You are on page 1of 101

Pamilya at

Kapuwa ko,
Mahal ko!
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Ikalawang Markahan-Ikalawang Linggo
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Ikalawang Markahan-
Unang Araw
Layunin
• Nakapagpapakita ng pagmamahal at
paggalang sa mga magulang EsP1P- IIa-
b–1
• Nakatutukoy ng mga wastong paraan ng
pakikitungo sa mga kasambahayEsP1P-
IIb – 2
Panuto: Basahin ang situwasyon at
sagutin ang mga sumusunod na tanong
na may kaugnayan sa iyong paggalang
at pagmamahal sa iyong magulang.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1.Nagluluto ng tanghalian ang iyong nanay at ikaw
naman ay naglalaro lang ng cell phone. Bilangisang
anak, ano ang dapat mong gawin?

_________________________________________
_________________________________________
______
2.Inuutusan ng iyong tatay ang iyong kapatid
nabumili sa tindahan pero gumagawa siya
ngkaniyang takdang aralin at ikaw ay nanonood
naman ng TV.
Ano ang iyong dapat na gawin?

___________________________________________
____________________
Iguhit Mo ang Iyong Sagot !
Panuto:Iguhit sa inyong
kuwaderno ang  kung
ginagawa mo ang sinasabi ng
pangungusap at  kung hindi.
1.Gumagawa ako nang tahimik
upang hindi makaabala sa iba.

2.Iniiwasan ko ang sumagot kung


hindi tinatawag.
3. Nakikipag unahan ako sa pagbili ng
pagkain kung recess.
4. Tinutulungan ko ang kaklase kong
may kapansanan.
5. Sinisigawan ko ang aming
katulong/kasambahay.
Panuto: Pag-aralan ang dalawang larawan at
sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Mga gabay na Tanong:
1.Ano ang ipinapakita ng unang
larawan?
2.Ano ang masasabi mo sa
ikalawang larawan?
3.Ano kaya ang nararamdaman ng bawat
kasapi ngpamilya na ipinakikita ng bawat
larawan?
4.Bilang isang kasapi ng pamilya, sa
paanong paraanmo maipakikita ang
pagmamahal sa iyong pamilyaat kapuwa?
5.Gusto mo rin ba ng ganitong
uri ng pamilya? Bakit?
 Isang biyayang maituturing ang
pagkakaroon ng mga magulang o
kapamilya.
 Mapalad ang isang batang katulad mo
na may matatawag na nanay, tatay, ate,
kuya, lolo o lola.
Sila ay may tungkulin na pangalagaan at
mahalin ka. Ituturo rin nila sa iyo ang
kabutihang–asal katulad ng mga nasa larawan
sa ibaba.
 Ang pagiging magalang at
mapagmahal ay kinagigiliwan ng
nakararami. Naipakikita ito sa
pamamagitan ng salita, kilos o gawa.
Malamang ay hindi mo kinulayan ang
ikatlo at ikalimang puso dahil hindi
tama ang mga iyon.
Sa iyong murang edad, dapat
mo nang matutuhan ang mga
ito. Paano mo nga ba ito
magagawa?
Maipakikita mo ang paggalang at
pagmamahal sa kasapi ng pamilya gamit
ang mga nasa ibaba.
Alin-alin sa mga nakasulat sa mga
bilog ang ginagawa mo na? Alin-
alin naman ang kailangan mo
pang gawin?
 Higit mo pang maipakikita at
maipadarama ang pagmamahal.
Araw–araw mo itong isapuso at
isabuhay. Tuklasin pa ang ibang
pamamaraan.
Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng
masayang mukha kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng
pagmamahal sa pamilya at kapuwa at
malungkot na mukha naman kung
hindi.
1.Binibigyan ko ng pagkain ang kapatid kong
nagugutom
2.Humihingi ako ng paumanhin sa aking Nanay
kapag hindi ko sinusunod ang kaniyang utos.
3.Hinahayaan ko ang aking nakababatang kapatid
naumiiyak dahil siya ay nagugutom.
4.Pinagtatawanan ko angaking kapatid na
pinapagalitan ng aming tatay.
5.Ibinibigay ko sa mga nasalanta ng lindol
ang mgadamit na hindi na kasya sa akin
Lagyan ng tsek (✓) ang mga kilos o salitang
may paggalang at pagmamahal. Lagyan
naman ng ekis (X) kung walang paggalang at
pagmamahal mula sa nakasaad sa kuwentong
binasa. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_____1. Agad na sinusunod ng magkakapatid
ang iniuutos ng kanilang magulang.
_____2. “Inay, maaari ko na po bang hipan ang
kandila ng aking keyk?”
_____3. “Salamat po, inay at itay. Masayang-
masaya po ako sa araw na ito.”
 Naniniwala ka ba na sa buhay natin ay
kailangan natin ang ating pamilya at
kapuwa?
 “Walang sinuman ang nabubuhay para sa
sarili lamang” ang wika nga sa isang awit.
Kailangan natin ang ibang tao upang
maramdaman ang tunay na kahulugan ng
buhay.
 Hindi tayo mabubuhay ng masaya kung
wala ang ating pamilya at kapuwa.
Kaya nararapat lamang natin silang
mahalin anuman upang magkaroon ng
kahulugan ang ating buhay.
 Ang ating magulang ang
pinakamahalagang tao sa ating buhay.
Kung wala sila ay wala rin tayo sa
mundong ito. Kaya dapat lang natin silang
mahalin at igalang dahil iisa lang ang ating
magulang at hindi ito puwedeng palitan.
Punan ng salita ang bawat patlang
upang mabuo ang pangungusap.

