You are on page 1of 3

Ang Edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan at kaunlaran ng bawat isa

at maging sa ating bansa. Ito ang tanging pamana na maibibigay ng isang magulang sa
kanyang anak. Hindi ito parang isang alahas na maaaring manakaw sapagkat walang
sinuman ang makakakuha nito. Ito ay panghabambuhay na nasa iyo. Sa pamamagitan
ng Edukasyon magkakaroon ng solusyon ang isa sa mga problema ng bansa, ang
kahirapan
Bilang isang guro,ang aking sariling pilosopiya ay ang ihanda ang aking mga
mag-aaral para sa kanilang kaunlaran at magandang kinabukasan.Wika nga  ni Henry
Brooks Adams “ A teacher affects eternity; he can never tell where his influence stops”.
Malaki ang maiaambag ng guro sa magiging kinabukasan ng kanyang mga mag-aaral.
Bilang isang guro ay naglalayon ako na ibigay ang aking buong makakaya upang ituro
sa aking mga estudyante ang mga kaaalamanan na dapat nilang matutunan.Hindi
masusukat ang husay at kadakilaan ng isang guro sa bilang ng parangal na kanyang
natanggap at sa bilang ng kanyang mga matatalinong mag-aaral subalit sa bilang ng
mga mag-aaral na kanyang nabago at natulungang magkaroon ng positibong pananaw
sa buhay. Naniniwala rin ako na bilang isang guro ay layunin kong hubugin ang aking
mga magiging estudyante na maging isang kabilib-bilib na parte ng ating lipunan. 
kilalanin ng guro ang kanyang mga mag-aaral hindi lamang sa kanilang
pangalan kundi kahit sa kanilang pinagdaanan upang mas higit silang maiintindihan . 
Marami sa mga mag-aaral ngayon na kahit sa murang edad ay may mga hindi
magandang karanasan o pinagdaanan sa buhay  na nakaaapekto sa kanilang pag-
uugali at pag-aaral na siya ring dahilan upang sila’y agad mahusgahan. Dahil dito hindi
nagtatapos sa apat na sulok ng siid-aralan lamang, ang obligasyon ng guro sa kanyang
mga mag-aaral.  
Ito ang aking mga pilosopiya sa pagtuturo na umaakay sa akin upang mas
kilalanin ang bawat mag-aaral na aking nakasalamuha, hahabaan ang aking pasensya
sa kabila ng kanilang kakulitan, uunawain at gagabayan sila  sa kanilang pagkakamali
at gawing buhay na buhay at makabuluhan ang klase sa oras ng talakayan. 
Ang Pilosopiya ng Edukasyon ay tumutukoy sa mga direksyon at layunin ng mga
ipinatutupad na pamamaraan ng edukasyon tungo sa kaganapan at pagunlad ng
tao.ANgpagsasama ng mga salitang pilosopiya at edukasyon ay di maiiwasan sapagkat
pareho silang tumutukoy sa lalong ikauunlad at ikaaayos ng kalinangan ng tao; ang
pilosopiya bilang paghahanap ng kahulugan at direksyon ng tao, at ang edukasyon
bilang pamamaraan para maabot ang kaganapan at kaayusan ng tao. Kaya’t ang
Pilosopiya ng Edukasyon ay tumutukoy sa mga direksyon at layunin ng mga
ipinatutupad na pamamaraan ng edukasyon tungo sa kaganapan at pag-unlad ng tao.
Bilang isang guro ay kailangang bukas ako sa iba’t ibang uri ng pananaw,
paraan ng pagtuturo, at layunin. Tanyag na mga tagapagsulong ng behabiyorismo sina
Ivan Pavlov, na nagsulong ng klasikong conditioning; John B. Watson, na nagsulong sa
kahalagayan ng kapaligiran sa mga galaw ng tao; at B. F. Skinner na nagsulong ng
kahalagahan ng biyolohikal na salik at pang kulturang salik sa mga galaw ng tao.Ang
behabiyorismo na kung saan naniniwala na ang lahat ng pagkatuto ay dulot ng mga
salik-pisikal at panlipunan na ginagalawan ng tao. Sa gayon ay tila nagiging produkto
ang tao ng lipunan ng kanyang mga biyolohikal na kaganapan. Pinagtitibay ng pananaw
na ito na mahalagang kilalanin ng guro ang kanyang mga mag-aaral hindi lamang sa
kanilang pangalan kundi kahit sa kanilang pinagdaanan upang mas higit silang
maiintindihan . Marami sa mga mag-aaral ngayon na kahit sa murang edad ay may mga
hindi magandang karanasan o pinagdaanan sa buhay  na nakaaapekto sa kanilang
pag-uugali at pag-aaral na siya ring dahilan upang sila’y agad mahusgahan.
Ayon naman kay Gripaldo (2004), may dalawang uri ng tao sa pilosopiya ni
Rizal, ang una ay ang malaya (free) at ang ikalawa ay ang mahina o di buo (disfigured).
Ang malaya ay naabot na ang tugatog ng kanyang kakayahan at mayroon ding
pagmamahal sa bayan. Samantalang ang mahina ay takot abutin ang sariling
kasukdulan ng kakayahan at walang pakialam sa bayan, sarili lang ang iniisip.
Nagpapahiwatig na ang edukasyon ang susi upang maabot ng mahihina ang antas ng
pagiging malaya ng sa gayon ay magkaroon ng bagong tao at malaki rinang
maiaambag ng guro sa magiging kinabukasan ng kanyang mga mag-aaral.
Wagas din ang pananalig ni Quito na ang unang hakbang tungo sa pagtataguyod
ng pambansang damdamin at kamalayan ay may kinalaman sa wika. Kasama niya na
nagsusulong ng ganitong kaisipan sina Zeus Salazar (1974) at Prospero Covar (1998)
ng Unibersidad ng Pilipinas. Ayon kay Quito, “sa pamamagitan ng wika, tayo ay
magbabalik sa mga ugat, sa pinakamalalim na adhikaing namamayani sa ating
bansa”(1987). Makikitang ganito rin ang punto ni Salazar sa sinabi niya na “dala ng
wika ang ating kulturang kaniya ring pinauunlad.”Ibig sabihin hindi maaabot ang tunay
na antas ng nasyonalismo ng isang tao kung hindi siya marunong magsalita ng wika ng
kaniyang bansa.Kaya hinikayat ko ang aking mga mag-aaral na mahalin,pahalagahan
at gamitin ang wikang Pambansa.Masasabing may kasaysayan ng edukasyon sa
Pilipinas, gayundin ay masasabi na may mga Pilipinong palaisip na talagang naglaan
ng panahon at kakayahan upang ito ay bigyang hugis buhat sa mga nagaganap
patungo sa mga pundasyon ng pilosopiya na sa palagay nila ay higit na magdudulot ng
kagalingan.

You might also like