You are on page 1of 28

4

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 1
Lakas ng Loob ko, Galing sa Pamilya ko

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao– 4
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan - Modyul 1:Lakas ng Loob, Galing sa Pamilya ko
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – isip. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module


Authors: Glenda Mae M. De Guzman

Editor: Maria Fe C. Tayong

Reviewers: Jane C. Agpalsa


Janette P. Cabaya
Phebe S. Antiquina, PSDS

Illustrator: Julius T. Bucar


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Yeselucio N. Patriarcha, Jr. EPS – EsP
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education - Division of Valencia City


Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 1
Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
Ang Modyul na ito ay:

Ang ,odyul na ito ay inihanda para sa iyo upang malinang ang


iyong kakayahan sa pagiging malakas ang loob tuwing kinakailangan.
Pasukan na naman! Makakagawa tayo ng ibang paraan upang
maipagpatuloy ang iyong pag-aaral.
May apat na araw na nagtataglay ng iba’t ibang gawain na dapat
mong gampanan at marami kang matutuklasan upang maihuhubog ang
iyong sarili sa bawat aralin. Kailangan mong alamin, gawin, isapuso,
isabuhay at may pagsusuri sa sarili upang makamtan ang ninais na
kakayahan. Tibayan ang loob sa pagharap ng mga hamon na napaloob
dito.
Ihanda at libangin ang sarili!

Mga tala para sa Guro

Subaybayang maigi ang lahat na mga


gawain ng mga mag-aaral upang lubusang
maunawaan at mapakinabangan nila ang
kaalaman na inilalathala ng modyul na ito.

3
Alamin

Naranasan mo na ba ang magpakilala sa harap nang may lakas


ng loob at di nahihiya?
Paano mo ipinakilala ang iyong sarili sa iba?
Magagamit mo ang lakas ng iyong loob sa pagharap sa iyong
guro at mga kamag-aral sa simula ng klase. Kayang-kaya di ba?

Mga Layunin sa Pagkatuto:

1. 1 Nakapagsasabi ng katotohanan anuman ang maging


bunga nito.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

4
Subukin

Panuto: Iguhit sa loob ng bilog ang √ kung tama at X kung mali ang
iyong sagot.

1. Humarap sa klase na may lakas-loob na ipakikilala ang sarili.

2. Masayang magkasabay sa pagsasayaw ang magpinsang Trey


at Lala .

3. Makipag-usap sa guro na hindi nahihiya.

4. Pasalamatan ko ng buo ang Diyos para sa kakayahan na bigay


nya sa akin.

5. Nahihiyang magtanong sa guro si Ashley sa araling hindi


nauunawaan.

6. Kahit na masakit ang ulo ni Pia, tiniis pa rin niyang tinuruan


ang kanyang kapatid sa pagtutula.

7. Gagamitin ko nang wasto ang ibinigay na talento sa akin ng


ating Diyos.

8. Gawin ang ipinapagawa ng guro na may lakas ng loob.

9. Nagpapaturo si Chaddy kay Tim kung paano gagawin ang


pagtugtog ng gitara.

10. Umaawit si Tonya sa kanilang paaralan.

5
z
Araw Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko
1

Paano mo maipakita sa iyong sarili ang may lakas ng loob?

Matutunan mo sa iyong sarili ang pagiging may lakas loob.

Ang lakas, katatagan at tibay ng loob ay kailangan upang masabi


natin ang katotohanan anuman ang maging bunga nito. Hindi natin
dapat ikahiya ang ating sarili lalo na kapag wala tayong ginagawang
masama at huwag tayong magdadalawang isip o matakot na
magsasabi ng totoo dahil ito ang makakapagpalaya sa atin.

Balikan

Panuto: Ibigay ang isinasaad sa bawat tanong.

Magbigay ng isang pangalan ng kasapi sa inyong pamilya.

1. _________________________________________________

Bakit siya ang pinili mo?

Gaano kahalaga ang taong ito para sa iyo?

___________________________________________________

Ano ang nagiging impluwensya niya sa buhay mo?

