You are on page 1of 12

Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: __________

Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________


GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 1
Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo
Pamilya Ko, Kaagapay Ko sa Pangangalaga sa Sarili Ko!

I. Panimula:
Mula ng ikaw ay bata, laging nariyan ang iyong mga magulang at kamag-
anak upang gabayan ka sa iyong paglaki. Sila ang nag-aalaga kapag maysakit ka
at nagbibigay ng iyong mga pangangailangan hanggang sa iyong pagtanda.
Habang ikaw ay nasa piling ng iyong mga magulang sila pa rin ang
magtuturo o gagabay sa iyo upang mapangalagaan mo ng mabuti ang iyong sarili
at ng iyong kapuwa.

Pagtalakay
(Basahin ang tula sa patnubay ng magulang pagkatapos sagutin ang mga tanong.)
Ang Bilin ni Inay
Ni: Gng. Laura G. Del Rosario

Ang bilin ni inay, kumain ng prutas at gulay, Pampalakas at


pampahaba ng buhay.

Ang bilin ni inay, maligo araw-araw,


Upang hindi magkaroon ng bungang-araw.

Ang bilin ni inay, magsipilyo tatlong beses sa isang araw,


Upang sakit na dulot ay maiwasan

Ang bilin ni inay, ang pag-eehersisyo’y ugaliin, Upang


sumiglang tunay ang katawan natin.

Ang bilin ni inay, uminom ng walong basong tubig araw-araw,


Upang malinis ang buong katawan

Iyan ang mga bilin ni inay, Na


aking isasabuhay.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Tungkol saan ang tula?
a. Ang bilin ni inay b. Ang bilin ni lola c. Ang bilin ni tatay

2. Ano ang bilin ni inay upang lumakas at humaba ang buhay?


a. mag-ehersisyo b. kumain ng prutas at gulay c. maligo

3. Susundin mo ba ang mga bilin ni inay?


a. Opo b. Hindi po c. hahayaan lang po

4. Bakit kailangan mong sundin ang bilin ni inay?


a. para mapahamak ako
b. para maging hindi ako kanais-nais
c. para sa ikabubuti ko
Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain ( Patnubay at gabay ng magulang ay kailangan )
A.1 Panuto: Bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng pangangalaga sa sarili
at ikahon naman ang hindi.

A. 2 Panuto: Lagyan ng tsek / ang kahon kung ang pahayag ay tungkol sa


kalinisan at ekis X naman kung hindi.

1. Si Erika ay araw-araw naliligo.

2. Naglilinis ng kaniyang paa si Akisha bago matulog.

3. Si Ken ay nagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.

4. Si Vin ay naliligo lamang kapag mainit ang panahon.

5. Si Mon-Mon ay naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.


Gawain 2. Gawaing Pagganap (Patnubay at gabay ng magulang kinakailangan)

B.1 Panuto: Gumawa ng islogan na nagsasaad kung paano mapananatiling


malinis ang katawan sa tulong ng iyong mga kasambahay. Gawin ito sa malinis na
bond paper.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Puntos
Pamantayan
Maayos, malinis at akma sa paksa ang gawa. Bata ang may gawa. 5
Hindi masyadong maayos, malinis at akma sa paksa ang gawa. Bata ang
3
may gawa.
Maayos, malinis at akma sa paksa ang gawa. Hindi bata ang may gawa. 1

B.2 Panuto: Iguhit ang mga taong tumutulong sa pangangalaga sa iyong sarili.

Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: __________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________
GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Ikatlong Markahan – Ikatlong LInggo
Masaya Ako sa Tagumpay ng Aking Kapwa

Panimula

Naranasan mo na ba ang maging matagumpay sa isang bagay? Ano ang iyong


naramdaman nang ikaw ay nanalo sa isang paligsahan o kaya ay nakakuha ka ng mataas na
marka? Naibahagi mo na ba sa iba ang saya at tuwa sa tuwing nagkakamit ng tagumpay ang
iba? Sa araling ito, mapagtatanto mo na isang mabuting katangian ng isang batang katulad
mo ang maging masaya para sa sariling tagumpay at sa tagumpay ng ibang miyembro ng
pamilya o kamag-aral. Ayon sa isang kasabihan, ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat.

Pagtalakay
Ang bawat isa ay may kani-kaniyang karunungan at kakayahan. Magkakaiba
ang tagumpay na ating maabot o makakamtan. Ano ang mararamdaman mo
kung nagtatagumpay ang kapwa mo, lalo na kung siya ay miyembro ng pamilya mo?
Kaklase mo? O kaya’y ang iyong eskwelahan?
Matatanggap mo ba na ang tagumpay ng kapwa mo, ay tagumpay mo rin?
Piliin at kulayan ang mga talulot ng bulaklak na iyong mararamdaman kapag
may nagtagumpay sa miyembro ng pamilya, o kaklase.

masaya

magseselos
pinagmamalaki

paghanga maiinggit

Mapapanatili natin ang kaayusan at kapayapaan sa inyong pamamahay at


eskwela bastat umiwas sa hindi magandang pag-uugali at turingan ng miyembro ng
pamilya at kaklase.

