0% found this document useful (0 votes)
763 views4 pages

ESP Grade2 Quarter3 Module4 Week4

Ang dokumento ay tungkol sa pamayanang malinis at maayos. Naglalaman ito ng diyalogo sa pagitan ng magkapatid na Lito at Lita tungkol sa paglilinis ng kanilang tahanan at pagtulong sa proyekto ng kanilang barangay. Binibigyang diin nito ang kahalagahan ng pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng tahanan at pamayanan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
0% found this document useful (0 votes)
763 views4 pages

ESP Grade2 Quarter3 Module4 Week4

Ang dokumento ay tungkol sa pamayanang malinis at maayos. Naglalaman ito ng diyalogo sa pagitan ng magkapatid na Lito at Lita tungkol sa paglilinis ng kanilang tahanan at pagtulong sa proyekto ng kanilang barangay. Binibigyang diin nito ang kahalagahan ng pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng tahanan at pamayanan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Paranaque 

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO II 


Ikatlong Markahan 
Modyul 4: Ikaapat na Linggo 
 

“Pamayanang Malinis At Maayos” 


 

​Balikan Natin 

Lagyan ng tsek (✔)kung nagpapakita ng pasasalamat sa 

karapatang tinatamasa at ekis (​x​) kung hindi 

________1. Sumusunod ako sa payo ng aking mga magulang. 

________2. Nag aaral ako nang mabuti. 

________3. Inihuhulog ko sa alkansya kapag may sobrang barya 

________4. Hindi ko hinayaang matapon ang mga kanin mula sa aking  

pinggan. 

________5. Hindi ko na ginagamit ang damit na nasuot ko na at  

nagpapabili ako ng bago. 

Unawain Natin  

​ ​Basahin at unawain ang dayalogo 

 

 
Pamayanan Ko, Pamayanan Mo! 

(ni Arlene M. Nebres) 

Habang ang magkapatid na Lito at Lita ay sumasagot ng kanilang 


modyul , napansin ni Lita na nagkalat pa ang mga papel at balat ng 
“sandwich” sa sahig. 

Lita: Lito naririto pa rin pala ang mga kalat natin! Bakit hindi mo   

iniligpit ang mga ‘yan kahapon? 

Lito: Pasensya na ate, nanood ako kaagad ng TV pagkatapos 

nating mag-aral. 

Lita: Huwag ganun Lito, dapat panatilihin pa rin nating malinis ang  

ating paligid bago at pagkatapos natin sa mga gawain. 

Lito: Ano ang ginagawa ni nanay sa ibaba? Bakit may mga bagong  

tanim sya mga lumang “plastic bottle”? 

Lita: May proyekto si kapitan sa​ ​ating barangay. Upang  

mapanatiling maayos at malinis ang ating lugar, magkakaroon  

ng paligsahan sa pinakamalinis at magandang sitio kaya’t si  

nanay ay tumutulong. Tatandaan mo Lito, na ang malinis at  

maayos na pamayanan ay nagsisimula sa tahanan. 

Lito: Sige ate, Bilisan na natin ang pagsagot sa mga modyul para  

makatulong tayo kay nanay sa paglilinis, pag-aayos at   

pagpapaganda ng ating tahanan at barangay.  

Ating Tandaan 

  Ang  pakikiisa  sa  sa  ibat-ibang  programa  ng  pamayanan  para  sa 
pagpapanatili  ng  kalinisan  at  kaayusan  ay  nagpapakita  ng 
pagmamalasakit sa kapaligiran ng ating pamayanan at bansa. 


 
 

​Suriin Natin 

​Iguhit ang bituin (​☆​)​ ​sa iyong sagutang papel o sagutang 


papel. Kulayan ito ayon sa kung gaano mo kadalas ginagawa ang 
sumusunod na gawain. Gamitin ang pamantayan sa ibaba.  

Pula – Palagi kong ginagawa   

Berde – Paminsan -minsan kong ginagawa 

Dilaw – Hindi ko ginagawa. 

1. Itinatapon ko ang basura sa tamang lalagyan. 

2. Ibinubukod ko ang basurang nabubulok at di nabubulok bago ko 

ilagay sa tamang lalagyan. 

3. Tinatapakan ko ang mga bagong tanim sa bakuran. 

4. Sinusulatan ko ang pader ng aming kapit bahay 

5. Ibinabalik ko sa lugar ang mga bagay na ginamit ko 

​Tayain Natin 

Basahin  ang  sumusunod  na  sitwasyon.  Piliin  ang  letra  ng 

nararapat  mong  gawin  upang  maipakita  ang  pakikiisa  sa  kalinisan  at 

kaayusan ng tahanan at Pamayanan. 

1. Isang  araw  sa  iyong  paglalakad  ay  nauhaw  ka.  Bumili  ka  ng 

isang  bote  ng  “mineral  water”  sa  tindahan.  Pagkatapos 

uminom,  ano  ang  dapat  mong  gawin  sa  pinaglagyang  bote 

ng tubig? 


 
A. Itatapon ko sa daan 

B. Maghahanap ako ng tamang basurahan. 

C. Ilalagay ko muna sa bag. At sa bahay na itatapon 

2. Ano  ang  dapat  mong  gawin  sa  mga  naipon  mong  mga 

kalat? 

A. Ipunin at susunugin 

B. Ilalagay sa tabi ng bahay ng kapit bahay 

C. Walisin, ipunin at ilalagay sa basurahan 

3. Pumunta  ang  pinsan  mo  sa  bahay  nyo  upang  manghingi  ng 

mga  basyong  bote  na  gagamitin  sa  isang  proyekto.  Ano  ang 

sasabihin mo sa kanya? 

A. Bibigyan ko sya 

B. Paaalisin ko sya 

C. Itatapon ko na lang ang mga bote 

4. Nakita  mong  natutuyo  na  ang  mga  tanim  na  halaman  ng 

iyong nanay, Ano ang gagawin mo? 

A. Bubunutin ko ito 

B. Pababayaan ko itong lalong matuyo 

C. Didiligan ko at aalagaan upang mabuhay. 

5. Ang  malinis  at  maayos  na  kapaligiran  dulot  ay  kalusugan  ng 

katawan 

A. Tama B. Mali C. Hindi   


 

You might also like