___________________________________________________

6
Tuklasin

Sa araw na ito, mababasa mo ang kwento ng isang mag-aaral sa


ika-apat na baitang. Siya ay si Roniel M. Lakasloob!

Roniel M. Lakasloob ang Pangalan Ko!


Umpisa na naman ng klase, Nakagawian na ng mga guro sa
paaralan na maging maayos ang unang araw ng pasukan. Siyempre,
inaasahan na ang bawat mag-aaral ay kilala ang bawat isa. Si Roniel
ay bagong lipat lang na mag-aaral sa klase ni Bb. San Pablo kaya siya
ang unang tinawag upang magpakilala.

Roniel: Magandang umaga po sa inyong


lahat lalo na sa ating guro na si Bb. San Pablo.
Ako ay si Roniel M. Lakasloob. Ako ay siyam
na taong gulang; isinilang ako sa Lungsod ng
Marikina noong Hunyo 5. Ang paborito kong
asignatura ay Matematika; mahilig akong
magbasa ng mga kwento tungkol sa mga
bayani ng ating bansa. Malakas ang aking
loob na sumali sa mga patimpalak lalo na sa
pagsulat. Ang paborito kong kasabihan ay
“ang batang matatag at may lakas ng loob,
ganda ng buhay ay di matitibag.” Ito ang
ipinamulat saakin ng aking mga magulang.

Guro: Magaling, Roniel. Binabati kita sapagkat matapang mong naipakilala


ang iyong sarili sa harap ng bago mong kaklase. Nagpapakita ito ng
katatagan at lakas ng iyong loob.
Roniel: Maraming salamat po sa inyo, ma’am. Ito po ang turo sa akin ng aking
nanay. Hindi raw po dapat ikahiya ang sarili lalo na kapag wala namang
ginagawang masama.
Guro: Nais kong makausap ang iyong mga magulang. Maaari mo ba silang
papuntahin sa Lunes sa paaralan sa ganap na ika-siyam ng umaga?
Roniel: Opo, ma’am. Ipararating ko po sa kanila ang inyong kahilingan.

Source:Edukasyon sa Pagpapakatao (Kagamitan ng Mag-aaral)pp.2-3

7
Suriin

Ano ang katangiang naipamalas ni Roniel?

___________________________________________________

Kailan natin maipapamalas ang katatagan ng loob?

___________________________________________________

___________________________________________________

Bilang mag-aaral, papaano mo ipapakilala ang iyong sarili nang


may lakas ng loob at may katatagan sa harap ng maraming tao?

8
Pagyamanin

Panuto: Sagutin at gawin ang sumusunod:


1. Isulat sa loob ng malaking bituin ang mga pangalan na
nagbibigay lakas ng loob sa iyo.

1. ___________________________

2. ________________________

3. ___________________

4.____________________

5._____________________

9
Isaisip

Hindi lang sa pagpapakilala sa sarili natin maaaring ipamalas ang


lakas ng loob. Maaari rin itong maipamalas sa pagsasabi ng
katotohanan. Huwag tayong matakot o magdadalawang-isip na sabihin
ang totoo.

Si Roniel ay isang batang may matatag at malakas


na loob. Hindi siya nahihiyang magpakilala sa harap ng bago niyang
mga kaklase.” Mapagmalaki niyang sinabi na ang katangiang ito ang
ipinamulat sa kanya ng kanyang mga magulang.

Ang lakas, katatagan at tibay ng loob ay kailangan upang masabi


natin ang katotohanan anuman ang maging bunga nito. Hindi natin
dapat ikahiya ang ating sarili lalo na kapag wala tayong ginagawang
masama at huwag tayong magdadalawang isip o matakot na magsabi
ng totoo dahil ito ang makakapagpalaya sa atin.

Isagawa

Humarap sa salamin at tingnan ang sarili. Isulat ang mga bagay


na dapat mong baguhin na may tatag at lakas ng loob.

10
Karagdagang Gawain

Sumulat ng limang salita na may kinalaman sa pagiging matatag


ang loob at pagsabi ng katotohanan.

