko


namang subukan ang pag-unawa ninyo.

Maaari ka bang tumayo Bb. Limpot.

Kung tunay ngang naintindihan na ninyo, Basi sa tula po ma’am, ito ay may sukat na
maaari mo bang suriin ang nilalaman ng labindalawa bawat taludtod at mayroong
tula? apat na taludtod bawat saknong. Minsan
po ay magkakatugma sa huling pantig
subalit minsan hindi rin.

Aba! magaling naman pala itong si binibini


ah. Ang mga ibinigay niyang halimbawa ay
mga elemento ng tula. Hayaan niyo at
tatalakayin natin yan.

Bigyan naman natin ng limang bagsak si (Isa, dalawa, tatlo, apat, lima)
Bb. Limpot.

Mukhang naiintindihan niyo talaga ang


tula ah.

Ngayon naman ay may isa pa akong


tanong.

Ano naman ang ibig sabihin ng sukat? Ako po ma'am.

Sige tumayo ka Bb. Limpot Ito po ay ang bilang ng pantig sa bawat


taludtod.
Tama yun nga! Talaga namang binasa
ninyo ang tula ah.

Sige, bago natin sagutin ang mga gabay


na tanong, susubukan ko ulit ang galing
ninyo sa pagbibigay kahulugan sa iba
pang elemento.

Ano naman ang ibig sabihin ng tugma? Ako po ma'am

Sige tumayo ka G. Canda Ito naman ang pagkakapareho ng tunog


sa huling salita sa bawat taludtod.
Tama iyon nga. May isa pa akong tanong

Ano naman ang ibig sabihin ng Ito po ay malalalim na salitang may


talinghaga? Maari ka bang tumayo G. natatago o naiibang kahulugan.
Edala?

Aba! Talagang napakahusay na ninyo.


Tunay ngang alam niyo na ang mga
elemento ng tula. Ngayon naman ay
mayroon ako ditong ginawang grapiko at
ito'y sasagutin ninyo basi sa elemento ng
tula. Basahin lamang ang panuto.

Panuto: Sa Antas ng iyong pag-unawa

Suriin ang tula batay sa mga elemento nito sa pamamagitan ng grapiko sa ibaba.

-Labindalawa

-12 na pantig
bawat linya

-Tugma sa katinig
(di-ganap) Tunay at
Ikalawang lipon wagas na
pag-ibig
Tapos niyo na bang sagutan lahat? Kung
tapos na, ipasa sa harapan ang mga
papel.

Hindi ba't kanina ay may sinabi ako Ay opo ma'am meron po ano po ba ang
tungkol sa kahon? laman nun?

Ang kahon ay naglalaman ng mga


tanong.

At ngayon, ito na ang tamang oras upang


buksan ito. At dahil naintindihan na ninyo
ang tula, natitiyak kong sa mga oras na
ito ay magagawa niyong sagutan ang
mga katanungang nakapaloob dito.

Maaari bang pumunta sa harapan ang "Ako po ma'am "


anim na taong nais bumasa at sagutan "Ako rin po"
ang mga katanungan?

Oh sige pumunta kayo dito. Bawat isa sa


inyo ay kailangang bumunot ng isang
papel at basahin ang mga tanong na
nakasulat.

Dahil tapos nang bumunot lahat,


pumunta kayo sa gitna batay sa bilang ng
nahubot ninyong katanungan.

At dahil ikaw ang nakabunot sa unang 1. Ano sa palagay mo ang tema o paksa ng
tanong, basahin mo ito Bb. Bobila. tula?
Sagot:
Ang paksa o tema ng tula ay tungkol sa
pag-ibig o pagmamahal ng may akda sa
kung saan niya inialay ang tula.

Makabuluhan ba ang ganitong klase ng Opo dahil naiparating ng may akda ang
pagsulat upang iparamdam sa kanyang isinulat nitong tula at talagang makikita
iniibig ang kanyang nararamdaman? naman natin kung gaano kalalim ang
kanyang pag-ibig sapagkat ganoon din
kalalim ang mga salitang kanyang ginamit.
Mahusay! Talagang magagaling kayo.

