You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Pamantasan ng Bikol
PAARALANG GRADWADO
Kolehiyo ng Arte at Letra Gradwadong Programa
Lungsod Legazpi
Tel. No. 481-5280/820-3770, email address: CALBicoluniv@yahoo.com

Pamagat ng Kurso: Maunlad na Panunuring Pampanitikan


Propesor: Dr. Grace L. Mayor
Mag-aaral: Manuel M. Cadag, MaFilEd

MASUSING Paaralan SAN ISIDRO E/S Baitang IV


BANGHAY- Guro MANUEL M. CADAG Asignatura Filipino
ARALIN Petsa at Oras 8:00- 8:50 n.u Markahan Q3-W8-D5

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uring
Pangnilalaman teksto/akda/sulatin.

B. Pamantayan sa Nakasusulat ng sariling katha, kuwento o tula.


Pagganap
C. Mga Kasanayang
Pampagkatuto/Layunin Nasusuri ang tula (F4PU-IIIg-h-3)

 Natutukoy ang mga elemento ng tula;


 Nakalalahok sa mga gawaing pangklasrum;
 Napaipagmamalaki ang mga Pambansang sagisag
ng ating bansa.

II. PAKSA :

Pagtukoy sa element ng tula.


Pamagat ng teksto : “Ang Wikang Filipino” (Tula)
Ni: Rommel Jalmasco

III. MGA KAGAMITAN


A. Sanggunian: Gabay Pangkurikulum sa Filipino 4, Landas sa Wika at Pagbasa 4
(Manwal ng Guro pp. 221)

B. Iba pang Kagamitang Pampagtuturo: activity sheets, metacards, manila paper,


pentel pen, pandikit, sariling akda.
IV. PAMAMARAAN ( Gawaing Guro) (Gawaing Mag-aaral)

A. Balik-aral at/o Panimula

Ano ang ating pinag-aralan kahapon? Ang pinag-aralan kahapon ay tungkol sa


mga uri ng pang-abay.

Ano ang pang-abay na pamaraan? Ang pang-abay na pamaraan ay kung


paano isinagawa ang kilos.
Sumasagot sa tanong na Paano.

Ano ang pang-abay na pamanahon? Ang pang-abay na pamanahon ay kung


kalian isinagawa ang kilos.
Sumasagot sa tanong na Kailan.

Ano ang pang-abay na panlunan? Ang pang-abay na panlunan naman ay


kung saan isinagawa ang kilos.
Sumasagot sa tanong na Saan.

B. Pagganyak
A. Paghawan ng Balakid.

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod


na salita ayon sa kasing kahulugan nito.
Piliin sa kahon ang kahulugan ng salitang
may salungguhit.
Panginoon
1. Ang Poong Lumikha ang nagbigay
buhay sa lahat ng nilalang sa mundo.
Makakamit
2. Kung nais mong matamo ang iyong mga
pangarap dapat kang magsikap.
inihabilin
3. Bago umalis ang kanyang ina ay
itinugon siya sa kanyang kapit-bahay
upang masigurado ang kanyang kaligtasan.

Inihabilin Panginoon makakamit


mailahad

B. Pagganyak

-Magpapakita ang guro ng iba’t ibang


larawan na may kinalaman sa sagisag ng
bansa. SAGISAG
-Ipabuo sa mag-aaral ang halu letra sa
pisara.
-Ano ang nabuong salita?

Ano pa ang alam ninyong mga sagisag ng


ating bansa?
Ngayong umaga ay may babasahin tayong 1.Basahin nang maayos ang bawat salita.
isang tula tungkol sa Wikang Filipino, 2. Huminto kapag may tuldok o kaya kuwit.
3. Basahin nang may damdamin ang
C. Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa binabasang teksto/tula.
nang malakas.