1. ______________________________________________________

2. ______________________________________________________

3. ______________________________________________________

4. ______________________________________________________

5. ______________________________________________________

11
12
Activity 3
1.
2.
3.
4.
5.
Activity 2
1.
2.
3.
4.
5.
Karagdagang Gawain: Araw 1
1.tiwala
2.tiyaga
3.matapat
4.lakas
5.matibay
Subukin
1.tsek
2. tsek
3. tsek
4. tsek
5. ekis
6.tsek
7.tsek
8.tsek
9.tsek
10.tsek
Susi ng Pagwawasto
z
Araw Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko
2

Ang pagkakaroon ng kakayahan/talento ay dapat ginagamit sa


wastong pamamaraan. Kailangang may lakas na loob na ibabahagi ang
katotohanan.
Sana isa ka sa mga batang may kakayahan na isinulong ang
katotohanan kahit ano mang bunga ang kinahinatnan nito.

Balikan

Panuto: Ibigay ang isinasaad sa bawat tanong.

Anu - ano ang mga kakayahang dapat mong gawin?

__________________________________________________

Bakit nararapat na magsabi ng totoo? Ipaliwanag.

_________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

Paano mo maipapakita sa iyong pamilya ang iyong kakayahan sa


sarili na may lakas an loob?

__________________________________________________

__________________________________________________

_________________________________________________

13
Tuklasin

Ngayong araw, tutukuyin natin ang ating mga kakayahan o


talento. Ibabahagi natin kung ano ang kaya nating gawin. Isa man o
maraming talento, ang mahalaga makatotohanan ang ating ibabahagi.

Gumuhit ng isang bagay na naayon sa iyong kakayahan o talento


sa loob ng kahon.

14
Suriin


Ang bawat isa’y may kakayahan. Ang natatanging kakayahan
natin ay galing sa Panginoon. Iba-iba ang kaya nating gawin. Kaya
tinawag tayong natatangi. Kung ano man ang kaya mong gawin,
ipagmalaki mo ito.
Hindi kailangang maangkin ang lahat ng talento. Ang mahalaga,
ginamit mo nang wasto ang natatanging talentong bigay sa iyo ng Diyos
at lakas loob mong ipagmalaki ito. Hindi kailangang magsinungaling
para makilalang magaling. Magsabi ng totoo kung ano ang kaya at kung
anong hindi. Hindi na kailangang magbalat kayo dahil tanggap tayo ng
Diyos kung ano tayo.

Pagyamanin

Panuto: Sagutin at gawin ang sumusunod:

“ Ako ay si ______________________________________________.

Ang ilan sa natatangi kong kakayahan ay

________________________________________________________

________________________________________________________

15
Isaisip

Ang kakayahan ay ipinagkaloob ng Diyos sa atin kaya dapat


nating gamitin nang maayos. Ibahagi natin sa iba at hindi natin
ipagdamot.

Isagawa

Isulat ang pangalan ng bawat kasapi ng iyong pamilya.


Pagkatapos, tanungin mo ang bawat isa kung ano ang mga natatanging
kakayahan o talento na ipinagkaloob sa kanila at isulat ito sa tapat ng
kanilang pangalan.

Sagutan ang tsart.


Pangalan Kakayahan/ Talento

Karagdagang Gawain

Isulat kung paano mo mapapahalagahan ang talentong


ipinagkaloob sa iyo ng Diyos.

16
z
Araw Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko
3

Kailangang tanggapin ang ano mang kakayahan na


ipinagkaloob ng Diyos sa iyo. Maraming kakayahan/talento na
magkakahalintulad sa iba ngunit may inilalaan para sa iyo na hindi
makuha ng iba at ito ang dapat mong linangin at pahalagahan.

Balikan

Panuto: Ayusin ang mga magkahalong letra ng mga salita na


nasa loob ng kahon at isulat sa loob ng bituin.

1. Wayas
2. Latu
3. Wita
4. Tulo
5. pagnipta

1. 2.

3. 4. 5.

17
Tuklasin

Sumulat ng mga talento ng iyong kaibigan at ng iyong pamilya.


Isulat mo rin ang iyong mga kakayahan o talento. Lagyan ng tsek ang
magkaparehong kakayahan/talento mo at ekis naman ang hindi.

