You are on page 1of 5

1

ARALIN LAKAS NG LOOB KO, GALING SA PAMILYA KO


1
Katatagan ng Loob (Fortitude)
Ang katatagan ng loob (fortitude) ay pagkakaroon ng
lakas o kabuuan ng kalooban at isipan na harapin ang mga
mahihirap na sitwasyon o kalagayan.

Agosto. Unang araw ng pasukan. Balik-eskuwela ang mga mag-aaral. Bilang mag-aaral,
naranasan mo na ba ang magpakilala sa harap nang may lakas ng loob at di nahihiya? Paano mo
ipinakikilala ang iyong sarili sa iba? Magagamit mo ang lakas ng iyong loob sa pagharap sa iyong
guro at mga kamag-aral sa simula ng klase. Kayang-kaya, di ba?

Basahin ang kuwento.


Umpisa na naman ng klase. Nakagawian na ng mga guro sa paaralan na maging maayos
ang unang araw ng pasukan. Siyempre, inaasahan na ang bawat mag-aaral ay kilala ang bawat isa.
Si Roniel ay bagong lipat lang na mag-aaral sa klase ni Bb. San Pablo kaya siya ang unang tinawag
upang magpakilala.

Roniel: Magandang umaga sa inyong lahat lalo na sa ating guro na si Bb. San
Pablo. Ako ay si Roniel M. Lakasloob. Galing ang pangalan ko sa pantig
ng mga pangalan ng aking mga magulang na sina Roda at Daniel Lakasloob.
Ako ay siyam na taong gulang; isinilang ako sa Lungsod ng Marikina noong
Hunyo 5. Ang paborito kong asignatura ay Matematika; mahilig akong
magbasa ng mga kuwento tungkol sa mga bayani ng ating bansa. Malakas ang
aking loob na sumali sa mga patimpalak lalo na sa pagsulat. Ang paborito
kong kasabihan ay “ang batang matatag atmay lakas ng loob, ganda ng
buhay ay di-matitibag.” Ito ang ipinamulat sa akin ng aking mga magulang.

Guro: Magaling, Roniel. Binabati kita sapagkat matapang mong naipakilala ang
iyong sarili sa harap ng mga bago mong kaklase. Nagpapakita ito ng
katatagan at lakas ng iyong loob.

Roniel: Maraming salamat po sa inyo, ma’am. Ito po ang turo sa akin ng aking
nanay. Hindi daw po dapat ikahiya ang sarili lalo na kapag wala namang
ginagawang masama.

Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang 4 DMMMSU-SLUC ELS


August 29- September 2, 2022
2

Guro: Nais kong makausap ang iyong mga magulang. Maaari mo ba silang
papuntahin sa Lunes sa paaralan sa ganap na ika-siyam ng umaga?

Roniel: Opo, ma’am. Ipararating ko po sa kanila ang inyong kahilingan.

TUKLASIN AT PAGYAMANIN

A. Sagutin at gawin ang sumusunod:

1. Ilarawan si Roniel. Alin sa mga katangian niya ang nagpapakita ng


katatagan ng loob? Isa-isahin ito at patunayan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Papaano hinangaan ni Bb. San Pablo si Roniel? Isalaysay ito sa klase.


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bilang mag-aaral, papaano mo ipakikilala ang iyong sarili ng may lakas ng loob at
may katatagan sa harap ng maraming tao?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging totoo at may
katatagan ng loob sa pagpapakilala ng sarili.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, bakit gustong makausap ng guro ang mga magulang ni
Roniel? Magbigay ng sapat na batayan.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

B. Basahin ang mga sitwasyon sa pahina 3. Pagkatapos, hanapin sa ibaba ang katangiang
naglalarawan sa tauhan sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng iyong sagot.

A - hindi nagdaramdam kahit may problema


B - matiyagang isinasagawa ang mga hakbang bilang tugon sa mga hamon at
pagsubok
C- handang magtiis at magsakripisyo para sa mabuting resulta
D - naniniwala na may solusyon sa bawat suliranin
E - may tiwala sa sarili

Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang 4 DMMMSU-SLUC ELS


August 29- September 2, 2022
3

________ 1. “Tatay, hindi po ako napasama sa lineup ng basketball team ng aming paaralan.
Kulang pa siguro ang aking kakayahan. Maaari po ba ninyo akong turuan tuwing umaga ng Sabado
at Linggo upang higit pa akong gumaling?”, ang pahayag ni Geno.

________ 2. “Magandang umaga po, Binibining Lopez!”, ang masiglang bati ni Mia sabay ngiti
sa gurong paparating. Naisip niya na ang problemang dulot ng pag-aaway ng kaniyang magulang
ay hindi dapat dinadala sa paaralan.

________ 3. “ Handa ka na ba sa pagsusulit mamaya? Hindi ba bumagsak ka noong nakaraan?”


ang pang-aasar ni Rigor kay Sean. “Nag-aaral yata akong mabuti at sigurado akong kayang-kaya
ko ang pagsusulit mamaya!” ang masayang sagot ni Sean.

