You are on page 1of 3

Ang salitang Igorot ay likha ng mga hapon bilang tawag sa mga tribong hindi nila nakolonisa sa

Luzon. Golot (mountain chain) ang pinagmulan ng salita at dinagdagan ng unlaping i- (nakatira sa).
Sa unang opisyal na ulat ng sénsus noong dumating ang mga Amerikano, isinulat ni D.R. Barrows
na kinupkop na niya ang pangalang Igorot upang itawag sa kabuuan ng mga tribong Malay sa
Hilagang Luzon na may pare-parehas na pisikal na katangian, malapit ang mga lenggwahe at may
parehong grado ng kultura. May buong rekord sa antropolohiya na nagsasabing: sa nakararaming
lenggwahe sa Hilagang Luzon, ang ibig sabihin ng ‘Igorot’ ay ‘taong bundok’ at pansamantalang
ipinangalan ito sa grupo ng pirimitibong mga tao ng Hilagang Luzon dahil ito ay sumasaklaw sa
malaking bilang ng mga taong bundok. Ito rin ang ginagamit ng mga Igorot upang tawagin ang
kanilang sarili at may mga etnolohikal na kasulatan tungkol dito. [1]

Ang nakararami ay mayroong mga matang bilugan ngunit magaganda at karamihan ay pandak.
Malalaman mo agad na Igorot ang isang babae sa pamamagitan ng kanyang malalaking binti dahil
sa pag akyat ng bundok pati na rin sa mga lalaki. Ang mga balat ng mga Igorot sa Benguet ay
karaniwang mapuputi ngunit ang iba ay maitim dahil babad sa ilalim ng mainit na araw. Ang mga
kalalakihan ay kinagawiang maikli ang buhok. Ang mga kababaihan naman ay nagpapahaba ng
buhok at nag-iiwan ng bangs sa noon na tama ang ikli upang sila ay makakita ng maayos. [2] Ang
sinaunang mga Igorot ayn naiiba sa itsura ng makabagong mga Igorot. Ang makabagong Igorot ay
natural na maliliit ang tanggkad (4'8-5'5)

Kasalukuyan[baguhin | baguhin ang batayan]


Sa kasalukuyan, marami na ang mga kalalakihan na nagdadamit civilian. Ito ang nagsisilbing
uniporme ng mga pangulo at mga konsehal kung may pasok o may isineselebra ang nasyon. Ang
mga kababaihan naman (kaiba sa ibang hindi Kristiyanong pangkat sa Pilipinas), ay dinadamitan
ang kanilang buong pangangatawan. Ang kanilang damit-pantrabaho ay palda na hindi lalampas sa
tuhod, pantaas na may mahabang manggas at tawel o piraso ng tela na ibinabalot nila sa kanilang
ulo. Ngunit, sa kasalukuyang panahon ang pananamit ng Igorot ay nagiging moderno na rin. [2]

Patungkol sa IPRA[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang IPRA (Indigenous People’s Rights Act) ng 1997 ay comprehensive law na hindi lamang ang
karapatan ng mga Katutubong Mamamayan sa kanilang minanang lupa (lupa ng kanunu-nunuan)
ang ipinagtatanggol ngunit pati na rin ang katarungang panlipunan, karapatang pantao, karapatang
panlipunan at karapatang pangkultura. Ito ay bilang sagot sa paniniwalang ang mga lupaing ito ay
ang kanilang lugar-sambahan (relihiyon), institusyon sa pag-aaral (edukasyon), lugar ng
pamamahala (pulitikia at pamahalaan), kabuhayan at lugar ng merkado (ekonomiya), sentro ng
medisina (kalusugan), tahanan (depensa at seguridad), pagkakakilanlan (pagkatao at karakter), at
kasayasayan. [3]

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Komunikasyon


May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng
mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at
Kankanaey. Ito ay pinagsisikapang i-preserba ng Gobyerno upang mapanatili
ang lahi nila.
Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Kostumbre
Pamilyar tayo sa kanilang pananamit. Sa kanilang kasuotan, ang mga babae
ay nag susuot ng mga makukulay na patadyong o mahahabang
palda, nagsusuot din ang mga babae ng kwintas at palayok sa ulo. Ang mga
lalaki naman ay naka-bahag.
Mahalaga sa kanila ang may mga ""tattoo"" sa katawan yamang may
sinisimbolo ito sa katapangan at reputasyon ng isa sa kanilang lipunan. Sila
ay maingat sa pagpili ng makabagong mga pananamit. Yamang pinalalaki
silang higit na mahalin ang kanilang kostumbre.
Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Hanap-buhay
Mayroon lamang simpleng pamumuhay tulad ng:

1. pagtatanim at pag-aani
2. pangangalakal
3. pangangahoy
4. pangangaso
5. pagtitinda
6. paghahabi
7. pagsasaka.

Ang mga Root Crops na kanila mismong pangunahing pagkaian ay kanila din
mismong itinatamin gaya ng kamote, mais, patatas, carrots, gabi at mga
prutas na matatagpuan sa kagubatan.
Malaking bahagi ng kanilang pamumuhay ang mga kabundukan at iba pang
yamang-lupa.  Kasing halaga ng kanilang kontribuyson sa mundo na Banaue
Rice Terraces o Hagdan-hagdang Palayan.
Pero sa ngayon, marami sa mga kabataang Igorot ang pumapasok na sa
paaralan. At ang ilan sa kanila ay nagtatapos sa mataas na digri sa kolehiyo.
Kaya inaasahan na ang kanilang uri ng karera na pinipili ay sumasabay sa
agos ng modernisasyon. Ang ilan sa kanila na nakapagtapos ay bumabalik
upang tulungan ang kanilang angkan sa higit na pagpapayaman ng kanilang
lupain.
Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Relihiyosong
Paniniwala
Katulad ng iba pang etnikong grupo, ang mga Igorot ay mayaman din sa mga
ritwal. Marami sa kanilang mga dasal ay patungkol sa pagliligawagan, pag-
aasawa at pag-aanak. Mayroong mga bahagi dito ang mga espiritu na
inaakala nilang nagliligtas sa isa.
Maliban doon, ang pakikidigma, debosyon sa pagsamba, pagpili ng karera o
paglalakbay ay mayroong listadong mga dasal o orasyon na kailangang gawin
sa pamamagitan ng kanilang lider.
Bagaman ang Pilipinas ay nasakop ng Espanyol sa napakahabang panahon,
napanatili ng Igorot na malaya sa kanilang impluwensya. Ang dahilan ay ang
pagiging bulubundukin ng kanilang lugar. Nahadlangan na sakupin sila o
siluin man lamang ng mga panghihikayat.
Pinagmulan ng mga Igorot
Ang salitang Igorot ay ipinangalan ng mga Espanyol sa etnikong grupong ito
bilang tawag sa mga tribong hindi nila nakolonisa sa Luzon. Ito ay mula
sa: "Golot" o mountain chain, ang pinagmulan ng salita at dinagdagan ng
unlaping "I"  na nangangahulugang "nakatira sa". 
Sila ay naninirahan sa may Cordillera, sa isla ng Luzon. Mayroong anim na
lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR) na matatagpuan sila.
Ang mga ito ay ang:

 Abra
 Apayao
 Benguet
 Ifugao
 Kalinga
 Mountain Province

You might also like