You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO- IKALIMANG BAITANG

Agosto 15, 2019

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pang- nilalaman

 Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
 Naisasagawa ang mapanuring pagbabasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
nagpapalawak ng talasalitaan
 Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayang sa Pagganap

 Nakagagawa ng isang travelogue o kuwento na maibabahagi sa iba


 Nakapagsasagawa ng Reader’s Theatre
 Nakasasali sa isang usapan tungkol sa paksa

C. Mga Kasanayan sa Pagtuturo/ Layunin

 Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa


pagsasalaysay tungkol sa mahahalagang pangyayari
F5WG-IIa-c-5.1

II. NILALAMAN

Pandiwa at Panahunan o Aspekto ng Pandiwa

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian: Alab Filipino 5 Manwal ng Guro, pp. 56- 57


Alab Filipino 5 Batayang Aklat, pp. 65- 66 Yunit II Aralin 1
“Wika Mo. Wikang Filipino. Wika ng Buong Mundo.
Mahalaga” https://pinoycollection.com/sanaysay-tungkol-sa-wika/#Isang-
Pasasalamat-sa-Wikang-Filipino

B. Iba pang Kagamitang Panturo


 PPT
 Mga Larawan
 Strips of Cartolina
 Meta Cards
 Concept Map

C. Teaching Approach: Collaborative, Constructivism, Explicit

D. Subject Integration: Araling Panlipunan

E. Value Focus: Pagmamahal at pagmamalaki sa sariling wika


IV. PAMAMARAAN

A. Balik- Aral sa Nakaraang Aralin/ Paghawan ng Sagabal

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Magandang umaga mga bata!

A. Balik- Aral

Tukuyin ang pandiwa sa bawat


pangungusap.

1. Pumunta kami sa Underground River - Pumunta


noong nakaraang Linggo.

2. Maliligo naman kami sa Nagtabon - Maliligo


Beach sa susunod na buwan.

3. Araw- araw kaming naglalakad - Naglalakad


patungong paaralan.

4. Tuwing hapon, nag-aabang kami - Nag-aabang


ng multicab pauwi.

5. Hindi ako pumasok kahapon dahil - Pumasok


masama ang panahon.

Sa saraling tatalakayin natin ngayon, ito


ang ilang salita na dapat nating bigyang
kahulugan para maunawaan natin nang
higit.

B. Paghawan ng Sagabal

Tukuyin kung ano ang salitang tugma sa


bawat larawan:

1.

kaayusan sigalot sumpaan - Sigalot

2.

nalalagas naisasalin yumayabong - Yumyabong

3.

kasarinlan pagkagapos kakapusan - Kasarinlan


4.

umiwas nagpatianod nakipagdigma - Nagpatianod

5.
- Nabubuklod
nawawatak naliligaw nabubuklod

1.

B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin

Teacher’s Activity
Pupils’ Activity
Pares na gawain:
Ano ang naiisip ninyo sa tuwing maririnig
ang salitang “Wikang Filipino?”
gamit para
magkaintin
duihan tayo
Isulat ang inyong ideya sa “Concept
Map”.

pambansang Wikang alam nating


wika lahat
Filipino

mas madali
sa English

Sa inyong mapapakinggan ngayon, na


isang sanaysay, malalaman natin kung
kayo ba ay may kaparehong nalalaman
tungkol sa wikang Filipino.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Teacher’s Activity Pupil’s Activity


Basahin natin ang isang sanaysay na
isinulat ni Jasmin V. Montalbo:
Wika mo. Wikang Filipino. Wika ng Mundo. Mahalaga -
Akda ni Jasmin V. Montalbo galing sa markjan-markjan.blogspot.com

Wika. Ano nga ba ang Wika? Ano ba ang kahalagahan nito sa


atin? At sa mundong ginagalawan natin? Ano kaya ang
mangyayari kung wala tayong wika, Mailalarawan pa kaya natin
ang kagandahan ng paligid at maipapakita pa ba natin ang ating
galit at nararamdaman?