C. Paglalahad ng Aralin
A. Pagbabasa ng Tula.
(Gamitin ang pamamaraang DRTA na
Ang Wikang Filipino
dulog)
Ni: Rommel Jalmasco
Ang Wikang Filipino I.
Ni: Rommel Jalmasco Lahat ng bagay na ating makikita
I. Ay mga biyaya ng Poong Lumikha
Lahat ng bagay na ating makikita Ito’y katulad sa gamit nating wika.
Ay mga biyaya ng Poong Lumikha Ang Wikang Filipino, Wikang Pambansa.
Ito’y katulad sa gamit nating wika.
Ang Wikang Filipino, Wikang Pambansa. II.
Mga Pilipino’y may angking talino
II. Layunin sa buhay nais na matamo
Mga Pilipino’y may angking talino Kaya’t isinulong mga pagbabago
Layunin sa buhay nais na matamo Upang umunlad ang wikang Filipino.
Kaya’t isinulong mga pagbabago
Upang umunlad ang wikang Filipino. III.
Wika natin, gamit pangkomunikasyon
III. At ibinatay sa ating konstitusyon.
Wika natin, gamit pangkomunikasyon Ito’y pinag-aralan at itinugon
At ibinatay sa ating konstitusyon. Nang yumaong pangulong Manuel Qezon
Ito’y pinag-aralan at itinugon
Nang yumaong pangulong Manuel Qezon IV.
Pag-aaral sa wika ay itinakda
IV. Masusing pananaliksik ay ginawa
Pag-aaral sa wika ay itinakda Upang mapaunlad yaong ating wika
Masusing pananaliksik ay ginawa Nang magkaisa na may iisang diwa.
Upang mapaunlad yaong ating wika
Nang magkaisa na may iisang diwa.

B. Pagtalakay sa Tula.
1. Ano ang pamagat ng tulang binasa? -Ang Wikang Filipino.
2. Ayon sa tula, kanino nagmula ang ating -Poong Lumikha
wika? -Sa pakikipagkomunikasyon
3. Saan natin ginagamit ang Wikang -Di-magkakaintindihan, magkakagulo,etc
Filipino? -gagamitin sa pakikipagtalastasan,
4. Ano kaya ang mangyayari kung wala ipagmamalaki sa ibang bansa.
tayong wika?
5. Paano mo mapapahalagahan ang
Wikang Filipino?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto


at paglalahad ng bagong kasanayan
#1

1. Ano ang napapansin ninyo sa dulo ng -magkakapareho ang pantig/letra/tunog


bawat linya ng tula?
2. Ilang bilang ng pantig mayroon sa bawat -12
linya ng tula?
3. Ilang bahagi mayroon ang buong tula? -4
4. Ano ang tawag sa bawat ng linya ng tula?
-Ano ang tawag natin sa mga bahaging -
ito ng tulang inyong binasa?
-
Talakay ng Guro.

Elemento ng Tula

1. Tugma- ito ay tumutukoy sa pantig na


makikita na dulong parte ng bawat linya.
2. Sukat- ito ay tumutukoy sa bilang ng
pantig ng bawat salita sa linya ng tula.
3. Taludtod- ito ay tumutukoy sa linya na
bumubuo sa bawat saknong.
4. Saknong- ito ay tumutukoy sa bilang
ng hati na bumubuo sa tula.

C. Pagmomodela sa pagsusuri ng tula.


-ipapakita ng guro kung papaano susuriin
ang tula gamit ang mga element ng tula.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2

A. Pangkatang Gawain.
Hatiin sa tatlo (3) ang klase. Bawat pangkat
ay bibigyan ng task card. Pagkatapos ng
inilaang oras ay ipipresenta ng bawat
pangkat ang kanilang
awtput.
-Magbahagi ng ideya sa pangkat.
B. Pagbibigay ng pamantayan sa -Iwasan ang pag-iingay lalo na kung
pangkatang Gawain. walang kinalaman sa Gawain.
-Makipagtulungan sa kagrupo.
Pangkat 1- II.
Mga Pilipino’y may angking talino
Layunin sa buhay nais na matamo
Kaya’t isinulong mga pagbabago
Upang umunlad ang wikang Filipino.

