You are on page 1of 32

VALUES

EDUCATION
GRADE 4 – QUARTER 4

April 5, 2024

TEACHER:_______________
OBJECTIVE
Nakatutulong sa
pagpapanatili ng
kalinisan at kaayusan ng
kapaligiran saan man sa
pamamagitan ng
segregasyon o pagtapon
ng mga basurang
nabubulok at di-
nabubulok sa tamang
lagayan
WORD SEARCH
Hanapin at bilugan ang
mga salita.
BASURA
SEGREGASYON
KALINISAN
NABUBULOK
DI-NABUBULOK
Basahin ang tula na nasa
ibaba at pagnilayan ang
nilalaman nito.
Sa ating kapaligiran
inyong maoobserbahan
Tambak o bundok ng
basura makikita kaliwa’t
kanan
Sama-sama ang mga
bote, plastic, at papel na
pinaggamitan
Metal, goma, steel, at
mga nabubulok na
pagkaing pinagtirhan.
May mga taong tila
walng pakialam
Kahit marumi ang
paligid, sa kanila ay
ayos lang Tapon dito,
tapon doon, kalat dito di
napaparam Dulot ay
pagkasira sa kawawang
kapaligiran Bilang
tagapagtaguyod ng
kalinisan at kaayusan
Nabubulok at hindi
nabubulok segregasyon
dapat isagawa
Ipakita mong ikaw sa
disiplina nananahan
Upang maging modelo
bawat isa’y
masisiyahan. Halika na,
aking kapatid, kamag-
aral, at kaibigan
Ikampanya natin,
segregasyon ay
ipaglaban Kahalagahan
nito’y ipaunawa’t
iparamdam Upang ang
lahat ay mahimok at
maglingkuran.
1. Itala ang karaniwang nakikita sa kapaligiran na
nabanggit sa tula. Ganito rin ba ang sitwasyon sa
inyong pamayanan?
2. Bakit kailangang paghiwa-hiwalayin o i-
segregate ang mga basura na makikita sa
tahanan, paaralan, pamayanan o maging sa
bansa?
3. Ano ang sumasalamin sa isang bayan o bansa
kung parating nakatambak o nakakalat ang basura
rito?
4. Anong mga pangyayaring pangkapaligiran ang
nararanasan natin ngayon na maaring magdulot
din ng maling pagtatapon ng basura?
5. Kung ang bawat tao ay patuloy na walang
disiplina sa pagtatapon ng basura, ano kaya ang
magiging epekto nito sa ating bayan at maging sa
buong daigdig?
ng isang kapaligiran ay bunga ng nagkakaisa
at may disiplinang mamamayan. Sa mga
nakalipas na panahon, ang mga tao ay
nagtatapon ng basura sa tarangkahan upang
magkaroon ng malinis, maganda at ligtas na
paligid para maiwasan ang anumang sakit.
Sa mga bakuran ng ating mga tahanan,
nadoon ang walis at dust pan na palaging
ginagamit sa paglilinis sa ating bakuran.
Ang malinis na paligid ay nagdudulot ng
saya sa bawat miyembro ng pamilya.
Nagkaroon ng malawakang kampanya sa
Oplan Segregasyon. Pinagsama-sama ang
mga bagay na nabubulok o biodegradable
tulad ng mga natirang pagkain, prutas,
pinagbalatan ng gulay at mga tuyong papel
na pwedeng gamitin muli o i-recycle.
ACTIVITY
“PLEDGE”
Bumuo at sumulat ng isang
pangako dito ayon sa iyong pang-
unawa sa wastong pagtatapon ng
basura.
ACTIVITY
Iguhit ang🌸 sa patlang kung ito
ay tama at 😭 naman kung mali.
_______1. Tinapon ni Anna ang balat ng kendi sa
basurahan ng nabubulok.
_______2. Hinagis ni Arthur ang kaniyang sirang
tsinelas sa bubong ng kapitbahay.
_______3. Hiniwalay ni Gab ang basurang
nabubulok sa hindi nabubulok.
_______4. Sumusunod ang pamilyang Cruz sa
araw ng pagtatapon ng basurang nabubulok at
hindi nabubulok. _______5. Pinagsasama ni Mitch
ang kanilang mga basura sa iisang lalagyan
lamang.
_______6. Sinabihan ni Rod ang kaniyang mga
kapatid tungkol sa wastong paghihiwalay ng
basura.
_______7. Tinatapon ni Ronald ang kanilang
basura sa ilog.
_______8. Binibenta ni Diane sa junkshop ang
metal na hindi na ginagamit.
_______9. Sinusunog nila Dan ang lumang gulong
pati ang mga dahon.
_______10. Nakikinig si Beth sa mga paraan kung
paano ang wastong paghihiwalay ng basura.
GROUP
ACTIVITY
-Gumawa ng pagsasadula
tungkol sa pagpapanatili ng
kalinisan sa pamamagitan ng
segregasyon ng mga basura.
-Bawat grupo ay magkakaroon ng
iba’t ibang sitwasyon.
PANGKAT 1:
Ano ang
maitutulong para
maitama ang
maling
pagtatapon ng
basura sa inyong
Tahanan?
PANGKAT 2:
Ano ang
maitutulong para
maitama ang
maling
pagtatapon ng
basura sa inyong
paaralan?
PANGKAT 3:
Ano ang
maitutulong para
maitama ang
maling
pagtatapon ng
basura sa inyong
komunidad?
ACTIVITY
“Journal Writing”
Kompletuhin ang pangungusap.

Natutunan ko
na____________________.
Naisip ko
na____________________.
Mula ngayon gagawain ko na
THANK
YOU!

You might also like