You are on page 1of 9

Pamantasang Normal ng Pilipinas

Ang Pambasang Sentro sa Edukasyong Pangguro


Kolehiyo ng Pagpapaunlad Pangguro
FAKULTI NG MGA SINING AT WIKA
Maynila

Banghay- Aralin

Sa Pagtuturo sa Filipino

Baitang 8

(Batay sa Kurikulum na K to 12)

Inihanda ni:

TRICIA MAE I. RIVERA


III- 4 BSE Filipino

Ipinasa kay:

DR. ALITA I. TEPACE


Propesor, Paghahanda at Ebalwasyon sa Kagamitang Pampagtuturo
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 8

(Batay sa Kurikulum na K-12)

Yunit II- Aralin 5

Tuklasin (Sesyon 1)

Panitikan: Saranggola ni Efren Abueg

Genre: Maikling Kuwento

Wika: Pang-uri at Kaantasan Nito

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kuwento, paggamit ng pang-


uri sa pangungusap upang mailarawan ang paraan ng pagdidisiplina ng magulang.

Mga Kasanayang Pampagtuturo:

 Paglinang ng talasalitaan
 Pagsasalita
 Pag-unawa sa Binasa
 Pag-unawa sa Napakinggan

I. Batayang Kasanayan:

Ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng kasanayan sa:


1. Paggamit ng dating kaalaman.
2. Pag-unawa sa ibinigay/ipinakitang idyomatikong pahayag.

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Pagganyak
1. Paggamit ng dating kaalaman

Magpapaguhit ang guro sa mga mag-aaral sa isang puting papel ng isang


bagay na para sa kanila ay maaring maging simbolo o larawan ng isang
taong masaya, matagumpay, at kontento sa buhay. Pagkatapos sa tapat nito
ay ilalahad nila ang kanilang maikling paliwanag para rito.

Simbolo: Paliwanag:

B. Panimulang Gawain:

Pagtukoy ng mga mag-aaral sa kahulugan ng mga idyomatikong pahayag


na nakasalungguhit sa pangungusap.
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga idyomatikong pahayag
nanakasalungguhit sa pangungusap.

1. “Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil


ng asin?”

a. Maging marumi at mag-ulam ng asin.

b. Makaranas ng matinding hirap at kakulangan sa buhay.

c. Maghirap sa buhay at magtinda ng asin.

2. “Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong paa.”

a. Matutong magsarili sa buhay.

b. Lumakad o magbiyaheng mag-isa.

c. Maging matatag sa buhay.

3. Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala


sa sinasabi ng ina.

a. May nabuo ng maling kaisipan o paniniwala sa kanyang isipan.

b. May masamang plano nang nabuo sa kanyang isip.

c. Naging negatibo na ang kanyang mga pananaw sa maraming


bagay.

4. “Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin, pati sa asawa mo…


nakatitiyak siya na makapananatili ka roon”
a. Nakamit na niya ang tagumpay.

b. Naging mapagmataas na siya.

c. Mataas na ang kanyang katungkulan sa buhay.

5. Ang iba naming guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay


nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang,
wasak-wasak.

a. Ang mapagmataas ay agad ibumagsak ng Diyos.

b. Ang buhay ng tao ay tulad ng guryon na minsan ay nasa itaas at


minsan naman ay ibaba.

c. May matataas o kilalang tao na agad na nagtagumpay ngunit hindi


nanatili sa kanilang kalagayan.

C. Paglalahad ng Aralin

1. Pagpapaskil sa pisara ng liham ng isang ina sa kanyang anak na


pumapaksa sa pagiging masumikap na magulang.
2. Tatawag ang guro ng mag-aaral ng babasa ng liham na nakapaskil sa
pisara.
3. Pagbibigay ng mga gabay na tanong tungkol sa binasang liham.
1. Pagkatapos mabasa ang liham, ano ang inyong naramdaman?
2. Bilang isang anak, tama baa ng ginawa ng kaniyang anak? Bakit?

D. Pangkatang Gawain

Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat, ang bawat pangkat ay


magsasagawa ng isang iskit patungkol sa pagiging mabuting anak.

Paalala: Ang lahat ay mayroong limang minuto upang mag-usap sa gagawing skit
at bibigyan naman ng tatlong minuto sa presentasyon.

Pagtataya sa napanood na iskit.


III. Takdang-Aralin

Basahin ang maikling kuwentong “Saranggola” ni Efren Abueg.


Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 8

(Batay sa Kurikulum na K-12)

Yunit II- Aralin 5

Linangin (Sesyon 2)

Panitikan: Saranggola ni Efren Abueg

Genre: Maikling Kuwento

Wika: Pang-uri at Kaantasan Nito

Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng kasanayan sa pag-unawa sa:

1. Pagpili ng angkop na kasalungat ng mga salitang ginamit sa akda.


2.

You might also like