Bigyan ng limang bagsak si Bb. Bobila. (nagpalakpakan)

Basahin mo naman ang pangawalang 2. Paano nakatulong ang paggamit ng mga


tanong G. Beldoro. matalinhagang salita upang maihatid ng
may akda sa mga mambabasa ang
mensahe?
Sagot:
Bukod sa nagagawa nitong lalong
pagandahin ang tula, nagagawa rin nitong
mapukaw hindi lang ang atensyon ng mga
mambabasa kundi pati na rin ang kanilang
isip at damdamin na nagudyok naman sa
kanilang tuluyang basahin ang tula.

Wala na ata akong maitatanong pa aba'y Salamat po ma'am


nasagot muna lahat ah.

Palakpakan naman natin si G. Beldoro (nagpalakpakan)

Oh sige, dumako naman tayo sa 3. Sa iyong palagay, aling bahagi ng tula


pangatlong tanong. Basahin mo naman ang nagpapalutang sa ganda at kariktan
ang katanungan Bb. Camaongay. nito? Patunayan ang sagot.
Sagot:
Para po sa akin, sa gitna ng tula at wakas
ang nagpalutang sa ganda at kariktan nito
dahil doon mo lubos maunawaan ang tunay
na tema ng isang tula at nagdaragdag din
ng ganda at kariktan sa isang tula ang
paggamit ng malalalim na mga salita.

Maaari ka bang magbigay ng isang Halimbawa po ang salitang umingos. Sa


halimbawa ng malalim na salita sa tula at literal na salita, ito po ay
ipaliwanag kung bakit ito nagbibigay ng nangangahulugang umiwas. Sa halip po na
ganda sa isang parte ng tula. gamitin ang salitang umiwas, ginamit niya
ang salitang umingos upang mas
magandang pakinggan at talagang tagos
sa puso ang pagkasulat nito kaya't tunay na
kaaya ayang pakinggan.

Maraming salamat Bb. Camaongay. (Isa, dalawa, tatlo, apat, lima)


Bigyan naman natin ng limang bagsak si
Bb.
Mayroon pa ba kayong kasagutan sa Wala na po ma'am
tanong na ito?

Kung gayon ay dumako na tayo sa pang- 4. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng
apat na tanong. Basahin mo Bb. karanasan sa paglikha ng tula ng makata?
Gordonas. Ipaliwanag ang sagot.
Sagot:
Sa aking palagay, malaki ang epekto ng
karanasan ng isang makata sa paglikha
niya ng tula dahil mula sa mga karanasang
ito, maaari o madali siyang makalilikha ng
mga salitang akma sa nais niyang "topic".
Madali siyang makagagawa ng isang tula
dahil mayroon siyang pinaghuhugotan o
pinagkukunan ng ideya.

Ikaw Bb. Gordonas, sino naman ang Syempre po ang aking pamilya dahil sila po
pinanghuhugotan o inspirasyon mo sa ang palaging nandiyan na sumusuporta at
buhay? gumagabay sa akin sa kung ano man ang
makabubuti sa akin. Sila lang po ang
nagtitiwala sa akin na kaya ko kahit paman
pinanghihinaan na ako ng loob.

Talaga namang mahal na mahal mo


talaga ang iyong pamilya. Lahat naman
siguro tayo ay talagang pamilya ang
pinanghuhugutan ng lakas ng loob. Bakit
ba kayo nag-aaral ng mabuti? Hindi ba't
para rin sa pamilya? Upang matumbasan
ang pagsasakripisyo nila sa atin simula
nang tayo'y maliit pa lamang. Kaya
mahalin natin sila ng lubusan.

Oh siya, wala na ba kayong karagdagang (nagpalakpakan)


sagot? Kung wala na ay palakpakan
naman natin si Bb. Gordonas.

Dumako na tayo sa panghuling


katanungan.

