You are on page 1of 5

Xavier University Senior High School Ateneo de Cagayan

Filipino 102

Mga Membro:
Abamonga, Mary Jill C.
Anuddin, Kelmin E.
Cabrezos, Shaun.
Galoso, Paulo A.
Simpao, Althea.

Seksyon:
11- Gordon

Ipinasa kay;
Binibining Steff Pahuyo

February 4, 2020
Mga paksa:
Sagisag na kultura ng mga Muslim
Kultura sa Vigan
Indigenous culture of Igorots
Ang panitikang Filipino
Wikang Bikolano

Indigenous culture of Igorots


Pamagat:
Ang pag preserba ng katutubong relihiyosong kultura ng mga Igorot

References:
 Khavee, A.B, Shahper,v. & Yu, J.(2017) Preservation of Indigenous Culture
among Indigenous Migrants through Social Media: the Igorot Peoples.
(Published) Auckland University of Technology,Auckland, New Zealand.

 Tibaldo, A. (2015, March 30) Knowing and Understanding Igorot Culture.


Retrieved from https://www.sunstar.com.ph/article/529

 Agoot, L. (2018, November 1) Daw-es: Igorots' cleansing ritual for dead,


living. Retrieved from https://www.pna.gov.ph/articles/1052457

 Leni D. Camacho, Dixon T. Gevaña, †Antonio P. Carandang & Sofronio C.


Camacho (2016) Indigenous knowledge and practices for the sustainable
management of Ifugao forests in Cordillera, Philippines, International
Journal of Biodiversity Science, Ecosystem Services & Management, 12:1-
2, 5-13, DOI: 10.1080/21513732.2015.1124453
 The Indigenous Peoples’ Rights Act, RA No. 8371 (1997).
Konseptong Papel
Ang pag preserba ng katutubong relihiyosong kultura ng mga Igorot

Rasyonale:

Sa bansang pilipinas, nahahati ito sa tatlong pulo, at may iba’t ibang


kultura at wika sa bawat lungsod. Maraming wika at kultura ang nasa pilipinas,
kadalasan ang iba ay nakakalimutan na. Ang mga kabataan ngayon ay malimit
nalang ang kanilang kaalaman tungkol sa mga kultura at mga tradisyon na
mayroon ang bansang kinagisnan. Lalo na’t ang mga kabataan ngayon ang
pokus nila ay nahahati. Sa henerasyon ngayon, konti nalang ang may interest sa
mga kultura na meron ang pilipinas, kaya sa ganun, yung iba ay nakakalimutan
na ng karamihan. Sa bansang pilipinas, may kanya kanyang kultura ang mga
Muslim, mga Tagalog, Bisaya, Manunubo, Igorot at iba pa.

May mga kulturang nangingibabaw dahil yung iba ay tinuturo sa


paaralan, Ngunit hindi lahat ay naituturo. Gaya ng kultura ng mga Igorot, may
iba’t iba silang kultura, sa pananamit, sa kasalanan at meron din silang sarili
nilang kultura sa kanilang pagsamba. Ang mga Igorot ay isang tribo na
nanirahan sa mga bukirin, at noong sinakop ng espanyol ang bansa, ito lang ang
tribo na lumaban para ma preserba ang kanilang kultura at paniniwala. Ang
Igorot ay mayroon diyos na tinatawag na Dios Adi Kaila (W.D. Sacla, 1987) ito ay
ang diyos na hindi nakikita, ito ay ang gumawa ang sanlibutan. Marami silang
mga diyos at diyosa na kanilang sinasamba.

Mayroon din silang mga pari na gumagawa ng mga ritual para sa


kanilang mga diyos at diyosa. Naniniwala din sila sa mga mga “reincarnation”.
May mga mangagamot kapag ang isang pamilya ay may sakit, mag bibigay
handog lang upang gumaling sila sa kanilang kapansanan. Ang mga Igorot ay
mayroong napaka gandang kultura ngunit hindi lahat ng tao ay alam ito. Dahil
kakaunti nalang ang may interest sa mga ganito.

