You are on page 1of 12

Department of Education

Region III
Schools Division of Zambales
Municipality of Sta. Cruz
GUINABON ELEMENTARY SCHOOL
PAUNANG SALITA

Ang Self - Learning Kit na ito ay binuo upang


mahasa pa ang kasanayan ng mga mag-aaral na
nasa Ikalimang Baitang sa konseptong pagtukoy sa
simuno at panaguri sa pangungusap.
Nawa’y maging kapaki-pakinabang ang Kit na
ito.
LAYUNIN:
Natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap
(F5WG-IIIi-j-8)

SANGGUNIAN:
K to 12 Gabay Pangkurikulum Filipino 5 pahina 100

I. ANO ANG NANGYARI?


Isulat ang T kung ang pangungusap ay tumutukoy sa
tao at B kung bagay.
___1. Ang aking kaibigan ay mapagkakatiwalaan.
___2. Malawak ang palaruan sa paaralan.
___3. Ipinagmamalaki ko ang aking ina.
___4. Patok sa masa ang bagong labas na gadyet.
___5. Kaaya-aya sa paningin ang mga halaman sa
aming paaralan.
___6. Bumisita si Pangulong Duterte sa mga nasalanta ng
bagyong Ompong.
___7. Isang mahusay na mang-aawit si Regine Velasquez.
___8. Ang tekhnolohiya ay nakatutulong sa buhay ng
tao.
___9. Ang mga Pilipino ay may matibay na paniniwala sa
Panginoon.
___10. Abala ang mga mag-aaral sa darating na
panauhin.
II. ANO ANG DAPAT MONG MALAMAN?

Ang pangungusap ay bahagi ng iyong aralin. Ito ay


binubuo ng simuno at panaguri.
Simuno ang tawag sa pinag-uusapan sa loob ng
pangungusap.
Panaguri naman ang tawag sa mga salitang
naglalarawan o nagpapaliwanag sa simuno.

Nais kong balikan mo ang mga pangungusap sa


unang bahagi ng iyong pag-aaral.

Ating tukuyin sa unang bilang ang simuno at


panaguri.
Ang aking kaibigan ay mapagkakatiwalaan.
Sagot:
Simuno– Ang aking kaibigan
Panaguri-ay mapagkakatiwalaan

Mahusay! Iyong natukoy kung alin ang simuno at


panaguri.

Matutukoy mo pa ba ang simuno at panaguri sa


pangungusap bilang 2 hanggang 10?

Kung ganoon, handa ka na sa mga susunod na


gawain.
KAHANGA-HANGA SI INAY

Ako ay mag-aaral sa
ikalimang baitang. Isa rin ako
sa nangunguna sa klase. Ito
ay dahil kay Inay. Ang lahat
ng pangangailangan ko ay
ibinibigay niya.
Tanging si Inay lamang
ang nagtataguyod sa akin.
Gayunpaman, hindi ko
naramdaman ang
kakulangan sa kalinga ng
isang ama sapagkat
nagagampanan niya ito.

Siya rin ang itinuturing kong inspirasyon sa buhay


sapagkat siya man ay mag-isa, hindi niya ako
pinababayaan.
Sa kabila ng kanyang edad, pinili pa rin niyang
bumalik sa pag-aaral. Itinuloy niya ang kurso upang
maging isang ganap na guro. Larawan si Inay ng
pag-asa at pangarap ng bawat tao anuman ang
katayuan sa buhay.
Kahanga-hanga si Inay kung kaya gagawin ko
ang lahat upang kapwa namin maabot ang
tagumpay sa buhay.
III. ANO ANG NATUTUNAN?

GAWAIN BILANG 1
Tukuyin ang simuno at panaguri sa bawat pangungusap.
Isulat sa kahong nakalaan sa ibaba.

1. Ako ay mag-aaral sa ikalimang baitang.


2. Ang pangangailangan ko ay ibinibigay ni Inay.
3. Si Inay ay inspirasyon ko sa buhay.
4. Siya ay may katangiang nais kong tularan.
5. Edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan.

BILANG SIMUNO PANAGURI

5
GAWAIN BILANG 2

Isulat ang S ang pariralang may salungguhit ay simuno


at P naman kung panaguri.
____1. Sina Mara at Clara ay magkapatid.