________ 4. “Inay, alam ko na hindi sapat ang kita ni Itay kaya hindi na po muna kami bibili ng
bagong sapatos,” ang nakangiting pahayag ni Ben.

________ 5. “Amaya, umayaw na si Helen bilang pangunahing tauhan sa gaganaping


pagtatanghal, ikaw ang naiisip naming papalit sa kaniya,” ang sabi ni Ginoong Milan.
“Napakahirap po ng papel na iyon ngunit sa ibinibigay po ninyong suporta sa akin ay buong puso
ko po itong tinatanggap!” ang masayang sagot ni Amaya.

________ 6. “Ramon, bakit ka umiiyak? Sabi ng aking ina, ang problema at pagsubok ay lagging
may solusyon. Sige na, punasan mo na ang luha mo at tutulungan kitang hanapan ng solusyon ang
problema,” ang pahayag ni Tony sa kaibigang nababahala.

________ 7. “Uy, di ba noong isang taon sumubok ka rin upang maging miyembro ng volleyball
team? Hindi ka nakuha di ba? E, bakit susubok ka ulit?” ang nang-aasar na tanong ni Roy kay
Reese. “ Oo nga, pero mas malakas at mas magaling na ako ngayon kaysa dati, kaya alam ko na
makakapasok na ako at mapipili bilang isa sa mga miyembro ng koponan,” ang kompiyansang
sagot ni Reese.

________ 8. “Ang sabi ni Tatay, kahit malungkot ka o may dinaramdam, dapat ka pa ring ngumiti
upang maging positibo ang iyong kaisipan at damdamin,” ang masayng pagbabahagi ni Onin sa
kaniyang kaibigan na si Miro.

________ 9. “Ginang Morales, nais ko po na ako ang manguna sa paghahanda ng programa para
sa ating Christmas party. Alam ko po ang aking kakayahan. Magagawa ko po ito nang inyong
inaasahan,” ang may pagmamalaking pahayag ni Belle.

________ 10. “Anak, gabing-gabi na ay gising ka pa,” ang nag-aalalang sabi ng nanay ni Marta sa
kaniya. “Inay, dinodoble ko po ang sipag ko sa pag-aaral. Gusto ko po talagang magkaroon ng
mataas na marka upang mabigyan ko kayo ng karangalan at kasiyahan,” ang masayang pahayag
ni Marta sa ina.

Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang 4 DMMMSU-SLUC ELS


August 29- September 2, 2022
4

C. Lagyan ng tsek ang patlang kung ang pagsubok sa bawat bilang ay iyo nang naranasan.
Pagkatapos, isulat sa ikalawang hanay ang solusyon na iyong ginawa upang ito ay
mapaglabanan.

Pagsubok Solusyon
______ 1. Nakakuha ka ng mababang
marka sa isang asignatura.

______ 2. May kamag-aral kang laging nang-


aasar sa iyo. May pagkakataon din
na kinukuha at sinisira niya ang
gamit mo.

______ 3. Ikaw ang pinuno ng inyong grupo


ngunit tila hindi naniniwala ang mga
kasamahan mo sa iyong kakayahan.

______ 4. Nais mong maging bahagi ng isang


grupo na kilala sa husay sa
pagsasayaw ngunit hindi ka
natanggap dahil hindi sapat ang iyong
kakayahan.
______ 5. May sakit ang iyong ama kaya
medyo nagigipit sa pera ang inyong
pamilya.

______ 6. Iilan laman ang kaibigan mo


bagama’t pangarap mong
magkaroon ng maraming kaibigan.

______7. Sinisisi ka ng iyong mga kasama sa


pangkat dahil sa iyong pagkakamali
sa inyong pangkatang pagtatanghal
kung kaya mababa ang inyong
nakuhang marka.

______ 8. Nagkakaroon ng hindi


pagkakaunawaan ang nanay at tatay
mo. Lagi silang nag-aaway at
nagdudulot ito sa iyo ng pagkabalisa.

______ 9. Kinausap ka ng iyong guro dahil


napansin niya na malimit kang hindi
nakikinig at nakikiisa sa klase. Ang
iyong marka ay naapektuhan dahil sa
hindi magandang ugali mong ito.

______ 10. Ipinagkatiwala sa iyo ng iyong


guro ang isang gawain ngunit hindi
mo ito nagawa nang maayos.
Kinausap ka ng iyong guro at sinabi
niya na bibigyan ka niya ng isa pang
pagkakataon.

Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang 4 DMMMSU-SLUC ELS


August 29- September 2, 2022
5

D. Isipin kung sino-sino o ano-ano ang nagbibigay sa iyo ng lakas. Gumupit sa mga
lumang diyaryo o magasin ng mga larawan na pinagmumulan ng iyong tatag ng loob
at idikit ito sa mga speech balloon. Pagkatapos, isulat sa ilalim ng larawan kung paano
ito nakakatulong upang patatagin ang iyong loob sa gitna ng pagsubok.

_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________

_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________

Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang 4 DMMMSU-SLUC ELS


August 29- September 2, 2022

You might also like