You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 2

W1
Markahan Ikatlong Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN Gawain:Tapusin at Ayusin


II. MGA
Cite ways to accomplish the assigned tasks. HGA-IIIc-4
PINAKAMAHALAGANG
Naibigay ang mga paraan upang magawa nang maayos
KASANAYANG
ang mga nakaatang na gawain
PAMPAGKATUTO (MELCs)
III. PANGUNAHING Magamit ang kaalaman at kakayahan tungo sa
NILALAMAN tagumpay sa pag-aaral
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: __20 minuto__)
Sa nakaraang aralin ay natutunan mo na malaki ang tulong ng iyong mga
magulang, nakatatanda at guro sa papili ng propesyon na iyong nais makamit
pagdating ng tamang panahon. Ang kanilang gabay at mabuting halimbawa ay dapat
tularan. Maaari silang gawing modelo upang makamit ang tagumpay.

Upang matupad ang inyong mga mithiin, Malaki ang papel na gagampanan ng
inyong mga kaalaman at kakayahan sa pagtapos ng mga Gawain na ibinigay sa inyo.
Ikaw ba ay isang batang handang sumunod sa mga tuntunin at pamantayan sa
paaralan at pamayanan upang matapos nang maayos ang mga gawain? Sa araling
ito ay maiisa-isa natin ang kahalagahan ng mga tuntunin at pamantayang itinakda ng
paaralan, tahanan at pamayanan sa pagtapos ng mga gawain.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: _15 minuto)
Pag-aralan ang sumusunod na larawan. Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito sa
atin?
Sa paaralan:

Pauwi ka na ng inyong bahay, ngunit nakita


mong marumi ang pisara ng inyong silid-aralan. Ano
ang dapat mong gawin?
Sa inyong paglalakad
sa harap ng inyong
paaralan ay nakita mong may nakakalat na bote ng
tubig na walang laman. Ano ang dapat mong gawin?

Napansin mong magulo ang mga upuan ng inyong


silid-aralan dahil nalimutang ayusin matapos walisan. Ano
ang dapat mong gawin?
Sa tahanan:

May ginamit kang baso at plato sa pagkain mo ng


meryenda sa inyong hapag-kainan. Ano ang dapat mong
gawin?

Pagkagising mo sa umaga,
ano ang dapat mong gawin sa ginamit na unan at kumot
sa iyong silid-tulugan?

Sa pamayanan:
Matapos mamasyal sa parke ay nagkayayaan kayong mag-anak na kumain sa
restaurant. Ano ang dapat ninyong gawin sa mga upuan na inyong ginamit?

Ang pagsunod sa mga tuntunin at pamantayang itinakda sa paaralan, tahanan at


pamayanan ay makatutulong upang matapos nang maayos ang mga gawain.
Kinakailangan nating tapusin at huwag nang ipagpabukas pa ang mga nasimulang
gawain dahil ito ay tanda ng pagkakabuklod at pagkakaisa natin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Suriin ang mga larawan. Ano ang iyong gagawin kung
ikaw ang batang nasa larawan? Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Ano ang dapat mong gawin sa walis,


bunot at basahan na ginamit sa
paglilinis ng bahay

Ano ang dapat mong gawin sa unan at


kumot na ginamit mo sa pagtulog?

Anong dapat mong gawin sa baso


at platong ginamit sa pagkain ng
meryenda?

Anong dapat mong gawin sa


hinubad na damit?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Anong dapat mong gawin sa


kuwaderno at lapis matapos kang
gumawa ng takdang aralin?

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto)


Gawin ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.
Pagtapat-tapatin. Basahin ang mga sitwasyon sa hanay A at piliin ang tamang
larawan sa hanay B na nagpapakita ng pagtapos ng gawain. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel
HANAY A HANAY B

1.Tumutulong ako sa aming guro sa paglilinis ng


pinaggupitang papel sa paggawa ng
dekorasyon.

2.Pinupunasan ko ang lamesa pagkatapos


naming kumain.

3.Namumulot ako ng mga basurang nagkalat sa


aming paligid.

4.Gumagawa muna ako ng proyekto bago


makipaglaro sa aking mga kaibigan.

5.Isinasara ko ang nakabukas na gripo


sa handwashing area ng aming paaralan.

E
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: _15 minuto_) Natutunan ang mga
Malugod mong natapos at natutunan ang mga paraan upang magawa nang
maayos ang mga nakaatang na gawain. Dahil dito, ikaw ay inaasahang maisapuso at
gawing gabay ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Ngayon ay magagawa mo
ng ihayag ng buong pagmamalaki ang iyong natutunan sa arilin na ito.
Ang mga paraan upang magawa nang maayos ang mga nakaatang na gawain ay
mahalaga upang ang isang batang tulad mo ay matapos nang maayos ang isang
gawain.
Mahalagang isabuhay ang mga aral na natutunan sa araling ito. Paano magagawa
ito? Ituloy ang mga pangungusap. Isulat ito sa mga sagutang papel.

- Lagi kong gagawin ang _________________________________________________________


- Sisimulan kong gawin ang _______________________________________________________
- Hihikayatin ko ang iba na _______________________________________________________
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya
ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo)
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong
performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan
sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans.
Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
¶ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na
nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
ü - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito.
Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko
nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag
kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7

Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2,Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan,
Rolan Baldonado Catapang, Isabel Monterozo-Gonzales

Inihanda ni: MARISSA F. PACADA Sinuri nina: EDNEL A. ALMORADIE


MARISSA O. AGUIRRE
MARIZ P. BORGONOS-PALES

You might also like