You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


REPUBLIC COLLEGES OF GUINOBATAN, INC.
G. Alban Street, Iraya, Guinobatan, Albay
e-mail:republiccolleges@yahoo.com
CP No.: 0946-419-3153
Masusing Banghay Aralin sa Filipino
Ika- 8 Baitang

I. Inaasahang Bunga
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay nararapat nang:
a. Nakikilala ang bawat element at uri ng tula,
b. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng tula base sa uri nito,
c. Nakagagawa ng sariling tula tula gamit ang mga elemento ng tula.

II. Paksang Aralin


Paksa: Iba’t Ibang uri ng tula at element nito
Sanggunian: Filipino 8 ( Gintng Biyaya ikalawang Edisyon- Ikatlong Markahan,
Pahina____)
Kagamitan: Visual Aid at Hand out

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Panalangin
Ang lahat ay tumayo para sa
panalangin. Sundan ang aking Ang mga mag-aaral ay mananalangin.
sasabihin.
Iyoko ang mga ulo at tayo’y
manalangin.

2. Pagbati
Magandang umaga/hapon mga bata Magandang umaga/hapon din po Ginoong
Olayta.
3. Attendance
May liban ba sa klase Bb. Monitor? Wala po Ginoo.

Magaling! Bigyan ng tatlong bagsak Isasagawa ang tatlong bagsak.


ang inyong mga sarili dahil walang
liban ngayon sainyo.

4. Pagbibigay ng pamantayan Umupo ng maayos Ginoo. Huwag


Mga bata ano ang inyong gagawin makikipag-usap sa katabi. Making mabuti
kapag nagsimula na ang ating sa guro.
talakayan?

5. Panglinang na Gawain
a. Pagganyak
Bago natin talakayin ang ating aralin
ngayong hapon ay mayroon muna Ang mag-aaral na natawag ay aayusin ang
akong ipapagawa sainyo. May mga jumble letters na nakatuka sa kanila.
jumble letters na nakasulat sa flash
card na nakadikit sa board at ito ang
inyong aayusin.

6. Pagtalakay

Mga Elemento ng tula


Sukat
- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat
taludtod na bumubuo sa isangsaknong.
Saknong
- Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng
isang tula na may dalawa omaraming linya o
taludtod.
Tugma
- Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang
huling pantig ng huling salitang bawat taludtod ay
magkasing-tunog.
Kariktan
- Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit
na salita upangmasiyahan ang mambabasa gayon
din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Talinhaga-
Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa
tinatagong kahuluganng tula.

DALAWANG NA URI NG TULA


1.Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric
poetry)

± tulad ng isang soneto o ng isangoda, na


ipinapahayag ang mga saloobin
atdamdamin ng makata. Ang kataga ng
tulangliriko ay ngayon karaniwang
tinutukoybilang ang mga salita sa isang
kanta.Ang Tulangliriko na uri ng mga tula ay
hindinagpapahayag sa isang kuwento na
naglalarawan sakarakter at aksyon. Ang
makata aydirektang sinasabi sa
mambabasa, ang kanyangsariling
damdamin, iniisip, atpersepsyon.
Uri ng Tulang Liriko

Awit
± Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay
na binubuo ng tig-aapat na
taludtodangbawat saknong, na ang bawat
taludtod ay may lalabindalawahing pantig,
atangtradisyonal na dulong tugma ay
isahan.Ito ay ang karaniwang
awitingatingnaririnig.Karaniwan itong may
malungkot na paksa - sad love songs
kumbaga.
Soneto
± Isang tula na karaniwang may 14
linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan,
maymalinawna kabatiran sa likas na
pagkatao.
Oda
± Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula
na nakasulat bilang papuri o
dedikadosaisang tao o isang bagay na
kinukuha interes ang makata o nagsisilbing
isanginspirasyon para sa oda.Elehiya± Ito
ay tulang may kinalaman sa guniguni
tungkol sa kamatayan.
Dalit
± isang uri ng tula, karaniwang pang
AArelihiyon, partikular na nakasulat para
salayunin ngpapuri, pagsamba o
panalangin, at karaniwan ay ipadala sa
isang Diyos o saisangkilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong
pilosopiya sa buhay.
2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry)

± isang tula na may balangkas. Ang tula


aymaaaring maikli o mahaba, at ang
mgakuwento na may kaugnayan sa
maaaring magingsimple o kumplikadong
pangyayari. Itoay karaniwang hindi
madrama, nagkukuwentongtula gaya ng
mga epiko, ballad, idylls atlays.
Uri ng Tulang Pasalaysay
a.Epiko
± ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan
tungkol sa isang seryosong
paksananaglalaman ng mga detalye ng
kabayanihan gawa at mga kaganapan
ngmakabuluhang saisang kultura o bansa.
b. Awit at kurido
± ay isang uri ng panitikang Filipino kung
saan ito ay may walongsukat. ang
tulangkurido ay kadalasang mga alamat o
kuwento na galing sa mga bansa saEuropa
tuladng Pransya, Espana, Italya at Gresya.
Ang tulang kurido ay pasalaysay. Angtanyag
nakurido ay ang Ibong Adarna.
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay
± Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga
pangyayari sa araw-araw na buhay.

7. PAGLALAPAT Ang mga mag-aaral ay gagawa ng


kanilang sariling tula.
Gumawa ng sariling tula gamit ang
mga element ng tula alinman sa
dalawang uri.

Pamantayan sa paghahatol
Nilalaman 10 pts.

Kaangkupan 10 pts

Kakayahan 10 pts

kabuuan30 pts

8. Takdang Aralin

Gumawa ng tula na may kaugnayan


sa iyong sariling karanasan kung
paano mo naabot ang iyong
pangarap. Ang tulang gagawin ay
may sukat at tugma. Ibabahagi ninyo
sa klase para sila ay magkaroon ng
inspirasyon base sa inyong tulang
ginawa.

You might also like