V. Mga Gawain
Gawain # I: Lunes
Panuto: Ayusin ang ginulong letra upang makabuo ng salita. Isulat ang sagot sa patlang.
Ito ay isang katuparan ng ating mga
1. y a p g u m t a ninanais, kaganapan ng iyong mga
layunin, mithiin o pangarap.
____________________________
2. s a m a y a Isang emosyon na nagpapakita ng
____________________________ tuwa.

3. g i t i n g Hindi magandang ugali at damdamin


______________________________ ng isang tao. Ito ay tinatawag ding
pangingimbulo.

4. m i t i n h i Ito ay ang pinakapayak ng iyong nais


_____________________________ makamit sa hinaharap.

5. w a k a p Ito ay tumutukoy sa mga taong


______________________________ katulad / kapareho/ kasama.

Gawain # 2: Martes
Panuto: Piliin sa mga sumusunod na sitwasyon kung paano mo mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan sa inyong pamamahay at paaralan. Isulat ang titik nang tamang sagot sa
kuwaderno.

____1. Sinasabi ng nanay mo na mahina ka sa klase kaysa sa kapatid mo. Mas


marunong siya kaya may mas maganda siyang patutunguhan.
A. Hindi ko nalang papansinin ang sinasabi niya.
B. Aawayin ko ang kapatid ko
C. Pagsisikapan ang pag-aaral upang tumaas ang marka ko.

____ 2. Sumali sa paligsahan sa awit ang kuya mo, dahil sabi ng


tatay mo na magaling siyang kumanta kaya lang natalo siya.
A. Sasabihin ko sa kanya na sumali nalang sa ibang paligsahan para mapaunlad pa
ang kanyang pagkanta.
B. Sasabihin ko sa kanya na huwag ng sasali sa susunod dahil nakakahiya.
C. Tutuksuhin ko siya bakit sumasali pa siya tutal matatalo rin siya.

____3. Gusto mong sumali sa paligsahan ng pagguhit, ngunit iba ang napili. Ano
ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko nalang ang guro.
B. Ipapakita ko sa guro namin na marunong din akong gumuhit para isali nya ako
sa susunod na paligsahan. C. Hindi na ako sasali ulit.

____4. Palagi kang inuutusan ng nanay mo sa pagliligpit ng kalat dahil nag-aaral ang
kapatid na palaging nanalo sa palisahan sa iskwela.
A. Sundin ko nalang ang nanay para hindi na maistorbo ang kapatid ko.
B. Sabihin ko sa kapatid ko na siya nalang ang magligpit ng kalat.
C. Lalabas nalang ako ng bahay kapag inuutusan ako ng nanay ko.

____5. Hindi pa pinauwi ang nanay mo sa kanyang trabaho sa ibang bansa dahil
mahusay siya sa serbisyo. Ano ang mararamdaman mo?
A. Magtatampo ka sa kaniya dahil mas mahalaga sa kanya ang trabaho.
B. Iintindihin ko ang nanay ko para hindi na maragdagan ang lungkot dahil
malayo siya sa amin.
C. Mamahalin ko ng lubos ang tatay ko dahil palagi ko siya kasama.

Gawain # 3: Miyerkules
Panuto: Tanungin ang tatay at nanay kung bakit dapat maging masaya sa miyembro ng
pamilya kapag may nagtatagumpay. Isulat ang sagot sa ibaba.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain # 4: Huwebes
Panuto: Gumupit ng larawan mula dyaryo o lumang magasin na nagpapakita ng tagumpay.
Idikit sa loob ng kahon.
Gawain # 5: Biyernes
Panuto: Ilagay ang pangalan ng miyembro ng iyong pamilya na tinutukoy ng bawat ugali.

1. Pinaka masayahin -
__________________________________________
2. Pinaka palakaibigan -
_______________________________________
3. Pinaka matulungin -
_________________________________________
4. Pinaka masipag -
____________________________________________
5. Pinaka marunong -
__________________________________________

Pagkatapos mong sinulat ang pangalan, lapitan mo sila at sabihin mong. “Para sa akin
ikaw ang pinaka
_________________ ( sabihin mo ang mabuti nilang ugali )

Pangalan: _________________________Baitang at Pangkat: __________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________
Quarter 3 – Module 4:
Visualizing and Dividing the Elements of Sets into Two Groups of Equal
Quantities to Show Halves

Tuklasin
2.

