You are on page 1of 8

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

GRADE SCHOOL DEPARTMENT


LEARNING PLAN

FILIPINO VI

Yunit I: Ikaw... Ako... Pilipinong Natatangi


Grade Level: 6 Date: Hulyo 8, 10-12
ANTAS I – INAASAHANG BUNGA

Ang mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng masusing paglalahad ng mga bawat aralin hinggil sa mga babasahing mga kwento at
gagamiting wika bilang pagsusuri tungo sa kanilang pagkatuto sa makabagong kurikulum.
LAYUNING MAY KAHULUGAN
Kakailanganing Pang-Unawa: Mahahalagang Tanong:
Pagbasa Pagbasa
Ang pagkakaroon ng kaibigan ay regalo sa atin ng Maykapal, sila ang 1. Sino ang tinuturing mong tunay na kaibigan?
nagpapasaya sa atin, kadamay sa mga problema at sabihan ng ating mga 2. Ano ang kahalagahan ng meron kang kaibigan?
lihim na meron tayo sa ating pagkatao. Wika
Wika 3. Paano matutukoy kung paksa o panag-uri ang pangungusap?
Ang Simuno o Paksa at Panag-uri na bahagi ng pangungusap at ang 4. Paano matutukoy kung Karaniwan o Di Karaniwan ang ayos ng
Karaniwan at Di-karaniwan na ayos ng pangungusap ay lubos na may pangungusap?
katuturan sa araw-araw ng pambalarila at pakikipagtalastasan natin sa
kapwa.
MGA LAYUNING NATATAMO
Nilalaman: Kasanayan:
Pagbasa Pagbasa
A. Kaibigan Nga Kaya? 1. Matutukoy ang mahahalagang detalye na nakapaloob sa kwentong binasa.
Wika Wika
B. Bahagi at Ayos ng Pangungusap. 2. Matutukoy ang simuno at panag-uri sa pangungusap kung ito ay karaniwan o di-karaniwang
ayos ng pangungusap.
3. Makapagbibigay ng halimbawa ng pangungusap na sinaalang-alang ang bahagi at ayos nito.
ANTAS II - PAGTATAYA
Inaasahang Pagganap: Iba Pang Pagpapatunay ng Pang-unawa:
Pagbasa A. Pagtatanong na may kinalaman sa paksa.
A. Pagtukoy sa detalye ng kwento: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Mensahe B. Pagsagot sa mga gawain na nasa batayang aklat.
at Pagpapahalaga.
Wika
B. Pagtalakay sa Bahagi at Ayos ng Pangungusap
ANTAS III – MGA GAWAIN NG PAGKATUTO
UNANG ARAW

I. Mga Layunin:
Pagbasa
A. Naiisa-isa ang mahahalagang detalye at pangyayari sa kwentong binasa na: KAIBIGAN NGA KAYA?
B. Nasasagot ang mga katanungang may kinalaman sa akdang binasa.

II. Paksang Aralin:


ARALIN II: “AT NAGWAGI ANG KAGANDAHANG LOOB”

III. Mga Sanggunian:


BINHI: Wika at Pagbasa ni Ester V. Raflores. Pahina 20-22

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak:

Isusulat ng guro sa pisara ang salitang...

KAIBIGAN

1. Ipapabasa ng guro ang salita sa klase.


2. Itatanong ng guro kung ano-anong katangian ang taglay ng isang tunay na KAIBIGAN.
3. Ipapalahad ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang mga kasagutan at sasabihin ng guro na ito’y may kinalaman sa paksang tatalakayin.

C. Paghawan ng Sagabal:
1. wasakin – sirain
2. igiit – ipilit
3. pasikatan - payabangan
4. panun uya – panun ukso
5. tinging matalim – irap o pagalit

D. Paglinang ng Aralin:
1. Ipapabasa sa mag-aaral ang kwento sa pamamagitan ng SALITANG PAGBASA.
2. Ilalahad ng mag-aaral ang mga elemento na nakapaloob sa kwento: TAUHAN, TAGPUAN, BANGHAY NG PANGYAYARI, MENSAHE
at ARAL.

V. Values/Pagpapahalaga:
May mga kaibigang lilisan sa pawat season ng ating buhay makakatagpo tayo ng kaibigan na nababagay sa atin. Ngunit ang makatagpo ng
kaibigang malalapitan mo sa oras ng pangangailangan ay mahirap matagpuan.

