You are on page 1of 2

Tuguegarao Archdiocesan Schools System

Saint Joseph’s College of Baggao, Inc.


Baggao, Cagayan, Philippines

Transforming Lives, Shaping the Future

Asignatura: Komunikasyon at Grade Level: Grade 11-ABM


Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Subject Teacher: Maridel C. Durian Term and S.Y.: 1st Sem, 2021-2022

Kultura at Tradisyon ng mga Igorot


Ang Igorot ay isang primitibong pangkat etniko sa Pilipinas. Ang kultura at tradisyon ng mga
Igorot ay popular dahil sa kanilang mga kasuotan ng bahag, pamumuhay sa pamamgitan ng mga
root crops at sa maraming dasal para sa pag-aasawa, paglalakbay at pagsasaka.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Komunikasyon

May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang
Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ito ay pinagsisikapang i-
preserba ng Gobyerno upang mapanatili ang lahi nila.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Kostumbre

Pamilyar tayo sa kanilang pananamit. Sa kanilang kasuotan, ang mga babae ay nag susuot ng
mga makukulay na patadyong o mahahabang palda, nagsusuot din ang mga babae ng kwintas at
palayok sa ulo. Ang mga lalaki naman ay naka-bahag.

Mahalaga sa kanila ang may mga ""tattoo"" sa katawan yamang may sinisimbolo ito sa
katapangan at reputasyon ng isa sa kanilang lipunan. Sila ay maingat sa pagpili ng makabagong
mga pananamit. Yamang pinalalaki silang higit na mahalin ang kanilang kostumbre.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Hanap-buhay

Mayroon lamang simpleng pamumuhay tulad ng pagtatanim at pag-aani, pangangalakal,


pangangahoy, pangangaso, pagtitinda, paghahabi, pagsasaka.

Ang mga Root Crops na kanila mismong pangunahing pagkaian ay kanila din mismong
itinatamin gaya ng kamote, mais, patatas, carrots, gabi at mga prutas na matatagpuan sa
kagubatan.
Malaking bahagi ng kanilang pamumuhay ang mga kabundukan at iba pang yamang-lupa.
Kasing halaga ng kanilang kontribuyson sa mundo na Banaue Rice Terraces o Hagdan-hagdang
Palayan.

Pero sa ngayon, marami sa mga kabataang Igorot ang pumapasok na sa paaralan. At ang ilan sa
kanila ay nagtatapos sa mataas na digri sa kolehiyo. Kaya inaasahan na ang kanilang uri ng
karera na pinipili ay sumasabay sa agos ng modernisasyon. Ang ilan sa kanila na nakapagtapos
ay bumabalik upang tulungan ang kanilang angkan sa higit na pagpapayaman ng kanilang lupain.

Ang Kultura at Tradisyon ng mga Igorot sa Relihiyosong Paniniwala

Katulad ng iba pang etnikong grupo, ang mga Igorot ay mayaman din sa mga ritwal. Marami sa
kanilang mga dasal ay patungkol sa pagliligawagan, pag-aasawa at pag-aanak. Mayroong mga
bahagi dito ang mga espiritu na inaakala nilang nagliligtas sa isa.

Maliban doon, ang pakikidigma, debosyon sa pagsamba, pagpili ng karera o paglalakbay ay


mayroong listadong mga dasal o orasyon na kailangang gawin sa pamamagitan ng kanilang lider.

Bagaman ang Pilipinas ay nasakop ng Espanyol sa napakahabang panahon, napanatili ng Igorot


na malaya sa kanilang impluwensya. Ang dahilan ay ang pagiging bulubundukin ng kanilang
lugar. Nahadlangan na sakupin sila o siluin man lamang ng mga panghihikayat.

Pinagmulan ng mga Igorot

Ang salitang Igorot ay ipinangalan ng mga Espanyol sa etnikong grupong ito bilang tawag sa
mga tribong hindi nila nakolonisa sa Luzon. Ito ay mula sa: "Golot" o mountain chain, ang
pinagmulan ng salita at dinagdagan ng unlaping "I"  na nangangahulugang "nakatira sa". 

Sila ay naninirahan sa may Cordillera, sa isla ng Luzon. Mayroong anim na lalawigan


sa Cordillera Administrative Region (CAR) na matatagpuan sila. Ang mga ito ay ang:

 Abra
 Apayao
 Benguet
 Ifugao
 Kalinga
 Mountain Province

You might also like