S Si Ana ay pumitas ng anim na bulaklak sa kanilang


h ardin. Ilalagay niya ito sa dalawang plorera.

1. Ilang bulaklak mayroon si Ana?


2. Ilang bulaklak ang laman ng isang plorera?
3. Paano hinati ni Ana ang anim na bulaklak?

Para magkaparehas ang bilang ng dami ng bawat bulaklak sa plorera ay salitan niya
itong linagyan ang dalawang plorera.

Ang bawat plorera ay may tatlong bulaklak. Ibig sabihin ang kalahati ng anim ay

Tayahin
Hatiin ang set ng mga bagay .Bilangin ang kalahati nito at isulat sa kahon.

11
11
3.

4.

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: __________


Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________
Quarter 3 – Modyul 4
Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento
BASAHIN ANG KWENTO
Ang Pistang Naiiba

Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa


Lucban, Quezon. Nagpapasalamat ang mga magsasaka sa masaganang ani sa
kanilang patron na si San Isidro Labrador. Isinasagawa ang pagdiriwang sa
pamamamgitan ng parada at prusisyon ng imahe ni San Isidro. Lahat ng bahay sa
bayan ay napapalamutian ng kanilang ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak,
dahon, pako at kiping na nagpapakulay sa pagdiriwang. Makukulay na kiping ang
pinakatradisyunal at kaakit -akit na palamuti. Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas
na hinugis gamit ang dahon ng “caba” at iba pang dahon. Kinulayan ito ng fuschia,
pula, dilaw, at berde, at iba pang matitingkad na kulay. Bawat taon, umiikot ang mga
turista sa lugar upang masaksihan ang paglalagay ng mga palamuti. Naghahanda sila
ng maraming pagkain na may ibat ibang sahog. Tradisyon ng mga-taga Lucban
tuwing Pista ng Pahiyas ang pagsabit ng produktong inani sa mga bintana at pinto
bilang pasasalamat sa kanilang patron. Kaya ito ang pistang naiiba sa lahat.

Tuklasin
A. “Gawing Makulay”
Gumuhit ng tatlong mga nakikita kapag pista ng
Pahiyas at kulayan ang mga ito.

1. _________________________________________________
2. _________________________________________________
3. _________________________________________________

B. “Maging Makata”
Punan ang patlang ng angkop na salita.
Ang pista sa amin ay _______________________.
Nagdaratingan ang mga bisita. Sina tatay at nanay ay _____________.
Kaya _____________ maraming inihahanda.

II. Suriin

1. Anong makulay na pista ang ipinagdiriwang sa


Lucban, Quezon?
_________________________________

2. Saan ginaganap ang pistang naiiba? Ano-ano ang ginagawa tuwing pista ng
Pahiyas?
_________________________________

3. Ano-anong mga pagkain ang inihahanda tuwing


pista?
_________________________________

4. Kailan ipinagdiriwang ang iyong pista?


_________________________________

5. Paano natin ipinakikita ang pagiging magiliw sa mga panauhin?


______________________________________
Isaisip
1. Sino – ay sumasagot sa ngalan ng tao
Halimbawa:
Sino ang Patron ng Lucban, Quezon?
2. Ano - ay sumasagot sa ngalan ng bagay, hayop o pangyayari
Halimbawa:
Anong mga pagkain ang inihahanda tuwing pista?
3. Saan – ay sumasagot sa ngalan ng lugar
Halimbawa:
Saan ginaganap ang pista ng Pahiyas?
4. Kailan – ay sumasagot sa panahon o oras
Halimbawa:
Kailan ginaganap ang pistang Pahiyas?
5. Paano – ay sumasagot sa pamamaraan o kung paano naganap ang isang pangyayari
Halimbawa:
Paano ipinagdiriwang ang pista ng Pahiyas?
6. Bakit – ay sumasagot sa rason o dahilan
Halimbawa:
Bakit ipinagdiriwang ang pista ng Pahiyas?

Pagyamanin
Gawain 1 Basahin ang mga pangungusap. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Isidro Labrador sa Lucban, Quezon. Sino ang
Patron ng Lucban,
Quezon? ____________

2. Kakaiba ang ganda ng mga tahanan tuwing


kapistahan.
Ano ang nangyayari sa mga tahanan?
3.May Pahiyas sa tuwing ika-15 ng Mayo.
Kailan ipinagdiriwang ang Pahiyas?
4.Nakabitin ang mga hugis-dahon sa mga tahanan.

Saan nakabitin ang mga hugis-dahon?


5. Nagpapasalamat sila sa produktong inani.

Bakit nila ipinagdiriwang ang pista ng Pahiyas?


Gawain 2
Basahin at kopyahin ang mga salitang nakikita sa kuwento.

You might also like