You are on page 1of 30

Isulat ang Tama kung ito ay

nagpapakita ng pagtutulungan sa
paglutas ng suliranin sa komunidad at
Mali naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa patlang.
_________1. Tinulungan ng doktor na mailigtas
ang isang matandang may sakit na corona virus.
_________2. Binigyan ng magkakaibigan ang
isang matandang gutom na gutom ng maraming
pagkain.
_________3. Nagtutulungan sa pagtanim ang
mga tao na nakatira sa barangay maligaya para
sa kanilang proyekto.
_________4. Hinuhuli ng mga pulis
ang mga batang nagnakaw sa
tindahan.
_________5. Hinayaan ng isang pulis
na bugbugin ang isang pulubi ng
mga taong lasinggo.
Pagmasdan ang mga larawan.
• Ano ang pinapakita ng mga
larawan? Nakakita ka na ba ng
ganitong pangyayari? Saan natin
madalas makita?
• Ano ang tawag natin dito?
Ang Community Pantry ay
isinasagawa ng komunidad o
grupo ng mga tao para sa
iisang layunin ang makatulong
sa mga taong nangangailangan.
Paksa: Pakikilahok sa mga Gawaing
Pangkomunidad

Bilang isang mag-aaral, nakakalahok ka ba


sa mga gawaing pinagtutulungan ng mga
kasapi mo sa iyong komunidad para sa
ikabubuti ng pamumuhay ng komunidad?
Bago natin sagutin ang tanong na ito alamin muna natin
ang kahulugan ng mga salitang ito: nakakalahok, kasapi at
komunidad.
 
Nakakalahok – nakikipag partisipasyon sa isang gawain o
sumasali sa mga proyekto na ikauunlad ng komunidad.
Kasapi - miyembro o kasama sa isang grupo.
Komunidad - ay lugar na kung saan naninirahan ang mga
tao.
Basahin ang kwento: “Tulong-tulong sa Komunidad”

Marumi at magulo ang paligid. Tambak ang basura sa


mga gilid ng daan barado ang mga kanal.
Isang araw, nagkaroon ng bagyo. Mabilis ang pagbaha sa
buong komunidad dahil sa mga baradong kanal at
tambak na basura. Marami ang nagkasakit lalo na ang
mga bata. Pagkalipas ng bagyo, nangamba ang kapitan
ng barangay sa mga pangyayaring ito. Nagpatawag siya
ng pagpupulong upang malunasan ang mga suliraning
ito. Ang lahat ng tao, babae man o lalaki, bata at
matanda ay nagtulong-tulong sa paglilinis ng buong
komunidad.
Ang mga babae at mga lalaki ay magkatulong sa
paglilinis ng kanal. Ang mga bata ay nagwalis at
naghukay ng tapunan ng mga basura. Maganda
ang naging bunga ng pagkakaisa at
pagtutulungan ng bawat kasapi ng komunidad.
Tunay na mahalaga ang pagtutulungan sa
paglutas ng problema sa isang komunidad.
Ito na ngayon ang komunidad ni Ramon.
1. Ano ang suliranin sa komunidad ni
Ramon?
2. Ano ang nangyari sa kaniyang
komunidad?
3. Sino-sino ang nakilahok sa mga
gawain?
4. Ano ang ginawa upang matugunan
ang suliranin ng komunidad?
5. Ano ang kinalabasan ng
pagtutulungan ng bawat kasapi ng
komunidad?
Kulayan ng dilaw ang
bituin kung ang
pangungusap ay tama at pula
naman kung mali.
1. Nanalo sa paligsahan ng pinakamalinis
na komunidad ang lugar ni Sarah dahil sa
pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa.
 
2. Hindi naki-isa ang mga lalaki sa
paglilinis ng kanilang barangay at
hinayaan ang mga babae na gumawa nito.
3. Isa ang pasig na pinakamaunlad na
lugar dahil sa mahusay na pamumuno
dito at pagtutulungan ng mga kasapi nito.
 
4. Hindi nagbigay ng donasyon sila Mang
kanor sa mga nasunugan kahit sila ang
pinaka mayaman sa kanilang barangay.
5. Naging maganda ang daloy ng
pamimigay ng relief goods sa mga
nasalanta ng bagyong rolly dahil
sumunod ng maayos ang mga
taong nakatira sa bicol.
Ang anumang mabigat na gawain at
suliranin ay mapapagaan kung may
pagtutulungan at pagkakaisa ang
bawat kasapi ng komunidad.
Paglalapat
Panuto: Basahin ang sitwasyon. Pumili
ng isang sitwasyon. Pag-usapan
kung anong tulong ang magagawa
ninyo.
Paglalapat

A .Isa ang iyong komunidad sa nasalanta


ng bagyong Pablo. Nagkataon na
hindi kayo naapektuhan ng baha dahil
nasa mataas na lugar ang inyong
bahay.Marami ang walang maisuot at
makain dahil sa pagkawasak ng
kanilang mga bahay.
Paglalapat
B.Nasunugan ang isa ninyong
kapitbahay. Wala silang natirang
kagamitan. Ano ang gagawin mo?
Panuto: Basahin at unawain
ang bawat sitwasyon. Piliin
ang letra ng tamang sagot.
___1. Nagkaroon ng paligsahan sa
inyong lugar, pipiliin nila ang may
pinakamalinis na barangay. Ano ang
gagawin mo?
a. Makikilahok sa paglilinis
b. Hayaan na matalo na lamang
c. Hindi makikiisa
___2. Nasalanta ang inyong lugar ng bagyong rolly
nagkataon na hindi kayo naapektuhan ng baha
dahil nasa mataas na lugar ang inyong bahay.Nakita
mo dalawang magkapatid na walang maisuot,ano
ang gagawin mo?
a. Titigan ko lang sila
b. Bibigyan ko sila ng damit na maisusuot
c. Hahayaan ko silang ginawin
___3. Nalaman mong sinisimulan na ang
proyektong pagtatanim sa inyong barangay,
ano ang dapat mong gawin?
a. Hindi ako magpapakita
b. Aalis ako ng bahay
c. Makikiisa ako sa proyekto
___4. Nasunugan ang isa ninyong
kapitbahay, at wala narin silang
makain.Ano ang gagawin mo?
a. Bibigyan ko sila ng makakain
b. Hayaan silang magutom
c. Magtatago ako
___5. Malapit na ang kapistahan ng inyong
komunidad.Nagpatawag ang kapitan ng
isang pagpupulong,ano ang dapat mong
gawin?
a. Hindi ako pupunta
b. Makikiisa ako sa pagpupulong
c. Hayaan ko nalang sila

You might also like