Ang Wika bagaman maikling salita subalit ang kahulugan at


katangian ay napakalawak at napakalalim. Ang kakayahahan
nito’y makakapagpapaunlad ng isang tao at bansa, ngunit may
kakayahan din itong magwasak kung mali at hindi angkop ang
paggamit. Magagawa nitong pagbuklurin at pagsamahin ang
isang bansa ay lahing nasa gitna ng sigalot at kaguluhan. Ngunit
gaano nga ba natin kakilala at kamahal ang ating sariling wika?
Hanggang saan nga ba natin ito kayang ipaglaban?
Ang Pilipinas ay napakapalad, sapagkat nabubuklod tayo ng
ating wikang Filipino. Bagaman iba’t iba ang bigkas at punto na
inilalapat natin sa ating wika. Hindi maitatangging nalangkapan
natin ito ng kakaibang himig. Ang bawat bagsak ng tunog nito ay
may kahali-halinang hatid sa ating puso. Nagkaroon tayo ng
kasarinlan at kapayapaan dahil sa ating wika. Subalit sa paglaon
ng panahon, katulad ng buhangin sa dagat, natangay tayo ng alon
ng pagbabago. Nagpatianod tayo sa pag-unlad ng teknolohiya at
siyensya. Sumabay tayo sa mabilis at hindi mapigil na
kolonyalismo. Binigyan natin ng mataas na pagkilala ang mga
wikang kanluranin at mabilis na pagkadalubhasa dito.

Subalit labis nating nakalimutan ang ating pambansang wika,


mas minatamis nating magsalita ng ingles sa pagkakataong
maaari naman tayong magtagalog. Hindi ako tumututol,
ikinararangal ko na tayong mga Pilipino ay may angking
kagalingan sa pagbigkas ng ibang wika. Ngunit nais kong ipabatid
na hindi masamang umunlad at sumabay sa yumayabong na
kasaysayan. Pero hindi ba’t masarap na habang nagtatagumpay
tayo, ang ipinabandila natin ay ang sarili nating wika. Hindi ba
masarap na nakikilala tayong mga Pilipino hindi lang sa talento
kundi maging sa kultura?

Huwag nating kalimutan ang sinabi ng ating pambansang


bayani, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa
malansang isda.” Taglayin natin ang pagmamahal at
pagpapahalaga sa sarili nating wika, dail ito ang pinakamabisa
nating sandata sa ating pagtatagumpay. Ikarangal natin ang ating
wika at huwag tayong mapagod na paunlarin at gamitin ito
sapagkat ang ating wika ay mahalaga, at ito ang wika ng Mundo,
ang wika ng nagpupunyaging Filipino.

D. Pagtalakay ng mga Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Teacher’s Activity Pupils’ Activity


Pagsagot ng mga katanungan:

1. Tungkol saan ang napakinggan - Tungkol sa Wika


nating sanaysay?

2. Ano raw ang nagagawa ng - Pwedeng magbuklod


wika? - Pwedeng magdulot ng gulo

3. Anong wika ang nais ng may - Wikang Filipino, dahil ito ay atin
akda na ating gamitin? Bakit? at sariling atin

4. Totoo ba ang kanyang sinabi na - Opo, katulad ng wikang


naaakit tayo sa wikang Koreano.
banyaga? Patunayan.

5. Masama bang magsalita tayo - Hindipo, basta huwag lang


ng wikang banyaga? Bakit oo, nating kalimutan na mas
bakit hindi? mahalaga ang ating wika.

6. Paano mo maipagmamalaki - Sikaping pag- aralan pa ang


ang wikang Filipino? ibang wikang katutubo kaysa
wikang banyaga.
- Kung my kaibigang banyaga,
turuan silang magsalita ng
wikang Filipino.
-
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

TEACHER’S ACTIVITY PUPILS’ ACTIVITY

Basahin ang sumusunod na Babasahin ng mga mag-aaral.


pangungusap mula sa ating
napakinggan:

1. Ang kakayahan nito’y


makakapagpapaunlad ng isang
tao at bansa.
2. Mailalarawan pa kaya natin ang
kagandahan ng paligid at
maipapakita pa ba natin ang
ating galit at nararamdaman?
3. Ang Pilipinas ay napakapalad,
sapagkat nabubuklod tayo ng
ating wikang Filipino.
4. Hindi maitatangging
nalalangkapan natin ito ng
kakaibang himig.
5. Nagkaroon tayo ng kasarinlan at
kapayapaan dahil sa ating wika.
6. Sumabay tayo sa mabilis at hindi
mapigil na kolonyalismo.