VI. Ebalwasyon:
Pagpapasagot ng Pagsasanay A at B sa pahina 27-28 sa aklat na Binhi: Wika at Pagbasa

VII. Kasunduan:
Basahin at Unawain ang Bahagi at Ayos ng Pangungusap sa pahina 32-33 sa inyong batayang aklat sa Filipino sa Wika at Pagbasa.

IKALAWANG ARAW

I. Mga Layunin:
Wika
1. Natutukoy sa pangungusap ang simuno at panag-uri at kung ito’y di karaniwan o karaniwan na ayos ng pangungusap.
2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng pangungusap na may kinalaman sa paksa.

II. Paksang Aralin:


Bahagi at Ayos ng Pangungusap

III. Mga Sanggunian:


III. Mga Sanggunian:
BINHI: Wika at Pagbasa ni Ester V. Raflores. Pahina 32-33
IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak

1. Magpapaskil ang guro ng 3 pahayag.


a. Isang ibon
b. ang nakadapo sa puno
c. Isang ibong ang nakadapo sa puno.
2. Susuriin ng klase kung ano ang pagkakaiba-iba ng mga pahayag.
3. Ipapaliwanag ng guro ang pagkakaiba ng mga pahayag gamit ang tatalakaying paksa.

C. Paglinang ng Aralin.
1. Pagtalakay sa Bahagi at Ayos ng Pangungusap.
2. Pagtukoy ng simuno at panag-uri sa pangungusap.
3. Pagsasaayos ng pangungusap gamit ang karaniwan at di-karaniwan na ayos nito.

V. Pagpapahalaga:
Magbigay ng PANGUNGUSAP na may SIMUNO at PANAG-URI
Pagsasaayos ng pangungusap mula sa:
a. K >DK
b. DK>K

VI. Ebalwasyon:
Pagsagot ng maikling pagsusulit sa batayan aklat pahina 33 pagsasanay A at pahina 35 pagsasanay G.

VII. Kasunduan:
Isaaral ang Bahagi at Ayos ng Pangungusap para sa pagsusulit sa susunod na araw.

Prepared by: Noted by:

_____________ ____________________
Marvin P. Nava Mrs. Mary Ann T. Abejar
Grade 8 Adviser School Pricipal
JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.
ELEMENTARY SCHOOL DEPARTMENT
LEARNING PLAN

FILIPINO VI

Yunit I: Ikaw... Ako... Pilipinong Natatangi


Grade Level: 6 Date: Hulyo 15, 16 at 19
ANTAS I – INAASAHANG BUNGA

Ang mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng masusing paglalahad ng mga bawat aralin hinggil sa mga babasahing mga kwento at
gagamiting wika bilang pagsusuri tungo sa kanilang pagkatuto sa makabagong kurikulum.

LAYUNING MAY KAHULUGAN


Kakailanganing Pang-Unawa: Mahahalagang Tanong:
Pagbasa Pagbasa
Ang pagiging makasarili ay walang patutunguhan na pag-uugali bilang 1. Anong ang taglay na ugali ng isang tao kapag siya ay ugaling
isang tao at kadalasan ang mahahalgang bagay na mayroon tayo ay SAMPALOK?
nauubos at unti-unti rin nawawala sa atin. Wika
Wika 2. Ano-ano ang mga pangungusap na walang paksa?
Ang pangungusap na walang paksa ay karaniwang nagagamit natin sa
pang-araw araw na pakikipagtalastasan natin sa ating kapwa tulad ng
pagbati, pamamaalam, pagtawag, pagsagot sa tanong atbp.
MGA LAYUNING NATATAMO
Nilalaman: Kasanayan:
Pagbasa Pagbasa
A. Ang Gantimpala ng Sakim 1. Matutukoy ang mahahalagang detalye na nakapaloob sa kwentong binasa.
Wika Wika
B. Mga Pangungusap na Walang Paksa 2. Mapapabatid ang mga pangungusap na walang paksa ay madalas gamitin sa pang-araw araw na
pakikipag-usap.
3. Makapagbibigay pa ng ibang halimbawa ng pangungusap na walang paksa.
ANTAS II - PAGTATAYA
Inaasahang Pagganap: Iba Pang Pagpapatunay ng Pang-unawa:
Pagbasa A. Pagtatanong na may kinalaman sa paksa.
A. Pagtukoy sa detalye ng kwento: Tauhan, Tagpuan, Banghay, Mensahe B. Pagsagot sa mga gawain na nasa batayang aklat.
at Pagpapahalaga.
Wika
B. Pagtalakay sa Mga Pangungusap na Walang Paksa.
ANTAS III – MGA GAWAIN NG PAGKATUTO
UNANG ARAW

I. Mga Layunin:
Pagbasa
A. Naiisa-isa ang mahahalagang detalye at pangyari sa kwentong binasa na: KAIBIGAN NGA KAYA?
B. Nasasagot ang mga katanungang may kinalaman sa akdang binasa.

