You are on page 1of 7

KABANATA 1

KALIGIRANG PAG-AARAL AT SULIRANIN

Introduksiyon

Panimula

Isa sa malaking problemang kinakaharap ng mga Pilipino ay ang pagsugpo sa

lumalalang isyu tungkol sa droga. Ang droga ay uri ng gamot na ipinagbabawal sa

bansa. Ito ay nagdudulot ng masamang epekto sa mga taong gagamit nito.

May iba’t – ibang uri ng droga tulad ng marijuana, shabu at iba pa. sa panahon

ngayon maraming mga kabataan ang nalululong sa droga. Mayroong dulot ang hatid

ng droga na maaring maapektuhan ang kanilang pag-uugali, kalusugan, at pag-aaral

Ang droga ay isa sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa, napapanood

at nababalita sa telebisyon at radio. Makikita ang lebel na epekto ng droga lalo na sa

mga kabataan. Dumarami ang bilang ng mga kabataang nasasangkot sa droga na

nagdudulot ng paggawa ng krimen,

Ang pagkalat ng droga sa Pilipinas ay isang malaking dagok sa ating lipunan

hindi lamang sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang

kayamanan at pag-aari natin ay nasasayang.

Sa pag- aaral na ito, nais ng mga mananaliksik na malaman ang mga maaring

epekto ng droga sa kalusugan at pag – aaral ng mga kabataan.


Kaligirang Pag – aaral

Ayon sa Wikipedia, ang ipinagbabawal na gamot, ilegal na mga droga,

inaabusong mga gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang

sangkap na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at katawan din ng tao.

Dagdag dito ang sinumang lulong sa droga ay humahantong sa tuluyang

pagkahumaling sa paggamit ng droga, na hindi na kayang pigilan.

Batay sa talaan ng Batas Republika bilang 9165( Republic Act 9165) ng

Pilipinas, tinatawag at itinuturing na bawal na gamot ang mga sumusunod at kanilang

mga kauri: marihuana, rasin ng marihuana, ang ecstacy( methylenedioxy

methamphetamine o MMDA) paramethoxyamphetamine (PMA) ,

trimethoxyamphetamine (TMA), kabilang din sa mga ito ang anumang bagong

natuklasang mga gamot at pinagkunan ng mga ito na hindi naman nakakagamot,

bagkus ay nakakapinasala sa tao.

Ang layunin ng pananaliksik at pag – aaral na ito ay malaman at matuklasan ang

mga epekto, dahilan, at posibleng solusyon sa problemang nais pag – aralan ng mga

mananaliksik. Wikipedia (2010).

Pangkalahatang Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang lumalalang isyu tungkol sa

droga.
Mas Tiyak na Suliranin

1. Ano ang dahilan ng pag-gamit ng droga ng mga kabataan?

1.1 Subukan

1.2 Problemang pampamilya

1.3 Impluwensya ng Kaibigan

2. Ano ang epekto nito sa mga sumusunod:

2.1 Kalusugan?

2.2 Pag-aaral?

3. Ano ang mga posibleng solusyon para maiwasan ang mga kabataan sa pag-gamit ng

droga?

Independent Baryabol

 Dahilan
Konseptwal na Pag-lalarawan
- Subukan
- Problemang
Pampamilya
- Impluwensya ng
kaibigan
 Epekto Dependent Baryabol
- Kalusugan
 Pag-gamit ng droga ng
- Pag-Aaral
mga Kabataan.
 Posibleng Solusyon

Kahon 1 Kahon 2
Makikita sa itaas ang mga kahon na naglalaman ng Independent at Dependent

Baryabol. Sa unang Kahon, nakalagay ang mga independent Baryabol. Ang mga

Dahilan a) Subukan? b) Problemang pam-pamilya c) Impluwensya ng kaibigan. Epekto

a) Sa Kalusugan? b) Sa pag-aaral? At ang mga posibleng solusyon sa problema.

Habang ang nasa pangalawang kahon nakalagay ang dependent na Baryabol, ang

Pag-gamit ng droga ng mga Kabataan.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na isinasagawa ng mga mananaliksik, ay limitado at espisipiko

lamang sa mga piling taga- responde na nagmula sa Baitang 11- ABM EPSILON ng

St.Therese School of Arts and Sciences Incorporated A.C 2016-2017 Ang gagawing

paraan ng pag-ngalap ng datos ay sa pamamagitan ng sarbey at pakiki-panayam na

naglalaman ng dalawampung (20) katanungan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay halaga at tulong sa mga tao at institusyong

sumusunod:

Estudyante/ Kabataan. Sa tulong ng pag-aaral na ito maaaring magbigay ng kaalaman

tungkol sa droga, sa tulong nito maaring maging aweyr ang mga kabataan sa mga

epektong nakasasama sa pag-gamit nito.

Magulang. Sa pag-aaral na ito ang mga magulang ay maaring mabuksan ang kanilang

isipan na kinakailangan ng kanilang mga anak ang kanilang patnubay upang maiwasan

at mailayo ang kanilang anak sa pag-gamit ng droga.


Guro. Bilang nagsisilbing pangalawang magulang sa paaralan. Ang pag-aaral na ito ay

maaring magbigay tulong sa mga guro na magkaroon ng ideya at paraan upang

mailayo ang kanilang estudyante sa pag-gamit ng droga.

Sa Paaralan. Sa pag-aaral na ito maaring makakuha ng paraan ang mga kinauukulan

para mapanatili ang pag-iwas ng mga kabataan/ estudyante sa pag-gamit ng droga.

Sa Lipunan. Bilang laganap at dito nagsisimula sa pagkamulat ang mga Kabataan sa

Buhay at araw-araw. Tulong ng pag-aaral na ito ay ang maaaring pag-kakaroon ng

ideya lalo na ang namumuno na paigtingin ang kahigpitan sa Droga.

Katuturan ng mga Terminong Ginamit

Droga – ang terminong “droga” ay binigyang katuturan bilang kahit anong nakagagaling

ng karamdaman o nakakabago ng pakiramdam, kilos,o pagiisip ng tao. Ang droga o

Drugs ay may dalawang klase legal at di legal. (Scribd,Inc)

Sa pananaliksik na ito ay Terminong ito ginamit bilang masamang gamot na

nakakaapekto sa tao.

Problemang Pampamilya - Sa pananaliksik na ito ang terminong ito ay binigyang

kahulugan bilang isang salik na nakakaapekto sa pag-gamit ng droga ng mga

Kabataan.

Impluwensya- Ang terminong ito ay binigyan ng mananaliksik ng kahulugan bilang ang

kakayahang makaapekto ng isang bagay sa isa pang bagay. Maaring makakabuti o

makasasama.
St. Therese School of Arts and
Science, Inc.
Brgy. Bulilan Sur, Pila, Laguna 4010 Philippines

ANG EPEKTO NG DROGA SA KALUSUGAN AT


PAG – AARAL NG MGA KABATAAN
( ISANG PANANALIKSIK)

PANGKAT 5 ( 11 – ABM EPSILON)

Bañaga, Jhonie Boy


Caadan, Jaquilyn
Marcelo, Danlei
Pantoja, Princess
Nazareta, Margarita Isinumite kay:
Tubog, Jan Krisha Ginoong Gio Gonzaga
THE INFLUENCE OF STUDENT’S
PROFILE TOWARDS
UNDERSTANDING ACCOUNTING

You might also like