Ano- ano ang mga pandiwa sa - Makakapagpaunlad,


bawat pangungusap? mailalarawan, maipakikita,
nabubuklod, maitatanggi,
nalalangkapan, nagkaroon,
sumabay

Ang mga pandiwang ito ay may


tatlong aspekto:
1. Naganap na- tapos na
2. Nagaganap- Kasalukuyan
3. Magaganap pa lang- Hinaharap

Magaganap pa
Naganap na Nagaganap
lang
Nagkaroon tayo Ang Pilipinas ay Ang kakayahan
ng kasarinlan at napakapalad, nito’y
kapayapaan sapagkat makakapagpap
dahil sa ating nabubuklod aunlad ng isang
wika. tayo ng ating tao at bansa.
wikang Filipino.
Sumabay tayo Hindi Mailalarawan pa
sa mabilis at maitatangging kaya natin ang
hindi mapigil na nalalangkapan kagandahan ng
kolonyalismo. natin ito ng paligid at
kakaibang maipapakita pa
himig. ba natin ang
ating galit at
nararamdaman
?
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

TEACHER’S ACTIVITY PUPILS’ ACTIVITY


Isulat ang angkop na anyo ng
pandiwa na nasa loob ng panaklong
na bubuo sa bawat pangungusap.
Tukuyin kung nasa anong aspekto ng
pandiwa at nasa anong panahunan
ang bawat isa.

1. Kanina, (kinantyawan, - Kinantyawan, naganap na


kinakantyawan, kakatyawan)
ako ng aking kaklase dahil hindi
agad ako nakasagot sa taong
ng guro.
2. (Nag-aral, Nag-aaral, Mag-aaral) - Nag-aaral, nagaganap
ang magkaibigan sa pparke
habang nakikinig sa malumanay
na musika.
3. Sa makalawa, (ipinakilala, - Ipakikilala, magaganap pa lang
ipinakikilala, ipakikilala) na ang
mga magsisipagtapos sa taong
ito.
4. ((Pumasok, Pumapasok, - Papasok, magaganap pa lang
Papasok) ang mga bakasyonista
sa eskwelahan bukas.
5. Araw- araw akong (nanood, - Nanonood, nagaganap
nanonood, manonood) ng
Sahaya.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang Araw- araw na Buhay

TEACHER’S ACTIVITY PUPILS’ ACTIVITY


Pangkatang Gawain:

Gumawa ng pangungusap gamit


ang tatlong aspekto ng pandiwa at
pamanahunan na base sa larawang
ibibigay sa inyong pangkat.

Narito ang Rubriks:


pagod
Naganap na: Napagod na ang nanay sa paglilinis
kahapon.
Nagaganap: Napapagod na ang nanay sa paglilinis
araw-araw.
Magaganap pa lang: Mapapagod ang nanay sa
paglilinis mamaya.
Mag-ulat ang bawat pangkat.
H. Paglalahat ng Aralin

TEACHER’S ACTIVITY PUPILS’ ACTIVITY


Ano ang tatlong aspeto ng pandiwa at Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay
kalian ginagamit ang mga ito? 1. Naganap na- ginagamit kung tapos
na ang pangyayari at may mga
pamanahunang tulad ng kahapon,
kanina at nakaraan.
2. Nagaganap- ginagamit kung
kasalukuyang nagaganap ang
pangyayari at may pamanahunang
tulad ng ngayon, araw- araw.
3. Magaganap pa lang- ginagamit
kung mangyayari pa lang sa
hinaharap at may pamanahunang
tulad ng bukas, mamaya at sa
susunod.

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Tukuyin kung nasa anong aspekto ang pandiwang ginamit sa


pangungusap. Isulat ang letra ng napiling sagot.
A. Naganap na B. Nagaganap C. Magaganap pa lang

_____ 1. Kung nakinig ang gamugamo sakanyang kasama, hindi sana nasunog
ang kanyang pakpak.
_____ 2. Laging sinisikap ni Jessica na sundin ang payo ng nanay niya.
_____ 3. Kung magkamali si Chito, sasabihan siya ng kanyang kuya.
_____ 4. Nagtatanong si Vina kapag hindi niya naiintindihan ang utos ng
kaniyang lola.
_____ 5. Hindi siya maliligaw dahil nakinig siya sa kanyang kuya bago umalis ng
bahay.
J. Karagdagang Gawain pasa sa Takdang- Aralin at Remediation

Panuto: Ibigay ang tatlong aspekto ng pandiwa:

1. Kain
2. Suklay
3. Sindak
4. Payo
5. turo

INDEX OF MASTERY:

Male Female Total


Attendance

No. of learners who earned


80% in the evaluation
B. No. of learners who
require additional activities
for remediation who
scored below 80%

Prepared by:

RACHEL A. VALDESTAMON
Grade Five Teacher

Processed by:

MILA M. GREGAS JOY M. AGUILAR, Ph. D.


Master Teacher I Principal II
Date: _______________ Date: _______________

You might also like