You are on page 1of 4

Department of Education

Region III
Schools division Office of Olongapo City
District I-C
OLONGAPO CITY ELEMENTARY SCHOOL

Pagpapakitang-turo sa Filipino II

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Napapamalas ang iba’t- ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang
mga salitang madalas makita sa paligid.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nababasa ang mga salitang madalas na makita sa paligid.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Natutukoy ang mga salitang magkasalungat.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Pagtukoy ng mga Salitang Magkasalungat

B. Sanggunian:

Curriculum Guide, pahina 28


Teacher’s Guide, pahina 103 - 104
Kagamitan ng Mag-aaral pahina 203 – 206

C. Kagamitan: Power Point Presentation, mga larawan

D. Pagpapahalaga:

Ang pagiging isport ay ugaliin kapag nakikipaglaro.


Huwag maging pikon.

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral:

Hanapin ang kapares ng mga salitang magkasingkahulugan:

matanda maalinsangan
mainit makitid
mabango matalim
masikip maygulang
matalas mahalimuyak

B. Paghahabi ng layunin sa aralin:

Ilarawan o sabihin ang mga katangian ng dalawang bata sa larawan.


Ipabasa ang kwento tungkol sa kambal, Basahin Natin pahina 203
C. Pagtatalakay ng bagong konsepto o paglalahad ng bagong kasanayan:

Pag-usapan ang pagkakaiba ng kambal sa kwento.

D. Paglinang sa kabihasnan:

Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kwentong binasa.


Tukuyin ang mga salitang magkasalungat.

E. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay:

Pangkatin ang mga bata :

Unang Pangkat
Hanapin sa hanay B ang kasalungat ng mga salita sa hanay A
Ikalawang Pangkat
Salunguhitan ang angkop na salitang kasalungat ng bawat salita.
Ikatlong Pangkat
Isulat ang wastong kasalungat ng mga salita.

F. Paglalahat ng aralin.

Ang salitang magkasalungat ay mga salitang magkaiba o magkabaligtad


ang kanilang kahulugan.

G. Pagtataya:
Bilugan ang kasalungat ng salitang nasa kaliwa:
mabilis Hal. Ang pagong ay mabagal lumakad.
malakas 1. Mahina ang boses ng matanda.
maliwanag 2. Takot ako sa madilim na lugar.
mayaman 3. Ang kanyang mga kamag-anak ay nagdarahop sa buhay.
marunong 4. Matalino ang kanyang kapatid.
masipag 5. Hindi nakakatuwa ang batang tamad.

H. Takdang aralin:

Sumulat ng dalawang halimbawa ng salitang magkasingkahulugan at


magkasalungat.

Inihanda ni:
LORNA D. FEROLINO, LPT
Teacher I

Sinuri:
MARITES A. CALARA, Ed.D.
Principal IV
matanda
maalinsang
an
mainit
makitid
mabango
matalim
masikip
maygulang

matalas

mahalimuya
k

You might also like