You are on page 1of 3

KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO SA PILIPINAS

Ang maikling kwento ay maikli at masining.Isang upuan at sandaling panahon


lamang ang ginugugol, agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng aral,
pananabik at aliw.

A. Panahon ng Katutubo

• Ang maikling kwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man dumating


ang mga kastila sa ating kapuluan.
• Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o mga kwentong bayan.
• Tinetema ay kalikasan, diyos-diyosan.
• Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan.

Malakas at Maganda Maria Makiling


B. Panahon ng mga Kastila

• Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat


Sa panahong ito humina ang pagsulat ng maikling
kwento dahil sa pagpapalaganap ng Kristyanismo at
nagtuturo ng mga aral mula sa Bibliya
nakinapapalooban ng mga aral at utos ng Diyos.
Dito sumibol ang kakana, isang kwentong naglalaman
ng mga alamat at engkanto na ginagamit sa pang-aliw
sa mga bata, at parabula, isang kwentong naglalaman
ng aral ng Diyos.

C. Panahon ng Amerikano

Muling sumigla at umunlad ang panitika ng Pilipino dahil sa malaking impluwensya ng


panitikang Ingles. Muling lumitaw ang mga manunulat at nadagdagan pa ito ng mga
manunulat ng Ingles. Dagli- isang uri ng maikling kuwento na naging tampok ng
pamunuan tayo ng mga amerikano, kwentong nangangaral at nanunuligsa Ang mga
Dagling ito ay nalathala sa pahina ng isang pahayagan na “Muling Pagsilang: Lumitaw
rin dito ang pagsulat ng Pasingaw na tungkol sa pag-ibig, pagsuyo, o panliligaw
Deogracias A. Rosario Cruz tinaguriang “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog”.

D. Panahon ng Hapon

Tinaguriang “Gintong Pahina ng Panitikang Pilipino” dahil pinairal ng mga Hapon


ang paggamit ng wikang Pambansa sa pagsulat. Pinili ang mga pangunahing
kuwento sa isang aklat – “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino”
noong 1943.

E. Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan


Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagpatuloy ang panitikang sarili sa
pagbabagong tatag. Hindi makakailang ito ay isinagawa ng ilang mga babasahing
nagpatuloy pagkatapos ng digmaan. Kabilang sa mga babasahing ito ang Liwayway,
Ilang- Ilang ni Iñigo Ed Regalado at ang Bulaklak na muling itinatag ni Jose L. Santos
noong 1947.

Ang mga manunulat at ang panitikan sa larangan ng maikling katha ay sumulong at


lumusong dahil sa mga taong malaki ang hangaring mapaunlad ito bilang isang
mahalagang bahagi ng panitikang pambansa. At diyan ay sama-sama ang mga
kuwentista na may malasakit mapayabong ang kanilang sining at ang mga kritiko ng
maikling kuwento.

You might also like