Talento √ X
Kaibigan 1.
2.
3.
Pamilya 1.
2.
3.
Sarili 1.
2.
3.
4.

Suriin

Bawat isa ay may taglay na kakayahan/talento. Sa mga


kakayahang/talentong iyong natutunghayan sa paligid, ito’y bigay sa
atin ng Diyos na dapat hindi ikakahiya. May mga pagkakatulad at
pagkakaiba tayong mga kakayahan/talento. Dapat natin bigyan ng
halaga at linangin nang mabuti na may lakas loob na ipagmalaki ngunit
hindi ipagyayabang.

18
Pagyamanin

Sumulat ng maikling tula tungkol sa pagpapakita ng iyong


kakayahan/talento nang may lakas at tibay ng loob

Isaisip

May magkakatulad at magkakaiba tayong mga talento. Dapat


natin itong pahalagahan, linangin nang mabuti at lakas loob natin itong
ipagmalaki.

Panuto: Gumawa ng isang maikling talata. Kumpletuhin ang nasa loob


ng kahon.

Panginoon, bigyan mo po ako nang lakas ng loob

na_________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

_________________________________________________.

19
Isagawa

Gumawa ng Venn Diagram. Gumuhit ng tatlong hindi gaanong


malaki o katamtaman na mga bilog. Siguraduhin na may overlapping
sa guhit ng mga bilog.
1. Unang bilog- isulat ang mga talento ng iyong kapamilya.
2. Ikalawang bilog – isulat ang kakayahan/talento ng iyong mga
kaibigan at kaklase.
3. Ikatlong bilog – isulat ang mga natatangi mong
kakayahan/talento
4. Gitnang bilog- isulat ang magkaparehong kakayahan/talento
ninyo ng iyong kapamilya at kaibigan at kaklase.

2.
1.

4.

3.

Karagdagang Gawain

Sumangguni sa internet ng mga larawan na makikita ang iba’t


ibang kakayahan/talento. Idikit sa coupon bond at ilagay sa folder.

20
z
Araw Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko
4

Dapat magpakatotoo ka sa iyong sarili!

Alam mong kayang mong gawin. Huwag hadlangan ang pwede


mong marating. Kailangan ng lakas ng loob para makamit ang mga
bagay na iyong pinapangarap.

Balikan

Anu- ano ang mga kakayahan o talento mo na may kapareho sa


iyong mga kaibigan?

Anu- ano namang mga kakayahan mo na wala sa iba?

________________________________________________________

Paano mo ito pinapahalagahan?

________________________________________________________

21
Tuklasin

Bigkasin ang tulang/awiting “Gatas at Itlog”

Gatas at Itlog

Ang gatas at itlog


Pagkaing pampalusog,
Ang saging at papaya,
Pagkaing pampaganda.

Uminom ka ng gatas,
Ikaw ay lalakas,
Kumain ka ng itlog,
At ikaway bibilog.

Ano ang ipinapahiwatig ng tula o awitin?


Ano ano ang mga pagkaing nakabubuti sa ating katawan?
Ano ang maging bunga kung kakainin natin ang mga pagkaing
ito? Bakit?

Suriin

Bakit mahalaga ang pagiging malusog?


Paano mapapanatiling malusog ang ating katawan?
Bakit ba kailangan nating maging malusog?

Kailangan nating maging malusog at hindi sakitin upang


magampanan natin ang ating mga tungkulin at magawa ang gusto
nating gawin.

22
Bukod sa lakas ng katawan, kailangan mo rin ang lakas ng loob
para maipamalas ang iyong angking kakayahan.
Alagaan mo ang iyong sarili para may lakas kang maipakita ang
iyong mga talento. Kailangan mo rin ang tibay ng loob.
Kung ikaw ay may talento, ipakita ito at huwag mahihiya dahil sa
pamamagitan nito, malilinang an gating kakayahan. Dapat buo ang
iyong loob para kompiyansa kang maipapakita nang maayos ang iyong
talento.
Kapag tapat ka sa iyong kayang gawin, maiiwasan mo ang
problema o anumang sakuna. Sabihin mo ang totoo. Kung hindi mo
kayang gawin, aminin mo. Walang masama sa nagsasabi ng totoo.