II. Paksang Aralin:


ARALIN II: “ANG GANTIMPALA NG SAKIM”

III. Mga Sanggunian:


BINHI: Wika at Pagbasa ni Ester V. Raflores. Pahina 38-40

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak:

Iguguhit ng guro sa pisara ang...

SAMPALOK.....

1. Ipapalarawan ng guro ang nakaguhit sa pisara sa klase.


2. Itatanong ng guro kung ano-anong katangian ang taglay ng isang tao na may sampalok na pag-uugali.
3. Ipapalahad ng guro sa mga mag-aaral ang kanilang mga kasagutan at sasabihin ng guro na ito’y may kinalaman sa paksang tatalakayin.
C. Paghawan ng Sagabal:
1. sagana - marami
2. bantog - kilala
3. itinaboy - pinaalis
4. nakaimbak - nakatago
5. sumunggab - bumigla

D. Paglinang ng Aralin:
1. Ipapabasa sa mag-aaral ang kwento sa pamamagitan ng SALITANG PAGBASA.
2. Ilalahad ng mag-aaral ang mga elemento na nakapaloob sa kwento: TAUHAN, TAGPUAN, BANGHAY NG PANGYAYARI, MENSAHE
at ARAL.

V. Values/Pagpapahalaga:
Sim-asim man ng sampalok ang pag-uugali na mayroon si Julian na mula sa pagiging mapagbigay na tao sa pagiging makasarili, nariyan pa rin
ang kanyang pusong sim-tamis ng hinog na mangga na handang tumulong sa taong nangangailanangan.
VI. Ebalwasyon:
Pagpapasagot ng Pagsasanay A at B sa pahina 39 sa aklat na Binhi: Wika at Pagbasa

VII. Kasunduan:
Basahin at Unawain ang Mga Pangungusap na walang paksa sa pahina 48-50 sa inyong batayang aklat sa Filipino sa Wika at Pagbasa.

IKALAWANG ARAW

I. Mga Layunin:
Wika
1. Natutukoy ang pangungusap na walang paksa.
2. Nakapagbibigay ng halimbawa ng pangungusap na walang paksa.

II. Paksang Aralin:


Pangungusap na Walang Paksa

III. Mga Sanggunian:


III. Mga Sanggunian:
BINHI: Wika at Pagbasa ni Ester V. Raflores. Pahina 48-50

IV. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagganyak

1. Magpapaskil ang guro ng 3 pahayag.


a. Mano po.
b. Bukas pa
c. Maligayang kaarawan.
2. Susuriin ng klase kung ano ang pagkakaiba-iba ng mga pahayag.
3. Ipapaliwanag ng guro ang pagkakaiba ng mga pahayag gamit ang tatalakaying paksa.

C. Paglinang ng Aralin.
1. Pagtalakay sa Pangungusap na Walang Paksa.
2. Pagbibigay ng iba pang halimbawa ng pangungusap na walang paksa.

V. Pagpapahalaga:
Tatandaan ang pangungusap na walang paksa ay nagsasaad din ng buong diwa, kadalasan ito ang mga pangungusap na ginagamit natin sa araw-
araw nating pakikipag-usap sa kapwa natin katulad ng pagbati, pamamaalam, pagtawag, panagot sa tanong atbp.

VI. Ebalwasyon:
Pagsagot ng maikling pagsusulit sa batayan aklat pahina 51 pagsasanay B.

VII. Kasunduan:
Isa-aral ang Gantimpala ng Sakim at Mga pangungusap na walang paksa para sa pagsusulit bukas.

Prepared by: Noted by:

_____________ ____________________
Marvin P. Nava Mrs. Mary Ann T. Abejar
Grade 8 Adviser School Pricipal

You might also like