Pinili ng mananaliksik ang paksa na ito upang mabalik at ma preserba ang


mga katutubong kultura ng Igorot at ibang pang mga kultura na nakalimutan na
ng iba. Sa ganitong paraan maiinganyo ang mga kabataan na alamin ang mga
ibat ibang kultura na meron ang bansany pilipinas. At sa paraang ito, matitigil na
ang deskriminasyon ukol sa mga katutubo. Dahil ang pananaw ng iba, mas
angat sila kesa sa mga taong naninirahan sa bukid. Iba ang kanilang pananaw
sa mga Igorot. Dahil sa kanilang kasuotan at kanilang salita kaya kadalasan
napagtatawanan sila. Kaya dahil sa paksang ito ay mabubuksan ang mga
kaisipan ng mga tao ukol sa mga Igorot. Para din hindi na tuloyang mawala o
maglaho ang mga kultura at paniniwala ng mga Igorot.

At ang panghuli ay para din mabigyan ang a mga katutubo ng sarili nilang
karapatan. Kaya sa konseptong papel na ito ay mapapalawak ang kaalaman
ng mga tao sa mga karapatan na mayroon ang mga katutubo, ang “Indigenous
People’s Right Act, RA No. 8371” na itinaguyod noong 1997.

Layunin:

Ang kultura ng mga Igorot ay malimit lang ang nakakaalam dahil hindi ito
binibigyan ng atensyon ng mga tao. Kaya bilang isang groupo, gumawa ang
mga mananaliksik ng mga layunin na makakatulong sa pag kalat ng kultura ng
mga Igorot sa lahat ng mga tao para mabigyan silang kaalaman tungkol dito.

1. Matukoy ang potensyal na solusyon upang hindi tuloyang mawala ang


kultura ng mga Igorot.
2. Upang mabigyan din ng pansin ang kanilang pangangailangan.
3. Upang maisiwalat sa lahat ng tao ang kanilang mga kultura sa kanilang
tribo.
4. Matigil na ang mga pag dedeskriminasyon sa mga katutubong tribo gaya
na ng mga Igorot.
5. At panghuli, Upang maisulong sa lahat ng tao kong ano ang mga
karapatan ng mga katutubong tao upang maprotektahan sila.

Metodolohiya

Ang mga mananaliksik ay mag sasagawa ng interbyu sa mga tao o sa mga


magaaral. Ang interbyu ay magagamit upang malalaman ng mga mananaliksik
kong gaano o alam ba ng mga mag aaral at mga tao ang mga kultura ng mga
Igorot. Sa ganun, maging ebalwasyon ito kong nakalimutan naba talaga ng mga
tao ang mga kulturang ito. At pagkatapos ng interbyu, ang groupo ay
magkakaroon ng pagkakataon upang mabigyan ng kaalaman ang mga
nainterbyu tungkol sa mga kultura ng mga Igorot. Bukod sa interbyu,
magkakaroon din ng, obserbasyon sa mga tao sa paligid, kong ano ba talaga
ang rason kong bakit nakakalimutan ng mga taong bayan ang mga katutubong
kultura ay sa ganun ang groupo ay makagawa ng potensyal na solusyon upang
hikayatin ang mga tao na magbigay atensyon sa mga kultura na meron ang
bansamg pilipinas.

Inaasahang bunga

Ang papel na ito ay pangunahing hakbang upang matulongan ang mga


katutubong Igorot na mapreserba ang kanilang mga kultura at upang maisiwalat
sa lahat ng mga taong Pilipino and kultura na mayroon sila. Ang papel na ito ay
naglalaman ng mga layunin upang matulongan ang mga Igorot, mga paraan
kong paano matulongan, paraan upang hikayatin ang mga tao na bigyan
atensyon ang kulturang ito. Ang bunga na inaasahan ng mga mananaliksik ay
ma bigyan ng pansin ang mga katutubong tao, matulongan sila na mabigyan
ng tulong nga mga tao at ng gobyerno. At ang lahat ng makakalap ng mga
mananaliksik na importanteng datos ay nakatala na din sa papel at ang resulta
ng survey ay isasali din sa konseptong papel.

You might also like