You are on page 1of 4

Filipino

Grade One
Second Quarter

I. Layunin
Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas o galaw ekspresyon
ng mukha, ugnayang salita – larawan.
FIPT–llb–f-6
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan.
FIPL–oa–j-2

II. A. Paksa
Mga salita mula sa kuwento
“Sampung Magkakaibigan”
B. Sanggunian
LM pp. 2-4
TG pp. 6-8
CG p. 6 Week 2
D. Pagpapahalagang Moral
Pagkakaibigan
E. Integration: ESP – Pakikipagkaibigan

III. A. Balik-aral
Pag-awit: “Ako ay Masaya, Ikaw ay Masaya”
B. Pangganyak
Pagsasabi ng guro ng kanyang maikling karanasan tungkol sa
kanyang mga kaibigan at sa kanilang mga ginagawa.
Integration sa ESP
Pagbabahaging ilang bata sa kanilang sariling karanasan sa
kanilang mga kaibigan.
C. Paglalahad
Ipakita ang flashcards ng sumusunod na salita:
Koreano, kambal, tore, nasagi, pompiyang
Pagbasa ng guro sa mga salita at pagsunod ng mga bata.
D. Pagtalakay
Pagpapaliwanag sa kahulugan ng bawat salita sa pamamagitan
ng mga pangngusap.
(Tingnan sa TG d. 8 ang mga pangungusap)
Hal. Sina Ivan at Ivana ay kambal.
Ano ang ibig sabihin ng kambal?
Ang kambal ay magkapatid na sabay na ipinanganak.
E. Paglapat
Tumawag ng ilang bata at ipasulat/ ipasipi sa pisara ang bawat
salita.
(Koreano, kambal, tore, nasagi, pompiyang)
F. Pagpapahalagang Moral
Pagbibigay halaga sa pakikipagkaibigan.
IV. Pagtataya
Pagtatambal/ Pagpapares ng larawan at salita.

1. ●nasagi

2. ●kambal

3. ●Koreano

4. ●pompiyang

5. ●tore

V. Pagsagot sa mga Gawain sa aklat d.4.


Filipino
Grade One
Second Quarter

I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong napakinggan.
FIPN–llla–3
Natutukoy ang pamagat, may akda, tagaguhit ng aklat o kuwento.
FIAL–llc–2

II. A. Paksang Aralin


Sampung Magkakaibigan
B. Sanggunian
TG pp. 9-13
CG p.5 Week 1
C. Kagamitan
Mga larawan
D. Pagpapahalagang Moral
Pagkikipagkapwa-tao/ Pakikisama nang mabuti.
E. Integration: Math - Pagbibilang
ESP – Pakikipagkaibigan
III. A. Balik-aral
Muling balikan ang mga natutunang salita na tinalakay sa nakaraang
aralin.
B. Pangganyak
Itanong sa mga bata kung ano ang gusto nilang katangian ng
kanilang kaibigan.
Pagbibigay ng tanong na pangganyak
Ano ang masasabi nyo kay Karlo sa simula ng kuwento?
C. Paglalahad
Ipakita sa mga mag-aaral ang pabalat ng libro.
Ipakilala ang sumulat/ may akda at ang gumuhit ng larawan sa
pabalat ng libro.
D. Pagtalakay
Ihanda ang mga bata sa pakikinig sa kuwento.
Pagbabasa ng guro sa kuwento
(Pagtatanong ng ilang mahahalagang detalye habang binabasa ang
kuwento – refer pp. 11-12-TG)
F. Paglalapat
Integration sa Math
Ilan ang magkakaibigan na nabanggit sa kuwento?
Ipakita ang larawan ng magkakaibigan at bilangin.
IV. Pagtataya
Pagsasagot sa mga tanong tungkol sa kuwento.
1. Sino ang bida sa ating kuwento?
2. Bakit kaya ayaw nang makipaglaro ng kanyang mga kaklase sa kanya?
3. Ano ang nararamdaman ni Karlo nang hindi na siya yayaing maglaro
ng mga kaklase niya?
4. Ano-ano ang kanyang ginawa upang maging kaibigan niya muli ang
kanyang mg aka-klase?

Pagpapahalagang Moral:
Kung Ikaw si Karlo, ano ang iyong gagawin upang maging kaibigan mo
ang iyong mga kaklase?

V. Takdang Aralin
Iguhit ang iyong kaibigan

You might also like