You are on page 1of 3

Ang Kwento ni Mabuti- Genoveva Edrosa Matute

A. Buod
Ito ay isang maikling kwento ng isang guro na binansagang mabuti ng
kanyang mga estudyante. Tinawag siyang mabuti dahil sa palagi niya itong
binibigkas sa harapan ng kanyang mga estudyante. Ito ay ikinukwento ng
kanyang mag aarak na si Fe. Ito ay nakita niyang umiiyak sa silid aklatan
kung saan sila nag usap tungkol sa problema ni fe. Nang tinanaong na ni
Fe ang problema ni Mabuti ay hindi sinabi ni Mabuti dahil alam niya na
hindi pa nito mauunawaan ni Fe. Mayroong isang ank na babae si Mabuti
kung saan may malaking pangareap siya sa kanyang anak. Panagarap
niyang maging doctor ang anak. Isang araw, nabalitaan ni Fe ang
pagfkamatay ng tatay ng ank ni Mabuti. Ibinurol ito sa ibang. Noon ay
nauunawaan na ni Fe ang kalungkutan ni Mabuti.

B. Banghay

a. Panimula
      
 Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag
nakatalikod dahil sa lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi.
Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa Panitikan dahil dito siya bihasa.

b. Saglit na kasiyahan-
Sa pagkwe-kwento ni Mabuti tungkol sa kanyang anak ang kaarawan nito ang
kasuotang meron ito, at ang pangarap ni Mabuti sa kanyang anak.

c. Tunggalian

Tao sa SariliPara sa akin ito ay tao sa sarili sapagkat si Fe lang naman mismo
angnagtakda sa kanyang sarili na alamin kung ano ang suliranin ni mabuti.
Naging tao sa sarili rin ito sapagkat sa kabila ng mga problema
nimabuti ay nagging positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay at ang
tangingmakapagsasabi lang sa ating sarili kung kaya pa natin ay tayo rin mismo.

d. Kasukdulan
           
 Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa
susunod na pasukan. Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang
kanyang anak, isang mabuting manggagamot. Bigla niyang narinig ang bulung-
bulungan ng dalawang estudyante na ang sinasabi ay “Gaya ng kanyang ama!”.
Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang puting tela.
Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at sinabing, “Oo, gaya ng kanyang ama”. Sa
pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay nakuha parin niyang ngumiti bagamat
pilit. Ilang araw din ang itinagal ng pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala,
napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit bigo parin siyang
matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.

e. Kakalasan
         
  Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang
nakaburol ang asawa ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.

f. Wakas
       
   Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang
lahat at iyon ang nagpagaan ng damdamin nito.

C. Dulog Pampanitikan

Bayograpikal-Ang kwento ay umiikot sa katauhan ni Mabuti: kung anong


klase syang guro at ina, angkaniyang makikipagdigma sa kaniyang mga
suliranin sa buhay at kung paano niya hinaharap itong punompuno ng pag-asa

D. Aral

Ang aral na mapupulot sa Kwento ni Mabuti ay ang kaalaman na, ang lahat ng
tao ay may pinagdadaanang pagsubok at hindi natin sila dapat husgahan sa kung
ano man ang kanilang dinaranas. Mabilis na mapapawi ang kalungkutan kung
alam mong may mga taong nandiyan para sayo at kung alam mong may mga
taong nakakaintindi sa iyong karanasan.

E. Implikasyon nito sa tunay na buhay

Para sa akin,maihahalintulad ko ang aking buhay sa buhay ni Mabuti. Sa


mga naging bahagi ng kanyang naging buhay, ako ay nakaranas din ng lihim
kalungkutan. Kalungkutan naranasan ko simula noong akoy bata pa. Sapagkat
hindi ko naranasan ang pagaaruga ng isang magulang. Kalungkutan aking dinala
hanggang sa ako’y nag ka edad na.Mas pinili kong sa puder ng aking tita
sapagkat alam ko na mbabantayan niya ako at kaya niya akong pag aralin. Dahil
hindi kaya ng akingb mga magulang na akoy pag aralin. Dahil sa mura kong edad
na nawalay sa aking mga magulang, palihim akong umiiyak sapagkat namimiss
ko padin ang aking magulang at mga kapatid. Pangungulila sa araw-araw na sana
kasama ko nalang sila. Hindi ko maiwasan ang mainggit kapag ako ay nakakakita
ng buo at masayang pamilya. Hindi din ako nakaiwas sa pangutngutya ng iba,
naranasan ko ang pagkwentohan ng mga kaklse ko, dahil sa wala akong
magulang na pumupunta sa school tuwing kami ay may program o kapag may
meeting sa school. Pero ganun paman, ako ay naging matapang, matatag at
positibo sa buhay na baling araw makakamit ko din ang ginhawa sa buhay gaya
ni Mabuti, isa siyang huwaran sa iba nkaranas man siya ng lihim na kalungkutan
ay naging matatag siya para sa kanyang pangarap anu man suliranin ang
kanyang hinaharap. Inspirasyon ko ang aking mga mahal sa buhay para matupad
ko ang aking mga pangarap. Anu mang suliranin ang dumating sa ating buhay
dapat maging positibo sa lahat na kaya nating tuparin to.

You might also like