You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat ito ay maaaring makapagbukas ng

mas marami pang oportunidad hindi lamang sa Tagaytay kundi maging sa ating bansa,

mga trabaho, dagdag na kita ng ekonomiya, at sa pagsulong ng turismo sa bansa.

Maaaring magbigay kahalagahan din ang pananaliksik na ito sa mga taong kaunti

lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng siyudad ng Tagaytay. Makakatulong ito

sa mga mag-aaral, turista, mamamayan, sa siyudad ng Tagaytay at maging sa mga

susunod na mananaliksik.

Mag-aaral. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga mag-aaral na maging

mayaman ang kanilang kaisipan tungkol sa mga penomenang kultural na sadyang

natatangi sa isang komunidad o lugar. Madaragdagan ang kanilang kaalaman sapagkat

mahuhubog ang kanilang kamalayan mula sa pananaliksik na ito.

Mga Turista. Mula sa pag-aaral na ito, mas magkakaroon ng ideya ang mga turista sa

tunay na kultura ng siyudad ng Tagaytay at malalaman ng mga ito kung gaano kahalaga

ang turismo para sa mga mamamayan ng pook na ito. Matutulungan nito ang mga turista

na makadiskubre ng bagong kaalaman at mapapaunlad nito ang kanilang kamalayan sa

kapaligiran.

Mga Mamamayan ng Tagaytay. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga taong

naninirahan sa Tagaytay sa larangan ng paghuhubog ng kanilang pagkatao. Sa tulong

ng pananaliksik na ito, mas maiintindihan ang impluwensiya ng kultura at turismo sa

pagkatao ng isang indibidwal na magiging tulay sa pagpapanatili at pagpapahalaga ng

kayamanang matatagpuan sa kanilang lugar.


Siyudad ng Tagaytay. Matutulungan ng pag-aaral na ito ang siyudad ng Tagaytay na

mas maipakilala ang pagpapahalaga ng mga mamamayan nito sa turismo. Bukod dito,

matutulungan din ng pag-aaral na malaman ang epekto ng turismo at iba pang kultura sa

lugar na ito na magiging daan sa pagbibigay ng mga paraan upang mas mapaunlad,

mapangalagaan at mapagyaman ang nasabing lugar.

Mga mananaliksik sa hinahanap. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging gabay sa

mga susunod na mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay maaari nilang gawing batayan

sa kanilang isinasagawang pananaliksik na may kaugnayan sa mga salik ng turismo.

You might also like