Basahin mo ito Bb. Agapay. 5. Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag


sa akda. "Ang pag-ibig ay buhay, ang
buhay ay pag-ibig. Nabubuhay ang tao
upang umibig at magmahal sapagkat sapol
pa sa pagkasilang, kakambal na ng tao ang
tunay na kahulugan ng pag-ibig".
Sagot:
Sinasabi na ang buhay ay pag-ibig dahil
simula pa lang na tayo'y isinilang, may pag-
ibig na agad sa atin, at yun ay ang pag-ibig
ng ating mga magulang at ng Panginoong
Diyos. Walang taong nabubuhay ng walang
pag-ibig sa kanilang mga puso.
Pinapahiwatig nito na mahalaga ang
pagmamahal sa ating buhay.

Tama nga yan Bb. Hindi tayo mabubuhay (Isa, dalawa, tatlo, apat, lima)
ng masaya kung walang pag-ibig sa ating
mga puso. Bigyan naman ng limang
bagsak si Bb.

#L2
At dahil natapos na nating basahin at
sagutan ang lahat ng mga katanungan na
nandoon sa ilalim ng kahon, ngayon
naman ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain.

Papangkatin ko kayo sa dalawang


grupo.

Magbilang kayo mula isa hanggang Isa, dalawa…..


dalawa. Magsimula sa'yo G.Saga.

Pagkatapos ay pumunta na kayo sa


inyong mga grupo. Mayroon ako ditong
inihandang dalawang manila paper at
pentelpen.

Ngayon, ang gagawin ninyo ay gumawa Opo ma’am


kayo ng isang tulang may hawig sa
paksang ating tinalakay. Ang tula ay
dapat magtataglay ng sukat na
labindalawa, may tatlong saknong at apat
na linya bawat saknong. Maliwanag ba?

Simulan na ang paggawa.

Tapos na ba ang lahat? Opo ma'am

Kung gayon, idikit niyo na sa pisara ang


inyong mga output. Huwag kalimutang
ilagay sa likod ang pangkat at pangalan
ninyo.
Magtatawag ako ng pangalan sa bawat Opo ma'am.
pangkat upang iulat ang inyong output.
Nagkaintindihan ba tayo?

Pangkat Isa, Limpot

Pangkat Dalawa, Peruda

Pumunta kayo sa harap at simulan na (sinimulan na ang pag-uulat)


agad ang pag-uulat mula sa unang
pangkat.

Palakpakan naman natin ang unang (nagpalakpakan)


pangkat.

Ngayon ay pakinggan naman natin ang (nag-uulat na ang ikalawang pangkat)


ulat ng pangkat dalawa.

Mahusay ang mga tulang ginawa ninyo (nagpalakpakan)


ah! Palakpakan naman ninyo ang inyong
mga sarili.

E. PAGTALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG
BAGONG KASANAYAN

L#3
Ngayon, basi sa ginawa ninyong tula, Wala po ma’am. Gumamit lang po kami
mayroon ba kayong mga matalinhagang ng mga salitang literal ang kahulugan
salitang inilagay? dahil wala pa po kami masyadong alam
na matalinhagang salita.

Isa yan sa dapat na pag-aralan natin


dahil ang matatalinhagang salita ang
pinakamahalagang elemento dahil ito
ang nagpapalutang sa ganda ng tula.

Hayaan niyo at pag-aaralan pa natin yan Opo ma’am


dahil mamaya pagkatapos ng talakayan
ay isa isa kayong gagawa ng sariling
komposisyon ng tula. Maaaring ito ay
tumutukoy sa pagmamahal sa pamilya o
kahit na anong paksang ninanais ninyo.
Kailangang mailapat ang elemento ng
tula at naglalaman ng matatalinhagang
salita subalit ito ay ipapasa ninyo sa
susunod na linggo. Maliwanag ba?
Kaya ngayon ay ipagpapatuloy ko muna
ang diskusyon.

Alam niyo ba klas na isang katangian ng


tula ang paggamit nito ng
matatalinhagang pahayag o
pananalitang hindi tuwirang inihahayag
ang literal na kahulugan nito?

Karaniwan itong ginagamitan ng


paghahambing ng mga bagay na
nagpapataas ng pandama ng mga
mambabasa.

Ang talinghaga ang nag-uugnay sa mga


karanasan, pangyayari at bagay-bagay
na alam ng taumbayan. Ang talinghaga
ang mismong larawan ng kamalayan ng
manunulat.

