You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 1
Magulang Ko, Mahal Ko
Hindi Magbabago!
Ikalawang Markahan Unang- Linggo Modyul 1

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL NA ITO

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.
• Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
• Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling nalinang.
• Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
• Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
• Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas
ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin
ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat
ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
• Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

MGA BAHAGI NG MODYUL

• Inaasahan– ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
• Unang Pagsubok –ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
• Balik-Tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman
at kasanayang nalinang na.
• Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin
• Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
• Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin
• Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin
• Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin

2
INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang isa sa


pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto. Ito ay ang
pagpapakita ng paggalang sa kapuwa sa mga
sumusunod na sitwasyon:
1. Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa
mga magulang.

BALIK-TANAW

Panuto: Lagyan ng kung ang larawan ay bumubuo


sa kasapi ng pamilya at Kung Hindi.
_____1. Ama
_____2. Kaibigan
_____3. Inay
_____4. Kuya
_____5. Guro
_____6. Ate
_____7. kaklase

MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Mahalaga maipakita ang pagmamahal sa ating mga


magulang dahil sila ang nagbigay ng buhay sa atin. Dapat
natin silang igalang, sundin at lalong lalo na dapat nating
ipakita na mahal natin sila. Bilang kasapi ng pamilya
napakahalaga na nagkakaunawaan, nagmamahalan at
nagtutulungan ang bawat kasapi upang maipakita ang
pagmamahal at paggalang sa bawat kasapi at lalong lalo
na sa mga magulang na nagbigay ng buhay sa atin.

3
ARALIN 1: SALAMAT PO ITAY, SALAMAT PO INAY!

MGA LAYUNIN
Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1.Natutukoy ang mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal
sa mga magulang.
2. Nasusubukan ang mga bata sa kaalamang natutuhan tungkol
sa pagmamahalang ipinakikita sa mga magulang.
3. Naisasagawa at naipapakita pagmamahal sa pamilya lalo na
sa mga kapatid sa araw- araw gamit ang dula-dulaan.

NILALAMAN NG ARALIN

Bilang miyembro ng pamilya, dapat lamang na maipadama


natin an gating pagpapahalaga at pagmamahal sa ating mga
magulang . Kahit sa mga simpleng gawain tulad ng:
1. Pagsunod sa kanilang mga utos nang maluwag sa kalooban.
2. Paggawa sa gawaing bahay nang may pagkukusa
3. Pagyakap at paghalik sa kanila.
4. Paghalik sa kamay at pagmamano gayon din kina lolo at lola.

MGA GAWAIN

Gawain 1. Basahin Natin at Pagnilayan


Panuto : Basahin ang mga sitwasyon. Lagyan ng ang mga
paraan upang maipakita mo ang pagmamahal mo sa iyong
mga magulang at X kung hindi .
_____1. Nagdidilig ng halaman si kuya at nagwawalis naman
ng bakuran si ate.
_____2. Nanonood ng TV si kuya habang si tatay naman ay
nag-iigib ng tubig.
_____3. Nag-aagawan ng laruan si ate at si bunso.

4
_____4. Nagkukusang mag-linis ng bahay si ate tuwing Sabado ng
umaga.
_____5. Humahalik sa kamay ang mga anak tuwing dumadating si
tatay galing sa trabaho.

Gawain 2. “ISANG ARAL”


Panuto: Anong aral ang natutuhan mo sa mga sitwasyong
ibinigay sa Gawain 1.
Isulat at magbigay ng isang gawain na tamang gawin
bilang bata.
_______________________________________________________
_______________________________________________________

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Gumawa ng isang pangako sa inyong magulang .


Isulat ito sa isang Report Card bilang regalo.

Ipinapangako ko po na
ako ay
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
___

5
Aralin 2: Maalalahaning mga Anak , Kaligayahan ng Magulang

Mga Layunin:
Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga paraang na nagpapakita ng pagiging
maalalahanin.
2. Naisasagawa ang mga paraan ng pagiging maalalahanin sa loob
at labas ng tahanan.
3. Napapahalagahan ang mga gawaing nagpapakita ng pagiging
maalalahanin.

NILALAMAN NG ARALIN
Naipapakita ang pagmamahal sa mga magulang sa
pamamagitan ng pagpapakita ng pagiging maalalahanin sa
lahat ng pagkakakataon tulad ng mga sumusunod na
paraan:
1. Pag-aabot ng tsinelas sa mga magulang kung
kailangan, lalo na pagkagaling sa trabaho.
2. Pakikipagbiruan, pakikipaglaro sa nakababatang
kapatid bilang pagpapagaan sa gawain ng nanay.
3. Pag-halik sa kamay ng mga magulang pagdating galing
sa trabaho.
4. Pangungumusta sa mga kasapi ng pamilya sa mga
nangyari sa buong maghapon.

