You are on page 1of 3

KONSEPTONG PAPEL

Persepsyon ng mga Mag-aaral ng Grade 11 Science,

Technology, Engineering and Mathematics (STEM)

Strand sa Pag-usbong ng Kulturang Popular sa

Akademikong Pagganap sa Mataas na

Paaralang Pambansa ng Leyte

Ika-apat na pangkat;
Caadan, Mhar
Alliones, Elyse Anne
Biong, Paul Adrian
Biral, Jemery
Cera, Aleander
Darang, Dan Harlquin
Dianito, Diane
Gadil, Arabella
Rojas, Sophia Mae
Son, Fritzy Venus

G11- ORANGE
Persepsyon ng mga Mag-aaral ng Grade 11 Science, Technology, Engineering
and Mathematics (STEM) Strand sa Pag-usbong ng Kulturang Popular
sa Akademikong Pagganap sa Mataas na Paaralang Pambansa
ng Leyte

Hindi maitatanggi na mahilig makiuso ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataang

nabubuhay sa henerasyon na ito. Bawat siglo, bawat taon may mga bagong umuusbong

na mga kultura sa bansa. Ayon kay Rosali Orito (2012) kung noon ay radio, dyaryo,

telibisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung ano ang uso, anong sikat

at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali

na para sa mga tao ang maki-uso at magpa-uso.

Ang kulturang popular ay masasabi nating paraan ng mga taon para maramdaman

ang pagtanggap sa kanila ng nakararami (Orito, 2012). Ang pag-ayon sa kulturang

popular ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernong komunidad dahil

ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga

kumpanya at mga modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang

nagbibigay depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ito

ay maaring teknolohiya, pagkain, kasoutan, musika at iba pa. Ito ay pinagsama-samang

kultur ana itinakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng

mga taon para ipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura pati na rin

maipakilala ang kanilang sarili.

Sa pangkalahatang pananaw, ang kulturang popular ay realidad ng masa. Lahat

ng ating ginagawa at kinikilos ay ating ginagawa at nakabase sa kulturang ginagalawan

natin at dahil ditto ipinapahayag ng papel na ito na ang popular na kultura ay isa sa mga
sagabal upang lumagoa ang Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral dahil mas inu-

una nila kung ano ang mga uso kaysa kung ano ang mas nakakabuti at mas may halaga.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mapag-aralan at alamin ang mga

negatibong epekto ng Kulturang Popular sa Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral

ng Grade 11-STEM. Ang unang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung ang

Kulturang Popular ba ay isa sa mga salik na nakaka-apekto sa pagbaba ng marka ng

mga mag-aaral ng ika-labing isang baiting sa STEM. Ikalawang layunin ay ang tukuyin

kung papaano nakaka-apekto ang kulturang popular sa akademikong pagganap ng ika-

labing isang baitang ng STEM at upang malaman kung bakit nakaka-apekto ang

kulturang popular sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng estratihiya na kung saan ang mga

mananaliksik ay makikipanayam sa mga estudyante ng ika-labing isang baitang ng STEM

sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Leyte. Dahil sa malaking bilang ang mga kalahok

sap ag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay nagpasyang paliitin ang bilang ng

populasyon na siyang kakatawan sa boung populasyon sa gagawing pag-aaral. Sa

ganitong paraan, ang mga mananaliksik ay gagamit ng “Random Sampling” upang alisin

ang “bias” at bigyan ng lahat ng pantay-pantay na pagkakataon na lumahok sa pag-aaral.

You might also like