-Ang bawat pangkat ay gumagawa ng


kanilang Gawain.
Pangkat 2-
III.
Wika natin, gamit pangkomunikasyon
At ibinatay sa ating konstitusyon.
Ito’y pinag-aralan at itinugon
Nang yumaong pangulong Manuel
Qezon

Pangkat 3-
IV.
Pag-aaral sa wika ay itinakda
Masusing pananaliksik ay ginawa
Upang mapaunlad yaong ating wika
Nang magkaisa na may iisang diwa. Bawat pangkat ay nagpapakita ng
kanilang awtput.
Presentasyon ng bawat pangkat ng
kanilang awtput.

F. Paglalapat
A. Ipabasa sa mga bata tula.

Sampaguita

Ang tanging ganda ng isang Pilipina


Ay maihahakintulad sa isang bulaklak
Na kulay puting- puti
Na sumasagisag sa kalinisa’t kagandahan.
Ito’y bulaklak na mahalimuyak
Pang-alis sa sakit ng damdaming
nagdurusa.
Bulaklak ng Sampaguita’y tunay na kay
ganda.
Nagagawang kuwentas ng mga dalaga. -Sampaguita
- na,sa,da,ga
1. Ano ang pamagat ng tula? -iba iba
2. Ano-ano ang tugma mayroon ang tula? -isa
3. Ilan ang sukat ng bawat taludtod? - sa dalagang dalisay o dalagang Filipina.
4. Ilang saknong mayroon ang tula?
5. Kanino inihahalintulad ang sampaguita? -Aalagaan palagi, magtatanim ng mga
punong mangga, hindi ito sisirain, gagamitin
palagi at iba pa.
Bilang isang bata paano mo
mapapahalagahan ang ating mga
Pambansang sagisag?
G. Paglalahat

Natutunan ko ngayong araw ang Ang iba’t ibang element ng tula at kung
_______________ papano magsuri ng isang tula.

H. Pagtataya
A. Basahin nang mabuti ang tula. Pagkatapos, sagutan ang tanong tungkol dito.

BAHAY-KUBO

Maliit lamang kung titingnan


Gawa sa pawid, anahaw at kawayan.
Mga Pilipino dati’y dito naninirahan
Simpleng pamumuhay dito masisilayan.

Munti man kung siya’y ituring.


Masayang pamilya dito nananahan.
Pinupuno ng busilak na pagmamahalan.
Na di matatawaran ninuman sa mundo.

Aanhin mo naman ang bahay na bato


Kung ang nakatira nama’y kuwago.
Dito na ako sa bahay-kubo,
Di baleng maliit basta nakatira ‘y tao.

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Ano ang mga tugma mayroon ang bawat saknong?
3. Ilang taludtod mayrooon sa bawat saknong?
4. Ilang saknong ang bumubuo sa tula?
5. Anong mga salita ang naglalarawan sa bahay-kubo?

I. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay

Makinig o manood ng balita sa radio o telebisyon. Ibahagi sa klase ang


napakinggang o napanood na balita.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral
na nagtamo ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
ng mga gawaing
pagpapahusay
(remedial)
C. Nakatulong ba ang
pagpapahusay
(remedial)?
Bilang ng mag-aaral
na naunawaan ang
aralin
D. Bilang ng mag-aaral
na patuloy na
nangangailangan ng
pagpapahusay
(remediation)
E. Alin sa aking
pagtuturo ang
naging epektibo?
Bakit?
F. Ano-ano ang aking
naging suliranin na
maaaring malutas sa
tulong ng aking
punongguro Bat
superbisor?
G. Anong mga
inobasyon o
lokalisasyon sa mga
kagamitan ang
ginamit /natuklasan
ko na nais kong
ibahagi sa ibang
guro?

You might also like