sumusunod pagwawalis
Magbigay paglilinis
Limos pagmamahal
paggalang
Ang aming pamumuhay ay simple lang ngunit
bukas ang aking loob na ______ng tulong sa mga
nasalanta ng bagyo. Nagbibigay din ako ng
________ sa mga pulubi kapag nadadaanan ko
sila sa aming pamamasyal. Sumasali din ang
aming pamilya sa _____ sa aming barangay.
Sa aming tahanan, ay tumutulong din
ako sa _______ sa aming bakuran. Kung
may kulang sa aming kusina ay
________ako sa utos ng aking mga
magulang. Iyan daw ang tanda ng _______at
________ sa ating pamilya at kapuwa.
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Ikalawang Araw
Balikan:
Kulayan ang puso na katapat ng
mga salitang may paggalang at
pagmamahal. Pumili ng nais na
kulay. Gawin ito sa iyong kuwaderno

1. “Opo, inay. Masusunod po!”


2. “Itay, pakiabot po ang kanin.”
3. “Ayaw ko nga. Alis diyan!”
4. “Salamat po!”
5. “Napakabagal mo naman. Dalian
mo!”
Ano ang nakikita mo sa larawan?
(isang batang maysakit)
Ano ang makikita mo sa larawan?
Ano ang ginagawa ni nanay sa maysakit na si
tatay?
Bakit niya kaya ito ginagawa?
Ikaw, magagawa mo rin ba ito?
 May mga paraang maaaring gawin upang
maipakita ang pag-unawa sa nararamdaman ng
iba.

Paggamit ng mga
salitang di nakasasakit
ng damdamin ng iba
Paggawa ng mabuti sa
magulang, kapatid, bata,
nakatatanda, at sa kapwa
Panuto: Suriin ang mga larawan. Sa iyong
sagutangpapel, isulat ang tsek (/) kung ang larawan
aynagpapakita ng pagmamahal sa pamilya at kapuwaat
(X) naman kung hindi.
Panuto: Sumulat ng tatlong gawain na
dapat nating gawin upang mapasaya ang
ating kapamilyang maysakit.