____2. Puno ng makulay na parol ang tahanan ni Roy.

____3. Ang Pasko ay nalalapit na.

____4. Ang aking pangarap ay maging isang guro.

____5. Napinsala ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa


nagdaang bagyo.

____6. Ang bayan ng Sta. Cruz ay sagana sa likas na


yaman.

____7. Ang mga guro ay dumalo sa isang pagtitipon.

____8. Ang mga mag-aaral ay masayang naglalaro.

____9. Mabilis na lumapit ang bata nang makita ang


kanyang ina.

____10. Nagsunog ng kilay ang mga mag-aaral dahil


sa nalalapit na pagsusulit.
GAWAIN BILANG 3

Lagyan ng tsek (/) kung ang mga salitang may


salungguhit ay simuno o at ekis (X) kung hindi.

___________1. Malakas na buhos ng ulan ang


sumalubong sa mga magkakaibigan.
___________2. Buong pusong nagpasalamat ang Pangulo
sa mga nakiisa sa programa.
___________3. Ang Bulkang Pinatubo ay dinarayo ng
maraming turista.
___________4. Nakiisa ang lahat ng mga magulang sa
proyekto ng PTA.
___________5. Abala ang magkakapatid sa paggawa ng
parol at makukulay na pasabit.
___________6.Pagbibigayan ang tunay na diwa ng Pasko.
___________7. Lagi kong tinatandaan ang mga bilin ng
aking magulang.
___________8. Si Ramon Magsaysay ay idolo ng mga
Pilipino.
___________9. Ang aming hardin ay sagana sa halamang
namumulaklak.
___________10. Ang mga mag-aaral ay namangha sa
pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral.
GAWAIN BILANG 4

Ikahon ang panaguri sa bawat pangungusap.

1. Ang grupo ng kababaihan ay aktibo sa gawaing


pambaranggay.

2. Mahinahon makipag-usap si Gng. Merza.

3. Ang dengue ay isang delikadong sakit.

4. Si Efren Penaflorida, Jr. ay dapat tularan ng kabataan.

5. Ang buhay ni Andres Bonifacio ay inspirasyon sa


bawat isa.

6. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging magiliw sa


panauhin.

7. Dinarayo ang Lungsod ng Baguio sa panahon ng


tag-init.

8. Nagsisikap sa pag-aaral ang batang si Ana.

9. Si Bb. Reyes ay nagtapos sa isang kilalang unibersidad.

10. Ang bayan ng Sta. Cruz ay isa sa nangungunang


bayan sa lalawigan ng Zambales.
GAWAIN BILANG 5
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng
pagtukoy sa angkop na panaguri na nasa loob ng
kahon.
1. Ang Hermana Menor ay ____________________________.

2. Si Dr. Jose Rizal ay ___________________________________.

3. Ang Araw ng Kalayaan ay __________________________.

4.Ang drayber ng traysikel ay __________________________.

5. Ang mga guro ay ___________________________________.

A. marahan sa pagmamaneho

B. ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo

C. nagsisilbing pangalawang magulang ng mga


mag-aaral

D. nagbuwis ng buhay para sa bayan

E. matatagpuan sa bayan ng Sta. Cruz


Isinulat ni :

JAY ANN M. CASTILLO


Guinabon Elementary School
Sta. Cruz District
Ang konsepto ng simuno at panaguri bilang
bahagi ng aralin sa Filipino 5 ay kadalasang
nagdudulot ng kalituhan sa mga mag-aaral ng
Baitang 5. Nagiging sanhi ito ng pagkaantala ng
kanilang kaisipan sa pagkatuto sa iba pang araling
may kaugnayan sa nasabing disiplina.
Nawa’y magsilbing gabay ang kit na ito upang
mahawahan ang mga balakid tungo sa ganap na
pagkatuto ng mga mag-aaral sa Baitang 5 at muling
manumbalik ang kanilang sigla sa pag-aaral ng iba
pang araling saklaw ng asignaturang Filipino.

SANGGUNIAN:

K to 12 Gabay Pangkurikulum Filipino 5 pahina 100

You might also like