You are on page 1of 3

Si Mabuti ay isang pangkaraniwang guro na nabansagan na ng pangalang Mabuti ng kanyang mga mag-

aaral dahil sa bukambibig niya ang salitang ito sa klase. Nang minsang magpunta si Mabuti sa silid-aralan
upang doon umiyak, nakita niya na umiiyak ang isang batang nagngangalang Fe. Simula nang magsimula
ng magkwentuhan ang dalawa tungkol sa kanilang mga buhay, nagkamabutihan na ng loob ang dalawa at
naging mag-kaibigan. Nagbago ang pananaw ni Fe nang maisambit ng lalaki niyang mag-aaral ang
tungkol sa ama ng anak niya na lagi niyang ikinukwento sa klase. Nalaman ng lahat, maging ang kaibigan
niyang si Fe, na nais niyang maging doktor ang anak na babae dahil ang ama nito na di minsan man
naikukwento ni Mabuti sa klase ay doktor din. Dahil sa rebelasyong ito, tila nagkaroon ng koneksyon sina
Fe at Mabuti bilang mga taong nakadadama ng lihim na kaligayahan dahil sa mga lihim na kalungkutan.
Lumipas ang mga araw at nalaman ni Fe ang kwento ni Mabuti: namatay ang asawa nito mga ilang araw
palang ang nakalilipas at naiburol sa ibang lugar at hindi sa bahay nilang mag-ina.

Sa maikling kwentong ito, binigyang pansin ng awtor ang mga problemang inililihim ng mga tao. Sa
isang guro tulad ni Mabuti, na pangkaraniwan kung titignan, maari pala na mayroong siyang itinatagong
mabigat na problema na mas mabuti nang hind malaman ng iba. Mahihinuha sa pagbasa ng kwentong ito,
na hindi magkakaroon ng lihim na kaligayahan kung walang lihim na kalungkutan. Isa pa sa nabigyang
pansin ay ang koneksyon ng dalawang tao na hindi pagkakaibigan o pagkaka-ibigan, ngunit isang
koneksyong pagsuporta sa isang estranghero dala na rin ng pagkakaintindihan o pagkakapareho ng
kalungkutang pinagdaraanan dapat ibalewala

Tauhan

Lapad na Tauhan:
Mabuti- isang guro sa larangan ng Panitikan at malimit na tinuturan ang salitang “mabuti”. Matatag sa
pagsubok sa buhay.
Anak ni Mabuti- Anim na taong batang babae na nais maging manggagamot ni Mabuti.
Mga Estudyante- mga mag-aaral na tinuturuan ni Mabuti sa Panitikan at pinagtitiisan ang paulit-ulit na
kwento ni Mabuti tungkol sa anak.
Asawa ni Mabuti- mahihinuha natin na iniwan niya si Mabuti at ang kanyang anak para sa ibang babae.
Bilog na Tauhan:
Ang mag-aaral na umiyak sa sulok- isang batang naging malapit kay Mabuti at naging interesado sa
pagtuklas sa suliranin ni Mabuti.

II. Tagpuan
Sa isang pinaglumaan ng panahon na paaralan

III.Banghay

Panimulang Pangyayari
Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod dahil sa lagi niya
itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa Panitikan dahil dito siya
bihasa.
Suliranin
Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan dahil sa
isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at pinatahan. Namangha ang bata
dahil doon din tumatangis si Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si Mabuti kung ano ang dahilan ng
kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit hindi siya nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay
nagkaroon ng matinding damdamin sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.

Kasukdulan
Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa susunod na pasukan.
Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting manggagamot.
Bigla niyang narinig ang bulung-bulungan ng dalawang estudyante na ang sinasabi ay “Gaya ng kanyang
ama!”. Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng
pilit at sinabing, “Oo, gaya ng kanyang ama”. Sa pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay nakuha parin
niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala,
napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit bigo parin siyang matuklasan ang lihim at
suliranin ni Mabuti.

Kakalasan
Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang nakaburol ang asawa
ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.

Wakas
Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang lahat at iyon ang
nagpagaan ng damdamin nito.

IV. Mga Leksyon o Aral


» Huwag kang makiapid.
» Mahalin at maging tapat ka sa iyong pamilya.
» Maging positibo ka sa lahat ng aspeto sa buhay.
» Huwag mong itago ang iyong nadarama dahil hindi ito makatutulong.
» Laging isipin na lahat ng bagay ay mabuti.
» Pahalagahan mo ang mga tao sa paligid.

V. Bisang Pangkaisipan
- Ang kababaihan ay tunay na matatag sa mga problema.
- Dapat isipin natin na ang ating mga guro ay ating pangalawang magulang at dapat natin silang
tulungan sa kanilang mga suliranin kapalit ng kanilang mga sakripisyo para sa atin.

VI. Bisang Pandamdamin


- Nahihiwagaan ako kay Mabuti dahil sa kanyang kinikilos. Sa mga nakasaad sa kwento, sa harap ng
klase ay nakangiti siya ngunit tumatangis siya sa sulok ng silid-aklatan. Naitatago niya ang kanyang
damdamin at namamangha ako sa pagiging matatag at positibo niya.
- Naiinis ako sa asawa ni Mabuti dahil iniwan siya si nito pati na rin ang kaniyang anak para lang sa
ibang babae. Kaya siguro siya ay namatay dahil binalikan siya ng mga kasamaang ginawa niya.

VII. Bisang Pangkaugalian


- Dabat bigyan natin ng importansya ang ating mga kabiyak dahil sila ay kalahati na ng ating buhay.
- Dapat igalang natin ang ating mga guro.
- Dapat maging positibo tayo sa buhay tulad ni Mabuti.

You might also like