1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
Tandaan:
1.Iwasang magsalita ng masama sa kapwa.
2.Tingnan ang nagagawang mabuti ng
kapwa.
3.Magtiwala sa kayang gawin ng mga
kaklase.
4.Iwasan ang manigaw ng mga kasambahay.
5.Gumawa nang tahimik upang hindi makaabala sa
iba.
6.Makipag-usap nang may katamtamang lakas ng
boses.
7.Lumakad nang marahan lalo na kung mayroong
natutulog at maysakit.
Piliin ang mga larawan na nagpapakita ng
paggalang at pagmamahal sa magulang o pamilya.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kwaderno.
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Ikatlong Araw
Lagyan ng tsek (/) kung ang pahayag ay nagpapakita ng pag-unawa sa
nararamdaman ng iba at ekis (x) kung hindi.

____1. Makipag-usap ng may paggalang at respeto sa kapwa.

____2. Sigawan ang kapatid na may sakit.

___3. Tulungan na tumawid ng kalsada ang Lolo at Lola.

___4. Tumulong sa mga gawaing bahay.


____5. Mahalin at alagaan ang mga magulang at iba pang kasapi ng
pamilya.
Basahin:
Magbabakasyon mula sa probinsiya ang
Lola Rosa nina Ann at Roy. Si Lola Rosa
ay maysakit at kinakailangang
magpagamot. Nag- iisip ng magandang
plano si Ann at Roy para mapasaya at
masurpresa ang kanilang Lola. Maaari
moba silang tulungan?
Sagutin ang mga katanungan:

1. Sino ang darating mula sa probinsya?

2. Sino ang Lola nina Ann at Roy sa kwento?

3. Ano ang dahilan ng pagluwas ni Lola mula sa


probinsya?
 Ano kaya ang magandang
surpresa na maaaring gawin nina
Ann at Roy para mapasaya ang
kanilang Lola?
Panuto: Gumuhit ng isang malaking halaman
sa isang malinis na papel. Piliin sa mga
nakaguhit na bulaklak sa ibaba ang
nagpapakita ng situwasyon na nagagawa mo sa
iyong kapuwa at isulat ito sa halaman na iyong
iginuhit.
Nag-aalaga ng
nakababatang
kapatid.
Bukod sa mga nakasulat na
sitwasyon sa bulaklak, mayroon ka
pa bang maidaragdag na
pamamaraan upang maipakita ang
pagmamahal sa pamilya at
kapuwa? Maaari mo ba itong
dagdagan ng isa o dalawa pang
bulaklak?
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang
iyongsagot sa mga sumusunod na sitwasyon.

1.May sakit ang iyong nakababatang kapatid.


Gusto mong magpatugtog ng radyo pero
natutulog siya. Ano ang iyong gagawin?
2.Umiiyak ang iyong kapatid dahil
siya ay nagugutom. Ano ang dapat
mong gawin?
Lagyan ng tsek (✓) ang kahon ng tamang sagot sa bawat
sitwasyon. Maaaring humingi ng túlong sa iyong mga kasama
sa bahay. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Hindi mo maabot ang laruan mo na nasa ibabaw ng kabinet.
Sasabihin mong _____
A. “Kuya, pakiabot naman po ng aking laruan.”
B. “Iabot mo nga ang aking laruan. Dalian mo!”
2. Dumating ang nanay mo gáling trabaho at pagod na
Pagod. Sasabihin mong _____
A. “Kumusta po, inay. Mano po.”
B. “Gutom na ako. Wala pa bang pagkain?”
3. Tinatanong ka ng tatay at nanay mo kung tapos ka na sa
iyong takdang–aralín. Ang isasagot mo ay _____