May mga tanong pa ba kayo? Wala na po ma’am.

Kung gayon ay nais kong basahin ninyo


ang panuto na nakasulat sa harapan at
nais kong ilagay ninyo kahit sa scratch
paper lang ang mga napansin ninyong
mga salitang ginamit sa tula. Maliwanag
ba?

Kung gayon ay simulan na ang Opo ma’am


pagbabasa
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Basahin at suriin ang halaw na bahagi sa tulang ‘’Ang Aking Pag-ibig’’ at ‘’Ang
Pamana’’

Isang araw ang ina ko'y nakita kong namamanglaw


Naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan.
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina ko'y tila bagay nalulumbay
At ang sabi "itong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya't aparador kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman. "
-Ang Pamana

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira'y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
-Ang Aking Pag-ibig

Tapos na ba ninyong suriin ang dalawang Opo ma’am


tula?

Kung ganun, ano ang napansin ninyo sa Naglalaman ng talinghaga ang bawat
dalawang tula? Maaari ka bang tumayo G. saknong buhat sa mga binasang mga
Sila? tula.

Magaling talagang napansin niyo agad ang


mga salitang ginamit ah.

Ngayon, kung nauunawaan mo ang


paliwanag tungkol sa paggamit ng
matatalinghagang pananalita, pag-aralan
naman natin ang tungkol sa tayutay.

Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung


kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng
tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
Mga Uri ng Tayutay:
1. Pagtutulad o simile- isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba
sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad ng katangian. Ito’y
ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis,
ng, anaki’y, animo, at iba pa.
2. Pagwawangis o metapora- naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran
ang ginagawang paghahambing.
3. Pagmamalabis o hyperbole- pagmamalabis sa normal upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag.
4. Pagtatao o personipikasyon- paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga
walang buhay.
Naunawaan niyo na ba ang kahulugan at Opo ma'am
mga uri ng tayutay?

Mayroon pa ba kayong mga katanungan? Wala na po ma'am, napaliwanag niyo na


po ng mabuti.

F. PAGLINANG SA KABISAAN (TUNGO


SA FORMATIVE ASSESSMENT)

Mukhang naintindihan na ninyo lahat kaya


susubukin ulit natin ang inyong kaalaman.

Meron ako ditong ipapasagot ulit sa inyo


at pumunta dito sa harapan ang gustong
sumagot.

Pagsasanay 1: Basahin ang sumusunod na paglalarawan.

 Pagtutulad (Simile)
 Pagwawangis (Metaphor)
 Pagmamalabis (Hyperbole)

1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing nangniningning sa tuwa. Pagtutulad
(Simile)
2. Rosas sa kagandaghan si Prinsesa Sarah. Pagwawangis (Metaphor)
3. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
Pagmamalabis (Hyperbole)
4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw. Pagmamalabis
(Hyperbole)
5. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. Pagtutulad (Simile)
6. Salaysay niya sa saksakan ng guwapo ang binatang nasa kaniyang panaginip.
Pagmamalabis (Hyperbole)
7. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga. Pagmamalabis
(Hyperbole)

Tama ba kaya ang mga sagot ninyo?


Tingnan natin.

Aba! Tama nga lahat napakahusay talaga


ninyo. Palakpakan naman ninyo ang
inyong mga sarili.
G. PAGLALAPAT SA PANG-ARAW-
ARAW NA BUHAY/PAGLALAHAT.

At ngayon, dahil natapos na natin ang ating Una ay tinalakay natin ang tulang Ang
talakayan, maari bang magbigay kayo ng Aking Pag-ibig na isinalin ni Alfonso O.
pagbubuod sa tinalakay natin G. Achas at Santiago at sunod naman ay ang tungkol
Bb. Gordonas? sa tayutay at mga uri nito.

Ang tula ay isang napakagandang


halimbawa ng akdang talagang
nakakapanghikayat ng damdamin ng
mga tao na basahin at unawain ang
kahulugan o mensahe nito.
Maraming salamat G. Achas.

