You are on page 1of 39

Quarter 4 Week 8 - Day 2

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


Ituro ang kanta sa tono na
(Mary has a little lamb)
Tayo na magtulungan, magtulungan, magtulungan
Tayo na magtulungan upang gawain matapos na.
Tayong lahat magkaisa, magkaisa, magkaisa
Tayong lahat magkaisa upang mapayapa.
Pagtutulungan at
Pagkakaisa ng mga
Kasapi ng Komunidad
Ang pagtutulungan ay
nagbubuklod sa mga tao sa
komunidad. Nagiging daan
ito tungo sa pagkakaisa.
Ang pagtutulungan at
pagkakaisa ay lubhang
mahalaga sa panahon ng
kagipitan at kalamidad.
Dapat nauunawaan ng
bawat kasapi ng komunidad
ang kahalagahan nito.
Tulong tulong sa Komunidad
Ito ang komunidad ni
Oscar. Marumi at magulo
ang paligid. Tambak ang
basura sa mga gilid ng
daan at barado ang mga
kanal.
Isang araw, nagkaroon
ng bagyo. Mabilis ang
pagbaha sa buong
komunidad dahil sa
mga baradong kanal at
tambak na basura.
Marami ang
nagkasakit lalo na ang
mga bata.
Pagkalipas ng bagyo,
nangamba ang Kapitan
ng Barangay sa mga
pangyayaring ito.
Nagpatawag siya ng
pagpupulong upang
malunasan ang mga
suliraning ito.
Ang lahat ng tao, babae man o lalaki,
bata at matanda ay nagtulong tulong sa
paglilinis ng buong komunidad.
Ang mga babae at lalaki ay magkatulong
sa paglinis ng kanal at paghukay ng
tapunan ng mga basura.
Ang mga bata
naman ay
nagwalis at
nanguha ng mga
basurang kaya
nilang dalhin.
Maganda ang
naging bunga
ng pagkakaisa
at
pagtutulungan
ng bawat
kasapi ng
komunidad.
Maganda ang naging bunga ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat
kasapi ng komunidad. Tunay na
mahalaga ang pagtutulungan sa paglutas
ng problema sa isang komunidad.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Sagutin ang mga
sumusunod na
katanungan sa iyong
kuwaderno/sagutang
papel. Gamiting gabay
ang komunidad ni
Oscar.
1. Ano ang
suliranin sa
komunidad ni
Oscar?
2. Ano ang
nangyari sa
kaniyang
komunidad?
3. Ano ang ginawa
upang matugunan
ang suliranin ng
komunidad?
4. Ano ang kinalabasan ng
pagtutulungan ng bawat
kasapi ng komunidad?
Tumayo at pumalakpak ng tatlo kung
ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagtutulungan sa komunidad at umupo
at pumadyak ng tatlo kung hindi
naman.
1. Ang mga pulis ay makikitang
naglilinis ng paaralan tuwing may
Brigada Eskuwela.
2. Nagkakabit ng mga banderitas ang
mga Barangay Health Workers at mga
Kabataan bilang paghahanda sa
piyesta.
3. Nagsasagawa ng bayanihan ang mga
tao sa pamamahagi ng pagkain sa mga
biktima ng lindol.
4. Ang mga Nanay at Tatay ay
nagluluto ng lugaw na may malunggay
para sa mga batang kulang sa timbang.
5. Ang mag-anak nina Jorem ay
tumutulong sa paglilinis ng kanilang
komunidad.
Ipakita ang hugis puso kung
nagpapakita ng pagtutulungan
at hugis tatsulok naman
kung hindi.
____1. Tumutulong sa mga biktima ng
baha.
____2. Hayaan na lamang ang kapuwa
na nasunugan.
____3. Magbigay ng tulong pinansyal
sa mga nasalanta ng bagyo.
____4. Balewalain ang mga pagtitipon
sa komunidad tuwing araw ng Pasko.
____5. Linisin ang kanal kung ito ay
nakita ninyong barado.
Isa ang inyong komunidad sa nasalanta ng
bagyo. Nagkataon na hindi kayo naapektuhan
ng baha dahil nasa mataas na lugar ang
ninyong bahay. Marami ang walang maisuot at
makain dahil sa pagkawasak ng kanilang mga
bahay? Paano ninyo maipakikita ang
pagtutulungan?
Lagyan ng tsek (/) kung ang
larawan ay nagpapakita ng
pagtutulungan at ekis (X) naman
kung hindi.
Takda:
Gumuhit ng larawan na
nagpapakita ng pagtutulungan.
MARAMING
SALAMAT PO
GOD BLESS US ALL

You might also like