You are on page 1of 4

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

I. General Overview

Catch-up Subject: Homeroom Guidance Program Grade Level: 2

Quarterly Theme: Date: February 2, 2024

Sub-theme: Duration: 1 hour

II. Session Outline

Session Title: Gawain Ko, Tapos Ko! Subject and Time: Homeroom Guidance
Program | 3:10-4:10

Session Standards: Utilize knowledge and skills toward academic success.


Objectives:
Competencies: Prepare using knowledge and skills toward academic
success.
Most Essential Learning Competency: Cite ways to accomplish the
assigned tasks - HGA-IIIc-3
Objectives:
1. Naiisa- isa ang mga paraan upang matapos ang nakatakdang
gawain.
2. Nakapagbabahagi ng mga paraan upang matapos ang
nakatakdang gawain.
3. Naibibigay ang kahalagahan ng pagsasagawa ng nakatakdang
gawain.
References: K to 12 Basic Education Curriculum Guide p. 709
Homeroom Guidance Self-Learning Activity Sheet (Week 1) p. 1-7
Materials: PowerPoint presentation, Catch-Up Friday Notebook, pencil, crayons

III. Teaching Strategies

Components Duration Activities and Procedures

Page 1 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Ipakita ang mga sumusunod na larawan sa ibaba.

• Naranasan mo na bang utusan ng iyong mga


magulang na tumulong sa mga gawaing-bahay? Paano
mo ito ginagawa?
• Ano ang mga pamamaraan na iyong ginagawa upang
masagutan ang mga takdang-aralin na ibinibigay ng
iyong guro?

Sabihin: Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang mga


pamamaraan kung paano mo matatapos o
mapagtatagumpayan ang mga gawain na ipinagagawa o
itinalaga sa iyo.

Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at sagutin ang


mga tanong pagkatapos.

Introduction and
20 mins Araw ng Sabado. Walang pasok. Maagang gumising si
Warm-Up
Nico upang tumulong sa kaniyang mga magulang sa
gawaing bahay. Nakasanayan na niyang maglinis ng
kanilang sala tuwing walang pasok. Mabilis siyang
kumilos upang matapos ang mga gawaing-bahay na
nakatoka sa kaniya. Marami kasi siyang gagawing
takdang-aralin upang may maipasa siya sa kaniyang
guro sa araw ng Lunes. Pagkatapos niyang gawin ang
mga gawaing bahay ay kinuha niya ang kaniyang lapis,
papel, at aklat upang sagutan ang mga takdang-aralin
na ibinigay ng kaniyang guro. Nagpatulong siya sa
kaniyang ate upang mas maunawaan niya ang
ipinagagawa ng kaniyang guro. Wala siyang sinayang
na oras at mabilis niyang natapos ang lahat ng gawain.
Tuwang-tuwa sa kaniya ang kaniyang mga magulang.

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang tauhan sa kuwento?
2. Saan naganap ang kuwento?
3. Ano ang ginagawa ni Nico tuwing araw ng
Page 2 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Talakayin ang mga sumusunod na pamamaraan upang


maisagawa ang mga gawaing nakatalaga sa iyo.
1. Magplano nang maayos sa pagsasagawa ng isang
gawain.
2. Humingi ng tulong o sangguni kung kailangan ng
gabay ng nakatatanda.
3. Gawin nang buong puso at may kasiyahan ang isang
gawain.
4. Maging bukas sa sasabihin ng iba upang mas
mapagbuti ang iyong gagawin.

Isagawa:

Concept Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at


20 mins lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ito ay tumutukoy
Exploration
sa mga paraan upang matapos ang nakatakdang
gawain at ekis (X) kung hindi.
_____1. Aayusin ko ang aking silid-tulugan pagkagising
sa umaga.
_____2. Ilalagay ko sa tamang lagayan ang aking mga
laruan
pagkatapos kong maglaro.
______3. Iiwanan ko ang aking pinagkainan sa mesa
pagkatapos kumain.
______4. Maglalaro muna ako bago gumawa ng aking
takdang-aralin.
_____5. Tatapusin ko muna ang mga gawaing ibinigay
ng aking guro bago umuwi.
Ano ang kahalagahan ng pagiging maingat sa mga
pamamaraan na ating gagawin upang
mapagtagumpayan ang mga bagay na itinalaga sa atin?

Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.


Valuing/Wrap-up 10 mins

Mahalagang alam natin ang mag pamamaraan sa


pagsasagawa ng gawaing itinalaga sa atin upang
______________________________________________________
______________________________________________________.

Drawing/Coloring 10 mins Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng paraan


Activity upang matapos mo ang nakatakdang gawain sa iyo.
Kulayan ang iyong iginuhit.

Page 3 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

(Grades 1- 3)

Prepared by:

Precious Pearl L. Lauro


Substitute Teacher

Checked by:

Estela R. Casao
Master Teacher I

Noted:

Leizl A. Tongson
Principal III

Page 4 of 4

You might also like