Gawain 1. Maalalahanin Ako sa Lahat ng Pagkakataon


Panuto: Lagyan ng ang loob ng puso kung nagpapakita
ng pagiging maalalahanin at X kung hindi.
1. Inaabot ko ang tsinelas ni tatay tuwing dumarating sya
galing sa trabaho.
2. Ipinaghahanda ko si nanay ng damit pambahay
tuwing dumarating sya galing sa trabaho.
3. Humahalik ako sa mga kamay nina lolo at lola tuwing
pumapasyal kami sa bahay nila.

6
4.Inaaway ko ang kapatid ko tuwing ihahabilin siya ni
nanay sa akin para mamalengke.
5.Tinutulungan ko si ate sa pagtitimpla ng juice para kay
nanay pagkatapos nitong maglaba.

Gawain 2. Ipadama Mo!


Panuto: Gumuhit ng bahay at isulat ang mga pangalan ng
iyong mga magulang sa loob nito. Ilagay ang iyong
nararamdaman at magpasalamat sa kanila.

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Bilang kasapi nang pamilya alamin natin ang mga


natutunan sa aralin:
Panuto: Isulat ang Opo kung ginagawa mo at Hindi Po kung
hindi dapat gawin.
______1. Nagtitimpla ako ng juice para kay nanay tuwing
matapos siyang maglaba.
______2. Pinapanood ko lang si tatay tuwing nag-iigib siya
ng tubig.
______3. Nagmamano at humahalik ako kina tatay at nanay
bago umalis ng bahay .
______4. Tinatandaan ko ang mga sinasabi nilang mga
payo.
______5. Hindi ko pinapansin ang mga inuutos ni tatay.

7
TANDAAN

Mahal ko ang aking mga magulang kaya magiging


masunurin ako sa lahat ng pagkakataon. Ipapakita ko at
ipapadama ang aking pagmamahal sa pamamagitan ng
pagtulong at pagsunod sa mga ipinaguutos nila. Magiging
magalang din akong sasagot sa mga tanong nila. Maging
maalalahanin sa pamamagitan ng paghalik sa kamay,
pagaabot ng tsinelas, pakikipagkwentuhan tungkol sa mga
pangyayari sa buong maghapon.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung
ito ay nagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa magulang
at Mali kung hindi.
1. Sinusunod ko ang utos ni nanay tatay.
2. Sumasagot ako ng may po at opo saa aking mga magulang.
3. Pasigaw ako kung nag-uutos sa aking mga kapatid.
4. Nagagalit ako kapag hindi nasusunod ang aking utos.
5. Inaalagaan ko ang aking pamilya kung may sakit.
PAGNINILAY

8
SANGGUNIAN

Department of Education2. (2017) Edukasyon sa Pagpapakatao-Unang Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog Binagong Edisyon

ISBN-978-971-0534-51-3 Edukasyon sa Pagpapakatao.Lesson Plan -REEVEE Book


Supply-A. Olivarez

Mabuting Asal at Wastong Pag-uugali, Batayang Aklat, Unang Baitang

Curriculum Guide. (2016). Edukasyon sa Pagpapakatao

Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Lucita A. Gener
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Validators: Lucita A. Gener


Paulo T. Adorio

Writer/s: Fortunata V. Murcillo, MT II, M. Hizon Elem. School


Ronneth B. Tan, MT I, P. Pilar Elementary School
Rizalita R. Bartolata, MT I, J. Zamora Elem. School
Elsa N. Rutab, MT I, G. del Pilar Elementary School
Delia F. Fabella, MT I, F. Benitez Elementary School
Jelane F. Martinez, MT I, J. C. De Jesus Elem. School

9
10
Pangwakas na Pagsusulit
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama
ARALIN 2 Gawain 1. Gawain 2 Pag-alam sa Natutunan
1. / 1.opo
2. / Tatay Ben at
2.Hindi po
3. / Nanay
tatayHelen 3. Opo
4. X Mahal ko po 4. Opo
Kayo.
5. / Salamat po.
5.Hindi po
Aralin 1- Gawain 2
Kailangang maging masunurin at masipag sa
lahat ng pagkakataon.
Pag-alam sa mga Natutuhan
Pangako: Ipinapangako ko na magiging
masunurin ako sa lahat ng pagkakataon.
Balik-Tanaw – Gawain - 1 Unang Pagsubok
1.
1. 2.
2. X 3.
3. X 4.
4. 5.
5. 6.
7.
KEY TO CORRECTION
11

You might also like