You are on page 1of 32

SAN JUAN ELEMENTARY

SCHOOL
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 6

QUARTER 1
WEEK 2
Layunin:
-Nakapagsusuri nang mabuti na may
kinalaman sa sarili para sa ikabubuti nang
lahat.
Katatagan ng loob
Unang Araw
Jumbled Letter:
Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang salita.
1. N I M R I P A U N A G N P I S I P A

2. K S B U A N A G S N I A I P

3. P U R A S G U S I N G E R P S N A O L

4. A M T A N G EDISYSYNO
Pagganyak
 Para kanino ka bumabangon?
Ano ang gusto mong marating sa
buhay?
Pagtatalakayan
Mga Gabay na Tanong:
1. Anu-ano ang mga katangiang taglay ni Vincent na dapat
nating tularan?
2. Sinu-sino at ano ang nagpapatatag ng loob ni Vincent?
3. Paano niya ipinakikita ang kanyang katatagan ng loob?
4. Ano ang magiging epekto ng pagiging matatag ni Vincent sa
hinaharap?
5. Ikaw ba ay isang batang matatag? Paano mo ito maipapakita?
Paglalapat:
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pangungusap . Isulat sa
kuwaderno ang inyong sagot.
______ 1. Ang tunay na tagumpay ay pagsisikap at patuloy na
pagbangon sa bawat kabiguan at pagkakamali.
______ 2. Ang problema ay ginawa para sukuan at pahinain ang
ating loob.
______ 3. Ang pagkatalo ay mapait na bahagi ng buhay, kaya
hindi dapat ito maranasan ng sinuman.
______ 4. Nananampalataya ka sa Diyos na Siyang tunay na
nagpapatatag ng ating loob at paninindigan.
______ 5. Ipinapakita mo na kahit hindi ka matalino ay may
mga kakayahan ka.
Paglalahat:
Repleksiyon:
a. Naniniwala ka ba na ang pagkakaroon ng
matatag na kalooban ay makatutulong upang
maging matagumpay sa hinaharap?
Ikalawang
Araw
Balik-Aral:
a. Ano ang ating naging
aralin kahapon?
Gustong-gusto ng pamilya ni Khiel na
matapos siya ng pag-aaral. Ngunit hindi
ito madali dahil sa kanilang barangay na
nasa liblib na lugar ay walang
Pagtatalakayan: transportasyon patungo sa
pinakamalapit na paaralang
Suriin natin ang elementarya. Ang bawat mag-aaral ay
sitwasyon. kinakailangan sumakay ng bangka
upang makarating sa paaralan kahit
nahihirapan, sinisikap ni Khiel na
makapasok sa paaralan araw-araw
upang makatapos siya ng pag-aaral.
n :a y a k a l a t a t g a P

a. Anong
Talakayin at katangian ang
sagutin sa klase. ipinakikita ni
Khiel?
a. Matiyaga mo bang
Paglalapat: ginagawa ang mga gawain
sa paaralan kahit may mga
panahong nahihirapan ka?
Paglalahat:
- Ang katatagan ng loob ay naipakikita sa
gawaing nagpapabuti sa iyo kahit gaano pa
ito kahirap. Mahalaga ang katatagan ng loob
sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
Repleksiyon:
a. Bilang mag-aaral, paano mo
maipapakita ang pagiging matatag?
Ikatlong
Araw
UNANG MAIKLING
PAGSUSULIT
Pamamaraan:
1. Pagganyak
2. Paghahanda ng
lapis/ballpen at papel
3. Pagbibigay ng panuto
4. Pagbibigay ng pagsusulit
5. Pagsubaybay ng guro
I. Isulat ang masayang mukha  kung ang sumusunod na sitwasyon ay
nagpapakita ng pagsusuri sa sarili at pangyayari at malungkot na mukha 
kung hindi.
_____ 1. Kinausap si Carlo ng kanyang ina na uunahin
muna niyang ibili ng gamit ang kanyang kapatid dahil
bukod sa kapos ang kanilang pera, magtatapos na ang
iyong kapatid sa kolehiyo. Nangako naman ang ina na siya
naman ang ibibili sa susunod na pagsahod. Naunawaan
naman ito ni Carlo.
_____ 2. Nangako ang ama ni Louis na ibibili sya ng bagong
cellphone pagdating ng sahod nito. Subalit ng dumating ang
araw ng pagsahod, may biglaang pinagbayaran ang
kanyang ama kaya hindi ito nakabili. Nagtampo at
nagkulong sa silid si Louis.
_____ 3.Kinailangang mapahinto sa pag-aaral si Marie dahil
nagkasakit ang kanyang ama at kailangan magpahinga sa
pagtatrabaho. Dahil gustong makapag-ipon sa pag-aaral at
para makatulong na rin sa pamilya, tumanggap siya ng mga
part-time job.
_____ 4. Sinisisi ni Joseph ang kanyang magulang dahil sa
pagiging mahirap ng kanilang buhay. Aniya kung nagsikap
lamang sana ang mga ito ay hindi magiging ganoon ang
kanilang buhay.
_____ 5. Hindi nakamit ni Lorraine ang unang karangalan sa
kanilang paaralan. Ipinaliwanag ng kanyang guro ang dahilan
kung nagkaganoon ang kanyang pwesto. Naunawaan naman ito
ni Lorraine.
______ 6. Ang batang si Cristina ay laging naninindigan
laban sa masamang gawa kahit magalit ang nakararami.
_____ 7. Inutusan si Jesie ng kanyang nanay na mamili sa
Supermarket dala ang listahang kanyang ipamimili. Sa
kanyang paglilibot nakita ang isang produktong iniindorso
ng kanyang idolo. Agad nya itong binili at tinipid ang
padalang pera ng ina upang mabili din ang lahat ng nakatala
sa listahan.
_____ 8. Magkasunod na pumanaw ang mga magulang ni
Rowel. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid. May
naiwang panaderya na negosyo ang kanilang magulang.
Nagpasya siyang ipagpatuloy ang negosyong iyon upang
matugunan ang pangangailangan nilang magkakapatid.
_____ 9. Labag sa alituntunin ng inyong paaralan ang
pagsusulat sa dingding. Nakita mong sinusulatan ng
ilang kamag-aral ang dingding kaya agad mong
ipinaalam sa guro ang kanilang ginawa.
_____ 10. Nasira ng nakababatang kapatid mo ang
iyong proyekto sa EPP. Isang linggo mo itong
pinaghirapang gawin. Pinili mong huwag magalit
dahil alam mong bata pa siya at hindi pa niya
nauunawaan ang kanyang ginawa.
Ikaapat at
Ikalimang Araw
Performance
Task #1

You might also like