You are on page 1of 6

Colegio de San Juan de Letran Calamba

City of Calamba, Laguna 4027, Philippines

KASONG PANANALIKSIK

(CASE STUDY)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

(KOMPAN)

Submitted by: Group 4

John Kenneth Aduana

Annabelle Hona

Nichole Monserrat

Julia Tapia

Submitted to: Ms. Ruah Ramirez


BARANGAY HALANG NG CALAMBA CITY, LAGUNA

I. Abstrak

Ang Brgy. Halang ang isa sa mga barangay sa Calamba City, Laguna. Ito ay isa

sa mga kinikilalang mayayamang baranggay sa Calamba City. Sa barangay na ito

rin ang isa sa maraming populasyon sa Calamba City. Tinatayang 7,774 ang

populasyon ng tao na nakatira sa Brgy. Halang ngayong 2018. Sa barangay na ito

makikita ang ilan sa mga mahahalagang estraktura sa Calamba City, katulad na

lamang ng Munisipyo ng Calamba at ang The Plaza kung saan makikita ang mataas

na estatwa ng ating pambansang bayani na si Jose P. Rizal. Ang layunin ng pag-

aaral na ito ukol sa Brgy. Halang ng Calamba City, Laguna ay upang mas makilala

pa ng marami kung ano ang barangay na ito noon at ngayon. Mas lalo nating

kilalanin ang barangay na itinuturing nilang isa sa mga kilalang barangay sa

Calamba City. Isa din sa layunin ng pag-aaral nito ay upang mas lalo nating

kilalanin hindi lamang ang kultura ng Brgy. Halang, kundi kilalanin din ang mga tao

sa likod ng kulturang ito, ang mga tao na kumikilala sa Brgy. Halang.

MGA SUSING SALITA:

 Calamba City, Laguna

 Mayaman

 Munisipyo ng Calamba

 The Plaza

 7,774 na populasyon
 Kilala

II. Bakgrawnd ng Pag-aaral

Ang Brgy. Halang ay isa sa mga barangay sa bayan ng Calamba City sa

probinsya ng Laguna. Ito ay may mahigit kumulang na 166.7 ektarya. Dahil sa

lawak nito madaming isyu ang hindi maiiwasang mangyari sa isang lugar sa

barangay. Isa na dito ang talamak na pag-agamit ng ipinagbabawal na gamot.

Karamihan sa mga naninirahan dito ay nangangamba sa kanilang seguridad sa

kanilang lugar.

Dumarami na ang mga estraktura dito sa Brgy. Halang kumpara dati. Ang

barangay dati ay isa lamang bukirin kung saan puro magsasaka lamang ang nakatira.

Ayon naman sa mga tao ay maganda din naman ang naidulot ng pagdami ng

estraktura sa barangay. Ngunit unti-unti nga lang nababawasan ang mga puno at

halaman dito dahil sa pagdami ng mga estraktura.

Sa panahon ngayon, ang mga pinagkakakitaan sa barangay ay puro panaderya at

karinderya. Dito kumikita halos lahat ng mga nagtitinda. Dito din naman

nakikinabang ang mga mamimili sa barangay.

Tungkol naman sa espesyal na aktibidad sa barangay, marami ding ginagawang

aktibidad dito. Katulad na lamang ng pista ng Brgy. Halang tuwing ika-15 ng Mayo,

paglilinis ng mga kanal at kalsada ng mga nagboluntaryo, pagdiriwang ng unang

pag-iilaw ng Christmas Tree sa The Plaza tuwing pagsapit ng Disyembre, at

syempre iba’t ibang palaro sa mga piling okasyon.

Sa Brgy. Halang, maipagmamalaki dito ang pagbibigayan at pagkakasundo ng

mga mamamayan. Madalang na ngayon ang mga away at sagutan sa barangay na ito.

Madaming nagbibigayan at nagpapahalaga sa isa’t isa. Ito ang ilan lamang sa

magagandang katangian ng mga tao mula sa Brgy. Halang.

III. Representasyon ng Datos


Ayon sa ginawa naming sarbey na may iba’t ibang katanungan para sa mga tao,

ito ang naging resulta:

Sa iyong palagay nakakaapekto ba sa


bayan ang nangyayari sa inyong
baranggay?
0%

Oo
Hindi

100%

Base sa sagot ng taong bayan lahat sila ay naapektuhan sa nangyayari sa


kanilang baranggay.

Marami na bang nababalitaang


insidente sa inyong baranggay?
0%

Oo
Hindi

100%

Base sa sagot ng taong bayan madami na ang nababalitaang insidente sa


kanilang lugar.
Natutugunan ba ng baranggay ang
inyong pangangailan?

40%
Oo
Hindi
60%

Base sa sagot ng taong bayan ang 60% nito ay natutulungan ng baranggay at


ang 40% naman ay hindi.

Nasaksi ka na ba ng aktwal na pag huli


sa masamang tao sa inyong baranggay?

28%
Oo
Hindi
72%

Base sa sagot ng taong bayan marami na ang nakasaksi sa pangyayaring pag


huli sa kanilang lugar at ang iba naman ay hindi.

Base sa mga nakapanayam namin, ang Brgy. Halang ay hindi naman nawawalan

ng mga suliranin. Mayroon at mayroong magiging suliranin sa barangay. Ukol

naman sa mga dayuhan, nakakatulong din naman ang pagpunta nila sapagkat

nagdudulot sila ng magandang impluwensya, ngunit hindi lahat. Maraming mga tao

ang lumuwas mula sa kanilang probinsya at pumunta dito sa Calamba City, lalo na

dito sa Brgy. Halang upang makahanap ng desente at magandang trabaho. Maraming

magandang dulot ang malaking pagbabago ng Brgy. Halang, ngunit hindi mawawala
dito ang negatibo. Tulad na lamang ng unti-unting pagkawala ng ating magandang

kalikasan, lalo na ang mga puno at halaman.

IV. Konklusyon at Rekomendasyon

Sa aming konklusyon ukol sa pag-aaral na ito, ang Brgy. Halang ay isa sa mga

sikat at kilalang barangay sa Calamba City. Ang Brgy. Halang din ang tinuturing na

isa sa pinakamahalagang barangay noon at kahit ngayon. Maraming dumadayo sa

barangay na ito upang makahanap ng maayos na trabaho. Dito din sa barangay ay

hindi maiiwasan ang iba’t ibang krimen ngunit ginagawa ng mga opisyal ang

kanilang mga trabaho upang mahuli na ang mga kriminal na gumagala sa barangay.

Ang aming rekomendasyon ay kung maaari ay magkaroon pa sana ng mas

maraming aktibidad na makakatulong upang mapanatili ang kultura ng barangay at

upang mas magkalapit-lapit pa ang mga mamamayan na nandito.

V. Dagdag-dahon (Talasanggunian)

INTERNET:

(Disyembre 08, 2018)

http://www.calambacity.gov.ph/index.php/11-government/101-brgy-halang

(Disyembre 08, 2018)

https://en.wikipedia.org/wiki/Halang,_Calamba

You might also like