C. “Opo, inay at itay. Natapos ko na po.”


D. “Hindi pa, tinatamad pa ako. Mamaya na.”
4.Binigyan ka ng ate mo ng pasalubong. Sa tingin mo ay
kakaunti at kulang ito. Sasabihan mo siya na _____
A. “Eto lamang? Akin na yan, dali!”
B. “Salamat po ate sa iyong pasalubong.”
5. Nagbibilin ang iyong ina bago umalis. Tinanong ka niya
kung naintindihan mo. Sasagutin mo siya ng _____
B. “Naunawaan ko po, inay.”
B. “Oo na. Umalis ka na nga!”
Isulat ang mga bagay na dapat gawin para
maipakita ang pagmamahal at paggalang sa
pamilya at kapuwa. Gawin ito sa sagutang
papel.
Bilugan ang tamang sagot.
1. Dumadalaw tayo sa kaanak na maysakit para sila
ay (takutin, pagalitin, damayan) sila.
2. Nagdadala tayo ng mga (pagkain, damit, paninda)
upang sila ay lumakas.
3. Di natin sila kinalilimutan dahil(mahal,
kinaiinisan,
kinaiinggitan) natin sila.
4. (Masaya, Malungkot, Galit) ang mag-anak na
sama-samang dumadalaw sa kaanak.
5. Ang mag-anak na dumadalaw sa kaanak ay
nagpapakita ng ugaling (maalalahanin,
pagkamasipag,
pagkamatapat).
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Ikaapat na Araw
1.

Bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng mga


maaaring gawin upang mapasaya ang isang kaanak
na may sakit?
Ano ang nakikita mo sa larawan?
(mga batang nag-aaway)
Bakit kaya sila nag- aaway?
Basahin ang kuwento:

Isang hapon, nagkipaglaro si Tony sa kanyang mga


kalaro. Inilabas niya ang kanyang mga laruang kotse at
nakipagkarera siya sa kanila. Hindi sinasadyang
naapakan ng kanyang kalarong si Danny ang kanyang
kotse at nasira ito. Humingi ng paumanhin si Danny,
ngunit hindi ito pinakinggan ni Tony. Nilapitan niya ito at
itinulak.
 Sino-sino ang mga bata sa ating kuwento?
 Ano ang kanilang ginamit sa paglalaro?
 Ano ang nangyari habang sila ay naglalaro?
 Humingi ba ng paumanhin si Danny?

 Tama ba ang ginawa ni Tony?

Bakit?
Isulat ang T kung Tama ang isinasaad ng pahayag at M
naman kung Mali ang pahayag.

_____1. Sinuntok ni Duke ang kanyang kaklase dahil ayaw nito


magpahiram ng krayola.