Ikaw naman Bb. Gordonas Sa tulang ating tinalakay, ito ay tungkol


sa pag-ibig ng may akda sa kanyang
minamahal. Ginamit niyang kasangkapan
ang paglikha ng isang tula upang
ipadama sa kanyang iniibig kung gaano
niya ito kamahal.
At ang pangalawa naman ay ang tungkol
sa tayutay.

Ang tayutay ay sadyang paglayo sa


karaniwang paggamit ng mga salita, kung
kaya't magiging malalim at piling-pili ang
mga salita rito.
Mayroon itong apat na uri, ang pagtutulad
o simile, pagwawangis o metapora,
pagmamalabis o hyperbole at pagtatao o
personipikasyon.

Napakahusay ninyo! Talagang nakinig (Isa, dalawa, tatlo, apat, lima)


kayo ng mabuti dahil tunay na nauunawaan
na ninyo ang paksa natin ngayon, ang mga
elemento ng tula, paggamit ng
matalinhagang salita, at ang kahulugan at
uri ng tayutay. Kaya bigyan naman natin ng
limang bagsak si G. Achas at Bb.
Gordonas.
H. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA
TAKDANG ARALIN

#L4
Bilang panghuling gawain at dahil wala na
tayong oras, magbibigay ako sa inyo ng
takdang aralin.

Hindi ba’t kanina ay may sinabi akong


gawain ninyo na ipapasa sa susunod na
linggo?

Ito ang karugtong na gawain ninyo.

Kailangan ang ginawa ninyong tula ay


ilalathala sa hatirang pangmadla (social
media). Sa pamamagitan ng inyong
facebook account, kailangan I upload ninyo
ang inyong ginawang tula. Gagawa ako ng
Group Page upang doon ninyo iu-upload
ang tula. Hanggang sa miyerkules sa
susunod na linggo ang deadline ng inyong
gawain kaya dapat paghandaan ninyo ito.

Mayroon akong inihandang rubrics upang Opo ma’am


maging pamantayan ko sa inyong tula.
Maliwanag ba?

Goal Nakalilikha ang mga mag-aaral ng


kanilang sariling komposisyon ng tula
gamit ang matalinhagang salita.
Role Tagasulat
Audience Mga mag-aaral at guro
Situation Gagawa ang mga mag-aaral ng tula at ito
ay i-uupload nila sa Group Page gamit
ang kani-kanilang facebook account.
Product/Performance Tula
Standard Pamantayan sa pagmamarka:
10- Napakagaling
8- Magaling
6- Katamtaman
4- Nangangailangan ng pagsasanay
RUBRIKS SA PAGSULAT NG TULA

Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan


(10) (8) (6) ng pagsasanay
(4)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal
makahulugan ang makahulugan ang lalim ang ang kabuuan ng
kabuuan ng tula. kabuuan ng tula. kabuuan ng tula. tula.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo/pahiwatig simbolismo/pahiwatig simbolismo na pagtatangkang
na nagpaisip sa mga na bahagyang nakalito sa mga ginawa upang
mambabasa. Piling- nagpaisip sa mga mambabasa. Ang makagamit ng
pili ang mga salita at mambabasa. May mga salita ay di simbolismo.
pariralang ginamit. ilang piling salita at gaanong pili.
pariralang ginamit.
Gumamit ng May mga sukat at May Walang sukat at
napakahusay at tugma ngunit may pagtatangkang tugma kung may
angkop na angkop bahagyang gumamit ng sukat naisulat man.
na sukat at tugma. inkonsistensi. at tugma ngunit
halos inkonsistent
lahat.
At dito nagtatapos ang ating talakayan
nawa’y marami kayong natutunan
ngayong araw.

Tumayo na ang lahat para sa


Panalangin.

Purihin ang Panginoong Diyos. Ngayon at magpakailan man.

Amen. Amen.

Paalam na sa inyong lahat. Paalam at salamat po Bb. Fallado

Mag-ingat kayo sa pag-uwi Kayo rin po ma’am.

Ipinasa ni:
Fallado, Edlyn O. Ipinasa kay:
G. Denzel Mark A. Ciruela., LPT

You might also like