Pagyamanin

Ipakita mo ang iyong mga kakayahan/ talento na may lakas at


tatag na loob. Pwede mong e record o e upload para makita ang iyong
kakayahan.

Isaisip

Sa buhay natin kailangan natin ang mga masustansiyang pagkain


upang mabigyan tayo ng lakas at magagawa natin ang mga bagay na
kaya nating gawin .
Ang lakas at katatagan ng loob ay lubhang kailangan upang
mapaunlad ang isang katangi-tanging kakayahan.

23
Isagawa

Panuto:Lagyan ng tsek ang paniniwalang pahayag. Sagutin ng


tapat.

MGA PAHAYAG TAMA MALI


1. Ako ay may kakayahang akin lamang sapagkat
iba ako kung ikokompara sa aking kamag-aral.
2. Mahalaga na maipakita ko sa aking mga
kaibigan, kamag-aral, magulang at kapitbahay
ang aking kakayahan upang malaman ko ang
mga dapat ko pang paunlarin.
3. Ang lakas ng aking loob at katatagan ay aking
ginagamit sa pamamagitan ng pagtanggap ng
mga mungkahi at paalala mula sa aking kapwa.
4. Hindi ako nahihiyang ipakita na magaling ako sa
anumang bagay kaya ayokong pinipintasan ang
aking mga ginagawa.
5. Nakakaunawa ako kapag itinatama ng mga tao
ang aking mga nagawang mali dahil
mapabubuti at maipakikita ko ang aking
natatanging kakayahan.

24
Tayahin

Panuto: Iguhit sa loob ng bilog ang √ kung tama at X kung mali ang
iyong sagot.

1. Lakas loob si Jose na ipinakikilala niya ang sarili sa harap ng


klase.

2. Si Polah ay sumasayaw sa harapan ng kanyang kaklase.

3. Sumali si Clinton ng paligsahan sa pag-aawit sa kanilang


paaralan.

4. Dapat bigyang puri at pasalamatan ang Diyos para sa


kakayahan na bigay nya sa ating lahat.

5. Gagamitin ko nang wasto ang ibinigay na talento sa akin


ng ating Diyos.
6. Gustong-gusto ni Tre-An na sumali sa palatuntunan sa
kanilang paaralan kaya sinabihan niya ang kanyang Guro.

7. Nahihiyang makipag-usap si Shangshang sa kanyang Guro.

8. Walang lakas loob si Hulya na sumunod sa utos ng kanyang


magulang.

9. Nagpapaturo si Kiko kay Kikay kung paano gagawin ang


pagtugtog ng ng piano.

10. Masayang nanonood si Maya sa kanyang pinsan na


nagsasayaw ng ballet.

Karagdagang Gawain

Gawing makabuluhan ang iyong kakayahan o talento. Sanaying


mabuti ang iyong talento at ipapakita sa iyong guro.

25
26
10.tsek
9.tsek
8. ekis
7.ekis
6.tsek
5.tsek
4.tsek
3.tsek
2.ekis
1.tsek
Tayahin:
Araw 4 (Isagawa)
1.mali
2.tama
3.tama
4.mali
5.tama
Araw 3 ( Balikan)
1.sayaw
2.tula
3.awit
4.luto
5.pagpinta
Subukin
1.tsek
2.tsek
3.tsek
4. tsek
5.ekis
6.tsek
7.tsek
8.tsek
9.tsek
10.tsek
Susi ng Pagwawasto
Reference / Authors:
Abac, F.E. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon.

Amoyen, G.A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Antiquera, J.M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon.

Bringas, H.A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Capati, G.R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Caraan, M.C. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Castillo, R.A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Catapang, R.B. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon.

Gonzales, I.M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon.

Gulapa, J.B. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Ortega, N.S. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Pandiňo, M.D. (2015). Edukasyon Sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Reyes, A.M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Soriano, P.R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikaapat na


Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon

For inquiries and feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Valencia City
Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828 - 4615

27

You might also like