_____2. Mabait na bata si Rea kaya marami siyang mga


kaibigan.
______3. Huwag tulungan ang kaklase na nahihirapan sa aralin.
_____4. Makipaglaro at igalang ang
mga kapwa mag-aaral.
______5. Palaging makipag-away sa
kaklase.
Isulat ang letra ng pangungusap sa loob ng
kahon. Hingin ang túlong ng iyong mga
magulang o kasama sa bahay. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
Gawain:
Tukuyin ang mga pahayag na may
paggalang at pagmamahal sa mga
kasapi ng pamilya at kapwa
Mga Pahayag na may Paggalang at Pagmamahal
A. “ Wow! Napakasarap naman po nito, inay. Salamat po sa
pagluluto ng ulam.”
B. “Utos kayo nang utos. Bakit ako na lang palagi, Pa?”
C. “Mano po, lola.”
D. “Mag-iingat po kayo, ate at kuya.”
E. “Maaari ko po bang hiramin ang iyong krayola, kuya?”
F. “Bigyan mo ako ng tinapay dahil nagugutom ako!”
G. “Maaari ko bang hiramin ang manika
mo, Mona?”
H. “Ayaw ko makipagkaibigan sayo!”
Panuto: May mga bagay ka bang hindi na
ginagamit? Gumawa ng listahan kung kanino
mo ito puwedengibigay na alam mong
magagamit pa. Gawin ito sasagutang papel.
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin nila sa iyo.” Mahalin at igalang rin
natin ang ating mga kapwa.
Maaari tayong magbahagi ng anumang
tulong na kaya nating maibibigay sa kanila.
Ang ating kapuwa, mga kaibigan, mga
kapitbahay, at maging mga taong hindi
natin kilala ay kasapi ng isang mas
malaking pamilya- ang pamayanan.
Magiging tahimik, masaya, at payapa kung
ang bawat isa ay nagmamahalan.
Panuto: Punan ng angkop na mga
letra upang mabuo ang mga
salita.
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Ikalimang Araw
Piliin ang tamang letra na nagsasaad ng sagot sa pahayag.
1.Ipagpalagay mo na nasaktan mo ang damdamin ng
kapwa. Paano mo kaya aaminin at itatama ang
pagkakamaling nagawa mo?
A. Magpapakumbaba at hihingi ng tawad sa kapwa
B. Hahayaan ko siya magalit dahil wala akong pakialam.
2.Gusto hiramin ng iyong kaklase ang bago mong
laruan. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papahiramin sapagkat akin lang
ang laruan.
B. Ipapahiram ko sa kanya at aayain ko siyang
maglaro.
Sumulat ng tatlong pangyayari na nakasakit
ng damdamin ng kapwa, pagkatapos ay
ilagay ang mga paraan kung paano nalutas
ang pangyayari. Gamitin ang graphic
organizer bilang gabay. Gawin ito sa sagutang
papel.
Kompletuhin ang pangako. Isulat ito sa
iyong kuwaderno.
Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa
aralin. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1.Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-abot sa
kamay ng nakatatanda at idinidikit sa noo bilang tanda
ng paggalang.
2.Ito ay sinasambit sa tuwing may
mabuting nagagawa sa iyo o kaya ay sa
tuwing may ibinibigay na anomang bagay
sa iyo.
3.Ito ay ang magalang na tugon o
sagot sa kausap.
4. Bumisita ang iyong lolo at lola sa inyong bahay mula sa
probinsiya. Ano ang mabuti at dapat mong gawin?
A. magmano sa lolo at lola
B. magtago sa loob ng kuwarto
C. humingi agad ng pasalubong
5. Nag-uusap ang iyong nanay at kapitbahay ngunit may
kailangan kang itanong. Ang gagawin mo ay ___ A. sisingit sa
usapan
B. paaalisin ang kapitbahay
C. tatahimik muna at maghihintay makapagtanong
6.Kinakausap ka ng nanay at tatay mo sapagkat sila ay aalis
muna. Ano ang dapat mong gawin?
A. makinig nang mabuti habang sila ay nagsasalita
B. tumango lámang at ipagpatuloy ang paglalaro
C. lakasan ang TV habang sila ay nagsasalita
7. Tinatanong ka ng ate mo kung kumain ka na.
Ano ang isasagot mo?
A. “Opo, ate kumain na po ako.”
B. “Oo nga! Ang kulit!”
C. “ Oo, kanina pa!”
8. Naubusan ka ng krayola at hindi mo matapos ang iyong gawain.
Ano ang sasabihin mo sa iyong kuya?
A. “Hoy, wala na akong krayola!”
B. “Kuya, maaari po bang makahiram sa iyo?”
C. “Dalhin mo dito ang krayola mo, gagamitin ko!”
9. Binigyan ka ng tatay mo ng pasalubong galing
sa kaniyang trabaho. Ano ang sasabihin mo?
A. “Salamat po, itay!”
B. “Bitin, wala na bang iba?”
C. “Yes, akin lahat ito! Walang hihingi.”
10. Napagalitan ka ng iyong nanay. Sasabihin mong
____
A. “Nakakainis. ‘di na ako magsasalita.”
B. “Patawad po. Hindi na po mauulit.”
C. Ayaw ko na sa’yo!” Hindi kita bati!”
Ang ating pamilya at kapuwa ang magkatulong
na humuhubog sa ating mga pag-uugali at
pagkatao upang mapatatag natin ang ating
kalooban. Mahalaga ang pamilya at kapuwa. Sa
lahat ng oras, sila ang maaari mong makasama
at makatulong sa anumang gawain o suliranin
Panuto: Sa iyong sagutang papel, lagyan ng tsek (/)
ang bilang ng larawan na nagpapakita ng pagmamahal
at paggalang sa mga magulang.

You might also like